You are on page 1of 10

GRADE 6 PINAGKURUSAN ELEMENTARY Antas VI

DAILY SCHOOL
LESSON Asignatura EDUKASYON SA
LOG ANGELITA R. CASTILLO PAGPAPAKATAO
Quarter I

Aralin 9 – Desisyon Mo… Pagbutihin Mo

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang pag- unawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga
tamang hakbang bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng
lahat
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa
ikabubuti ng lahat

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng
isang desisyon na makabubuti sa pamilya
 paggamit ng impormasyon

II. NILALAMAN
Mapanuring Pag- iisip (Critical Thinking)

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
ESP CG pahina 81
2.Mga Kagamitang Pang-mag-aaral
http://depedbatangascity.org/resources/deped-batangas-city-learning-materials/

https://drive.google.com/file/d/0B73czLAR4aIVTEI5Q0FrSjA1OXM/view

3. Mga Pahina sa Teksbuk


______________________
4. Mga Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning
Resource Management and Development System
B. Iba pang Kagamitang Panturo
larawan, tsart o power point, metacards, activity cards

IV. PAMAMARAAN
Alamin Natin (Unang Araw)

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Kung nais mong malaman o matuklasan ang mga kaganapan o pangyayari
sa iyong paligid, ano ang iyong gagawin?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Pag-aralan ang mga larawan. Ano-ano ang makikita sa larawan?

Larawan ng Larawan ng Larawan ng


radyo dyaryo magazine

Larawan ng Larawan ng
internet laptop o PC
browser

Ano-anong mahahalagang bagay ang ibinibigay sa atin ng mga nasa


larawan?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
(Collaborative – Thinking Skills)

Ipanood sa mga bata ang isang patalastas/anunsiyo. (Magpakita ng


isang video presentation mula sa Southern Tagalog Region (Bahagi ng paanan
ng Bundok Malarayat, nagmistulang dump site)
https://www.youtube.com/watch?v=IVI5f30mJpg
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
a. Anong sitwasyon ang ipinakikita sa pinanood nating
anunsiyo/patalastas?
b. Dapat ba nating paniwalaan ang lahat ng mga impormasyong

nababasa o napapanood natin? Ipaliwanag ang iyong sagot.


c. Mahalaga bang malaman natin ang mga impormasyong nababasa o

napapanood natin? Nakatutulong ba ito sa atin?


E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
Hayaang magbahagi ng sitwasyon ang mga bata tungkol sa sariling
karanasan na ang mga impormasyong nakalap mula sa kanilang
pamayanan ay nakatulong ng malaki sa kanilang pamilya at kung sa
paanong paraan ito nakatulong sa kanila.

Isagawa Natin (Ikalawang Araw)


F. Paglinang sa Kabihasnan
(Reflective Approach – Self Evaluation)

Gawain 1
Ipanood sa mga bata ang video clip ng isang infomercial tungkol sa sakit na dulot
ng tubig baha, pagkatapos ay pasagutan sa mga bata ang mga sumusunod na
tanong. https://www.youtube.com/watch?v=5kg6CIXMEpM
1. Tungkol saan ang infomercial?
2. Ano ang mensahe sa patalastas?
3. Bilang isang mag-aaral, sang-ayon ka ba sa sinabi sa patalastas? Bakit?
4. Ano-ano ang mga naitulong ng impormasyon na ibinigay ng iba’t ibang source
o pinanggagalingan nito?
5. Bakit mahalagang isaalang-alang ang pagsuri sa isang impormasyong nabasa,
narinig o napanood?
Gawain 2
Ipabasa ang artikulo at pasagutan ang mga tanong pagkatapos.

Dapat na bang gawing legal ang marijuana bilang gamot?

