You are on page 1of 11

Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 11: Mga Kontemporaryong Isyu ng Lipunan-


Pangkabuhayan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Edeliza T. Tribiana
Editor:
Tagasuri: Ferdinand P. Apostle/Aurelio O. Bermudez Jr. Ph.D
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ngTagulao EdD– (Mathematics/ABM)
Edukasyon Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 6
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 11
Mga Kontemporaryong Isyu ng Lipunan-
Pangkabuhayan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng Modyul
para sa araling Mga Kontemporaryong Isyu ng Lipunan- Pangkabuhayan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 6 Modyul ukol sa Mga


Kontemporaryong Isyu ng Lipunan- Pangkabuhayan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos mong makumpleto ang modyul na ito, inaasahang iyong:


Nasusuri at naiisa-isa ang mga kontemporaryong isyu ng lipunan na
tumutugon sa mga hamon ng malaya at maunlad na bansa sa usaping
pangkabuhayin.

PAUNANG PAGSUBOK
Direksyon: Tukuyin ang mga sumusunod na kontemporaryong isyu sa lipunan.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ang nakamamatay na COVID-19 virus ay mabilis na kumalat sa iba’t-ibang
panig ng mundo na nagiging sanhi ng pagkamatay ng maraming tao ay isa sa
mga epekto ng?
A. Open trade
B. Globalisasyon
C. Isyung pangkapaligiran

2. Ang _________ ay ang malayang pakikipagkalakalan.

A. Open trade
B. Globalisasyon
C. Isyung pangkapaligiran

3. Ito ay nagiging sanhi ng pagkawasak ng mga local na industriya dahil mas


nabibigyan ng mas magandang insentibo ang mga dayuhan na makipagkalakalan
sa ating bansa kaysa sa mga mamamayang Pilipino.

A. Open trade
B. Globalisasyon
C. Isyung pangkapaligiran

4. Ito ay ang malaya at malawak na pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig


sa mga gawaing pang-ekonomiya, panlipunan, pang-teknolohiya at kultura.

A. Open trade
B. Globalisasyon
C. Isyung pangkapaligiran

5. Isa sa mga halimbawa ng epekto nito ay noong 2003, ang nakamamatay na


pneumonia na tinawag na severe acute respiratory syndrome (SARS) mula sa Hong
Kong, China ay kumalat sa 37 bansa sa loob lamang ng ilang linggo.

A. Open trade
B. Globalisasyon
C. Isyung pangkapaligiran
BALIK-ARAL

Tukuyin ang mga sumusunod na kontemporaryong isyu sa lipunan na may


kinalaman sa usaping pampolitika. Hanapin sa kahon sa ibaba ang titik ng tamang
sagot.

A. Panteritoryo D. Graft
B. Terorismo E. Korupsyon
C. Graft at Korupsyon F. Extortion

1.Ang ating bansa at ang iba pang mga kalapit-bansa sa Timog-Silangang Asya ay
naninindigan laban sa pag-angkin ng Tsina sa malaking bahagi ng South China
Sea.
2. Ang usaping ito ay nakalilikha ng kawalan ng seguridad, pangamba at ligalig sa
ating bansa. Sa ganitong kalagayan, ang mga namumuhunan sa pagnenegosyo ay
nag-aalangang mamuhunan sa ating bansa.
3. Isa ito sa mga pinakamatinding suliranin sa kapayapaang pandaigdig sa
kasalukuyan. Isinasagawa ito ng mga grupo, samahan o pamahalaan upang
makamit ang kanilang adhikaing political o kriminal.
4. Ito ay ang tahasan at intensiyonal na pagtatakwil sa tungkulin at obligasyon ng
isang opisyal ng pamahalaan o pagkilos na magbubunga ng kanyang kawalan ng
integridad o prinsipyo.
5. Pagkuha ng pera o posisyon sa paraang madaya at kuwestiyonable, tulad ng
pagtanggap ng kabayaran para sa isang pampublikong serbisyong dapat na
naibigay nang libre o kaya’y paggamit sa isang kontrata o lehislasyon bilang
pagkakakitaan.

ARALIN

Mga Kontemporaryong Isyu ng Lipunan- Pangkabuhayan.

Ang mga kontemporaryong isyu ay ang mga suliraning kinakaharap ng ating bansa
nitong mga nakaraang taon. Ang mga ito ay mga suliraning humahadlang at
balakid sa ating pag-unlad.

Mga Isyung Pangkabuhayan:

➢ Open trade
➢ Globalisasyon

I. Open trade

Ang open trade ay ang malayang pakikipagkalakalan. Nagiging madali ang


pagluluwas o pag-aangkat ng mga produkto dahil sa pagtanggal ng mga
balakid sa kalakalan. Walang buwis ang mga produkto mula sa ibang
bansa. Dahil dito, ang mga ito ay naipagbibili sa murang halaga kaysa sa
lokal na mga produkto.
Epekto ng Open trade:

o Pagtindi ng kahirapan sa ating bansa dahil sa pagsulong at


pagbibigay pabor sa mga dambuhalang kapitalista at dayuhang
namumuhunan,
o Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang
maliliit na negosyo,
o Pagbaba ng halaga ng sahod ng mga manggagawa,
o Pagsasara o pagkalugi ng mga lokal na kompanya at industriya na
hindi makasabay sa pandaigdigang kompetisyon.

