You are on page 1of 50

DIVISION OF NAVOTAS CITY

8
FILIPINO
Unang Markahan

S.Y. 2021-2022
NAVOTAS CITY PHILIPPINES
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Annaly M. Gonzales, Edna C. Balane
Editor: Aileen L. Francisco, Annaly M. Gonzales
Tagasuri: Rico C. Tarectecan
Tagaguhit: Eric De Guia - BLR Production Division
Tagalapat: Danica M. Bag-o
Tagapamahala: Alejandro G. Ibañez, OIC-Schools Division Superintendent
Isabelle S. Sibayan, OIC-Asst. Schools Division Superintendent
Loida O. Balasa, Curriculum Implementation Division Chief
Rico C. Tarectecan, EPS in Filipino
Grace R. Nieves, EPS In Charge of LRMS
Lorena J. Mutas, ADM Coordinator
Vergel Junior C. Eusebio, PDO II – LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Navotas City


Office Address: BES Compound M. Naval St. Sipac-Almacen Navotas City
____________________________________________
Telefax: 02-8332-77-64
____________________________________________
E-mail Address: navotas.city@deped.gov.ph
____________________________________________
Nilalaman

Subukin .......................................................................................1

Modyul 1......................................................................................3

Modyul 2......................................................................................8

Modyul 3......................................................................................12

Modyul 4......................................................................................17

Modyul 5......................................................................................17

Modyul 6......................................................................................21

Modyul 7 …………………………………………………………………………30

Modyul 8………………………………………………………………………….35

Tayahin ........................................................................................41

Susi sa Pagwawasto.......................................................................44

Sanggunian…………………………………………………………………45
Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng
modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin mo ang letra ng tamang sagot at
isulat ito sa sagutang papel.

1. Ibigay ang mensaheng nais iparating ng salawikaing “Kung hindi ukol, hindi
bubukol”.
A. Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtam kung hindi
nakalaan para sa iyo.
B. Ang paglalaro ay may kaakibat na pag-iingat dahil ika’y maaaring masaktan.
C. Sa pag-aasawa kung ang dalawang magsing-irog ay nagmamahalan tiyak na
sila ay ukol sa isa’t isa.
D. Kung hindi nagtanim ay walang aanihin.

2. “Naku! ang batang ito ay tila may uod sa katawan”. Ang salitang nakapahilig ay
nangangahulugang __?
A. May takot B. Mayabang C. Malikot D. Masunurin

3. Ang buhay noon ay mas simple kompara sa komplikadong buhay ngayon. Alin sa
pangungusap ang salitang naghahambing?
A. Buhay B. Komplikado C. Mas D. Noon

4. Parehong maganda ang aking nanay at lola. Ang salitang maysalungguhit ay


nabibilang sa ____?
A. Pandiwa C. Pang-ukol
B. Paghahambing D. Pang-abay
5. Nagdiwang ang lahat sa tagumpay na natamo ng magkapatid. Ang kasalungat ng
salitang maysalungguhit ay?
A. Nagdalamhati C. Nagsaya
B. Naghanda D. Naguluhan

6. Ang mga sumusunod na pangungusap ay naglalarawan sa sistematikong


pananaliksik MALIBAN sa ?
A. Ang pananaliksik ay isang mapanuri at makaagham na imbestigasyon o
pagsisiyasat ng isang bagay, paksa o kaalaman sa pamamagitan ng
pangangalap.
B. Ang pagbabalangkas ay isinasagawa upang mabawasan ang mga ideyang
nakalap mula sa inisyal na paghahanap ng mga datos.
C. C.Makatutulong ang muling pagbasa sa sinulat para mamataan ang mga
kamaliang nagawa na kailangang maiwasto.
D. D.Sa pagsasagawa ng pananaliksik hindi mahalaga ang paggawa ng
burador o rough draft.

1
7. Maaga akong gumising kanina kasi ayaw kong mahuli sa klase. Ang pangungusap
na maysalungguhit ay isang?
A. Bunga C. Simuno
B. Sanhi D. Panaguri

8. Ibigay ang angkop na hinuha.


Maagang naulila sa ina ang tatlong magkakapatid. Nasa ikaanim
na baitang ang panganay. Palaging malungkot ang kanilang itay.
Hatinggabi na kung umuwi at lasing pa.

A. Natutuwa ang magkakapatid


B. Nagkaroon ng malaking problema.
C. Naisipan nilang humingi ng tulong sa pamahalaan.
D. Natatakot sila sa kanilang tatay.

9. Ang mga sumusunod na pangungusap ay naglalarawan sa pagpapalawak ng


paksa MALIBAN sa?
A. Ang pagpapalawak ng paksa ay isang gawaing nagpapakita ng malawak na
kaalaman tungkol sa isang tiyak na bagay.
B. Kailangan ding suriin ang iba pang katangian at elemento ng paksang
ating tinatalakay.
C. Sa pagpapalawak ng paksa ipinagbabawal ang pagbibigay ng sariling
depinisyon hinggil sa paksang tinatalakay.
D. Sa pagbuo ng talata mahalagang magkakaugnay ang mga kaisipan.

10. Sa aking palagay kung lahat tayo ay magsisikap sa buhay siguradong tayo ay
uunlad. Ang pangungusap ay halimbawa ng?
A. Katotohanan
B. Opinyon
C. Paghahambing
D. Paghihinuh

2
MODYUL 1

Magandang Buhay! Binabati kita! Ngayon ay nasa Baitang 8 ka na ng pag-


aaral ng Filipino. Tinitiyak ko na kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul na ito.
Ang modyul na ito ay dinisenyo para sa iyo. Ito ay makakatulong upang
magkaroon ka ng sapat na kaalaman sa mga karunungang-bayan na sumibol sa
Panahon ng Katutubong Panitikan na kapupulutan ng aral sa buhay na
magagamit sa kasalukuyang panahon.

Inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan sa pag-aaral


ng modyul na ito:

Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-


bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan.
(F8PB-la-c-22)

Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na


angkop sa kasalukuyang kalagayan (F8PS-la-c-20)

Aralin
Karunungang-Bayan
1

Ang unang bahagi ng araling ito ay magbibigay-daan upang maisabuhay


muli ang mga karunungang-bayan na minana pa natin sa matandang panitikan at
mailapat sa sariling pang-araw-araw na pamumuhay. Ang ating mga
karunungang-bayan bagamat payak ay mabuting hanguan ng mahahalagang
impormasyon hinggil sa kaugalian, asal at gawi. Samakatuwid, hindi natin dapat
ipagwalang-bahala at ibaon sa limot ang mga karunungang-bayan ng ating
panitikan. Tuklasin natin kung bakit mahalagang unawain ang mga karunungang-
bayan tulad ng salawikain, sawikain at kasabihan bilang akdang pampanitikan sa
kasalukuyang panahon.

3
Ang gawain na iyong isinagawa ay nagpapatunay na ang kasabihan bilang
Karunungang-Bayan ay kinapapalooban ng mensahe na magagamit sa buhay.
Gayundin naman ang iba pang Karunungang-Bayan tulad ng Salawikain at
Sawikain/ Kawikaan. Upang higit pang lumawak ang iyong kaalaman sa paksa,
basahin at unawain ang mahahalagang impormasyon na nakatala sa loob ng
kahon.

ALAM MO BA NA...

KARUNUNGANG-BAYAN
Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan ng ating bansa bago
dumating ang mga Espaῆol ay ang salawikain, sawikain/kawikaan, at
kasabihan.

Salawikain- Karaniwang patalinghaga ang salawikain na may kahulugang


nakatago. Ang salawikain ay karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma
kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.

Halimbawa:

Pag ang tubig ay magalaw Ang sakit ng kalingkingan


Ang tubig ay mababaw Damdam ng buong katawan

Sawikain – Ang pagsasawikain o pagtatambis ay isang paraan ng pagsasalita


na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng
loob. Ang sawikain o patambis samakatuwid , ay masasabing mga salitang
eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang
paraan ng pagpapahayag.

Mga Halimbawa:
“ Parang natuka ng ahas- natulala “
“Malayo sa bituka- hindi malubha“
“Itaga mo sa bato- pakatandaan"
“Mahaba ang kamay- magnanakaw

Kasabihan- Ang kasabihan ay iba sa salawikain sa dahilang ito’y hindi


gumagamit ng mga talinghaga. Payak ang kahulugan. Ang kilos , ugali, at gawi
ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan.
Mga Halimbawa:
“Tulak ng bibig “Kasama sa gayak
Kabig ng dibdib.” ‘Di kasama sa lakad.”

