You are on page 1of 11

1

6y
Aralin
Pagkilala sa Elemento at Katangian ng Dula Batay sa

6 Nabasang Usapan o Diyalogo

Mga Inaasahan

Sa araling ito, babasahin at isasagawa mo ang mga nakahandang gawain na


makatutulong sa iyo upang matuklasan ang isang dula na kaiba sa iba pang uri ng
anyong tuluyang pampanitikan.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod


na kasanayan :

1. Nauuri ang tiyak na bahagi ng dula batay sa napakinggang diyalogo o pag-


uusap (F9PN-IIg-h-48)
2. Nasusuri ang binasang dula batay sa pagkakabuo at mga elemento nito
(F9PB-IIg-h-48)
- Nakapagbibigay ng sariling opinyon tungkol sa mga pangyayari sa binasang
dula
- Naihahambing ang mga pangyayari sa binasa/napanood na dula sa
kasalukuyang panahon.
- Nakasusulat ng sariling pagwawakas sa binasang dula.

Alam kong nais mo nang magsimula sa ating aralin, pero subukin mo munang
basahin at sagutan ang paunang pagsubok.

Paunang Pagsubok

Basahin ang ilang tagpo sa usapan ng isang mag-ina. Pagkatapos nito ay


sagutan ang ilang mga katanungan sa ibaba mula sa iyong nabasa. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Sanla

Aling Bebeng: Anak, kailangan mong magpakasal sa anak ni Don Palacios na si


Johnlloyd sobrang baon na kami ng tatay mo sa dami ng utang para sa pag-
aaral ninyong magkakapatid, lalo na ang kuya mo na nasa kolehiyo na sa
Maynila.

Marinella: Nay, bakit po ako ang kailangang sumapo sa lahat ng pagkakautang ng


pamilya natin? Wala na po bang ibang paraan para mabayaran po yun kahit
paunti-unti? Patuloy naman pong nagsasaka si tatay ah.

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikaanim na Linggo
2

Aling Bebeng: Anak, nagpadala na ng liham si Don Palacios sa abogado niya na


kapag hindi tayo makabayad sa sinanla nating lupa ngayong katapusan ng
buwan ay mapipilitan silang ilitin ang natitira nating lupa, ‘pag nangyari yun
mangungupahan na lang tayo sa lupa nila para makapagtanim ang tatay mo.

Marinella: Magwo-working student na lang po ako Nay, wag lang po ako maikasal
dun. Gusto ko pa pong makatapos ng pag-aaral. Ayoko pa pong magpakasal
lalo’t hindi ko naman po kilala ang anak ni Don Palacios.

Aling Bebeng: Balita ko anak mabait naman daw ang anak na yon ni Don Palacios
at nagtapos sa Amerika. Kaya di mo na kailangan pang magtapos pa ng pag-
aaral.

Marinelle: May ambisyon naman din po ako makatapos Nay at ayokong pong basta
lang umasa kahit kanino.

Aling Bebeng: Sige, subukan mong kausapin si Don Palacios kung papayag siya sa
sinasabi mong ‘ yan. Wala naman kaming magagawa ng Tatay mo kung ayaw
mo talaga.

Marinella: Salamat po Nay! Wala naman pong masama kung susubukan natin.
Maawain din naman po siguro yun.

Aling Bebeng: Bahala ka na nga, kapag hindi pumayag yun siguradong


habambuhay na kami maninilbihan ng tatay mo sa pamilya nila hangga’t di
nakakatapos ang kuya mo.

Marinella: Tiwala lang po Nay, makakaahon din po tayo sa kahirapan. Malapit na


naman po makatapos si kuya at mag-aaral din po akong mabuti. Pangako Nay,
makuha man po sa atin ang lupa na yon, titiyakin ko po na papalitan ko po
iyon pagdating ng panahon.

