You are on page 1of 7

Pagiging magiliw at palakaibigan p.

Title: Paaralang Panghimpapawid sa Grade 2 Edukasyon sa Pagpapakatao


Topic: Pagiging Magiliw at Palakaibigan
Format: School on-the-air
Scriptwriter: Maria Elsa A. Castañeda
Objective: Nakapagpapakita ng pagkamagiliwin at pagkapalakaibigan na may
pagtitiwala sa mga kapitbahay, kamag-anak, kamag-aral, panauhin/bisita, bagong
kakilala, at taga-ibang luga

1 BES: INSERT SOA PROGRAM ID

2 INTRO BES MSC UP FOR SECS AND FADE UNDER

3 TAGAPAGDALOY: Magandang araw! Mga mahal naming mag-aaral sa

4 Ikalawang baitang. Gayon din po sa mga tagapakinig ng himpilang ito!

5 Inaasahan po namin, na kayo ay mananatiling nakatutok,

6 Sa loob ng 30 minuto, dito lamang po, sa ating, Programa sa Radyo.

7 Ang paaralang Panghimpapawid, ng Nabua East District

8 Mula sa Mababang Paaralan ng Bustrac,

9 Ako si Professor MARIA ELSA A. CASTAÑEDA.

10 MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

11 Ngayon, nais kong kunin ninyo ang inyong Kwarter 2, Modyul 1,

12 Sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Inuulit ko Kwarter 2,

13 Modyul 1 sa Edukasyon sa Pagpapakatao.

14 Pakihanda po ang inyong lapis at papel para sa mga Gawain.

15 Mga mahal kong mag-aaral sa Ikalawang baitang,

16 Handa na po ba kayo? (HINTO)

- MORE -
Pagiging magiliw at palakaibigan p.2

1 Ngayong araw, pag-aaralan natin ang tungkol sa,

2 Pagiging magiliw at palakaibigan (ULITIN)

3 MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

4 TAGAPAGDALOY: Ano ba ang dapat nating gawin para maipakita natin ang

5 pakikipagkapwa tao? Alam po ba ninyo ang iba’t –ibang paraan ng

6 pakikipagkapwa tao? Para masagot ang mga katanungang ito, nais kong

7 ipakilala muna ang inyong Professor sa radio, ating palakpakan si

8 Professor ____________________, Mula sa Mababang Paaralan ng

9 Bustrac. (PALAKPAKAN)

10 BES: LESSON ID

11 MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

12 PROFESSOR: Magandang araw, mahal naming mga mag-aaral sa Ikalawang

13 baitang! Ako ang inyong professor, Si Professor _______________.

14 Ngayong araw, malalaman natin, ang iba’t ibang paraan

15 ng pakikipagkapwa-tao tulad ng,

16 Pagiging magiliw at palakaibigan (ULITIN)

17 Alam ko,na alam na ninyo ang tamang paggamit ng modyul.

18 Tara, simulan na natin…

19 BES STINGER MSC UP TO3 SECS AND UNDER

20 Pakibuksan po ang inyong modyul sa pahina 1, basahin natin at unawain

21 ang panuto upang lubos nating maunawaan kung ano ating gagawin.

-MORE -
Pagiging magiliw at palakaibigan p.3

1 Halina’t sabayan ninyo akong basahin ang panuto.

2 Iguhit ang masayang mukha kung tama ang

3 pag-uugali na ikinikilos sa bawat pangungusap at malungkot naman kung hindi.

4 Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

5 Handa na po ba kayo mga bata? para sa unang bilang….

6 Magiliw kong kinakausap ang aming mga panauhin.

7 Para sa ikalawa… Kung may bago akong kakilala, iniiwan ko siya

8 sa isang tabi. Pangatlo…. Kung may bagong tao sa aming lugar, magi -

9 liw akong nakikipag-usap sa kanya na may pag-iingat.

10 Pang-apat… Tumatago ako sa likod ni nanay kapag may-

11 roon siyang kausap na di ko kakilala.

12 At ang panglima… Pinatutuloy ko sa aming bahay ang aming

13 mga bisita. Ngayon, alamin natin kong tama ang inyong mga sagot.

14 BIZ: MSC UP TO 3 SECS AND UNDER

15 Buksan uli ang inyong modyul sa pahina 2.

16 Tingnan, kung Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng pagiging

17 magiliw at palakaibigan sa kanilang mga kapitbahay, kamag-anak at kamag-aral.

