Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 7
Sandigan ng Lahi…Ikarangal Natin (Maikling Kuwento)
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin
Pamantayan sa Pagkatuto:
1
Sandigan ng Lahi…Ikarangal
Aralin
Natin
5 (Maikling Kuwento – Saranggola)
Balikan
2. Anu-ano ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag? Ipakilala ang mga paraang
ito.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Bakit kinakailangang malawak ang kaalaman sa isang paksa kapag
nagsusulat ng isang paglalahad o pagpapahayag?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2
Tuklasin
Gawain A: SARANG-BOLO!
Tingnang maigi ang saranggola sa ibaba. Para sa iyo, ano ang sinisimbolo ng
isang saranggola sa buhay mo? Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
3
Suriin
BASAHIN AT SURIIN…
SARANGGOLA
Ni Efren R. Abueg
4
“Kawawa nga ako, tatay,” katwiran ng bata. “Anak ako ng tanging may-ari
ng estasyon ng gasoline at machine shop sa bayan natin, pero ang hitsura ko…
parang anak ng pobre.”
“Disente ka naman, a. Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa
eskwela at husto ka rin sa pagkain. Hindi dapat sobra sa mga pangangailangan
ang isang kabataang tulad mo. Hindi natutuhan ang pagtitipid.”
Hindi naunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng
hinanakit dito. Tinipid siya sa lahat ng bagay, hinigpitan sa pagsasama-sama sa
mga barkada at madalas, pinatatao sa estasyon ng gasolina at pinatutulong sa
machine shop kung araw ng walang klase.
“Pinahihirapan talaga ako ng tatay,” puno ng hinanakit ang tinig na
pagsusumbong ng bata sa ina. “Kaisa-sa pa naman akong anak, ang turing niya
sa akin… parang ampon!”
“Hindi totoo ang sinabi mo anak,” malumanay na sansala ng kanyang ina sa
anak. “Alam mo, mataas ang pangarap niya sa para sa iyo.
“Bakit? Ano ang gusto niya para sa akin?”
“Ibig niyang maging mahusay kang inhenyero.”
Hindi na kumibo ang bata at hindi rin napawi ang hinanakit niya sa ama.
Gayunman, hindi siya makapaghimagsik dito. Iginagalang niya ito at pati ang
kanyang ina.
Nang labingwalo na siya, napagkaisahan ng kanyang mga barkada na
kumuha sila ng Commerce.
“Mabuti ‘yon. Magsama-sama na tayo sa isang unibersidad,” mungkahi ng
isa sa limang magkakaibigan.
Pumayag sila. Ngunit nang kausapin ang ama, tumutol ito.
“Inoobserbahan kita, anak. Hindi mo hilig ang Commerce. Palagay ko
Mechanical Engineering ang bagay sa iyo. Tanungin mo ang iyong ina.”
Masama man ang loob, sumangguni pa ri siya sa ina.
“Hindi sa kinakampihan ko ang iyong ama, anak. Pero sa tingin ko…
engineering nga ang bagay sa iyo. May machine shop tayo… sino ba ang
magmamana niyon kundi ikaw?’
Nasunod ang kanyang ama at napilitan siyang tumiwalag sa kanyang
barkada. Napag-isa siya sa pag-aaral sa lungsod at ngayong binata na siya, hindi
na hinanakit kundi paghihimagsik sa ama ang kanyang nadarama.
“Ayoko nang mag-aral, inay,” sabi niya sa kanyang ina nang dalawin siya
nito sa dormitory. “Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit
ako ginaganoon ni itay? Gusto ba niya akong pahirapan?”
Pinayapa ng kanyang ina ang kanyang kalooban…
“Magtiwala ka sa amin, anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi
makabubuti sa iyong hinaharap.”
“Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?”
“Makabubuting matuto kang magtiis. Pagkatapos mo naman ng pag-aaral
at magtatagumpay ka sa hanapbuhay, magiging magaan sa iyo ang lahat.”
