You are on page 1of 4

MALAMIG NATIONAL HIGH SCHOOL- GLORIA

FILIPINO 9-
GAWAING PAGKATUTO

Unang Markahan/Unang Linggo

A. Panitikan: Ang Ama/ Maikling Kwentong Makabanghay- Singapore
Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena
B. Gramatika/Retorika: Mga Kataga o Pahayag na Gamit sa Pagkakasunod-sunod ng mga
Pangyayari o Transitional Devices ( subalit, ngunit, sa wakas, palibhasa,
samantala, dahil sa, saka, kaya, kung gayon, sa lahat ng ito.)
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay

I. Layunin:
1.Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa Lipunang
Asyano batay sa nabasang akda.
2. Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyng nakapaloob sa akda.
3.Nabibigyang kahulugan ang malalim na salitang ginamit sa akda batay sa denotibo o
konotibong kahulugan.
4.Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang piling
kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan.
5. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa:
- Paksa
- Mga Tauhan
- Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
- estilo sa pagsulat ng awtor at iba pa.
6. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda gamit ang angkop na mga pang-
ugnay.

II. Kasanayang Pagkatuto:

A. Pagbasa ng kuwento: Nang Minsang Maligaw si Adrian
( Hanapin ang sipi ng akda sa libro pahina 14-15)

Panuto: Isulat sa buong papel ang mga sagot sa bawat Gawain.

* Paalala : Huwag kalimutang isulat ang pangalan, at Sagot sa Gawain 1, ____,_____,______.

*Gawain 1: Ilahad ang kuwentong binasa sa pamamagitan ng yugto-yugtong pagbuo.

Kaugnay na mga Pangyayari

Simula
Kaugnay na mga Pangyayari

Gitna

Kaugnay na mga Pangyayari

Wakas

Sagutin ang mga gabay na tanong:

1. Saan ang tagpuan ng kuwento?

2. Sa anong panahon naganap ang kuwento?
3. Paano nagsimula ang kuwento?
4. Ano ang nagging suliranin/ tunggalian ng kuwento?
5. Saang bahagi ang kasukdulan?

B. Paglinang:
Basahin at suriin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa “ Ang Ama” mula sa Singapore upang
malaman mo kung paano ba naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng kuwento. ( hanapin ang sipi ng
libro sa pahina 17-20)

Alam Mo Ba Na

Ang “ Ang Ama” ay isang uri ng kuwentong makabanghay na nakatuon sa pagkakabuo ng mga
pangyayari. Mahalagang matukoy ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ang estilo na
ginamit ng may akda.

Gawain #3: Paglinang ng Talasalitaan

Bigyang kahulugan ang sinalungguhitang mga pahayag ayon sa pahiwatig nito sa pangungusap.
1. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at
nagpapamaga ng ilang araw sa labi.
2. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng
kaluwagang-palad nito.
3. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga
bata’y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa
malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha.
4. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama
at ito’y nakabubulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito’y tatayo, lalapit sa bata
at hahampasin iyon ng buong lakas.
5. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanilang
amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di’y nagdesisyong kunin siya uli,
para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mga anak.
6. Mula sa kaniyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata.

Gawain #4: Sa antas ng Iyong Pag-unawa.

Sagutin ang mga gabay na tanong.

1. Paano sinimulan ng may akda ang kuwento?
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
3. Ano-anong katangian ng ama ang nangibabaw sa kuwento? Anong bahagi o pangyayari sa
kuwento ang nagpapakita ng mga nabanggit na katangian?

Katangian ng Ama Bahagi/ Pangyayaring nagpapatunay

4. Anong pangyayari sa kuwento ang nakapagpapabago sa di-mabuting pag-uugali ng ama?

5. Paano ipinakita ng ama ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang anak?

Ang mga Pangatnig ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Sa

pamamagitan nito, napagsusunod natin ng tama sa mga pangyayari sa isang kuwento ayon sa
tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita.

Parirala, o sugnay ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
(naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari at iba pa sa paglalahad.

Mga Pangatnig:

1. Subalit- ginagamit lamang kung ang datapwat at ngunit ay ginamit na sa unahan ng pangungusap.

Hal. a. Datapwat matalino siya, subalit wala naman siyang kaibigan.

b. MAhal ka niya, subalit hindi niya gaanong naipapakita ito.
c. Marami na akong natutuhan, ngunit tila kulang ito.
2. Samantala, saka- ginagamit na pantuwang.
Hal. a. Siya ay matalino saka mapagbigay pa.
b. Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang ginagawa.
3. Kaya, dahil sa- ginagamit na pananhi.
Hal. a. Kaya hindi natututo ang dulot ng kaniyang kapalaluan.
b. Siya’y nagtagumpay dahil sa kaniyang pagsisikap.
Transitional Devices:
1. Sa wakas, sa lahat ng ito- panapos.
Hal. a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila’y mahal na mahal ng kanilang ama.
2. Kung gayon – panlinaw
Hal. a. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan niyang pagbutihin ang kaniyang
pag-aaral.

*Input
Gawain #5: Pag-alam sa natutuhan
Pagsasanay: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pangatnig o transitional devices upang mabuo ang pahayag.

1. Lubusan niyang ikinalulungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu, ( kaya, sa lahat ng
ito) hindi niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin.
2. (Datawat, Subalit) nasasabi niyang siya’y nakararaos sa buhay, hindi pa rin maipagkakaila
ang lungkot na kaniyang nararamdaman.
3. Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa buhay.
4. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema. (kaya, sa lahat ng ito) hindi na niya
alintana ang mga darating pa.
5. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon, kaya) mapipilitan
siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit sa kaniyang pamilya.

C. Pagnilayan at Unawain:
Sagutin:
1. Paano naiiba ang kuwentong makabanghay sa iba pang uri ng maikling kuwento?

Salamat sa iyong pagsasagot.

Inihanda ni:
Mga Paalala
Sa Papel magsasagot
Isulat ang Pangalan
Unawain ang panuto.

Ang libro ay ipahihiram muna sayo hanggat tayo ay nasa modular Distance Learning. Pakiusap lang ingatan ito.
Nasa papel ang aking contact number at FB name para sa iyong mga katanungan.
Sa pagbabalik ng iyong papel isulat ang iyong contact number at FB name. para sa GC natin tayo ay makapag usap.

You might also like