Patuloy ang debate sa Kongreso tungkol sa panukalang batas para


gawing legal ang paggamit sa marijuana bilang gamot sa ilang sakit at
disorder tulad ng epilepsy. Pero pangamba ng ilan, baka maabuso ito at lalo
pang makadagdag sa problema ng kriminalidad. Sa isang ulat ni Kara
David sa GMA News, ipinakita niya ang dalawang taong gulang na si Julia
Cunanan. Palangiti umano si Julia pero sa isang iglap ay naglalaho ang
sigla nito sa mukha at tumitirik ang mga mata, maninigas ang buong
katawan. Ipinanganak kasi si Julia na taglay ang karamdaman na partial
seizure disorder. Sa isang araw, inaabot umano ng 50 ang pag-atake ng
epileptic seizures ng bata. At sa bawat seizure, may braincells sa kaniyang
namamatay.

Pag-amin ni Dra. Donnabel Cunanan, ina ni Julia, napapaiyak na lang


siya kapag sinusumpong ang anak, at lagi siyang kinakabahan.

Ilang gamot na raw ang sinubukan ng mga doktor kay Julia pero
walang umubra kahit isa. Kaya naman nang mapanood ni Donnabel sa
internet ang kuwento ng isang bata sa Amerika na gumaling sa parehong
sakit, nabuhayan siya ng pag-asa.

Ngunit ang problema, ang gamot na ginamit sa bata, marijuana extract


o katas ng marijuana.

Legal sa Amerika ang paggamit ng marijuana bilang gamot sa iba't


ibang sakit kasama na ang epilepsy at seizure disorders.

Pero sa Pilipinas, nanatili itong iligal.

Dahil dito, ipinanukala ni Isabela Rep. Rodolfo Albano III, ang House
Bill No. 4477, na naglalayong gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang
gamot sa ilang sakit na wala pang lunas.

Sagutin:

1. Tungkol saan ang artikulo?

2. Ano ang suliranin ng magulang ni Julia?

3. Batay sa nabasa sa internet, paano gumaling ang isang bata sa


Amerika na may karamdamang katulad ng kay Julia?

4. Kung ikaw ang doktor ni Julia, ipapayo mo ba sa mga magulang ni


Julia ang marijuana? Bakit?

5. Naniniwala ka ba sa isinasaad ng artikulo mula sa internet? Bakit?

6. Bilang isang customer, paano ka mahihikayat o mahihimok gumamit


ng isang produkto?

7. Ano-ano ang dapat isaalang-alang bago gumamit ng isang


produkto? Bakit?
Isabuhay Natin (Ikatlong Araw)
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay
(Collaborative Approach – Think Pair-Share)
Gawain 1
Pangkatang Gawain

Panuto: Magbigay ng iyong pananaw tungkol sa mga dapat isaalang-

alang sa pagtangkilik ng isang produkto.

Pangkat Gawain

1 Pagtalakay sa artikulo tungkol sa isang shampoo

Paggawa ng isang anunsiyo o patalastas tungkol sa isang


2 sabong pampaputi

Paghahanda ng Panuntunang dapat isaalang-alang upang


3 mahikayat ang konsyumer na tangkilikin ang isang
produkto
Sagutin ang tanong:

1. Bakit mahalagang suriin ang impormasyong narinig, nabasa, o

napakinggan?

2. Manood ng isang TV commercial mamayang gabi tungkol sa mga gamot


na ating iniinom.

Isapuso Natin (Ikaapat na Araw)

H. Paglalahat ng Aralin
1. Pagwawasto ng takdang aralin.
2. Pagbabalik tanaw sa mga gawain sa nakalipas na tatlong araw.
3. Basahin ang artikulo sa ibaba. Sagutin ang sumusunod na mga
tanong.

.
Cosmetic Advisories

FDA Advisory No. 2016-048-A Paalala sa Publiko sa Pagbili ng mga


Kosmetiko Gamit ang mga Online Shopping Websites

Ang online shopping ay isang anyo ng electronic commerce kung


saan ang isang mamimili ay maaaring makabili ng mga produkto o serbisyo
gamit ang internet. Mula sa paglabas ng unang online shopping website ay
naging mabilis ang kanilang pagdami dahil sa labis na pagtangkilik dito ng mga
mamimili. Sa kasalukuyan, iba’t ibang uri ng produkto ang maaaring mabili sa
mga online shopping websites. Kabilang na rito ay ang mga kosmetiko.