4
Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin,
marahil ay naging malinaw na sa iyo ang konsepto ng salawikain, sawikain at
kasabihan. Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa
paksang iyong pinag-aaralan, subukin mong gawin ang ilan pang gawain.

Gawain Blg. 1
Suriin kung ang sumusunod ay salawikain, sawikain o kasabihan. Isulat sa papel
ang sagot. Gayahin ang pormat.

Ang magandang asal ay kaban ng yaman Lumaki ang ulo

Ang maniwala sa sabi-sabi’y walang bait sa sarili Kabagang

Puri sa harap, sa likod ay paglibak Matalim ang dila


Ang gumawa ng kabutihan ay hindi matatakot sa kamatayan
Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula

Salawikain Sawikain Kasabihan

Gawain Blg. 2
Magtanong sa iyong lolo, lola, magulang o sa sinumang matanda sa inyong
lugar sa mga halimbawa ng Karunungang- Bayan na alam na nila. Isulat ang iyong
halimbawa sa biluhaba. Pagkatapos, iugnay mo ang mga kaisipang nakapaloob sa
mga ito sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. Isulat mo rin kung
ano-ano ang mga posibleng mangyari kung ang mga ito ay hindi na matututuhan
ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon.

5
Mga Karunugang-Bayan

Salawikain Sawikain Kasabihan

Kaugnayan ng mga kaisipang ng mga ito sa tunay na buhay sa kasalukuyan

Posibleng mangyari kung di na ito matutuhan ng mga mag-aaral


__________________________________________________________________

Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailapat ang mga kaalamang natutuhan


sa awtentikong pagkatuto. Basahin at unawain mo ang sitwasyon pagkatapos,
gawin mo ang inaasahang produkto para sa araling ito.

Sitwasyon:
Dadalaw ngayong buwan sa inyong baranggay ang mga piling Senior
Citizen na nagmula sa iba’t ibang lalawigan. Ang layunin nila sa pagdalaw ay
upang matiyak na ang kabataan ay may naiaambag sa pagpapanatili ng yaman
ng kultura at tradisyon ng ating lahi. Ikaw, bilang SK chairman ay naatasan ng
inyong Punong baranggay na magpakita ng mga katibayan na ang kabataan ay
may malaking bahagi sa pagpapanatili ng sariling kultura at tradisyon. Naisip mo
na ipakita ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang “brochure” na naglalaman ng
mga Karunungang-Bayan kung saan iuugnay mo ang mga gawaing
pangkabataan sa inyong barangay.

Ayon sa inyong punong barangay ang “brochure” na dapat mong maipakita


ay matataya sa sumusunod na pamantayan:

6
Pamantayan LUBOS NA KATANGGAP- MAHINA
KATANGGGAP- TANGGAP
TANGGAP (3) (1)
(5)
Organisasyon Lohikal ang May ilang teksto Nakalilito ang
pagkakaayos ng at larawan na pagkakaayos ng
mga teksto at wala sa lugar teksto at mga
larawan larawan
Kalidad ng Klaro at tama ang May ilang Karamihan sa
mga larawan perspektibo larawan na di mga larawan ay
klaro o tama ang di klaro o malabo
perspektibo. ang perspektibo.
Dibuho Kaakit-akit ang Medyo kaakit-akit Di- gaanong
“brochure “dahil ang “brochure” kahit kaakit-akit ang
tama ang ay ilang “brochure “dahil
kombinasyon ng maling kitang-kita ang
kulay, estilo, laki kombinasyon na maling
ng font at makikita sa kombinasyon ng
pagkakaayos ng “brochure”. larawan, estilo,
teksto at larawan. font at teksto.
Gamit ng Mabisa ang Di masyadong Di mabisa ang
Karunungang- pagkakagamit ng mabisa ang pagkakagamit ng
bayan Karunungang - pagkakagamit ng mga
Bayan sapagkat mga Karunungang -
Nakatulong ito Karunungang- Bayan sapagkat
upang maipakita Bayan dahil di halatang pilit ang
ang kultura at gaanong pagpapakita ng
tradisyong Pilipino. naipakita ang kultura at
kultura at tradisyong
tradisyong Pilipino.
Pilipino.

7
MODYUL 2

Mahusay! Sapagkat napagtagumpayan mo ang unang modyul na iyong


sinagutan tungkol sa mga Karunungang-Bayan na sumibol sa Panahon ng
Katutubong Panitikan. Tinitiyak ko na magiging kawili-wili ang modyul na ito para
sa’yo. Ito ay makatutulong upang magkaroon ka ng sapat na kaalaman tungkol sa
dalawang uri ng paghahambing.

Inaasahang kong matatamo mo ang kasanayan na nasa ibaba sa pag-aaral


ng modyul na ito:

Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa Bugtong,


Salawikain, Sawikain o Kasabihan (Eupemistikong pahayag)
(F8WG-la-c-17)

Aralin
Dalawang Uri ng Paghahambing
2

Hindi natin namamalayan, ngunit kung papansinin ang paghahambing ay


bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay. Sa pagpili ng mga bagay na ating
gagamitin, sa pagkain na ating kakainin, sa sasakyan na ating sinasakyan at sa
lugar na ating pupuntahan, madalas sa mga ganitong pagkakataon natin
nagagamit ang paghahambingan.

Sa araling ito, malalaman mo kung paano susuriin ang antas o lebel na


katangian ng dalawang tao, bagay, ideya at iba pa na makatutulong sa malawak
mong pagtingin sa mga ito. Mabuting basahin at unawain mo ang mahahalagang
impormasyon tungkol sa ating araling panggramatika.

ALAM MO BA NA..
Ang PAGHAHAMBING o KOMPARATIBO ay isang paraan ng paglalahad.
Ito ay nakakatulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng
paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba. Ito ay ginagamit kung
naghahambing ng dalawang antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, ideya,
pangyayari, at iba pa.

8
Ang paghahambing ay may dalawang uri:

1. Pahambing na Magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang


pinaghahambing ay may PATAS NA KATANGIAN. Ginagamit ang mga
panlaping gaya ng KA, MAGKA, GA, SING, KASING, MAGKASING, MAGSING
at mga salitang paris, wangis/kawangis, gaya, tulad, hawig/kahawig,
mistula, mukha/kamukha.

*KA – nangangahulugan ng kaisa o katulad.


HAL. Ang Singapore ay dating kabilang sa Malaysia.
*MAGKA - kaisahan o pagkakatulad
HAL. Magkamukha lamang ang kultura ng India at Singapore.
*SING – (sin-sim) ginagamit ito sa lahat ng uri ng pagtutulad
HAL. Magkasingganda ang India at Singapore.

2. Di-magkatulad - Nagbibigay ito ng diwang pagkakait, pagtatanggi o


pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap.

Dalawang Uri ng Di- magkatulad:


1. Hambingang Pasahol- may mahigit na katangian ang
pinaghahambingan sa bagay na inihahambing.

Mga panlapi:
LALO – pagdaragdag ng kulang na katangian
DI-GAANO – hambingang bagay lamang
ginagamit
DI-TOTOO – nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang
uri

2. Hambingang Palamang - may mahigit na katangian ang inihahambing sa


bagay na pinaghahambingan.
LALO – HAL. Lalong maunlad ang isa kaysa sa isa.
HIGIT/MAS - HAL. Higit na malinis ang isa sa isa
LABIS - HAL. Labis ang kanilang pagmamahal sa bayan
DI HAMAK - HAL. Di hamak na matatangkad ang mga Amerikano sa mga
Pilipino

MODERNISASYON/ KATAMTAMAN - pag-uulit ng pang-uring may panlaping


ma-.

9
Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin,
marahil ay naging malinaw na sa iyo ang konsepto ng dalawang uri ng
paghahambing. Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa
sa paksang iyong pinag-aaralan, subukin mong gawin ang ilan pang gawain.
Gawain Blg. 1
Pagmasdan mo ang larawan sa iba. Sumulat ng limang pangungusap na
naghahambing tungkol sa larawan.