1. Relasyon ng dalawang nag-uusap sa dayalogo.


A. mag-ina B. magtiyahin C. magkaibigan D. maglola
2. Suliraning kinakaharap ng mag-ina sa usapan.
A. panggastos sa araw-araw
B. pag-ilit sa isinanlang lupa.
C. pambayad sa tuition ng kapatid
D. pagpapakasal sa anak ng pinagsanlaan
3. Paano sinimulan ang usapan?
A. pagtatalo ng mag-ina
B. pagtanggi sa kagustuhan ng ina
C. pagbibigay ng solusyon sa suliranin
D. pagpapaliwanag ng bunga ng suliranin
4. “Bahala ka na nga, kapag hindi pumayag yun siguradong habambuhay na kami
maninilbihan ng tatay mo sa pamilya nila hangga’t di nakakatapos ang kuya mo.”
Ito’y nagpapahiwatig ng_________.
A. suliranin B. tunggalian C. kakalasan D. kalutasan
5. Tukuyin ang pahayag na nagsasaad ng matinding damdamin.
A. “Magwo-working student na lang po ako Nay.”
B .“Salamat po Nay! Wala naman pong masama kung susubukan natin.
C. “Anak, kailangan mong magpakasal sa anak ni Don Palacios na si
Johnlloyd”
D. “Nay, bakit po ako ang kailangang sumapo sa lahat ng pagkakautang ng
pamilya po natin?”
Bago tayo magpatuloy, sulyapan nating muli ang nakaraang aralin tungkol sa
maikling kuwento, iyo munang basahin ang kwento ng isang kabataang naka-
quarantine sa bahay sa loob ng ilang buwan dahil sa pandemya. Sigurado ko makaka-

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikaanim na Linggo
3

relate ka rito. Pakisagutan mo na rin ang mga tanong sa ibaba matapos mo itong
basahin.

Balik-tanaw

Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.
‘I-lockdown Mo Ako sa Puso Mo’

Kawawa naman si kuya, mula ng mag-ECQ akala mo laging may buwanang-


dalaw sa init ng ulo dahil di pa nga sila nagkikita ng ‘girlfriend’ nya kahit nag-GCQ na
at ngayon MECQ na naman.”Hay naku kuya wala talagang forever,”pang-aasar ko sa
kaniya. “Tumigil ka nga diyan, wag mo nga ako inisin, palibhasa walang
nagkakacrush sa iyo kasi para kang leon at tigre sa kasupladahan.” Bakit ba naman
kasi sa panahon pa namin nauso ang COVID ‘19 na yan, para tuloy kaming mga
bilanggo dito sa bahay. Buti pa noon nakakapagpangkatang-gawain pa kami sa iba’t
ibang subject at nakakapunta pa sa bahay ng mga kaklase namin pag may project,
sabay picnic na rin pag may sobrang pera sa baon..”Nay di ba natin pwede sunduin si
Yvanna at ipaalam natin sa Nanay nya na dito muna siya matulog sa atin.
Isang linggo lang naman siya mag-sleep over.”pagbabakasakali ni kuya. “Hay naku
anak nag-iisip ka ba? Kahit ako nanay ng girlfriend mo di ko papayagan anak kong
babae na makitulog sa ibang bahay. Hindi pinapayagan sa kultura natin yan. Hay
naku ‘wag ka makigaya sa ibang artista na nagli-live-in na kahit wala pang kasal baka
mabambo ka pa ng tatay mo. Disisais ka pa lang, bakit ka ba kasi nagmamadali.
Mag-Senior High School ka pa lang. Mag-aral ka munang mabuti. Ang lolo’t lola mo
nga nagkahiwalay ng panahon ng giyera makalipas ang walong taon bago sila ulit
nagkita. Kaya magpokus muna kayo sa online learning. Huwag muna magmadali.
Kung kayo talaga ang para sa isa’t isa pagdating ng araw walang magagawa ang
COVID 19 na yan,”paliwanag ni nanay. Pero sa totoo, nag-aalala rin ako na baka pag
nag-grade 9 na ko may pandemya pa rin, ‘wag naman sana. Nakakalungkot naman
kung hindi ko maranasan ang JS Prom at maisayaw man lang sana ako ni ‘Crush’.
Sana naman ma-enjoy ko ang high school life at mawala na ang virus. Nasambit ko na
lamang sa aking sarili.