Upang masigurado ang kaligtasan ng publiko, pinapayuhan ng Food and


Drug Administration (FDA) ang mga mamimili na maging maingat at mapanuri
sa pagbili ng mga kosmetiko gamit ang mga online shopping websites.
Kasama ng advisory na ito ay ang consumer manual at infographic tungkol
sa online shopping na matatagpuan sa FDA website. Ang consumer manual at
infographic ay nagbibigay ng ilang mga paalala upang maprotektahan ng mga
mamimili ang kanilang mga sarili mula sa mga pekeng kosmetiko na maaaring
magdulot ng kapamahakan.

Bukod pa rito, ang publiko ay hinihikayat na tumulong sa FDA na


magbantay ng mga kahina-hinalang aktibidad o kosmetiko sa merkado. Para sa
karagdagang impormasyon o mga katanungan, huwag mag-atubiling pumunta
sa FDA website (www.fda.gov.ph),magpadala ng e-mail sa info@fda.gov.ph
otumawag sa numero (02)857-1984. Ang mga impormasyong nakasaad
ay ipinagbibigay-alam sa publiko.

Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang advisory na iyong binasa?

2. Ano-ano ang ipinaaabot ng advisory sa mga konsumer?

3. Sa iyong palagay, makatutulong ba ang pagpapalabas o

paglalathala ng advisory na gaya nito? Bakit?

4. Ipasulat sa metacards ang saloobin ng mga bata at iproseso ang


kanilang kasagutan.
5. Ipabasa ang tandaan natin.

Tandaan Natin:

Bawat tao ay may kani-kaniyang pananaw o opinyon tungkol sa balitang


naririnig sa radyo, nababasa sa pahayagan o internet. Ang pagiging mapanuri
sa mga naririnig o nababasa ay nagpapakita lamang ng masusing pag-iisip.
Subukin (Ikalimang Araw)
I. Pagtataya ng Aralin
A. Lagyan ng tsek (/) ang bilang na tumutugon sa mapanuring pag- iisip
batay sa balitang napakinggan sa radyo, nabasa sa pahayagan o internet at
ekis (x) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Naisagawa ko ang sunud-sunod na pamantayan sa
pagbabasa ng balita.
2. Naikukumpara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan o
internet.
3. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig ng radyo.

4. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kumpletong detalye ang balita ukol sa


lindol.
5. Nababasa ko ang isang balita tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas.
B. Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat kung ano
ang nararapat mong gawin ukol dito. (5 puntos)
Mayroon kang kaibigan na nagtitinda ng sabon sa halagang
limampung piso kada pakete. Nagkataong may dumaang maglalako na hindi
mo kakilala na nagtitinda ng kaparehong paninda ng kaibigan mo sa mas
murang halaga. Kanino ka bibili at bakit?
J. Karagdagang gawain para sa Takdang-Aralin at
Remediation
Bumuo ng pangako tungkol sa pagiging mapanuri sa narinig
na balita sa radio, nabasa sa pahayagan, o internet. Isulat ito sa
isang malinis na papel.

Halimbawa:

Ako si __________________________ ay nangangako at


naniniwalang mahalagang pag-iisipan kong mabuti at susuriin muna ang
balitang aking narinig o nabasa bago ko ito paniwalaan upang hindi
magdulot ng kalituhan. Dahil dito ay magiging mapagmatyag ako sa
katotohanan para sa pagkakaroon ng maayos na pamayanan. Magiging
modelo ako ng tamang pagsusuri ng balita, para sa totoo at walang
pinapanigan kung hindi ang katotohanan lamang.
Gabayan nawa ako ng Poong Lumikha.

______________________
Lagda ng Mag-aaral

V. MGA TALA
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
__________________________

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa


remediation
_____________________________________
C. Nakatulong ba ng remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
____________________________________
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
_____________________________________
E. Alin samga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang lubos? Paano ito
nakatulong?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
F. Anong suliranin ang aking naranasan ang maaaring solusyon sa tulong ng
aking punongguro at superbisor?
________________________________________________________
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

You might also like