1.__________________________________________________________________________________________________
2.__________________________________________________________________________________________________
3.__________________________________________________________________________________________________

Gawain Blg.2

Ilahad ang iyong panig sa paksa. Subuking gamitin ang mga konseptong
natutuhan sa araling pampanitikan at panggramatika sa tulong ng Opinion Writing
Graphic Organizer

10
Habang lumalalim ang iyong pag-unawa sa paksa tungkol sa dalawang uri
ng paghahambing. Mapagtitibay mo ang ideyang ito sa tulong ng mga gawain na
inilaan sa bahaging ito.
Panuto: Sumulat ng mga halimbawa sa dalawang napiling karunungang-bayang
natalakay. Sumulat ng paghahambing tungkol dito.

Karunungang-Bayan na napili at mga Karunungang-Bayan na napili at mga


halimbawa halimbawa

1. Magkatulad: __________________________________________
Di-Magkatulad:________________________________________

2. Magkatulad:___________________________________________
Di - Magkatulad: ______________________________________

11
MODYUL 3

Binabati kita! Sapagkat napagtagumpayan mo ang modyul na iyong


sinagutan tungkol sa dalawang uri ng paghahambing! Tinitiyak ko na magiging
kawili-wili ang modyul na ito para sa iyo. Ito ay makakatulong upang magkaroon
ka ng sapat na kaalaman tungkol sa mga salitang magkasingkahulugan at
magkasalungat na kahulugan.

Inaasahan kong matatamo mo ang kasanayan na nasa ibaba sa pag-aaral


ng modyul na ito:

Nabibigyang kahulugan ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na


pahayag na ginamit sa tula, Balagtasan, alamat, maikling kuwento, epiko
ayon sa: Kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan. (F8PT-la-c-19)

Aralin Kasingkahulugan at Kasalungat


3 na Kahulugan

Napakahalaga sa pakikipagkomunikasyon ay ang wastong gamit ng mga


salita kaakibat nito ang kaalaman sa kasingkahulugan at kasalungat nito. Mas
madaling magpahayag kung alam mo ang wastong gamit ng mga salita kung kaya’t
makakatulong ng malaki ang maging maalam dito. Kaya tara na! ating alamin ang
mga nakapaloob na kaalaman ukol sa paksa.

12
Sa araling ito, malalaman mo ang wastong gamit ng mga salita batay sa
kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan nito. Mabuting basahin at unawain
mo ang mahahalagang impormasyon tungkol sa ating araling panggramatika.

ALAM MO BA NA...
Ang mga salitang MAGKASINGKAHULUGAN ay mga salitang may
pareho ng kahulugan.
Mga Halimbawa:
1. Kakaunti lang ang kanyang kaalaman kaya't kakarampot lang din ang
nakuha niyang grado.
2. Malinamnam ang luto ni nanay dahil
masarap ang pagka-gawa nito.
3. 3.Gusto na niya makuha sa pasko ang regalong dati pa niyang
ninanais.
4. 4.Nais na niyang itama ang mga pagkakamali niya sa wastong
paraan.
5. Dapat na magsuot ang bata na angkop sa kanilang edad at akma
sa kanilang itsura.
Ang mga salitang maysalungguhit ay mga salitang magkasinghulugan.

Ang mga salitang MAGKASALUNGAT ay mga salitang may magkaiba ng


kahulugan.
Mga Halimbawa:
1. 1.Noong umaga ay sobrang tamlay niya, pero nang nakita
niya ang kanyang mataas na grado ay sumigla siya.
2. Matalas ang kanyang ginagamit na kutsilyo at nang matapos niya ito
gamitin ito ay naging mapurol.
3. Noong una ay sapat ang kaniyang pera pambili ng gamit ngunit
nagastos niya ang kalahati nito at nagkulang siya ng pambili.
4. Dati-rati ay maluwag sa kaniya ang mga isinusuot niyang damit,
Ngayon ay tila masikip na lahat.
5. Matapos niyang linisin ang marumi niyang kuwarto, ito ay naging
malinis at napuri ng kaniyang ina.
Ang mga salitang maysalungguhit ay mga salitang magkasalungat.

13
Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin,
marahil ay naging malinaw na sa iyo ang konsepto ng mga salitang
magkasingkahulugan at magkasalungat. Upang mapagtibay pa ang iyong
kaalaman at tamang pag-unawa sa paksang iyong pinag-aaralan, subukin mong
gawin ang ilan pang gawain.

Gawain Blg. 1

Ang epiko ay isang matandang panitikan sa panahon ng katutubo. Ito ay


tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan ng pangunahing tauhan na
nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan. Magbigay ng mga salitang
maaaring kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng bilog sa tulong ng word web.

Kabayanihan

Gawain Blg. 2

Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa


isang paksa inilalahad sa sining na ito ang isang uri ng panitikan na kung saan
ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng
pananalitang may mga tugma sa huli. Nais kong itala mo ang kasalungat na mga
salita sa salitang nasa loob ng kahon sa tulong ng Word Map Organizer.

14
Gawain Blg. 3
Isa sa maipagmamalaking maikling kuwento mayroon ang ating
panitikan ay ang “Lupang Tinubuan” ni Narciso Reyes. Mula sa pamagat, nais
kong itala mo ang mga salitang maaaring kasingkahulugan at kasalungat nito
sa tulong ng Web Organizer.

Habang lumalalim ang iyong pag-unawa sa paksa sa kasingkahulugan at


kasalungat na kahulugan. Mapagtitibay mo ang ideyang ito sa tulong ng mga
gawain na inilaan sa bahaging ito sa pamamagitan ng pagbasa ng maikling
kuwentong ” Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual.
Ang Kalupi
Benjamin Pascual
Isang araw, tumungo si Aling Marta sa pamilihan upang bumili ng
garbansos dahil paborito ito ng kanyang anak na magtatapos ng highschool sa
araw na iyon. Pagpasok niya sa pamilihan, nabangga siya ng isang batang
lalaking madungis na nakasuot ng maruming maong at punit na kamiseta.
Sa kaniyang pagkakabangga, pinagalitan ni Aling Marta ang madungis na
bata at tumungo kaagad kay Aling Godyang upang mamili ng kaniyang mga
bibilhin. Dumukot sa bulsa si Aling Marta upang kumuha ng pambayad, ngunit
wala ang kaniyang kalupi.
Naalala niya ang madungis na batang bumangga sa kaniya noong papasok
pa lamang siya ng pamilihan, agad niyang hinabol ang bata sapagkat ito ay hindi
pa nakakalayo. Inakusahan niya ang bata na kinuha at ninakaw ang kanyang
kalupi at tumawag pa ng pulis ngunit ani ng bata na wala sa kaniya at hindi niya
kinuha ang nawawalang kalupi. Ipinilit naman ni Aling Marta na ang bata talaga
ang siyang nagnakaw kaya pumunta sila sa outpost ng pulis. Pinilit at gustong
paaminin ni Aling Marta ang bata kaya’t sinaktan niya ito.

15
Nagpumiglas ang bata hanggang sa makawala at makatakas. Tumakbo siya patungo sa
maluwang na daan ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nagsigawan ang lahat ng nakakita sa
bata at siya ay nabangga ng isang humahagibis na sasakayan.

Bago mawalan ng hininga ang bata, sambit pa rin niya na hindi siya ang kumuha at
nagnakaw ng kalupi at wala silang makukuha sa kaniya. Pagkatapos nito, tuluyang pumanaw
ang madungis na bata. Sa pangyayaring iyon ay inisip pa rin ni Aling Marta na ang nangyari sa
bata ay kapalit ng pagkuha ng kaniyang kalupi.

Umalis si Aling Marta at nangutang muna upang makabili ng ulam para sa kanilang
hapunan. Noong siya ay pauwi, natatanaw na niya ang kanyang mag-ama. Nagtatakang
nagtanong ang kanyang anak kung saan niya nabili ang ulam na dala-dala niya gayong naiwan
naman nito ang pitaka sa bahay.

Namutla si Aling Marta sa nalaman tungkol sa kaniyang naiwang kalupi. Sa


pagkakataong iyon ay nawalan ito ng malay habang paakyat ng hagdanan. Marahil hanggang sa
ngayon ay binabagabag parin si Aling Marta sa nangyari sa bata.

Mula sa binasang maikling kuwento, Itala sa angkop na hanay ang mga


bagong salita o salitang hindi pamilyar sa iyo. Pagkatapos ay ibigay ang
kasingkahulugan nito mula sa diksyunaryo at kung paano ginamit sa akda, ang
kasalungat nito saka mo gamitin sa isang makabuluhang pangungusap.