“Bakit kailangan ko pang magtagumpay? Hindi ba’t ipamamana ninyo sa
akin ni itay ang ating kabuhayan?”
“Totoo iyan, anak… pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung
hindi mo alam ang pagtatayo niyan?”
Hindi maintindihan ng binata ang sinabi ng kanyang ina, subalit naisip
niyang makapagtitiis pa siya. Isubsob na lamang niya ang ulo sa pag-aaral.
Nakatapos naman ng inhenyeriya ang binate. Hindi siya pangunahin sa
klase, ngunit sa pagsusulit sa gobyerno, nakabilang siya sa nangungunang unang
dalawampu.
5
“Ngayon anak… bibigyan kita ng limampung libong piso. Gamitin mo sa
paghahanapbuhay," sabi ng kanyang ama nang makuha na niya ang lisensiya
bilang mechanical engineer.
Namangha siya.
“Akala ko… ako na ang hahawak n gating machine shop pagkatapos ko ng
pag-aaral,” nawika niya sa ama.
“Bata pa ako, anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng hanapbuhay na iyan.
Saka ibig ko, magpundar ka ng sarili mong negosyo.”
“Mabuti na iyong makatindig ka sa sarili mong paa.”
Tinanggap niya ang halagang pinagkaloob ng ama. Humiwalay na rin siya
ng tirahan sa mga magulang.
“Alam kong malaki ang hinanakit mo sa iyong ama. Gayunman, ibig kong
isaisip mong ang kinabukasan mo ang lagi niyang inaalala.”
Ngunit may lason na sa kanyang isip. Hindi na siya naniniwala sa sinabi ng
kanyang ina. Naging lubos ang paghihimagsik niya sa kanyang ama.
Nagtayo siya ng isang machine shop sa dulo ng kanilang bayan. Agad-agad
siyang pinagsadya ng kanyang ama.
“Bakit hindi pa sa ikatlong bayan ka nagtayo ng machine shop?
Magkukumpetensiya pa tayo rito?”
“Akala ko ba’y bahala na ako sa buhay ko, itay?”
Natigilan ang kanyang ama. Saka napapailing, nag-iwan pa ito ng salita
bago lumisan.
“Kung sabagay… mabuting magturo ang karanasan!”
May isang taon ding natiyaga ang binata sa pamamahala ng kanyang maliit
na machine shop sa dulong bayan. Kakaunti ang kanyang parokyano dahil higit
na Malaki ang machine shop ng kanyang ama at mahusay ang mga tauhan nito.
Nagkautang tuloy siya ng labindalawang libo sa mga kinukunan niya ng
materyales. Nang hindi siya makabayad, inilit ang makinang kanyang ginagamit.
Napilitan siyang lumapit sa ama upang mangutang ng labinlimang libong
piso para mabawi ang kanyang makina.
“Nabigyan na kita ng pang-umpisang puhunan. Hindi ka sumunod sa
mungkahi ko na umiwas sa kumpetisyon. Subukin mo namang maghanap ng
puhunan sa sarili mong pagsisikap.”
Noon nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya ang paggalang. Dumabog siya
sa harap ng ama.
“Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis ang inyong anak? Kasiyahan
ba ninyong makitang nahihirapan ako?”
“Ibig kong matutuhan mo ang lahat ng nangyayari sa buhay na ito. hindi
madali ang mabuhay sa mundo, anak.”
“Hindi ba kaya may mga magulang ay para gumaan ang buhay ng mga
anak?”
“Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi nasa
mga itinuturo nila sa mga ito.”
Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man
lamang nagpaalam kahit sa ina. Nagpalipat-lipat sa kung saan-saang trabaho
hanggang pagkaraan ng limang taon, nakaipon siya ng sampung libong piso at
nakabili ng isang maliit na machine shop. Kumontrata siya sa paggawa ng
tambutso sa isang auto assembler at kumita siya nang malaki. Sa loob ng tatlong
taon, gumawa na rin ang machine shop niya ng mga parte ng kotse.
