You are on page 1of 16

Filipino 8

1
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 8 Pagsusuri sa Programang Pantelebisyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Judy May P. Diez
Tagasuri: Zerine C. Fabian, MT I at Shirley H. Amorada, HT III
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 8
Ikatlong Markahan
Modyul 8 para sa Sariling Pagkatuto
Pagsusuri sa Programang Pantelebisyon
Manunulat: Judy May P. Diez
Tagasuri: Zerine C. Fabian, MT I at Shirley H. Amorada, HT III
Editor: Paul John S. Arellano at Josefina T. Salangsang, HT III

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 8, Modyul 8 para sa
Aralin Pagsusuri sa Programang Pantelebisyon!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8, Modyul 8 ukol sa Aralin Pagsusuri


sa Programang Pantelebisyon!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
1. Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang
mga pamantayan
2. Naipahahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran
MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO
1. nakapagsasagawa ng pagsusuri kaugnay ng isang programang
pantelebisyon batay sa itinakdang pamantayan;
2. naibabahagi ang sariling pananaw/katuwiran kaugnay sa akdang tinalakay; at
3. nabubuo ang kaisipang may kaugnayan sa kahalagahan ng telebisyon

PAUNANG PAGSUBOK

Bagong aralin ang tatalakayin sa araw na ito, kung kaya


bilang panimula ay subukin mong sagutin ang mga tanong.

PANUTO: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.


1. Naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na
sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at
pamumuhay sa isang lipunan.
A. babasahing popular C. dokumentaryong panradyo
B. dokumentaryong pampelikula D. dokumentaryong pantelebisyon
2. Isang uri ng broadcast media na nakatutulong sa pagpapalaganap ng kulturang
Pilipino at nakapagpapaigting ng kamalayang panlipunan.
A. komiks C. radyo
B. pahayagan D. telebisyon
3. Ang sumusunod na programa ay mabibilang sa dokumentaryong pantelebisyon
maliban sa ____________________.
A. Ambulansiyang de Paa C. Buto’t balat
B. Art Angel D. Kawayang Pangarap
4. Ang sumusunod ay kilalang gumagawa ng dokumentaryo maliban sa isa:
A. Kara David C. Mel Tiangco
B. Howie Severino D. Sandra Aguinaldo
5. Ito ay tumutukoy sa kasalukuyang nagaganap sa loob at labas ng bansa.
Naghahatid ng impormasyon sa mga kasalukuyang pangyayari sa ating mundo
gamit ang telebisyon.
A. balita C. talk Show
B. reality show D. variety show

6
BALIK-ARAL
Ngayon naman ay magbalik-tanaw ka sa nakaraang aralin

PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng programa sa telebisyon ang sumusunod.


Isaayos ang mga ginulong letra upang matukoy ang tamang sagot. Isulat ito
sa patlang.

______1. Naglalahad ng paglalakbay sa iba’t ibang bayan o bansa at nagpapakilala


sa mga produkto na matatagpuan dito. Ang palabas na halimbawa nito ay Biyahe ni
Drew at Lakbai.

L T A E R V H S O W

2. Nagbibigay ng tuon sa patimpalak sa pag-arte, pag-awit, pagsayaw at


pagpapalabas ng isang comedy skit. Ang ilan sa halimbawa ay ang sikat na palabas
na It’s Sowtime at Eat Bulaga

T Y V R I E A H W O S

3. Tumatalakay sa mga bagay na noong una ay pinag-aaralan lamang sa


pamamagitan ng mga nakalimbag na impormasyon. Ang ilan sa halimbawa nito ay
Matanglawin, I Believe at Born to be Wild.

D E C U A I O N T L A G P R O R M A

4. Naghahatid ng napapanahong kaganapan o pangyayari sa loob at labas ng


bansa, ito’y kinapalolooban din ng ilang panayam at komentaryo. Kabilang ang TV
Patrol at 24 Oras bilang halimbawa nito.