1. Ang kahulugan ng lockdown ayon sa kwento ay nagpapakahulugan ng__________


A. itago B. isingit C. ikulong D. panatilihin
2. Tinutukoy sa kuwento na di kabilang sa kultura nating mga Pilipino?
A. walang pagdaraos ng JS
B. pakikitulog sa ibang bahay
C. pagkakaroon ng buwanang-dalaw
D. paglabas ng bahay kahit bawal lumabas
3. Ang ibig ipahiwatig ng buwanang-dalaw sa kwento.
A. laging mainitin ang ulo
B. may naniningil palagi ng utang
C. maraming manliligaw na dumadalaw
D. ayaw padalawin ng nanay sa kasintahan
4. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa maikling kwento maliban sa ___________
A. May iisang kakintalan
B. Tinutukoy sa tagpuan ang lugar at panahon
C. Binubuo ito ng kawing-kawing na mga pangyayari
D. Ito ay may tauhan, tagpuan,paksa, banghay at wakas

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikaanim na Linggo
4

5. Ang mga sumusunod ay pangarap ng nagsasalita sa kuwento maliban sa_________


A. Mawala na ang pandemya C. Ma-enjoy ang high school life
B. Makita ang kasintahan D. Maisayaw ng crush niya sa JS.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa pagsulat ng iskrip ng dula isinasaalang-alang ang sumusunod na elemento:

Iskrip- Walang dula kung walang iskrip, samakatwid ito ang pinakapuso ng isang
dula, kung walang damdaming dadamhin at walang suliranang poproblemahin
walang ganap at walang dula.

Karakter/Aktor- Ang nagbibigay-buhay sa iba’t ibang papel na ginagampanan sa


iskrip. Sila ang nagsisilbing tagaganap, bumibigkas ng dayalogong pinaghuhugutan
ng emosyon at damdamin na mapapanood ng aktuwal.

Tanghalan/ Tagpuan- Nagpapahiwatig ng lugar na pagdarausan at nagtatakda ng


panahon na binabagayan ng pangyayari sa dula.

Direktor- Nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip ng dula, nagpapasya ng istilo ng


kasuotan, pagganap, pagbigkas at kabuuang detalye ng kilos at galaw sa dula.
Nagtatakda ng panahon o paglalarawan sa tanghalan, nagsasaayos ng pwesto ng mga
tauhan at masining na paglabas-masok ng mga ito sa bawat tagpo o eksena.

Manonood- Sila ang tagahatol sa kabuuan ng isang dula kung naipahatid ba nito
nang maayos at makatarungan ang layunin ng pagtatanghal. Kung walang manonood,
walang kabuluhan ang isang dula.

Bahagi ng Dula

Tauhan - Ang gagampan ng pagkilos ng tiyak na pag-uugali, gawi, katangian,


paniniwala, prinsipyo at iba pa.

Tagpuan - Panahon at pook ng makatotohanang pinangyarihan ng isang dula.

Suliranin - Kung walang suliranin, walang iskrip na mabubuo at walang pag-


uusapan. Ito’y maaaring matagpuan sa simula o kalagitnaan ng dula.

Saglit na kasiglahan - Saglit na pagkalimot o pagtakas ng mga tauhan sa


katotohanang nararanasan.

Tunggalian - Tumutukoy sa magkasalungat na prinsipyo, paniniwala, pag-uugali at


iba pa na nagsasalpukan sa isip, salita at sa kilos na maaaring tao laban sa sarili, tao
laban sa tao, at tao laban sa kapaligiran.

Kasukdulan - Dito masusukat ang hangganan ng katatagan ng tauhan.

Kakalasan - Dahan-dahang pagpili sa kalutasan na sasagot sa tunggaliang bunga ng


suliranin.

Kalutasan - Tinutuldukan sa bahaging ito ang suliranin o pagsasakatuparan ng isang


pagpapasya.