Ang dugo ay dugo, anang kasabihan, kaya dinalaw ang lalaki ng kanyang
may edad na ina. Isang araw, dumating sa kanilang bahay, gaya ng dati may
pasalubong sa tatlong apong lalaki.
6
“Ibig ng itay mong makita ang kanyang mga apo, pero hindi siya makadalaw
rito dahil sa hinanakit mo,” sabi ng kanyang ina.
“Kinalimutan ko na, inay, na nagkaroon ako ng ama!”
Umiyak ang kanyang ina.
“Kung gayon… baka hindi na kayo magkita, anak!” nawika nito bago umalis.
Sa tindi ng hinanakit, hindi na rin niya binigyang-halaga ang bulalas na iyn
ng kanyang ina. Nagpakagumon siya sa trabaho, naghanap pa ng mga bagong
kontrata hanggang sa loob pa ng dalawang taon, kilala na ang kanyang machine
shop sa Pasay. Isang araw, hindi niya dinatnan ang kanyang asawa at ang tatlong
anak sa bahay.
“Nasaan sila?” usog niya sa katulong.
“Umuwi ho sila sa probinsiya. Patawirin daw ho ang iyong ama!”
“Umuwi uli? Bakit, lagi ba sila roon?”
Tumango ang tinanong na katulong.
“May dalawang taon na hong regular silang nagpupunta roon. Dinadalaw ang
inyong matanda.”
May poot na sumiklab sa kanyang dibdib. Nanlambot siya sa galit. Ngunit sa
pagkaunawang patawirin ang kanyang ama, nagbalik sa kanyang isip ang
masasayang sandal sa piling nito. Nagunita niya ang pagpapalipad nila ng
saranggola.
“Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas,
nasa husay at tiyaga at ingat iyan!”
Magdamag siyang hindi mapalagay. Lagi niyang naiisip ang sinabing iyon ng
kanyang ama. Kinabukasan, sakay ng kanyang kotse, nagbalik siya sa bayang
sinilangan.
“Patay na s’ya!” bulalas ng kanyang asawang umiyak sa kanyang dibdib.
May nabugnos na moog sa kanyang puso. Nahalinhan ng pagsisisi ang
hinanakit. Nilapitan niya ang ina at sa pagyakap dito, umiyak siya nang marahan,
kasamang nagdalamhati ang lahat ng himaymay ng kanyang laman.
“Huwag kang umiyak… namatay siyang walang hinanakit sa iyo,” anas ng
kanyang ina.
“Wa-walang hinanakit?”
“Oo, anak… dahil natupad na ang pangarap niya. Nasa itaas ka na. at sabi
niya sa akin, pati sa asawa mo… nakatitiyak siya na makapananatili ka roon.”
Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito,
parang lumundag ang kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod
niyon, nagunita na naman niya ang pagpapalipad sa saranggola.
“Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas.
Hayaan mo… tuturuan kita!” paliwanag ng ama.
“Rading, Paquito, Nelson… Tandaan ninyo ang kuwentong iyan. Kuwento
naming ‘yan ng inyong namatay na lolo. Kuwento naming dalawa.”
SANGGUNIAN: Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 8
Alma M. Dayag, et.al; Pahina 289 – 294
7
Pagyamanin
Paalala: Huwag sulatan ang modyul na ito. Maghanda ng sariling sagutang papel.