W N S E R P O G M A R

5. Ito ay palabas na kinagigiliwan ng lahat, ito ay binubuo ng iba’t ibang


tauhan na nagsasadula sa isang kuwento. Kabilang dito ang Ang Probinsiyano,
Encantadia at iba pa.

D M R A A S R I S E E

78
ARALIN
PANIMULANG GAWAIN

Pangganyak: YOUR LOOKS FAMILIAR


PANUTO: Kilalanin ang sumusunod na personalidad. Tukuyin kung anong
programa sa telebisyon sila napanonood. Piliin ang sagot na matatagpuan sa kahon
at isulat sa patlang.

Born to be wild Imbestigador I-Witness KMJS


Rated K Wish ko lang SOCO # NO FILTER

Narito naman ang mga dagdag kaalaman na dapat mong tandaan


na alam kong magagamit mo sa susunod na gawain:

Dokumentaryong Pantelebisyon

Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding


isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng
isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-
espirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki
ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga
kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring
maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga programa sa telebisyon.
Ang dokumentaryong pantelebisyon ay mga palabas na naglalayong
maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin
sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang
lipunan.

8
9
Pagsusuri sa programang napanood/nabasa
PANUTO: Basahin at unawain ang artikulo mula sa Balitanghali ng GMA News TV

Pananakit sa bata bilang pagdesiplina dapat bang ipagbawal?


GMA NEWS TV: Balitanghali
Kara David
Agosto nang mamatay ang isang batang babae sa Cebu
matapos pagmalupitan daw ng kanyang madrasta.
Anim na estudyante naman sa Santiago, Isabela ang pinakain umano
ng chalk ng kanilang guro ilang linggo na ang nakararaan. Ilan lamang ito
sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga bata na naging laman ng balita.
Sa talaan ng UNICEF, 60 porsiyento ng mga ina sa Pilipinas ay umamin
na pinarurusahan nila ang mga anak. Sa naturang bilang 3
porsiyento ang gumagamit ng matinding pananakit. Sa isang pag-aaral naman,
lumalabas na 82 porsiyento ng mga bata sa Pilipinas ang nakaranas ng pisikal
na pananakit sa kamay ng kanilang magulang.
Ito ang dahilan kung bakit isinusulong ng ilang mambabatas
ang pagbabawal sa corporal punishment o pananakit sa mga bata bilang
paraan ng pagdidisiplina. Sa kongreso, nasa 3rd Reading na ng
House Bill 4455 na nagbabawal sa corporal punishment. At nagsusulong ng
alternatibong paraan ng pagdidisiplina.
Sa ulat ni Kara David para sa Balitanghali nitong Miyerkules, sinabing balak
ihain ni Quezon City Councilor John Ansell de Guzman ang isang
ordinansang maaaring magpakulong sa mga magulang, guro, yaya, guardian,
at iba pang nakatatanda na gumagamit ng corporal punishment o pananakit
para madisiplina ang bata. Sa ilalim ng ordinansa, matatawag na
corporal punishment ang pamamalo, panununtok, pananadyak, paggamit
ng iba't ibang bagay tulad ng baston, sapatos, sinturon at iba pa. Bawal
din ang pamimingot, pananabunot, pangungurot at pagpilipit ng kamay.
Ganoon din ang mga parusang pagpapaluhod sa asin, pagkulong, pagkakait
ng pagkain, pagtali, pagbitin at iba pang gawaing nakasasakit sa bata.
Maging ang paninigaw, pagmumura, pagpapahiya at pagbabanta ay balak
ding ipagbawal sa ihahaing panukala. Ang mga lalabag ay maaaring makulong
ng 'di hihigit sa anim na buwan o magmumulta ng P1,000.
Nagpahayag naman ng pangamba ang ilan-- pati ang mga guro-- sa naturang
panukalang ordinansa. Baka raw lalong maging pasaway ang mga bata dahil
dito. "Ang fears namin, kaunting taas ng boses namin, mayroong batang
kakasuhan ka agad. Na-diminish ang aming authority at saka baka
masobrahan ang karapatan ng bata na hindi na alam 'yung responsibilidad
nila," paliwanag ni Evangeline Abubukar sa Balitanghali. Sang-ayon naman
ang non-governmental organization na Plan International sa ordinansa.
Naniniwala ang grupo na kapag sinaktan ang bata, matututo rin itong
manakit. "The problems of bullying, the problems of children in conflict with the law,
various problems involving children are related to their experiences at home. They
have experience some sort of violence in their homes," pahayag ni Airah Cadiogan,
media relations at anti-corporal punishment project campaign coordinator ng Plan