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikaanim na Linggo
5

Munting Pagsinta
Mula sa pelikulang Mongol: The Rise of Genghis Khan ni Sergei Bordrov
Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora

Mga Tauhan:

Temujin - anak ni Yesugei na mula sa Tribong Borjigin


Yesugei - ama ni Temujin
Borte - isang dalaginding na taga - ibang tribo

Tagpuan: Kawangis ng madilim na kalangitan ang nadarama ng magiting na


mandirigmang naninimdim sa takbo ng kapalarang sinapit na nakatalungko sa isang
sulok ng makipot at karima-rimarin na piitan.

Temujin: Anong saklap na mapiit sa kulungang malupit? Ito ay silid ng kalungkutan.


Tila kailan lamang nang kasa-kasama ko si Ama…
Yusugei: Temujin, bilisan mo na riyan. Kailangan nating magmadali?
Temujin: Bakit Ama?
Yesugei: Malayo ang ating lalakbayin. Kailangang huwag tayong magpatay-patay.
Mahalaga ang ating sasadyain.
Temujin: Naguguluhan ako sa iyo Ama. Kanina ka pa nagmamadali at sinasabing
mahalaga ang ating sadya sa ating pupuntahan? Ano ba iyon?
Yusugei: Ika’y siyam na taong gulang na, sa edad mong iyan Temujin ay dapat ka
nang pumili ng iyong mapapangasawa.
Temujin: Itay ako’y masyado pang bata para sa bagay na iyan. Ang kasal ay sa
matatanda lamang.
Yesugei: Aba’t ang batang ito, hindi naman ibig sabihin na kapag nakapili ka na ng
babaeng pakakasalan mo ay magsasama na kayo. Isang simpleng pamimili
lamang ng babae ang gagawin mo at pangakong siya’y iyong pakakasalan.
Temujin: Ganun po ba iyon?
Yesugei: Oo, anak. Tayo’y nabibilang sa Tribong Borijin kaya’t ikaw ay pipili ng
babaeng mapapangasawa sa Tribong Merit.
Temujin: Bakit sa Tribong Merit siya kailangang magmula? Hindi naman iyon an
ating tribo.
Yesugei: Malaki ang atraso ko sa tribo, kaya’t sa ganitong paraan ako’y makabawi sa
kanila.
Temujin: Sa tingin mo ba Ama sa ating gagawin ay kalilimutan na nila ‘yon nang
ganoon na lamang?
Yesugei: Hindi ko alam. Tingnan natin kung ano ang mangyayari. Mas mabuting
may gawin akong paraan kaysa sa wala.
Temujin: Kung iyan po ang sa tingin ninyo’y tama.

Tagpo: Sa maliit na nayong liblib na kinatatayuan ng ilang kabahayan.

Yesugei: Temujin, magpahinga muna tayo.


Temujin: Mabuti ‘yan Ama. Napagod na rin ako. Gagalugarin ko lamang ang paligid.
Yesugei; Huwag kang lalayo at mag-iingat ka.

Tagpo: Mapapadpad si Temujin sa isang dampa kung saan nakatira ang dalagin-ding
na si Borte. Mabibigla siya sa di inaasahang pagbagsak ng pinto ng kanilang
kusina na likha ng aksidenteng pagkabuwal ni Temujin.

Borte: Aaay! May magnanakaw!


Temujin: Shhh(Tatakpan ang bibig ni Borte). “Wag kang sumigaw, wala akong
gagawing masama.
Borte: (Pipiliting magsalita kahit nakatakip ang bibig.)
Temujin: Tatanggalin ko ang takip ng bibig mo kung mangangako kang hindi ka na
mag-iingay. Magtiwala ka sa akin hindi ako masama. (Habang dahan-
dahang inaalis ang kamay sa bibig ni Borte.)
Borte: (Sa isang mahinang tinig) Bakit kita paniniwalaan? Di naman kita kilala.

