You are on page 1of 4

Title Paaralang Panghihimpawid sa ESP-V

Topic: Pagpapakita ng tunay na pagmamahal sa kapwa: Pagsasaalang-alang sa Kapakanan ng


Kapwa .
Length: 30 minutes (Kwarter 4-LAS-5)
Scriptwriter: Reymond P. Sison
Objective: Pagkatapos makapakinig ng Episode na ito, ang mga mag-aaral sa ikalimang baitang ay
Inaasahang nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa kapwa tulad ng
pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa at sa kinabibilangang pamayanan

1 BIZ: INSERT SOA STATION ID/PROGRAM ID

2 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

3 RADIO TEACHER: Isang mapagpalang araw mga ginigiliw kong mag-aaral ng Sta. Isabel Sur

4 Elementary School! Lalong lalo na sa mga mag-aaral na

5 nasa ikalimang–baitang. Ako ay nagagalak na tayo ay magkakasama

6 sa pamamagitan ng radyo. Kumusta kayo! Alam ko na nasasabik na

7 kayo sa ating pag-aaral. Tara na at ihanda ang sarili sa panibagong

8 araw na punong-puno ng aral at kaalaman. Ako ang inyong guro sa

9 Edukasyon sa Pagpapakatao-5, Teacher Reymond, ang inyong

10 Gabay sa ere sa pag-aaral niyo sa himpapawid, sa

11 loob ng tatlumpung minutong talakayan, upang makapagbigay ng

12 panibagong kaalaman at impormasyon tungkol sa pagpapakita sa

13 pagsasaalang-alang sa kapwa at sa pamayanan. Ihanda ang LAS sa

14 ikaapat na kwarter week 1, panulat at papel. Humanap na rin kayo

15 ng magandang puwesto kung saan kayo komportable. Pwede rin

16 niyong yayain si nanay, tatay, ate at kuya o kung sino ang pwedeng

17 gagabay sa inyo para sa araw na ito. Handa na ba kayo?

18 UMPER IN THEN CROSSFADE WITH MSC

19 RADIO TEACHER: Bago tayo magpatuloy sa ating aralin sa umagang ito, akin munang

20 icheck ang attendance niyo, (PAUSE) itype lamang sa ating group

21 chat o kaya’y i click lang ang thumbs up kung kayo ay nakikinig

22 ngayon, at para naman sa walang access sa messenger, i text n’yo


23 lang ako sa aking numero na 09262141096 sa mga TM at Globe

24 users, i- type lang ang present at pakilagay na rin ang section! (PAUSE)

25 Wow! Talaga naman marami ang nakikita kong nag thumbs-

26 up, nagchat at nagtext. Salamat mga anak sa partisipasyon o

27 pakikibahagi, ito ay nagpapakita na kahit anong hadlang na hatid ng

28 pandemya patuloy pa rin ang kagustuhang mag-aral

29 UMPER IN THEN CROSSFADE WITH MS

30 RADIO TEACHER: Akin munang ibigay sa inyo ang aking pagbati

31 dahil matagumpay niyo nang natapos ang mga modyul at LAS sa una

32 hanggang ikatlong – markahan.Atin na namang simulan ang panibagong

33 modyul para sa ikaapat na markahan upang higit pang lumawak ang

34 inyong kaalaman. Mayroon ditong naihandang mga Gawain, tulad ng

35 pagsagot sa mga tanong na napapaloob sa kuwento na may kinalaman sa

36 pagtulong sa iba. Para sa pagpapatuloy, akin munang basahin ang

37 introduction para sa bagong aralin.) Isang kahanga-hanga at maipagmama

38 laking katangian ng mga Pilipino, ay ang maayos na pakikipag-ugnayan sa

39 kapwa. Dahil walang taong nabubuhay para sa sarili lamang, kailangang

40 tanggapin na kailangan natin ang bawat isa. Sa panahon kung saan may krisis

41 sa mundo dahil sa pandemya, dito naipapakita ang pagmamalasakit, pagma

42 mahal at pagtutulungan kahit na sariling buhay at pamilya pa ang nakataya..

43 Ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit tayo ay nabubuhay, ay para

44 maglingkod sa ibang tao at sa Diyos. Aking babasahin ang isang kuwento,

45 tungkol kay Leo, isang frontliner na handang isaalang-alang ang buhay, para

46 makatulong sa kapwa. Makinig mabuti upang masagot ninyo ang mga

47 katanungan mamaya sa pahina 1. Handa na ba kayong makinig mga bata?