Mga Bagong Salita para Kahulugan batay sa Kasalungat na


sa akin Pagkakagamit sa akda o kahulugan
mula sa Diksyunaryo

Makabuluhang Pangungusap

16
MODYUL 4

Naibigan mo ang aralin sa modyul 3? Kung oo, binabati kita sapagkat


napagtagumpayan mo ang modyul na iyong sinagutan tungkol sa
magkasingkahulugan at magkasalungat na kahulugan! Tinitiyak ko na magiging
kawili-wili ang modyul na ito para sa iyo. Ito ay makatutulong upang magkaroon
ka ng sapat na kaalaman tungkol sa sanhi at bunga ng mga pangyayari at mga
hudyat na mga salitang ginagamit dito.
Inaasahan kong matatamo mo ang kasanayan na nasa ibaba sa pag-aaral
ng modyul na ito:

Nakikinig nang may pang-unawa upang mailahad ang layunin ng


napakinggan, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at
mauri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari (F8PN-Ig-h-22)

Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil,


sapagkat, kaya, bunga nito, iba pa) ( F8WG-Ig-h-22)

Aralin
Sanhi at Bunga
4

Maraming pangyayari sa ating buhay, paligid at lipunan na tiyak na may


dahilan at pinagmulan. Mahalaga na magkaroon ng sapat na kaalaman kung
paano nangyari ang isang bagay,pangyayari o sitwasyon at ano ang maaaring
maging resulta nito. Gagabayan ka ng modyul na ito upang magkaroon ng sapat
na kaalaman sa sanhi at bunga ng mga pangyayari.

17
Sa araling ito, malalaman mo ang sanhi at bunga ng mga pangyayari at mga
hudyat na salitang ginagamit dito.Mabuting basahin at unawain mo ang
mahahalagang impormasyon tungkol sa ating araling panggramatika.

ALAM MO BA NA...
Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
Ito ay nagsasabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari.
Ang bunga naman ay ang resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari.
Ito ang epekto ng kadahilanan ng pangyayari.

Ang dalawang ito ay laging iniuugnay ng sumusunod na hudyat:


-dahil
- kung kaya
-kasi
- sapagkat
-kung
-kapag

Halimbawa

▪ Kapag nauuna ang sanhi


▪ Magdamag na umiiyak ang sanggol sa loob ng bahay (sanhi) kaya hindi
nakatulog nang maayos si Aling Ester (bunga).
▪ Hindi iningatan ni Totoy ang kaniyang cellphone (sanhi) kaya nasira
ito agad (bunga).
▪ Dahil nag aral siyang mabuti (sanhi) kaya mataas ang nakuha niya sa
pagsusulit (bunga).
▪ Dahil sa pagtatapon ng basura kung saan-saan (sanhi) kaya naman
nalalason na ang ating kapaligiran (bunga).
▪ Labis na pagputol ng mga puno (sanhi) kaya wala ng sumisipsip sa mga
tubig ulan kaya nagkakaroon nang labis na pagbaha (bunga).

▪ Kapag nauuna ang bunga


▪ Nalalason ang mga isda sa dagat, at nagkakaroon ng mga baha
(bunga) dahil sa walang displinang pagtatapon ng basura kung saan-
saan (sanhi).
▪ Nagkamit siya ng iba’t ibang karangalan sa kaniyang paaralan
(bunga) dahil nag aaral siyang mabuti (sanhi).
▪ Lumubog sa baha ang isang bayan (bunga) dahil sa kakulangan ng
pagpaplano ng mga nasa katungkulan (sanhi).

18
Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin,
marahil ay naging malinaw na sa iyo ang konsepto ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari. Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa
paksang iyong pinag-aaralan, subukin mong gawin ang ilan pang gawain.

Gawain Blg. 1
Suriin at pagtapat-tapatin ang magkakaugnay na mga larawan upang
malaman ang sanhi at bunga ng bawat pangyayari. Isulat sa sagutang papel ang
letra na tutugon sa wastong pagtatapat at ang paliwanag sa ugnayan ng bawat
larawan.

19
Gawain Blg. 2
Sa naranasang pandemya ng buong mundo dahil sa Covid-19 nahaharap
tayo ngayon sa tinatawag na New Normal. Nais kong itala mo ang mga naging
sanhi at bunga na naidulot nito sa ating bansa sa tulong ng fish bone organizer.

Habang lumalalim ang iyong pag-unawa sa paksa sa sanhi at bunga.


Mapagtitibay mo ang ideyang ito sa tulong ng mga gawain na inilaan sa bahaging
ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang sanaysay tungkol sa pandemyang
naranasan ng ating bansa. Sundin ang pamantayan sa pagsulat na mababasa sa
ibaba.
Layunin: Nakasusulat ng isang sanaysay tungkol sa naranasang pandemya na
nagpapakita ng sanhi at bunga gamit ang mga hudyat na salitang ginagamit dito.

Pamantayan sa Pagsulat:
1. Binubuo ng 3 talata.
2. Gumamit ng wastong baybay at bantas.
3. Ipahayag ang naranasan sa pandemya na
nagpapakita ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.
4. Bumuo ng makabuluhang pamagat.

Paksa: Karanasan sa gitna ng Pandemya

20
MODYUL 5

Magaling! Sapagkat napagtagumpayan mo ang modyul na iyong sinagutan


tungkol sa sanhi at bunga ng mga pangyayari! Tinitiyak ko na magiging kawili-wili
ang modyul na ito para sa iyo. Ito ay makatutulong upang magkaroon ka ng sapat
na kaalaman tungkol sa pagbibigay ng hinuha sa mga ideya o pangyayari sa akda.
Inaasahan kong matatamo mo ang kasanayan na nasa ibaba sa pag-aaral
ng modyul na ito:

Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng: -


paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda - Dating kaalaman
batay sa binasa (F8PB-Ig-h-24)

Aralin
Paghihinuha
5

Minsan sa buhay natin hindi natin naiiwasang magbigay ng mga palagay ng


walang konkretong ebidensya. Nakapagbibigay tayo ng mga komento batay lamang
sa ating kuro-kuro. Sa araling ito, malalaman natin ang wastong pagbibigay ng
hinuha o palagay sa isang sitwasyon o pangyayari. Handa ka na ba?

21
Sa araling ito, mapauunlad mo ang kakayahang umunawa sa binasa sa
pamamagitan ng: - paghihinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda at dating
kaalaman batay sa binasa. Mabuting basahin at unawain mo ang mahahalagang
impormasyon tungkol sa ating araling panggramatika.

ALAM MO BA….

Ang paghihinuha ay ang pagbibigay ng iyong sariling haka haka o opinyon


tungkol sa isang bagay o sitwasyong naganap. Ito ay maaaring magmula sa
iyong sariling paniniwala at pagkakaintindi sa isang konteksto ng pangyayari.
Ang paghihinuha ay malaliman na pag-unawa matapos basahin ang pahayag

Halimbawa ng Paghihinuha ay:


- Baka
- Tila
- Wari
- Marahil
- Siguro
Halimbawa sa Pangungusap:
- Marahil totoo ang kanyang sinasabi.
- Si Maria ay tila maglalaba mamaya.
- Siguro may bagyong darating dahil makulimlim.

Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin,


marahil ay naging malinaw na sa iyo ang konsepto ng paghihinuha. Upang
mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa paksang iyong pinag-
aaralan, basahin mong mabuti ang bahagi mula sa maikling kuwentong “Sandaang
Damit” ni Fanny Garcia at gawin ang nakatalagang gawain mula rito.

22
Gawain Blg. 1

May isang batang mahirap. Nag-aaral siya. Sa paaralan ay kapansin-


pansin ang kaniyang pagiging walang-imik. Malimit siyang nag-iisa. Laging
nasa isang sulok. Kapag nakaupo na’y tila ipinagkait. Laging nakayuko,
mailap ang mga mata, sasagot lamang kapag tinatawag ng guro. Halos paanas
pa kung magsalita. Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang natuklasang
kaiba ang kaniyang kalagayan sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid nila
iyon sa kaniya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit na
pamasok sa paaralan. Malimit nila siyang tuksuhin sapagkat ang kaniyang
damit, kahit nga malinis, ay halatang luma na, palibhasa’y kupasin at
punung-puno ng sulsi.

Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit naging mahiyain ang batang babae?
Itala sa bawat bilog sa tulong ng brainstorming web.