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikaanim na Linggo
6

Temujin: Kahit di mo ako kilala, kaya kong patunayan sa iyo na ako’y mabuti.
Borte: (Mariing pagmamasdan si Temujin) Aber paano mo patutunayan ‘yang
sinasabi mo? Sige nga! (Taas noo)
Temujin: Basta ba di mo ako pagtatawanan sa sasabihin ko sa iyong patunay.
Borte: Tingnan natin.
Temujin: (Tila seryosong nag-iisip na may ngiti sa labi)
Borte: Anong nginingiti mo riyan? Sabi mo ‘wag akong tatawa, ikaw lang pala ang
tatawa.
Temujin: Heto na, handa ka na ba?
Borte: Kanina pa, ang bagal mo naman.
Temujin: Nais ko sanaaaaaaang (magkakandautal) sa…sanang ikaw ang babaeng
mapangasawa ko. (Mababa ang tono)
Borte: Siraulo ka ba? Niloloko mo ako no? Kabata-bata pa natin.
Temujin: Seryoso ako. Ano payag ka ba?
Borte: Ganon-ganon lamang ba iyon?
Temujin: Alam kong mahirap akong paniwalaan, hayaan mong ipaliwanag ko sa iyo.
Kasama ko si Itay, kami’y papunta sa tribo ng mga Merit upang pumili ako
ng aking mapapangasawa. Ngunit ikaw ang ibig ko, ikaw ang pinipili ko.
Borte: Anong mayroon sa akin, bakit ako ang pinili mo?
Temujin: Di ko rin alam. Ang tanging alam ko lamang ay ito ang ibinigay ng
pagkakataon sa akin. Ikaw ang aking nakita kaya naman pagbigyan mo na
ako. Hindi naman ibig sabihin na pumayag ka ay pakakasal na tayo.
Borte: (Di parin makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari) Di ko malaman kung
ano ang dapat kong sabihin sa iyo.(Nag-aalangan) Pero…….sige na nga.
Temujin: Salamat sa iyo, ako’y labis mong pinaligaya. Asahan mong hindi ka
magsisisi sa iyong desisyon.
Borte: (Nahihiya at halos di makapagsalita) Paano na ngayon?
Temujin: Siyempre tuloy pa rin ang buhay natin. (Masuyo ang pagkakatingin kay
Borte) Pero darating ang panahon na tayo’y mamumuhay sa iisang bubong.
Magkatuwang na aarugain ang ating mabubuting anak.
Borte; Matagal pa iyon.
Temujin: Ama!
Yesugei: (Mapapaharap at magpapalitpat-lipat ang tingin sa dalawa pati sa kanilang
kamay) Anong….Sino siya….Bakit?
Temujin: Ama, siya po ang babaing napili ko. Si Borte.
Borte: Magandang hapon po. Kumusta po kayo?
Yesugei: Pero…
Temujin: (Agarang magsasalita) Paumanhin po sa pagdedesisyon ko nang di
nagpapaalam sa inyo pero buo po ang loob ko sa aking ginawa. Sana’y
maunawaan n’yo po ako.
Yesugei: Ganang desidido ka na, sino ba ako para di-sumang-ayon sa iyong
kagustuhan. Ang iyong buhay naman ang nakataya rito. (Matiim na
titingnan si Borte) Okay lang ba sa inyo?
Borte: Opo!
Yesugei: Kung gayon, halina kayong dalawa at kausapin natin ang mga magulang
mo Borte.

Ngayon ay bibigyan kita ng mga gawain upang matiyak kung


naunawaan mo ang ating tinalakay.

Mga Gawain

Panuto: Sagutan ang mga pagsasanay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikaanim na Linggo
7

Gawain 1.1: Isulat sa patlang kung sino ang nagwika ng mga pahayag at isulat
ang titik na nagpapahiwatig ng damdamin.

1. Aaaaay may magnanakaw! _______________________


A. pagkatakot B. pagkatuwa C.pagkagalit D. pagkamangha
2. “Itay ako’y masyado pang bata para sa bagay na iyan.”
A. pagkatuwa B. pagkabigla C. paghihimutok D. pagkalungkot
3. “ Kung iyan po ang sa tingin ninyo’y tama.”________________________
A. pagtanggi B. pagsang-ayon C. pag-aalala D. pagtitiwala
4. “Hindi ko alam. Tingnan natin kung ano ang mangyayari. Mas mabuting may
gawin akong paraan kaysa sa wala.”_______________
A. pagtitiwala B. pagbabakasakali C. pagtataya D. pag-aalala
5 “Anong mayroon sa akin, bakit ako ang pinili mo?_________________________
A. pagtataka B. pagkagulat C. pag-iinarte D. pagdududa

Gawain 1.2: Pagsusuri sa Dula


Suriin ang dula sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.