18 Piliin ang titik ng larawan.

19 BIZ: MSC UP TO 3 SECS AND UNDER

20 Tama, ang mga larawang nagpapakita ng pagiging magiliw at palakaibigan

21 Ay ang mga titik B, C,E, at F.


Pagiging magiliw at palakaibigan p.4

1 Ngayon naman, nais kong basahin at unawain ninyo ang kuwento sa pahina 4,

2 At sagutan ang mga tanong saka isulat sa kuwaderno.

3 PLAY SONG CUE IN; XXXXXX THEN CUE OUT:XXXXXX

4 Tapos na po ba? OK, tingnan natin ang inyong mga sagot.

5 Para sa unang tanong, Ano ang ginagawa ni Carlo pagkagising sa umaga?

6 Tama! Magiliw na binabati niya ang kanyang pamilya at kapitbahay.

7 Sunod ay ang pangalawang tanong. Ano ang ginawa ng mga kalaro ni Carlo

8 sa Ita? Tama! Tinukso nila ang Ita. Pero tama ba tuksuhin ang mga Ita o ang

9 ibang tao? Hindi po…

10 Pangatlo, Tama ba ang ginawa ni Carlo na pagsabihan ang kanyang

11 mga kalaro sa panunukso sa Ita? Magaling! Tama, dahil mali ang ginawa

12 nilang panunukso.

13 Pang-apat, Paano niya pinakitunguhan ang kanyang kaibigang pilay?

14 Mahusay! Inalalayan niya si Lito at inalok na sumali sa laro.

15 At ang panglima, Anong ugali ang ipinakita ni Carlo sa kwento?

16 Magaling! Siya ay magiliw at palakaibigan na bata.

17 Kaya dapat, simula ngayon gayahin natin si Carlo para mas

18 marami tayong kaibigan.

19 Dapat nating ipakita sa ating mga kapitbahay, kamag-anak at kamag-aral

20 ang pagiging magiliw at palakaibigan ng may pagtitiwala.

- MORE -
Pagiging magiliw at palakaibigan p.5

1 Kakilala o hindi, kaibigan o panauhin ay dapat nating pakitunguhan ng

2 pagiging magiliw. Kaibiganin natin sila ng may pagtitiwala at pagiingat.

3 Ngayon, Natutuwa ako sa inyo! Alam na ninyo ang mga paraan ng

4 pakikipagkapwa-tao. Hanggang sa susunod ninyong pakikinig!

5 Ako ang inyong tagapagturo sa radio, professor _________. Salamat!

6 BES STINGER: MSC UP TO 3 SECS AND UNDER

7 TAGAPAGDALOY: Maraming salamat professor ____ sadyang namumukod

8 Tangi ang iyong galing sa pagtuturo! ( PALAKPAK)

9 At ngayon, panahon na para sa pagtataya, handa na ba kayo?

10 Kunin na ang inyong lapis at pael, buksan ang inyong modyul sa pahina 13

11 Para sa huling pagsubok.

12 BES STINGER: MSC UP TO 3 SECS AND UNDER

13 Lagyan ng tsek (/) kung nagpapakita ng pagiging magiliw at palakaibigan

14 at ekis (X) kung hindi. ( ULITIN)

15 Tara’t sabayan ninyo ako sa pagbasa ng mga pangungusap.

16 (BASAHIN ANG MGA PANGUNGUSAP SA PAHINA 13-14)

17 Tapos na po ba? Gusto na ba ninyong malaman kung tama

18 ang inyong mga kasagutan?

19 Sandali lamang po, magbabalik ako makalipas ang ilang paalala!

20 INFOMERCIAL 60 SECS CUE IN XXXXX CUE OUT OUT

- MORE -
Pagiging magiliw at palakaibigan p.6

1 Nandyan pa po ba kayo? Gusto na ba ninyong malaman ang mga tamang

2 sagot? Heto na, para sa unang bilang ang sagot ay tsek, pangalawa ay

3 ekis, pangatlo ay ekis, pang apat ay tsek, at ang panglima ay tsek.

4 Mahusay! Alam ko, na lahat tama ang inyong mga sagot.

5 Kung may nakuhang mali huwag malungkot dahil may panahon

6 pa kayong balikan at basahing muli upang lubos na maunawaan ang

7 inyong modyul. At para sa karagdagang Gawain, Tingnan ang larawan

8 sa pahina 14. Umisip ng dalawang paraan kung paano mo pakikitunguhan

9 ang batang may kapansanan.

10 Hanggang sa susunod! Abangang muli at tumutok sa ating

11 Paaralang panghimpapawid! Muli, ako si Professor _______________

12 na laging nag papaalala, hindi man magmana ng salapi,

13 magmana man lang ng mabuting ugali. babayyy!

14 BES: MSC UP THEN OUT

- END -

You might also like