Gawain Blg. 2
Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang nagkatinig ang mahirap na
batang babaeng laging kupasin, puno ng sulsi, at luma ang damit, ang batang
laging kakaunti ang baong pagkain. Yao’y isa na naman sanang pagkakataong
walang magawa ang kaniyang mga kaklase at siya na naman ang kanilang
tinutukso. “Alam n’yo,” aniya sa malakas at nagmamalaking tinig, “ako’y may
sandaang damit sa bahay.” Nagkatinginan ang kaniyang mga kaklase, hindi sila
makapaniwala. “Kung totoo ya’y ba’t lagi na lang luma ang suot mo?” Mabilis
ang naging tugon niya, “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit.
Ayokong maluma agad.” “Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa’min para kami
maniwala!” Iisang tinig na sabi nila sa batang mahirap. “Hindi ko madadala rito.
Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto n’yo’y sasabihin ko na lang kung
ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano ang kulay, kung may laso o
bulaklak.” At nagsimula na nga siyang maglarawan ng kaniyang mga damit.
Ayon sa kaniya’y may damit siya para sa iba-ibang okasyon. May damit siyang
pambahay, pantulog, pampaaralan, pansimbahan, at iba pa.

23
Sa iyong palagay, totoo kaya ang mga damit na kaniyang ikinuwento?
Magbigay ng tatlong patunay na totoo ang mga damit na inilarawan niya. Itala ang
sagot sa loob ng mga damit.

Habang lumalalim ang iyong pag-unawa sa paksa sa paghihunuha.


Mapagtitibay mo ang ideyang ito sa tulong ng mga gawain na inilaan sa bahaging
ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang sanaysay. Sundin ang pamantayan sa
pagsulat na mababasa sa ibaba.

Layunin: Nakasusulat ng isang sanaysay tungkol sa tinatawag na ”New Normal”


gamit ang mga salitang naghihinuha.

Pamantayan sa Pagsulat:
1. Binubuo ng 3 talata.
2. Gumamit ng wastong baybay at bantas.
3. Ipahayag ang sariling hinuha sa paglalahad.
4. Bumuo ng makabuluhang pamagat.

Paksa: Ang kaganapan sa Bagong Normal sa Taong 2021

24
MODYUL 6

Nasasabik ka na ba sa susunod na modyul? Nais ko munang batiin ka


sapagkat napagtagumpayan mo ang modyul na iyong sinagutan tungkol sa
paghihinuha! Tinitiyak ko na magiging kawili-wili ang modyul na ito para sa iyo.
Ito ay makatutulong upang magkaroon ka ng sapat na kaalaman tungkol sa
pagbibigay ng hinuha sa mga ideya o pangyayari sa akda.
Inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan sa pag-
aaral ng modyul na ito:
1.Nagagamit ang iba’t ibang teknik sa pagpapalawak ng paksa: -
paghahawig o pagtutulad, pagbibigay depinisyon, at pagsusuri
(F8PS-Ig-h-22)
2.Naisusulat ang talatang: binubuo ng magkakaugnay at maayos na
mga pangungusap, nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan at
nagpapakita ng simula, gitna at wakas (F8PU-Ig-h-22)

Aralin
Pagpapalawak ng Paksa
6

Sa aralin ito ay tatalakayin ang Pagpapalawak ng Paksa at Pagbuo ng


Talata. Mahalaga na magkaroon ka ng sapat na kaalaman kung paano
mapapalawak ang isang paksa. Sa araling ito ay ituturo din sa iyo ang mga teknik
upang mapalawak ang isang paksa at ang pagsulat ng isang mabisang talata.
Gagabayan ka ng modyul na ito upang matutuhan mo ang pagpapalawak ng
paksa. Tuklasin natin kung bakit mahalagang pag-aralan ang mga ito.

25
Sa araling ito, mapauunlad mo ang kakayahang sa pagpapalawak ng paksa.
Mabuting basahin at unawain mo ang mahahalagang impormasyon tungkol sa
ating araling panggramatika.

ALAM MO BA NA...

ANG PAGTATALATA
Ang talata ay isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na
magkakaugnay, may balangkas, may layunin, at pag-unlad ng kaisipang nakasaad
sa pinapaksang pangungusap na maaaring lantad o di-lantad. Layunin ng isang
talata ang makapaghatid ng isang ganap na kaisipan sa tulong ng mga
pangungusap na magkakaugnay.

Upang maging mabisa ang isang talata, ito ay dapat na may isang paksang
diwa, buong diwa, may kaisahan, maayos ang pagkakalahad, at may tamang
pagkakaugnay at pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan.

May iba’t ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan sa komposisyon. Ito ay


ang sumusunod:

1. Panimula – ito ang nasa unahan ng isang komposisyon. Dito nakasaad ang
paksa na nais talakayin ng manunulat at kung ano ang kaniyang
ipinaliliwanag, isinasalaysay, inilalarawan, o binibigyang-katuwiran.
2. Gitnang talata o Talatang Ganap – ito naman ang nasa bahaging gitna ng
isang komposisyon. Ito ay may tungkuling paunlarin o palawakin ang
pangunahing paksa. Binubuo ito ng mga sumusuportang ideya upang ganap
na matalakay ang paksang nais bigyang-linaw ng manunulat.

3. Wakas o Talatang Pabuod – ito naman ang kadalasang pangwakas ng isang


komposisyon. Dito nakasaad ang mahahalagang kaisipan na nabanggit sa
gitnang talata. Minsan ginagamit ito upang bigyang-linaw ang kabuoan ng
komposisyon.

Iba’t ibang Teknik sa Pagpapalawak ng Paksa

Ang pagpapalawak ng paksa ay isang gawaing nagpapakita ng malawak na


kaalaman tungkol sa isang tiyak na bagay.

1. Pagbibigay Katuturan o Depinisyon


May mga salitang hindi agad-agad maintindihan kaya’t kailangang bigyan ng
depinisyon.

2. Paghahawig o Pagtatambis
May mga bagay na magkapareho o nasa kategoryang iisa. May mga bagay rin
namang magkakaiba.

3. Pagsusuri
Ito ang nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuoan ng isang
bagay kundi pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa’t isa.

26
Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin,
marahil ay naging malinaw na sa iyo ang konsepto kung paano bumuo ng isang
mabisang talata at kung paano mapapalawak ang isang paksa.

Gawain Blg. 1
Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Suriin kung anong teknik sa
pagpapalawak ng paksa ang ginamit sa bawat pangungusap sa ibaba. Itala ang
iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang epiko ay isang mahabang tulang pasalaysay na inaawit o binibigkas na


nagsasaad ng kabayanihan at mahiwagang pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan sa kuwento.

2. Ang salawikain at sawikain ay parehong nabibilang sa karunungang-bayan


at parehong kapupulutan ng aral.

3. Ang paghahambing ay nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa


pamamagitan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang
bagay na pinaghahambing.

4. Ang alamat ay isang salaysay na tuluyan na nagsasaad ng pinagmulan ng


isang bagay o lugar samantalang ang epiko ay tumatalakay sa kabayanihan
at mahiwagang pangyayari sa buhay ng tauhan.

5. Ang talata ay isang maikling kathang binubuo ng mga pangungusap na


magkakaugnay, may balangkas at may layunin.

27
Gawain Blg. 2

Ang isang mabisang talata ay may mahusay na pagkakaugnay at


pagkakasunod ng bawat detalye. Sa gawaing ito, susubukin ang iyong husay para
maisaayos ang nasa ibabang talata. Gawain ito sa sagutang papel

Si Graciano Lopez Jaena


Kumuha siya ng kursong pagpapari sa seminary sa Iloilo subalit di nagtagal
ay iniwan niya ang bokasyong ito at sa halip siya ay naging masugid na tagatuligsa
ng mga anomalyang ginagawa ng mga prayle sa bansa na naging sanhi upang siya
ay tugusin ng mga nasa kapangyarihan. Siya ang nanguna sa pagbuo ng
pahayagang La Solidaridad na naging pinakamapanlaban at pinakatanyag sa lahat
ng mga pahayagang Pilipino sa Espanya.

Narito pa ang ilan sa kanyang mga naging tanyag na akda at talumpati: “En
Honor de los Artistas Luna y Resurreccion Hidalgo”, “El Bandolerismo en Filipinas”,
“Sa Mga Pilipino”, “En Honor del Presidente Morayta del Asociacion Hispano-
Filipino”, “Honor en Pilipinas” o Karangalan sa Pilipinas. at “Mga Kahirapan ng
Pilipinas.”
Si Graciano Lopez Jaena ay isa rin sa itinuturing na pinakadakilang bayani
at henyo ng Pilipinas. Ang dakilang propagandistang ito na nakagawa ng may 100
talumpati na magpahanggang ngayon ay binabasa pa rin ng mga Pilipino.