1. Makatotohanan ba ang nilikhang mga tauhan ng manunulat ng iskrip ng dula?


Patunayan.
2.Naaayon ba ang tanghalan/tagpuan ayon sa mga pangyayari sa akda?
3. Naangkop ba ang mga dayalogo sa iskrip ayon sa edad ng mga tauhan?
Pangatwiranan.
4.Makatarungan ba na panghimasukan ng magulang kung sino ang dapat ibigin
ng kanyang anak? Bakit?
5. Nararanasan ba sa kasalukuyang panahon ang pangyayari sa pangunahing
tauhan? Patunayan.
6.Paano masasabi na epektibo ang isang dula na iyong nabasa o napanood?
Ipaliwanag.
7. Ibigay ang posibleng mangyari kung walang direktor sa isang dula?
Pangatwiranan.

Lagyan ng 2 puntos ang bawat bilang kung umaayon ang paliwanag sa sagot at
isang puntos kung di gaanong umaayon ang paliwanag sa sagot.

Gawain 1.3: Piliin kung katanggap-tanggap ( K ) o di-katanggap-tanggap ( DK )ang


mga sumusunod na pangyayari. Lagyan ng ( / ) ang napili sa kolum.
K DK
1.Pagpili ng taong pakakasalan ayon sa sariling kagustuhan
2.Pagsang-ayon sa pagtatapat ng pag-ibig sa taong di pa
lubusang kilala
3.Pagtupad ng pangako sa kasintahan
4.Pambayad-utang ang anak sa atraso ng mga magulang
5.Pagtitiwala at pagsunod sa sinasabi ng magulang
Kahanga-hanga! Nasagutan mo na ang mga gawaing ibinigay. Ngayon ay
basahin at isaisip mo ang mga dapat tandaan sa araling ito.

Tandaan

Matapos mong basahin ang dula, dapat mong tandaan ang mga karagdagang
impormasyon.

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikaanim na Linggo
8

 Ang dula ay lubos nating mauunawaan ang mensahe kung ito ay naisakilos
nang makatotohanan at naiparating ang damdaming nais iparanas sa mga
manonood.
 Ito ay binubuo ng ilang yugto na maraming tagpo.
 Ang tagpo ay tumutukoy sa paglabas-masok ng mga tauhan sa tanghalan.
 Ang dula ay may sangkap din tulad ng maikling kwento na binubuo ng
a.Simula; sa bahaging ito ipinakikita ang tagpuan, ipinakikilala ang tauhan, at
inilalahad ang suliranin.
b.Gitna; mararamdaman ang saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan.
c. Wakas; ipakikita ang kakalasan at ang kalutasan
 Si Severino Reyes ang ‘Ama ng Sarswelang Tagalog’ na nagpasimula ng
modernong pagsulat ng dula.
 Ang mga kumpas at galaw sa tanghalan ay malabis sa katotohanan upang
maipaabot sa mga manonood ang mensahe.

Isagawa mo pa ang sumunod na gawain upang mailapat mo ang iyong


mga natutuhan.

Pag-alam sa Natutuhan

Sa lalong higit na pagpapalalim ng iyong kaalaman, nais kong panoorin mo ang


isang dula sa Youtube na pinamagatang Moses,Moses ni Rogelio G. Sicat sa link
na ito https://www.youtube.com/watch?v=5zJVdp4hYqs&t=279s.