48 (BASAHIN NG GURO ANG KUWENTO NA NASA LAS)

49 Hindi lingid sa lahat ng tao, ang pandemyang bumabalot sa buong mundo.

50 Kasabay nito ang pag-usbong ng mga bayani. Isa sa kanila ay si Leo,nagtatraba

51 ho bilang nars sa isang pampublikong ospital.Araw-araw siyang pumapasok sa

52 pamamagitan ng pagbibisikleta dahil sa walang pampublikong sasakyan.

21 Matapang at matiyaga niyang ginagawa ang kanyang tungkulin,tulad ng


53 Matapang at matiyaga niyang ginagawa ang kanyang tungkulin, tulad ng

54 pag-aalaga at pagpapagaling ng mga taong may sakit ng COVID-19.

55 Napakalaking banta na mahawaan ng nakamamatay na sakit ang mga

56 frontliner bukod pa sa nararanasang diskriminasyon mula sa ibang tao.

57 Ngunit si leo at marami pang iba ay patuloy na naglilingkod kahit pa ang

58 buhay ay nakataya alang-alang sa pamilya at kinabibilangang komunidad.

59 Kasama ng mga frontliners na pumanaw na marapat lamang na sila’y

60 tawaging makabagong bayani.

61 1. Anong pangyayari sa buong mundo ang nagpakilala sa mga makabagong bayani?

62 2. Anong banta ang kinaharap ni leo at ng iba pang frontliners habang

63 ginapampanan ang kanilang tungkulin?

64 2. Paano nakakapasok si Leo araw-araw sa kanyang pinagtratrabahuan

65 na ospital?

66 3. Anong tawag sa makabagong bayani?

67 4. Bukod sa mga nars, may kilala ka pa bang frontliners? Magbigay ng isa

68 isa o dalawa

69 Okey class, tutal nasagot na lahat ang mga tanong (PAUSE)

70 INFOMERCIAL 1:

71 RADIO TEACHER: Dako tayo sa Gawain 2 sa pahina 2 ng inyong LAS. Tingnan ang nasa

72 larawan,ito ay mga larawan ng mga frontliner na isinasabuhay ang

73 tunay na paglilingkod sa kapwa. Ibigay ang kanilang mga katangian.

74 Gusto ko lang sabihin ang sumusunod na criteria sa pagbibigay ng puntos

75 sa inyong mga sagot:

76 5 puntos-Kapag nakapagbigay ng pitong (7) katangian

77 4 puntos-Kapag nakapagbigay ng lima (5) o anim (6) na katangian

78 3 puntos-kapag apat (4) ang naibigay na katangian

79 2 puntos-tatlo (3) ang katangian na naibigay

80 1 puntos-kapagisa (1) o dalawa (2) ang naibigay na katangian

81 Tapos niyo na ba class? Bilang pangwakas ay ito lang ang masasabi ko


82 ay tunay na naipapakita ang kabutihan at pagmamahal sa pamamagitan

83 ng paglilingkod o pagseserbisyo sa ating kapwa. Sa pamamagitan ng ating

84 pakikiisa ay mailalahad ang pagbibigay ng pag-asa sa mga suliraning ating

85 naranasan lalo na sa panahon ngayon na may pandaigdigang krisis. Sa

86 simpleng paraan mo bilang isang batang mag-aaral,paano mo kaya

87 Isaalang alang ang iyong kapwa?

BIZ: MSC UP 3 SEC AND THEN UNDER

88 RADIO TEACHER: Bilang paglalagom sa natutunan ninyong aralin ngayon ay punan ang

89 pangungusap na ito. Ang natutuhan ko sa araling ito ay ___________

90 __________________________________________________________

91 Pwede niyo ako ulit itext sa numerong ibinigay ko kanina o ichat para

92 sa inyong kasagutan.Para mapalawak ang inyong kaalaman sa ating aralin

93 inyo itong isabuhay sa pang araw-araw na Gawain sa simpleng paraan na

94 inyong magagawa. (PAUSE) Kung meron kayong katanungan itext lang ako

95 o ichat sa group chat natin.(PAUSE)

96 RADIO TEACHER: Sa pagkakataong ito, nais kong magpasalamat sa mga magulang na

97 patuloy na gumagabay at sumusuporta sa kanilang mga anak at sa

98 kagawaranng Edukasyon.

98 Muli ang inyong guro sa radio, Teacher Reymond, para sa Edukasyong

99 Pagpapakatao-5, na muling nag-aanyaya sa inyo na magkarinigan tayo

100 sa susunod na Linggo,ganitong oras at araw ditto pa rin sa 101.5 GME

101 Campus , Sa Istasyong Ito, Kaalaman Sagot ko.

102 mag-iiwan ng mga katagang “Ano mang krisis ang pinagdadaanan, ito’y

103 malalabanan kung tayo’y nagtutulungan, walang unos ang di malalam

104 pasan”.

CLOSING- EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-5

THEN FADE OUT

You might also like