___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
____

28
Sa pamamagitan ng pagsulat ng talata ay naipahahayag natin ang ating mga
ideya, pananaw at saloobin.

Sa iyong palagay, ano ang mga positibong epekto ng pagkakaroon natin ng


kalayaang makapag pahayag sa pamamagitan ng paggawa ng talata? Ano naman
ang mga negatibong epekto?

Positibong Epekto
Negatibong
Epekto

Positibong Epekto
Negatibong
Epekto

Matapos kung maitala ang maaaring maging epekto ng pagkakaroon ng


malayang pamamahayag. Aking napagtanto na
______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

29
MODYUL 7

Nagagalak ako at patuloy mong naiibigan ang mga aralin natin! Bago ka
magpatuloy nais kitang batiin sapagkat napagtagumpayan mo ang modyul na
iyong sinagutan tungkol sa pagpapalawak ng paksa ! Tinitiyak ko na magiging
kawili-wili ang modyul na ito para sa iyo. Ito ay makatutulong upang magkaroon
ka ng sapat na kaalaman tungkol sa pagbibigay ng hinuha sa mga ideya o
pangyayari sa akda.
Inaasahang matatamo mo ang kasanayan sa pag-aaral ng modyul na ito:

Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa


napakinggang/nabasang pag-uulat (F8PN-Ii-j-23)

Aralin
Opinyon at Katotohanan
7

Sa bahaging ito ng aralin ay mababatid mo kung ang pahayag ay nagsasaad


ba ng Katotohanan at Opinyon? Sa aralin na ito rin matutuhan kung paano ba ang
wastong pagbibigay ng sarili mong opinyon hinggil sa mga napapanahong paksa at
kung ano ang mga salitang karaniwan na ginagamit kapag nagbibigay ng opinyon.

30
Sa araling ito, mapauunlad mo ang kakayahan sa pagbibigay ng
katotohanan at opinyon. Mabuting basahin at unawain mo ang mahahalagang
impormasyon tungkol sa ating araling panggramatika.

ALAM MO BA NA...

KATOTOHANAN AT OPINYON

May mga pagkakataong ang tao ay nagbibigay ng kaniyang sariling


opinyon o haka-haka sa mga paksang pampolitika o maging sa pangyayaring
nagaganap sa lipunan o kahit sa mga pang araw-araw na pakikipagtalakayan.
May pagkakataon din namang kailangang maglahad ng katotohanan.
Mahalagang mauri ang mga pahayag na maririnig kung ito ba ay opinyon o
katotohanan.

Opinyon

Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang


batay sa mga totoong pangyayari. Ang opinyon ay mga impormasyon na batay
sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang
pinagmulan ng impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o
hindi.

Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa


nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa
ganang akin atbp.

Halimbawa:

1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala


sa isa’t isa.
2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot
sa Diyos.
3.Pakiramdam ko, ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.

Katotohanan

Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng


pinagkuhanan. Bihira itong magbago mula sa isang pinagmulan ng
impormasyon sa iba pa.

1. Mababasa sa resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting


umuunlad ang turismo sa ating bansa.
2. Ayon sa Bibliya, masama ang pagsisinungaling.

31
Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin, marahil ay
naging malinaw na sa iyo ang pagkakaiba ng katotohanan at opinyon. Upang
mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang pag-unawa sa paksang pinag-
aaralan, subukin mong sagutin ang mga gawain.

Gawain blg. 1

Hanapin sa loob kahon ang mga salita o pariralang madalas na ginagamit sa


pagbibigay ng opinyon at katotohanan. Ihanay ang mga ito kung saan nabibilang.

32
GAWAIN Blg. 2
Batay sa iyong nakuhang mga impormasyon at sa sinagutang mga gawain,
ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng katotohanan at opinyon. Sagutin sa
pamamagitan ng Venn Diagram.Gawin sa papel. Gayahin ang pormat

A at B Katangian ng
bawat isa
C – Pagkakatulad ng
dalawa

Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailapat ang mga kaalamang natutuhan


sa awtentikong pagkatuto. Basahin at unawain mo ang ulat na nakasulat sa loob
ng kahon.

Nagka-COVID-19 sa 'Pinas umabot nang 33,069, nadagdagan nang 778


ngayong araw

James Relativo (Philstar.com) - June 25, 2020 - 4:55pm


MANILA, Philippines (Update 1, 6:06 p.m.) — Muling nadagdagan ang bilang
ng nahahawaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa loob ng bansa habang
patuloy na nananalasa ang pandemya sa buong mundo.

Sa pinakabagong talaan ng Department of Health, Huwebes, tumuntong na ito


sa 33,069 — mas marami nang 778 kumpara sa datos noong Miyerkules.

Ang mga bagong numerong naidagdag ay galing sa resulta ng 415 fresh cases
at 363 late cases na naibahagi sa mga pasyente sa nakaraang tatlong araw at
apat na araw pataas.

33
"Meron tayong 415 fresh cases na naidagdag sa ating talaan, kung saan 250 ay
mula sa National Capital Region, 72 ay galing sa Region 7 at ang 93 ay galing sa
iba't ibang rehiyon ng ating bansa," ayon kay Health Undersecretary Maria
Rosario Vergeire.

Narito naman ang case breakdown ng 22,436 na aktibong kaso ng COVID-19 sa


bansa ayon sa datos ng DOH kahapon na ngayon lang inilabas:

• 752 asymptomatic (3.4%)


• 21,543 mild (96%)
• 117 severe (0.5%)
• 24 critical (0.1%

Patay naman na sa virus ang 1,212 matapos nitong madagdagan nang walo
ngayong araw.

Batay sa datos at graph na inilabas ng DOH, patuloy naman ang pagbaba ng


mga namamatay sa virus habang tumatagal ang pagtugon dito ng gobyerno.
Makikitang rumurok (nag-peak) ang COVID-19 deaths sa Pilipinas bago
magtapos ang Marso 2020 sa mahigit-kumulang 40, na ngayo'y bumaba sa
wala pang sampu.

Ang mga gumaling naman, sumipa na sa 8,910 matapos magtamo nang 255
karagdagang recoveries.

Kanina lang nang sabihin ni National Task Force against COVID-19 Deputy
Chief Implementer Vince Dizon na nakamit na ng gobyerno ang hangad nitong
50,000 kada araw.

Ngayong nabasa mo na ang ulat na nasa itaas. Magbigay ka ng iyong


saloobin o opinyon base sa iyong nabasang balita. Gamitin ang mga salita o
pariralang iyong natutuhan sa pagbibigay ng sariling opinyon. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Nilalaman 5 4 3 2 1
Pagsunod sa uri ng anyong hinihingi
Lawak at lalim ng pagtalakay
Balarila
Wastong gamit ng wika
Kabuoan

5 – Pinakamahusay 2 - Mapaghuhusay
4 – Mahusay 1 - Nangangailangan pa ng mga pantulong na pansanay
3 – Katanggap-tanggap

34
MODYUL 8

Nakakatuwa na ikaw ay nasa huling modyul sa ikawalong baitang! Ngayon


pa lang ay binabati na kita sa iyong tagumpay! Tinitiyak ko na magiging kawili-wili
ang huling modyul na ito para sa iyo. Ito ay makatutulong upang magkaroon ka
ng sapat na kaalaman tungkol sa pagbibigay ng hinuha sa mga ideya o pangyayari
sa akda.
Inaasahang matatamo mo ang sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng
modyul na ito:

1.Naipapaliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa


binasang datos (F8PB-li-j-25)

2.Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang awtentikong datos


na nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong kulturang Pilipino
(F8PU-Ii-j-23)
3.Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos ng datos (una,isa
pa, iba pa) (F8WG-Ii-j-23)

Aralin
Sistematikong Pananaliksik
8

Ang huling bahagi ng araling ito ay magbibigay-daan upang iyong matutuhan


ang paraan ng sistematikong pananalisik at mailapat sa tunay na buhay. Ang
sistematikong pananaliksik ay magagamit mo sa pangangalap ng datos para sa
iyong isinasagawang pag-aaral. Tuklasin mo at unawain kung paano nga ba
maisasagawa ang isang sistematikong pananaliksik?

35
Sa araling ito, mapauunlad mo ang kakayahan sa sistematikong pananaliksik.
Mabuting basahin at unawain mo ang mahahalagang impormasyon tungkol sa
ating araling panggramatika.