9
10
International. Magkakaiba naman ang pananaw ng ilang magulang sa naturang
ordinansya. ( Narito ang kanilang mga pahayag)
"Pangangaralan mo siya, huwag papaluin kasi magiging rebelde ang
bata," ayon sa isang magulang. Ngunit hirit naman ng isa pang magulang:
"Kapag hindi patikimin ang bata ng pagkurot nang kaunti, hindi
rin matatauhan ang bata. Kailangan din mayroong respeto ang bata sa
magulang, ang magulang din, irespeto rin ang mga anak."
Ipinaliwanag naman ni de Guzman, na hindi kaagad ikukulong ang
lalabag sa ordinansa. Isasailalim umano muna ang guro o magulang sa
counseling at assessment.
Oktubre 5, 2011
BALITANGHALI,
GMA NEWS TV, Chanel 11

MGA PAGSASANAY
PAGSASANAY 1
PANUTO: Tukuyin ang sumusunod na pahayag. Piliin sa kahon ang tamang
sagot at isulat sa patlang

Councilor John Ansel de Guzman Sen. Manny Pacquiao


60% Corporal punishment UNICEF 82% House Bill 4455
6 na buwan ₱ 1000

______________1. Ang iba pang tawag sa pananakit bilang paraan ng pagdidisiplina.


______________2. Ang bilang ng poryento ng bata sa Pilipinas na nakararanas ng
pisikal na pananakit sa kamay ng kanilang magulang.
______________3. Ang halaga ng multa kung sakaling lalabag sa nasabing batas.
______________4. Ang batas na isinusulong sa kongreso na nagbabawal ng corporal
punishment at nagsusulong ng alternatibong paraan ng
pagdidisiplina.
______________5. Ang naghain ng ordinansa kung saan maaring makulong ang
magulang, guro, yaya, guardian at ibang nakatatanda kapag
sinaktan nila ang bata bilang pagdidisiplina.

PAGSASANAY 2
PANUTO: Suriin ang binasang akda ayon sa sumusunod na tanong. Piliin ang titik
ng tamang sagot at isulat sa patlang.

______ 1. Maraming isyu ang tinatalakay sa akdang binasa ngunit ito ang
maituturing na pinapaksa nito.
A. pagpapahalaga sa lahat ng karapatan at tungkulin ng mga bata
B. pagpapabuti sa nutrisyon at kalagayan ng mga batang Pilipino
C. pagbabawal sa pananakit o paggamit ng corporal punishment sa mga bata
D. pagpapaliwanag sa resulta ng pang-aabuso at pagmamalupit sa mga bata

10
11
______2. Ang pangunahing layunin kung bakit nasulat o naiulat ang balitang
binasa upang .
A. mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa
B. ipaalam sa mga bata ang kanilang mga karapatan
C. mabigyang-halaga at pansin ang lahat ng karapatan ng mga batangPilipino
D. mapaalalahanan ang mga guro at magulang na mali ang pagamit ng corporal
punishment
3. Ang layon na higit na nangibabaw sa binasang akda.

A. nangangaral C. namumuna
B. nagpapabatid D. nagsasalaysay
_______4. Ito ang positibong epekto na maaring mangyari sa kalagayan ng mga
bata sa bansa kapag ganap nang naisabatas ang House Bill 4455.

A.
itatago ng mga magulang at guro ang pagdidisiplina sa kabataan
B.
higit na tatapang at tatalino ang mga batang Pilipino
C.
higit na matatamasa at mapoprotektahan ang karapatan ng mga bata
D.
higit na magiging mabuting mamamayang Pilipino ang batang di nakaranas
ng corporal punishment
______5. Ito ang dahilan kung bakit lumalabas sa pag-aaral na malaki ang porsiyento
ng mga bata sa Pilipinas na nakararanas ng pisikal na pananakit sa kamay
ng kanilang magulang.