SIMBOLO/PAHIWATIG KAHULUGAN
8
Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak
ay wala sa mga magulang kundi nasa
mga itinuturo nila sa mga ito
Isaisip
9
dahil hindi pumatok ang kanyang negosyo. Muli siyang lumapit sa ama
upang humingi ng labindalawang libong piso ngunit sa halip na bigyan ay
tinanggihan siya ng ama dahil hindi ito nakinig sa kanyang payo. Lumayas
ang anak at nagpakalayo-layo. Nang makaipon mula sa pagtatrabaho ay
nagsimula muli ito ng panibagong negosyo na umunlad naman paglipas ng
tatlong taon. Nakapag-asawa na rin ito at may tatlong anak. Dumalaw ang
ina at sinabing patawarin na ang ama ngunit nagmatigas ang anak dahil sa
laki ng hinanakit nito sa ama. Isang araw, nagtaka ang anak ng hindi niya
nadatnan ang kanyang mag-iina. Sinabi ng katulong na umuwi ito sa
kanilang probinsya. Sumunod ang anak at doon niya nadatnang wala ng
buhay ang kanyang ama. Ang nadaramang hinanakit sa ama ay napalitan ng
pagsisisi. Naalala ng anak ang panahon kung kailan tinuturuan siya ng ama
na magpalipad ng saranggola. “Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad
at pagpapatagal niyon sa itaas, nasa husay at tiyaga at ingat iyan! Huwag
kang mag-alala, tuturuan kita”
PAGSULAT NG JOURNAL
Tayahin:
2. Nagdildil ng asin ang anak nang hindi siya nakinig sa payo at pangaral ng ama.
a. Nag-ulam ng asin ang anak c. Naghirap sa buhay ang anak
b. Nagnegosyo ng asin ang anak d. Nagtagumpay sa negosyo ang anak
10
4. Hindi na magawang magtiwala ng anak sa bawat sinasabi ng ina sapagkat may
nabuong lason na sa kanyang isipan dahil sa tindi ng hinanakit sa ama.
a. May nabubuong maling paniniwala sa isipan ng anak para sa ama
b. May naiisip na masamang plano ang anak para sa ama
c. Naging negatibo ang pananaw ng anak sa ama
d. Nais lasunin ng anak ang ama
5. Nalagpasan nga ng saranggola niya ang ilang guryon. Ang iba namang guryon
na lumipad nang pakataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali
ang mga tadyang, wasak na wasak.
a. Ang mga taong mapagmataas ay binabagsak ng Diyos
b. Ang buhay ay parang guryon, minsan nasa itaas, minsan ay nasa ibaba
c. Ang tagumpay ng isang tao ay mahirap panatilihin sa itaas
d. Kung gaano kataas ang iyong paglipad, siya ring taas ng iyong ibabagsak
7. “Bakit nais ata ni ama na magmukha akong basahan? Ako ba’y isang ampon?”
a. Maging marumi sa paningin ng iba
b. Magkaranas ng matinding hirap
c. Hindi magtagumpay sa buhay
d. Maging pulubi at palaboy sa lansangan
8. “Ang ikagagaan ng buhay ng anak ay wala sa mga magulang kundi nasa mga
itinuturo nila sa mga ito,” katwiran ng ina.
a. Nasa magulang kung paano niya palalakihin ang kanyang anak
b. Ang ikabubuti ng anak ay nasa tamang pagdidisiplina ng magulang
c. Hinahayaan ng magulang na matuto ang anak sa pagkakamali nito
d. Hinahayaan ng magulang na magdesisyon ang anak upang matuto
9. Sabi nga sa isang kasabihan, “Ang dugo ay dugo” kaya kahit na may edad na
ang ina ay dinadalaw pa rin niya ang anak.
a. Ang anak ay anak pa rin
b. Pagbaliktarin man ang mundo, hindi maitatangi na kayo ay magkadugo.
c. Ang ina ay ina.
d. Magkatulad ang dugo na dumadaloy sa inyong mga ugat
11
B. Panuto: Ayusin ang sumusunod na mga pangungusap upang mabuo ang
wakas ng kwentong “Saranggola”. Gamitin ang bilang 1 hanggang 5 upang
ipakita ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga ito.