ALAM MO BA NA...
SISTEMATIKONG PANANALIKSIK
Isang mahalagang kasanayan na dapat matutuhan ng mga mag-
aaral ay ang sistematikong pananaliksik. Ang pananaliksik ay isang
mapanuri at makaagham na imbestigasyon o pagsisiyasat ng isang
bagay, paksa, o kaalaman sa pamamagitan ng pangangalap,
pagpapakahulugan, pagbubuo, at pag-uulat ng mga ideya nang obhetibo,
matapat, at may kalinawan.
Narito ang mga hakbang sa paggawa ng isang sistematikong
pananaliksik.
1. Pagpili ng Paksa: Sa pagpili ng paksang susulatin unang bagay na
dapat mong isaalang-alang ay kung ito ba ay kawili-wili o naaayon
sa iyong interes. Ikalawa, kailangang masiguro kung kakayanin
mong gawin ang pananaliksik; at ang huli, ang pagpili sa paksa na
may sapat na malilikom na datos.
2. Paglilimita ng Paksa: Mahalagang bigyang-limitasyon ang
paksang pipiliin upang hindi ito masyadong maging masaklaw at
matapos sa tamang panahon. Sa paglilimita ng paksa, gawing
batayan ang sakop ng panahon, sakop ng edad, sakop ng kasarian,
sakop ng grupong kinabibilangan, sakop ng anyo/uri, at sakop ng
perspektiba.
Halimbawa:
• Paksa: Ang pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino
• Nalimitang Paksa: Ang mga Pagpapahalaga sa Kulturang
Pilipino sa Rehiyon 1
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi: Sumunod na
gawin ang paghahanda ng pansamantalang bibliyograpi. Tandaan
ang paghahanda nito ay isang patuloy na proseso.

Ang bibliyograpi o talasanggunian ay talaan ng iba’t ibang sanggunian


katulad ng mga aklat, artikulo, report, peryodiko, Siguraduhing ang mga aklat o
impormasyong isasama sa talaan ay may kaugnayan sa paksang tinatalakay.
Hindi kailangang basahin nang masinsinan ang mga aklat o artikulong nasa
talaan. Subalit, mahalagang basahin ito nang pahapyaw upang matiyak ang
kaugnayan nito sa paksa. Ito ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa
paggawa ng pansamantalang bibliyograpi.

36
• Pangalan ng awtor
• Pamagat ng kanyang isinulat
• Impormasyon tungkol sa pagkakalathala
• Mga naglimbag
• Lugar at taon ng pagkakalimbag
• Pamagat ng aklat
• Ilang mahahalagang tala ukol sa nilalaman
4. Ang pagbuo ng Pansamatalang Balangkas: Ang pagbabalangkas ay
isinasagawa upang maisaayos ang mga ideyang nakalap mula sa inisyal
na paghahanap ng mga datos. Makatutulong ito upang mabigyan ng
gabay at direksyon ang pananaliksik sa simula pa lamang. Sa pagbuo ng
balangkas kailangang isulat ang pangunahing ideya o pinakabuod ng
pananaliksik na isinagawa. Isunod na ilista ang mga pantulong na ideya.
Sumunod na tiyakin kung paano ilalahad nang maayos ang mga ideya:
kung ito ba’y kronolohikal o ayon sa lugar at saka isaayos ang pormat.
5. Paghahanda ng Iwinastong Balangkas o Final Outline: Dito na
susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak
kung may mga bagay bang kailangang baguhin o ayusin. Balansehin ang
lagay ng bawat punto. Tantiyahin ang bawat bahagi kung nasusobrahan
o nakukulangan ng detalye.
6. Pagsulat ng Burador o Rough Draft: Mula sa iyong iwinastong
balangkas at mga kard ng tala ay maaari ka nang magsimulang sumulat
ng iyong burador. Kailangan ang sulating pananaliksik ay dapat
magkaroon ng panimula na kababasahan ng mga ideyang matatagpuan
sa kabuoan ng sulatin, ng katawan na kababasahan ng pinalawig na
balangkas, at ng iyong konklusyon na siyang nagsasaad ng buod ng
iyong mga natuklasan sa iyong pananaliksik.
Sa pagsulat, dapat din tandaan at isaalang-alang ang paggamit ng pahayag sa
pagsasaayos ng datos. May mga pananda na naghuhudyat ng pag-uugnayan sa
iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag. Ang ilan sa mga panandang magagamit sa
pag-aayos ng mga datos ay ang una, sunod/sumunod, saka, bilang pagtatapos,
wakas, o sa dakong huli.
7. Pagrerebisa: Makatutulong ang muling pagbasa sa sinulat para
mamataan ang mga kamaliang nagawa na kailangang maiwasto.
Huwag gawing madalian ang pagrerebisa upang maingat na
maiwasto ang bawat pangungusap at walang makaalpas na mali.

Dito pag-ukulan ng pansin ang pagbaybay, kaangkupan ng pagkakagamit ng


mga stalita, gamit ng mga bantas, at ang estruktura ng mga pangungusap.

37
8. Pagsulat ng Pinal na Manuskrito: Manuskrito ang tawag sa pinal na
sipi ng isang sistematikong pananaliksik. Ito ay dapat na nakaayon sa
pamantayan o istandard na ibinigay ng guro. Tandaang bago ipasa ang
pinal na gawa, repleksiyon ng sarili ang anumang ginagawa kaya’t
kailangang pagbutihin ang pagsulat bilang pagpapabuti rin sa sarili.

Sa pananaliksik, mahalagang matutuhan mo rin ang tamang paggawa ng


talasanggunian o bibliyograpi. Ngunit tandaang sa pangangalap ng mga
impormasyon ay hindi lamang ang aklat ang iyong magagamit upang
mapagsanggunian. Maaari ka ring gumamit ng Internet, panayam, o
panoorin sa pangangalap ng impormasyon.

Importante ang paggawa ng talasanggunian dahil bukod sa pagbibigay


galang sa may-akda o may ideya ng iyong nakalap na impormasyon, ito rin
ay isang matibay na ebidensya o pagpapatunay ng katumpakan ng mga
impormasyong iyong nakalap.

Ilan sa mahahalagang bagay na dapat tandaan sa paggawa ng


talasanggunian ay:

• Maaari itong isaayos nang paalpabeto batay sa pangalan ng may akda


ng aklat o mula sa pinakabagong limbag na aklat hanggang sa
pinakaluma.
• Pagpangkat-pangkatin ang mga uri ng sanggunian kung ito ba ay
aklat, mula sa isang pahayagan, magasin, ulat, o internet.
• Ilagay ang pangalan ng may-akda, pamagat ng aklat, tagapaglimbag,
at taon ng pagkakalimbag.

Pagkatapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin, marahil


ay naging malinaw na sa iyo ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang
sistematikong pananaliksik. Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman at tamang
pag-unawa sa paksang iyong pinag-aaralan, subukin mong sagutin ang ilan pang
gawain.

Gawain Blg. 1
Panuto: Ibahagi ang iyong opinyon o pananaw batay sa isang balitang dagli
na nakasulat sa kahon. Isulat ang iyong sagot sa ibaba nito.
MANILA, Philippines — May 149 iba’t ibang klase ng bakuna ang nasa ‘clinical
trials’ na ng World Health Organization (WHO) para sa COVID-19.
Sinabi ni Food and Drugs Authority (FDA) Director General Rolando Domingo,
na nasa 450 pasyente sa Pilipinas ang naka-enrol sa solidarity trial sa 22 active
sites habang kabilang sa mga gamot na parte ng WHO trial ang
hydroxychloroquine, remdesevir, lopinar with ritonavir, at lopinavir with
ritonavir interferon beta-1a.

38
Gawain Blg. 2

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salita na may kaugnayan sa


sistematikong pananaliksik. (10 salita) Isulat sa sagutang papel ang iyong mga
nahanap na sagot.

39
Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailapat ang mga kaalamang natutuhan
sa awtentikong pagkatuto. Basahin at unawain mo ang sitwasyon pagkatapos,
gawin mo ang Inaasahang Produkto para sa araling ito.

Sitwasyon:

Magsagawa ng isang pananaliksik na pumapaksa sa mga kabayanihang


nagawa ng ating mga tinuturing na “Frontliners” sa panahon ng pandemya.
Gamitin ang mga hakbang sa sistematikong pananaliksik na itinuro ng guro
para sa modyul na ito.