A. dahil likas na matitigas ang ulo ng kabataang Pilipino


B. sadyang malulupit at mapagparusa ang magulang na Pilipino
C. upang magabayan ang anak sa matuwid na landas ng buhay
D. sapagkat naniniwala ang mga Pilipino sa prinsipyong “ ang anak na hindi
paluin, magulang ang paluluhain”

Ngayon ay dumako na tayo sa susunod na gawain . Tiyak ay


kayang- kaya mo na itong sagutan.

PAGSASANAY 3
PANUTO: Sumulat ng maikling talata na naglalaman ng inyong pananaw o
katuwiran ukol sa larawan.

RUBRIKS SA PAGSULAT PUNTOS AKING PUNTOS


May makatawag pansing panimula 5
Binubuo ng 5 hanggang 8 pangungusap 3
Malinis at maayos ang paglalahad 2
KABUOAN 10

11
12
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Ang larawang ito ay mula sa google

PAGLALAHAT

PANUTO: Pagsunod-sunurin ang tamang transisyon/ebolusyon ng telebisyon


upang mabuo ang konsepto ng araling tinalakay.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

12
8
PAGPAPAHALAGA
PANUTO: Punan ng angkop na pahayag ang sumusunod upang mabuo ang
kaisipang isinasaad.

1. Nababatid ng mamamayan ang kasalukuyang kaganapan sa kaniyang paligid sa


pamamagitan ng ______________________________________________.

2. Sa panonood ng mga programa/dokumentaryong pantelebisyon, ang kabataan


ay _________________________________________________________________.

A. maaaring makakuha ng mga maling impormasyon


B. maaaring mamulat sa kalagayan ng lipunan na kanyang kinabibilangan
C. pakikipagkuwentuhan sa mga kapitbahay
D. panonood ng mga programa sa telebisyon

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Ngayon ay inaanyayahan kitang tayain ang natamo mong mga
kaalaman at nalinang na kakayahan mula sa pagtalakay mo sa modyul na
ito.

PANUTO: Basahin at unawain. Ibigay ang hinihinging sagot sa bawat bilang.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

______________1. Gamo-gamo sa Dilim ni Kara David


Humanga ako sa dedikasyon ng mga guro at higit sa lahat sa mga kabataan
ng mga taga- Little Baguio dahil bagama’t kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag
sa dilim ng kanilang landas ay patuloy silang nagsusumikap, nangangarap at
lumalaban upang maging mas maliwanag ang kanilang kinabukasan.
Ano ang mensahe ng dokumentaryong pantelebisyon ni Kara David?
A. pag-aaral ng mga taga-Baguio.
B. pag-iwas sa paggawa ng masama para di makulong
C. pagpapahalaga sa edukasyon
D. pangangalaga sa mga gamo-gamo

13
9
_____________2. Alkansya ni Kara David
Wala siyang tigil sa kapaguran. Sa kabila ng lahat ng kaniyang ginagawa,
barya-barya lang ang kaniyang kinikita na inilalagay niya sa kaniyang alkansya.
Palibhasa ay malaki ang pagnanais niyang makaipon ng sapat na halaga para sa
kaniyang pag-aaral kaya kahit barya lamang ang kapalit ng lahat ng kaniyang
paghihirap, pinagtitiisan niya ang lahat ng mga ito.
Alin sa sumusunod ang paksa ng nabasang bahagi ng dokumentaryo?
A. pag-aaral nang mabuti para umangat ang kabuhayan
B. pag-iipon para sa kinabukasan
C. pagpapahalaga sa edukasyon
D. pagtitiis sa kahirapan

____________3. Ito ay naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong


proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at
pamumuhay sa isang lipunan.
A. komentaryong panradyo
B. dokumentaryong pantelebisyon
C. dokumentaryong pampelikula
D. telebisyon

