You are on page 1of 9

Mga Kaisipan ng Bawat

Saknong ng Tula sa
Florante at Laura

Scrapbook sa Filipino 8

Ipinasa nina :
Dianne Aira Flores,
Ivy Jane Alunday,
Cristine Ivory Arquero,
Mary Grace Miranda,
Melonie Pelovello,
Joseph Louis Danga,
Gian Lester Trinidad,
Lindbergh Anno,
Jayson Lagundi
14)
Sa loob at labas ng bayan kong sawi
kaliluha’y siyang nangyayaring hari,
kagalinga’t bait ko ay nalulugami
naamis sa hukay ng dusa’t pighati.
*Ang isang bayang pinagtaksilan ay nalulugmok
sa dusa at wala nang masusulingan. Ang
namamayani ay panlilinlang ng mga namumuno
na nagdudulot ng kasawian sa mga
nasasakupan.

24)
Datapuwa’t sino ang tatarok kaya
sa mahal mong lihim, Diyos na dakila?
walang nangyayari sa balat ng lupa,
di may kagalingang iyong ninanasa.
*Walang sinumang nilalang ang nakaaalam sa
kaisipan at kalooban ng Poong Maykapal. Ang
lahat ng Kanyang loobin ay siyang kagalingan
ng lahat ng Kanyang mga nilalang.
41)
Katiwala ako’t ang iyong kariktan,
kapilas ng langit anaki'y matibay,
tapat ang puso mo’t di nagunamgunam
na ang paglililo’y nasa kagandahan.
*Ang sinumang labis na nagtitiwala sa kagandahan
siyang nalilinlang at napaglalalangan.

63)
Alin pa ang hirap na di na sa akin
ulila sa ama’t sa inang nag-angkin,
walang kaibiga’t nilimot ng giliw
may kamatayan pang di ko
daramdamin.
*Mas matamis pa ang kamatayan kaysa ang maging
ulilang lubos sa magulang, mga kaibigan at sa
iniibig. Ito’y nangangahulugang ng walang karamay
at pag-iisa.

80)
O, pagsintang labis ng kapangyarihan,
sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw!
pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
hahamaking lahat masunod ka lamang.
*Makapangyarihan ang pag-ibig. Sa oras na ang
pag-ibig ay maramdaman na sinuman, handa itong
ipaglaban hanggang kamatayan. Umiiral ang
pagkakapantay-pantay sa larangan ng pag-ibig, na
walang kinikilalang anak o magulang.

91)
Sampu ng lingkod mo’t mga kaibigan,
kung kampi sa lilo’y iyo nang kaaway,
ang di nagsiayo’y natatakot namang
bangkay mo’y ibao’t mapaparusahan.
*Hindi maituturing na isang kaibigan ang mga
umayon sa kagustuhan ng kalaban. Gayundin ang
mga nagsawalang kibo dahil natatakot na madamay
o maparusahan.

120)
Bayang walang loob, sintang alibugha,
Adolfong malupit, Laurang magdaraya,
magdiwang na ngayo’t manuos sa
tuwa
at masusunod na sa akin ang nasa!
*Ang sambayanang naduwag na ipaglaban ang
kalayaan ay walang nagagawa kundi ang maging-
sunuran at manood na lamang ng mapait na
kinasapitan ng sinuman.

168)
Sapagkat ang dusang mula sa pag-ibig,
kung kahit mangyaring lumayo sa
dibdib,
kisapmata lamang ay agad babalik
at magdaragdag pa sa una ng bangis.
*Ang pag-ibig ay parang sugat na lalong
nagnanaknak sa tuwing nasasaling ng mga alaala.

197)
Pag-ibig anaki’y aking nakilala
di dapat palakhin ang bata sa saya,
at sa katuwaa’y kapag namihasa
kung lumaki’y walang hihinting
ginhawa.
*Ang anak na pinalaki sa saya at kaligayahan o hindi
hinayaang madapa at masaktan ay hindi matututo
aa buhay at hindi magiging matagumpay.

202)
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad,
sa bait at muni’t sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling
paglingap,
habang ng magulang sa irog na anak.
*Ang anak na pinalaki sa layaw ay hindi natututo ng
sapat na katuwiran at katarungan. Ang labis na
pagmamahal sa anak ay nagdudulot ng kasawian sa
magulang.
203)
Sa taguring bunso’t likong pagmamahal
ang isinasama ng bata’y nunukal,
ang iba marahil sa kapabayaan
na dapat magturong tamad ng
magulang.
*Ang kakulangan ng pagtuturo sa anak ay
nagbubunga ng maling pagpapalaki sa bata at
dahilan upang mapasama ang kanyang
kinabukasan.

210)
Anupa’t sa bait ay siyang huwaran
ng nagkakatipong nagsisipag-aral,
sa gawa at wika’y di mahuhulihan
ng munting panira sa mabuting asal.
*Ang pagpapakita ng pagiging isang huwarang mag-
aaral ay hindi kinakikitaan ng anumang kapintasan.

246)
Kung ang isalubong sa iyong pagdating
ay masayang mukha’t may pakitang
giliw,
lalong pag-ingata’t kaaway na lihim
siyang isaisip na kakabakahin.
*Mag-ingat sa isang taong nagpapakita ng labis na
kabutihan sapagkat maaaring may iniisip na
masamang balak o baka may lihim na inggit.

261)
Dito’y napangiti ang Moro kausap,
sa nagsasalita’y tumugong banayad,
aniya’y “Bihirang balita’y magtapat
magkatotoo ma’y marami ang dagdag.
*Ang balita ay hindi laging nagsasabi ng
katotohanan. At kung may totoo man, ito'y
karaniwang nadaragdagan at naiiba ang kahulugan
dahil sa pagsasalin-salin ng mga salita sa iba't ibang
bibig.
285)
Ito ay hamak pa bagang sumansala
ng karupukan mo at gawing masama?
kung ano ang taas ng pagkadakila
siya ring lagapak naman kung marapa.
*Ang sinumang tao na mapagmataas at nais dakilain
o purihin, sa oras na siya’y magkamali ay higit ang
pagtuligsang kanyang mararanasan at aanihin.
Kung gaano siya kataas tinibgala ay ganoon din siya
kababang titingnan.

341)
Mahigit kang aba sa mapagpunuan
ng hangal sa puno at masamang asal,
sapagkat ang haring may hangad sa
yaman,
ay mariing hampas ng langit sa bayan.
*Ang pagmamalabis ng pinuno sa kapangyarihan ay
nagdudulot ng parusang pagpapahirap at pasakit sa
buong sambayanan.

You might also like