II. Globalisasyon

Ito ay ang malaya at malawak na pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa


daigdig sa mga gawaing pang-ekonomiya, panlipunan, pang-teknolohiya at
kultura.

Mabuting Epekto:

• Mabilis na pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng iba’t-ibang bansa ng


daigdig;
• Mabilis na ang paglago ng pandaigdigang transakyon sa pananalapi;
• Lumaki ang pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal na
nakapagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan at paglaki ng
produksyon na makatutugon sa pangangailangan ng mga tao;
• Lumaganap ang teknolohiyaat kaalaman sa tulong ng mabilis na
transportasyon at komunikasyon sa iba’t-ibang panig ng daigdig;at
• Lumago ang ibat ibang sangay ng agham na nakatuklas ng gamot sa
pagsugpo ng ibat ibang sakit.

Di-Mabuting Epekto:

▪ Paglaki ng kakulangan sa mahuhusay na manggagawa o brain drain


sa bansa dahil naaakit ang mga tao sa mataas na pasahod ng mga
bansang umaangkat ng mga manggagawa tulad ng mga bansang
Europe, Canada, at sa Kanlurang Asya.
▪ Pagdami ng armadong labanan tulad ng nagaganap sa Mindanao na
binigyang suporta ng ibang bansa.
▪ Pagkasira ng kalikasan dahil sa paggamit ng mga likas na yaman na
pinagmumulan ng mga materyales at sa polusyong dulot ng paggawa
at industriyalisasyon.
▪ Pagkawala ng ktutubo o indigenous na kultura ng bansa dahil sa
pagpasok ng makabago at ibat ibang kultura ng ibang bansa.
▪ Pagkawala ng pagkakakilanlan ng bansa dahil sa pagiging sunod-
sunuran sa mga mayayamang bansa na nagmamay-ari sa mga
naglalakihang kompanya.
▪ Pagpasok at pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa ibat ibang
panig ng mundo.
▪ Pagkawala ng karapatan ng mga bansa na pairalin ang kanilang mga
patakaran dahil sa pagsunod sa mga patakaran ng mga institusyong
sumusuporta sa globalisasyon.
PAGSASANAY

Gawain I : Paglinang ng Kaalaman


Direksyon: Bumuo ng graphic organizer ng kontemporaryong isyung
pangkabuhayan na nagiging balakid sa pag-unlad ng ating lipunan.

Epekto ng Globalisasyon

Mabuti (+) Masama (-)

Epekto ng Open Trade

Mabuti (+) Masama (-)

Gawain II:
Paano mo titimbangin ang mga mabuti at masamang epekto ng globalisasyon? Alin
ang nakahihigit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______________________________________________.

PAGLALAHAT
Panuto. Sa iyong pagtataya, ano ang pinakamabigat na problema ang naidulot ng
open trade at globalisasyon? Paano malulutas ang pinakamabigat na problemang
ito dulot ng dalawang isyu?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________
PAGPAPAHALAGA

Panuto. Tapusin ang pangungusap.


Nasa ating kamay at ng mga manggagawa ang pag-asa at pagbabago, upang
makaagapay tayo sa globalisasyon. Magagawa natin ito kung
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________________________.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Direksyon: Suriin ang pangungusap sa bawat bilang kung ito’y dulot ng open
trade o globalisasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pagpasok at pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa ibat ibang panig ng
mundo ay epekto ng
A. Open trade
B. Globalisasyon

2. Isa sa mga mabuting naidulot nito ay nagiging madali ang pagluluwas o pag-
aangkat ng mga produkto dahil sa pagtanggal ng mga balakid sa kalakalan.
A. Open trade
B. Globalisasyon
3. Walang buwis ang mga produkto mula sa ibang bansa.
A. Open trade
B. Globalisasyon

4. Lumago ang ibat ibang sangay ng agham na nakatuklas ng gamot sa


pagsugpo ng ibat ibang sakit.
A. Open trade
B. Globalisasyon

5. Pagsasara o pagkalugi ng mga lokal na kompanya at industriya na hindi


makasabay sa pandaigdigang kompetisyon.
A. Open trade
B. Globalisasyon
Manila,Philippines. pp. 316-319, pp 336-339.
Antonio, Banlaygas at Dallo. (2017). Kayamanan 6. Rex Book Store, Inc. Recto Ave.
Sanggunian
PANAPOS NA PAGSUSULIT:
1. B. Globalisasyon
2. A. Open trade
3. A. Open trade
4. B. Globalisasyon
5. A. Open trade
Balik-aral:
1. A. Panteritoryo
2. C. Graft at Korupsyon Paunang Pagsubok :
3. B. Terorismo
4. E. Korupsyon 1. B. Globalisasyon
5. D. Graft 2. A. Open trade
3. A. Open trade
4. B. Globalisasyon
5. B. Globalisasyon
6.
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like