Karagdagang Gawain
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
_____________________
12
Susi sa Pagwawasto
15. 2
14. 1
13. 5
12. 3
11. 4
10. A
9. B
8. B
7. B
6. A
5. D
4. A
3. A
2. C
1. A
TAYAHIN:
Sanggunian
AKLAT:
13
Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land
Here the trees and flowers bloom Gallant men And Ladies fair Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,
Here the breezes gently Blow, Linger with love and care All of them are proud and true
Here the birds sing Merrily, Golden beams of sunrise and sunset Region IX our Eden Land
The liberty forever Stays, Are visions you’ll never forget
Oh! That’s Region IX Region IX
Our..
Here the Badjaos roam the seas Hardworking people Abound, Eden...
Here the Samals live in peace Every valleys and Dale Land...
Here the Tausogs thrive so free Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,
With the Yakans in unity
My Final Farewell
Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd Let the sun draw the vapors up to the sky,
Pearl of the Orient seas, our Eden lost!, And heavenward in purity bear my tardy protest
Gladly now I go to give thee this faded life's best, Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,
And were it brighter, fresher, or more blest And in the still evening a prayer be lifted on high
Still would I give it thee, nor count the cost. From thee, 0 my country, that in God I may rest.
On the field of battle, 'mid the frenzy of fight, Pray for all those that hapless have died,
Others have given their lives, without doubt or heed; For all who have suffered the unmeasur'd pain;
The place matters not-cypress or laurel or lily white, For our mothers that bitterly their woes have cried,
Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight, For widows and orphans, for captives by torture tried
T is ever the same, to serve our home and country's need. And then for thyself that redemption thou mayst gain
I die just when I see the dawn break, And when th e d ark nigh t wraps the graveyard aro und
Through the gloom of night, to herald the day; W ith o nly the d ead in the ir vigil to se e
And if color is lacking my blood thou shalt take, Bre ak no t my re pose o r the mys te ry profo und
Pour'd out at need for thy dear sake And perc h ance th o u mays t he ar a sad h ymn res o und
To dye with its crimson the waking ray. 'T is I, O my co untry, rais in g a son g unto the e.
My dreams, when life first opened to me, And even my grave is rememb ered no mo re
My dreams, when the hopes of youth beat high, Un mark'd b y neve r a c ross no r a s tone
Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea Le t the p lo w s weep thro ugh it, the sp ade turn it o'e r
From gloom and grief, from care and sorrow free; Th at my ashes may carpe t e arthly f loo r,
No blush on thy brow, no tear in thine eye. Befo re in to n o thingness at las t the y are blown.
Dream of my life, my living and burning desire, Th en will oblivion b rin g to me no c are
All hail ! cries the soul that is now to take flight; As o ver thy v ales and p lains I s wee p;
All hail ! And sweet it is for thee to expire ; Th ro bbin g an d cle ansed in th y sp ace and air
To die for thy sake, that thou mayst aspire; W ith co lo r and ligh t, with son g and lamen t I f are,
And sleep in thy bosom eternity's long night. Eve r repe ating the f aith th at I kee p.
If over my grave some day thou seest grow, M y Fathe rland ad or'd, th at s ad ness to my so rro w lends
In the grassy sod, a humble flower, Beloved Filip in as, he ar no w my las t go od -b y!
Draw it to thy lips and kiss my soul so, I give th ee all: p aren ts an d kindre d and f rien ds
While I may feel on my brow in the cold tomb below Fo r I go whe re no slave b efo re the o ppre sso r be nds,
The touch of thy tenderness, thy breath's warm power. W here f aith c an neve r k ill, and God re igns e'e r o n h igh!
Let the moon beam over me soft and serene, Fare we ll to yo u all, f ro m my so ul torn away,
Let the dawn shed over me its radiant flashes, Friend s of my childh ood in the ho me d ispossess e d!
Let the wind with sad lament over me keen ; Give th anks th at I rest f ro m the we aris ome d ay!
And if on my cross a bird should be seen, Fare we ll to thee, too, s wee t f riend th at ligh te ned my way;
Let it trill there its hymn of peace to my ashes. Beloved c re atures all, f are well! In de ath the re is re st!