Suriin ang pagkakabuo ng dula ayon sa mga sumusunod. Sundin ang pormat.
SIMULA
TAUHAN
TAGPUAN
SULIRANIN
GITNA
SAGLIT NA KASIGLAHAN
TUNGGALIAN
KASUKDULAN
WAKAS
KAKALASAN
KALUTASAN
Rubriks saPagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:
 Nakitaan ng kalinisan at kalinawan 8 - Nasunod ang apat na pamantayan
ang sulat-amay.
 Naisaayos ang pagkakahanay ng 6 - Kinakitaan ng tatlong pamantayan
pangungusap
 Naipaliwanag nang malinaw ang 4 - Dalawang pamantayan ang nasunod
hinihingi ng bawat bilang
 Naunawaang mabuti ang mensaheng 2 - Isa lamang ang nasunod
nais ipabatid

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikaanim na Linggo
9

Mula sa binasang dula “Munting Pagsinta” at pinanood na dulang “Moses,


Moses,” sagutin ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at ilagay sa
sagutang papel.
Pangwakas na Pagsusulit
1. Ang mga sumusunod na kaugalian ay nabasa sa dulang ‘Munting Pagsinta’ ng
Mongolia maliban sa____________
A. pagpili ng mapapangasawa sa murang edad
B. pagsunod ng anak sa ipinag-uutos ng magulang
C. pagtanggi ng ina na patulugin ang kasintahan ng anak sa kanilang bahay
D. paniniwala at pakikipagkasundo sa isang tao kahit hindi pa lubusang kilala
2. Ang pagbaril ni Regina sa kanyang anak ay nasa bahaging ______________
A. tunggalian C. kakalasan
B. kalutasan D. kasukdulan
3. Ang direktor ay may malaking ginagampanan sa _______________________
A. maikling kwento C. nobela
B. talumpati D. dula
4. Ang pag-aalok kay Regina ng kabayaran sa ginawa ng anak ng alkalde upang
manahimik na lamang ito ay nasa bahaging ___________________________
A. tunggalian B. kalutasan C. kakalasan D. kasukdulan
5. Ang hindi pagpayag ni Regina sa gustong mangyari ng alkalde ay nagpapahiwatig
ng _______________
A. tunggalian B. kasukdulan C. kakalasan D. kalutasan

Bilang pangwakas, ipagpatuloy mo ang gawain sa pagninilay at tiyak ko


na marami kang makukuhang kaalaman dito.

Pagninilay

Basahin ang sitwasyong ibinigay at saguting nang mahusay ang tanong.

Halimbawang sabihin ng iyong mga magulang na kailangan mo nang


magpakasal sa isang taong mayaman na may edad na kakilala niya upang kayo ay
makaahon sa kahirapan at makapagpatuloy sa pag-aaral ang iyong mga kapatid, ano
ang iyong gagawin? Pangatwiranan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.( 5 puntos )

Rubriks saPagwawasto: Bibigyan ka ng puntos ayon sa bilang na


Taglay ng sagot ang mga sumusunod: nasunod.

 Pagkamakatotohan 5 - Nasunod ang tatlong pamantayan


 Pagkamakatwiran 3 - Kinakitaan ng dalawang pamantayan
 Pagkamakabuluhan 1 - Isa lamang pamantayan ang nasunod

Saludo ako sa ‘yo! Nararapat kang purihin dahil natapos mo ang lahat ng
mga pagsubok na ibinigay. Kung mayroon pang bahagi na hindi mo nauna-
waan ay huwag kang mag-atubili na sumangguni sa iyong guro.

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikaanim na Linggo
10

FILIPINO 9
SAGUTANG PAPEL

Markahan: Ikalawa Linggo: Ikaanim


Pangalan: _________________________________ Guro: ______________
Baitang at Seksyon: _______________________ Iskor: _____________

Paunang Pagsubok Balik-tanaw Gawain 1.1


1 1 1
2 2 2
3 3 3
4 4 4
5 5 5
Gawain 1.2
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

Gawain 1.3 K DK Pag-alam sa Natutuhan


1
2
Isulat sa hiwalay na papel
3
4
5

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikaanim na Linggo
11

Pangwakas na Pagsusulit
1
2
3
4
5
Paninilay

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikaanim na Linggo

You might also like