You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

FILIPINO 6
Ikalawang Markahan

Gawain 3

Uri ng Gawain : Pagbasa at Pagsulat


Pamagat ng Gawain: Pagbabahagi ng Isang Pangyayaring Nasaksihan
Kompetensi / Layunin : Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan
(F6PS-llh-3.1)
Paksa: Pagbabahagi ng Pangyayaring Nasaksihan
Mga Sanggunian:
Hiyas ng Wika 5 ph.140
Hiyas ng pagbasa 5 ph. 173 modified
Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5 ph. 166

Pagpapalawak ng Talasalitaan:
Pabasa- ay paawit na pabasa sa buhay ni hesus mula ipinaglilihi
siya ay namatay sa krus
Pinakamatabil- masalita

Batayang Kaalaman :
Ang mabuting mamamayan ay may pakialam sa mga nangyayari sa
kanyang kapwa at kapaligiran . Tungkulin mong ipamahagi ang mga
impormasyong sa tingin mo’y makaaapekto sa iyong kapwa at sa
lipunang kinabibilangan.
Halimbawa
Maglista ng mga ginagawa ng inyong pamilya kung Mahal na Araw. Tapos basahin ang
kuwento sa ibaba.

Ang Pabasa
Noong Mahal na Araw , sa lalawigan ng mga lolo ako
nagpunta. Napanood ako roon ng Pabasa. Ayon sa Lolo Roger, isa raw
itong matandang kaugalian na ipinamana sa atin ng mga Espanyol. Ang
Pabasa ay paawit ng pagbasa sa buhay ni Hesus mula ng ipinaglilihi Siya
hanggang sa Siya’y namatay sa krus. Binabasa ito nang paawit mula sa
aklat na tinatawag na pasyon. Sinisimulan ang pagbasa mula sa
pagpasok ng Mahal na Araw hanggang Biyernes Santo. Nag-anyaya ng
mga babasa ang may pabasa hanggang matapos ang buong pasyon. Iba-
iba rin ang estilo o punto ng pagbasa.

Sagutin:
1. Ano-ano ang mga pangyayari na iyong nasaksihan na di mo malilimutan
kapag dumarating ang Mahal na Araw?
__________________________________________________________
____________
2. Anong pangyayaring nasaksihan sa Mahal na araw na sa palagay mo
mabuting ikuwento o ipamahagi sa iyong pamilya o kabarangay? Bakit
mo ito ipamahagi sa kanila?
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________

3. Ano ang iyong natutunan sa pagbabahagi ng iyong nasaksihan?


4. Bakit kailangan na maibigay natin ang mga detalye ng isang pangyayari?

Pagsasanay
1.Basahin ang mga pahayagan o manood at makinig ng balita sa radio at
telebisyon. Sagutin ang tanong:
a. Ano ang kadalasang nababasa /naririnig mong balitang nangyayari sa
ating bansa at sa ibang panig na daigdig?
______________________________________________________________
___
b. Ilista ang mga pangyayari na sa tingin mo ay mabuting ipamahagi sa
iyong pamilya at kabarangay.

____________________________________________________________________
c. Bakit mo ito ipaalam sa kanila?
____________________________________

2. Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong na kasunod:

Si Meco ay nakatira sa Baryo San Pedro ng Cotabato. Isang


gabing kabilugan ng buwan , naisipan niyang mamasyal sa tabing ilog. Sa
paglakad niya , nadaanan niya ang isang kamarin na nilagyan ng sako-
sakong apog. Habang lumalapit siya sa kamarin , may nakita siyang tatlong
anino at tila may baga o sigang gumalaw-galaw . Dahan-dahan niya itong
nilapitan nang lumantad sa kanyang mga mata ang tatlong binatilyong
naninigarilyo pala. Dinig na dinig niya kung ano ang kanilang ginamit. Alam
niya na ito ay bawal na gamut. Agad maingat na umalis papalayo si Meco sa
pinangyrihan.
1. Ano ang pangyayaring nasaksihan?
______________________________________________________
2. Makabubuti ba sa pamayanan ang pangyayari?
________________________________________________________
3. Kung ikaw si Meco, ano ang gagawin mo?
________________________________________________________
4. Kanino mo unang ipamahagi ang pangyayaring itong iyong
nasaksihan?

Gawain
1. Buuhin ang talata bilang pagpamahagi ng karanasan ng kaarawan. Lagyan
ng angkop na salita na kukumpleto sa kaisipan:Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Sa Aking Kaarawan

Naging _______ang aking nakaraang kaarawan. Naghanda ang aking


ina ng masarap na _______ para sa aking mga kaibigan. Bumili naman ang aking
ninang ng _______cake. Niregaluhan din ako ng ate ng __________. Pagkatapos ng
salu-salo, nagkaroon ng palaro. Paunahan kami sa ________ng nakabiting mga
kendi at laruan sa isang pabiting ginawa ni tatay . _________ ang nakakuha ng bola
sa pabitin. _______ng dumalo ay masaya pagkat may uwi silang laruan. Ang
_______
ko sa aking kaarawan!

2. Sumulat ng pangyayaring nasaksihan noong nagdaang Pasko sa ating


pamayanan at bansa.
______________________________________________________________________
_____________
______________________________________________________________________
_______________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________
BATAYAN SA PAGWAWASTO

HALIMBAWA
1. Paggunita ng Senakulo (malayang sagot)
2. Pabasa / Pasyon ni Hesus, dahil ito ay bahagi at parte ng ating kultura.
3. Sa pagbabahagi ng isang pangyayaring nasaksihan natutuhan natin ang mga
bagay na makaaapekto sa ating kapwa at sa lipunang kinabibilangan.
4. Kailangang maibigay natin ng detalye ang mga pangyayari upang mas higit na
maintindihan o maunawaan ang isang bagay na nangyari sa ating kapaligiran.

PAGSASANAY
1. a. Tungkol sa malubhang sakit na COVID-19
b. (malayang sagot)
c. (malayang sagot)
2. 1. May tatlong lalaking gumagamit ng bawal na gamot
2. Hindi
3. Isumbong sa may kapangyarihan/pulis o pisyales ng lugar.
4. Sa mga pulis o opisyales ng barangay

GAWAIN

Sa Aking Kaarawan
1. a. matagumpay e. pagkuha
b. pagkain f. marami
c. malaking g. lahat
d. celpon h. karanasan

2. (malayang sagot)

You might also like