PAMANTAYAN Puntos

Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa 10 puntos


pag-aayos ng datos

Nakagagawa ng sariling hakbang ng 10 puntos


pananaliksik nang naayon sa lugar at panahon
ng pananaliksik

Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng 10 puntos


pananaliksik ang awtentikong datos na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa katutubong
kulturang Pilipino.

Kabuoang Puntos 30 puntos

5- Nakahusay 2 – Pagbutihin pa

4 – Mahusay 1 – Higit na Pagbutihin pa


3 – Katamtaman

40
Natapos mo na ang huling bahagi ng modyul na ito. At naniniwala akong
buong husay mo itong naisagawa. Tanggapin mo ang aking pagbati.
Iminumungkahi kong sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit upang higit mong
matiyak na talagang naunawaan mo na ang mga araling nakapaloob sa modyul na
ito. Simulan mo na!

1. Ang mga sumusunod na pangungusap ay naglalarawan sa sistematikong


pananaliksik MALIBAN sa?

A. Ang pananaliksik ay isang mapanuri at makaagham na imbestigasyon o


pagsisiyasat ng isang bagay, paksa o kaalaman sa pamamagitan ng
pangangalap.
B. Ang pagbabalangkas ay isinasagawa upang mabawasan ang mga ideyang
nakalap mula sa inisyal na paghahanap ng mga datos.
C. Makatutulong ang muling pagbasa sa sinulat para mamataan ang mga
kamaliang nagawa na kailangang maiwasto.
D. Sa pagsasagawa ng pananaliksik hindi mahalaga ang paggawa ng burador
o rough draft.

2. Maaga akong gumising kanina kasi ayaw kong mahuli sa klase. Ang
pangungusap na maysalungguhit ay isang?

A. Bunga
B. Sanhi
C. Simuno
D. Panaguri

3. Ibigay ang angkop na hinuha.

Maagang naulila sa ina ang tatlong magkakapatid. Nasa ika-anim


na baitang ang panganay. Palaging malungkot ang kanilang itay.
Hatinggabi na kung umuwi at lasing pa.

A. Natutuwa ang magkakapatid


B. Nagkaroon ng malaking problema.
C. Naisipan nilang humingi ng tulong sa pamahalaan.
D. Natatakot sila sa kanilang tatay.

41
4. Ang mga sumusunod na pangungusap ay naglalarawan sa pagpapalawak ng
paksa MALIBAN sa?

A. Ang pagpapalawak ng paksa ay isang gawaing nagpapakita ng malawak na


kaalaman tungkol sa isang tiyak na bagay.
B. Kailangan ding suriin ang iba pang katangian at elemento ng paksang ating
tinatalakay.
C. Sa pagpapalawak ng paksa ipinagbabawal ang pagbibigay ng sariling
depinisyon hinggil sa paksang tinatalakay.
D. Sa pagbuo ng talata mahalagang magkakaugnay ang mga kaisipan.

5. Sa aking palagay kung lahat tayo ay magsisikap sa buhay siguradong tayo ay


uunlad. Ang pangungusap ay halimbawa ng?

A. Katotohanan
B. Opinyon
C. Paghahambing
D. Paghihinuha

6. Parehong maganda ang aking nanay at lola. Ang salitang maysalungguhit ay


nabibilang sa ____?

A. Pandiwa
B. Paghahambing
C. Pang-ukol
D. Pang-abay

7. Nagdiwang ang lahat sa tagumpay na natamo ng magkapatid. Ang kasalungat


ng salitang maysalungguhit ay?

A. Nagdalamhati
B. Naghanda
C. Nagsaya
D. Naguluhan

8. Ibigay ang mensaheng nais iparating ng salawikaing “Kung hindi ukol, hindi
bubukol”.

A. Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtam kung hindi


nakalaan para sa iyo.
B. Ang paglalaro ay may kaakibat na pag-iingat dahil ika’y maaaring
masaktan.
C. Sa pag-aasawa kung ang dalawang magsing-irog ay nagmamahalan tiyak
na sila ay ukol sa isa’t isa.
D. Kung hindi nagtanim ay walang aanihin.

42
9. “Naku! ang batang ito ay tila may uod sa katawan”. Ang salitang nakapahilig
ay nangangahulugang __?

A. May takot
B. Mayabang
C. Malikot
D. Masunurin

10. Ang buhay noon ay mas simple kompara sa komplikadong buhay ngayon. Alin
sa pangungusap ang salitang naghahambing?

A. Buhay
B. Komplikado
C. Mas
D. Noon

43
Modyul 1 Modyul 2

Modyul 3 Modyul 4 Modyul 5

Modyul 6 Modyul 7 Modyul 8

44
Sanggunian
Julian, Ailene B. et,al. Pinagyamang Pluma 8. Quezon City: Phoenix
Publishing House, 2014

Granada, Nico. K to 12 Filipino Module 8,www.slideshare.net.com: 2013,


https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12 -filipino-learners-module

Noche, Pia.Patulad o Di Patulad na Paghahambing: Samutsamot


filewordpress.com,2014,https://samutsamot.files.wordpress.com/2014
/ 09/patulad-o-di-patulad-na-paghahambing_12.pdf

Emma.Thanksgiving Coloring Sheet Dinner: 101 coloring.com, 2019,


https://101coloring.com/fun-and-creative-thanksgiving-coloring-
sheets/

Scb13.Poor Sad Family their Miserable Home:wwwshutterstock.com, 2020,


https://www.shutterstock.com/image-illustration/poor-sad-family-
their-miserable-house-1095367415

Grade 7 St. Therese. Kasingkahulugan at kasalungat, prezi.com. 2014 retrieved from


https://prezi.com/mmwfxvtpk67d/group-5-kasingkahulugan-at-kasalungat/

Brain Pop Educators. World Map Graphic Organizers, educators.brainpop.com.


2019 retrieved from https://educators.brainpop.com/printable/word-map-
graphic-organizer/

Clamor, Precious. Ang Kalupi, brainly.ph. 2016. retrieved from https://


brainly.ph/question/357304

Noche, Pia (2013)


lessonworksheets.com,https://lessonworksheets.com/concept/sanhi-at-
bunga
Lucid Chart, Fishbone Diagram Tutorial,
Lucidchart.com,https://www.google.com/search?q=fishbone+diagram&sxsrf=
ALeKk03c2i2GFB8AdSC-1WCv-
QUu8Sml1g:1593792575735&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi
e18mCvLHqAhVbPHAKHat-
BWwQ_AUoAXoECBAQAw&biw=1350&bih=640#imgrc=3VBUMRJk5NZ-0M
Brainpop Educator. Brainstroming Web Graphic Organizer.
Educators.brainpop.com. 2018.
https://educators.brainpop.com/printable/brainstorming-web/

PNGGuru. Clothing Dress Computer Icons, Glamour transparent background PNG


clipart. www.pngguru.com.2018.https://www.pngguru.com/free-transparent-
background-png-clipart-ktujz

45
Dela Cruz, Jocelle. Pagtatala at Pagpapalawak ng Paksa, prezi.com, 2018.
https://prezi.com/n7aiangshhsa/pagtatala-at-pagpapalawak-ng-paksa/
Julian, Ailene B. et,al. Pinagyamang Pluma 8 Alinsunod sa k to 12 Curriculum
Quezon City: Phoenix Publishing House, 2015
Granada, Nico. K to 12 Filipino Learners Module. Slideshare.net, 2013
https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-filipino-learners-module

Relativo, James. Balita: Nagka-COVID-19 sa 'Pinas umabot nang 33,069,


nadagdagan nang 778 ngayong araw. Philstar.com, 2020
https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2020/06/25/2023483/nagka-covid-19-sa-pinas-umabot-
nang-33069-nadagdagan-nang-778-ngayong-araw

Garcia, Danilo. News: 149 bakuna nasa clinical trials na ng WHO, philstar.com,
2020 https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2020/07/04/2025579/149-bakuna-nasa-clinical-trials-na-
ng-who
Julian, Ailene B. et,al. Pinagyamang Pluma 8 Alinsunod sa k to 12 Curriculum.
Quezon City: Phoenix Publishing House, 2015

46
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office Navotas


Learning Resource Management Section

Bagumbayan Elementary School Compound


M, Naval St., Sipac Almacen, Navotas City

Telefax: 02-8332-77-64
Email Address: navotas.city@deped.gov.ph

You might also like