_____________4. Isang halimbawa ng dokumentaryong pantelebisyon sa Pilipinas


A. Balitanghali C. Pepito Manaloto
B. Investigative Documetaries D. The Killer Bride

_____________5. Rated K: Korina Sanchez, __________________ :Kara David


A. Biyahe ni Drew C. Imbestigador
B. Born to be Wild D. I-witness

14
10
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
Mga Aklat
Dayag, Lonctoc. et al. Pinagyamang Pluma 8. Quezon City PHOENIX PUBLISHING
HOUSE,INC.2014 Agnes,Ruiz et al BATIKAN ng Educational Resources Corporation.
2016

Media/Website/Internet Site
https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/234422/pananakit-sa- bata-
bilang-pagdesiplina-dapat-bang-ipagbawal/story/

https://www.scribd.com/document/435707516/Modyul-Sa-Filipino-8-LIWANAG
Mga larawan
https://www.youtube.com/c/gmanews/search?query=jessica+soho
https://www.google.com/search?q=vicky+morales+wish+ko+lang&tbm=isch&ved=2ahU
KEwjkwpe78LqAhX9xIsBHf5DukQ2cCegQIABAA&oq=vicky+morales+&gs_lcp=CgNpbW
cQARgEMgIIADICCAAyBAgAEEMyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAOgQIIxA
nOgUIABCxAzoHCAAQsQMQQ1D3nQlYMJYPLdCWgAcAB4AIAB5wOIAbYZkgEJMC45Lj
IuMS4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=eYQIX6SiGv2Jr7wP_v25yA
4&bih=657&biw=1366#imgrc=xcENZjdqHuTgK M

https://www.google.com/search?q=mike+enriquez&tbm=isch&ved=2ahUKEwiaubC_M
LqAhUWx4sBHYKyDRwQ2CegQIABAA&oq=mike&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgQIABBDM
gcIABCxAxBDMgUIABCxAzIFCAAQsQMyAggAMgUIABCxAzICCAAyBQgAELEDMgUIABC

15
8
xAzIFCAAQsQM6BAgjECc6BwgjEOoCECdQqhxYtJICYM2lAmgBcAB4BIABlQOIAf8VkgE
JMC40LjAuNC4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQo&sclient=img&ei=lYUIX9rbM
5aOr7wPguW24AE&bih=657&biw=1366#i mgrc=dvIn8Yyaapu2AM

https://www.google.com/search?q=korina+sanchez&tbm=isch&ved=2ahUKEwjc78_ML
qAhUPEKYKHdFMCWwQ2CegQIABAA&oq=ko&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgQ
IABBDMgUIABCxAzIFCAAQsQMyBQgAELEDMgUIABCxAzIFCAAQsQMyBQgAELEDMgU
IABCxAzICCAA6BAgjECdQtC1YC5g2EdoAHAAeACAAfwBiAHhA5IBAzItMpgBAKABAaoB
C2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=DoYIX9y8MogmAXRmaXgBg&bih=657&biw=1366
#imgrc=BhklQ5Wxm3UsnM

https://www.google.com/search?q=kara+david&tbm=isch&ved=2ahUKEwjw14iD_cLqA
hVgy4sBHTAvD1oQ2CegQIABAA&oq=kara+david&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMg
IIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BwgjEOoCECc6BAgjECc6BAgAEE
M6BQgAELEDOgQIABADOgcI ABCxAxBDUI6BCFjPowhg0aUIaAFwAHgEgAG3A4gB0x-
SAQkwLjMuNS40LjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABCg&sclient=img&ei=HIYIX_D
ZJe CWr7wPsN680AU&bih=657&biw=1366#imgrc=AmMCtA8BA_ENJM

https://www.google.com/search?q=lumang+larawan+ng+telebisyon&sxsrf=ALeKk01NZ
PSuuUkkvUv1GYbPDX0Xv35A:1593954179113&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2
ahUKEwiOiYmFlrbqAhWHP3AKHbYaABwQ_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657#i
mgrc=4W6tuanJ7U8JUM

16
9

You might also like