You are on page 1of 8

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong
tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-
21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin Natin

Tatalakayin sa araling ito tungkol sa mga kagamitan at kasangkapan sa


pag-aalaga ng itik. Malalaman din natin dito ang mga dapat gawin at ibigay
sa kanila upang sa gayon makapagdudulot sila ng kung anong maaasahan
sa kanila.

Layunin
1. Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan na dapat
ihanda upang makapagsimula sa pag-aalaga ng hayop o isda.

a.Natutukoy ang mga kagamitan at kasangkapan sa pag-aalaga ng


itik.
b.Nasasabi ang kabutihang naidudulot ng pag-aalaga ng itik

Subukin Natin

Iguhit Ang masayang mukha ☺ kung ang mga sumusunod na kagamitan o


kasangkapan ay kinakailangan sa pag-aalaga ng itik at malungkot na mukha
 naman kung hindi.

______1.Kulungan ______6.batya

______2.Suso o tulya ______7.papag

______3.lambat para sa kulungan ______8.patuka

______4.timba ______9.tubig

______5.lamesa ______10.upuan

1
Paggawa ng Talaan at
Kasangkapan at Kagamitan sa
Pag-aalaga ng Itik

Balikan Natin
Isulat ang tama kung ang pangungusap ay wasto at mali kung di-wasto.

__________1.Gumagamit tayo ng lampara o bombilya upang bigyan ng


artipisyal na init ang mga sisiw.
___________2.Kinakailangan ang maluwag at maginhawang kulungan para
sa mga manok.
___________3.Bigyan ng starter mash pagkatapos ng ikaapat na linggo ang
mga manok.
___________4.Ang patuka at malinis na tubig ay kailangan din sa pag-aalaga
ng manok.
___________5.Hindi na kinakailangan ang bitamina at mineral upang
lumaking malusog ang alagang manok.

Tuklasin Natin

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Anong lugar ang angkop sa pag-aalaga ng itik?
2. Nakatutulong ba sa ating pamilya ang pag-aalaga ng itik? Paano?

Talakayin Natin

Malaki ang pakinabang sa mga bakuran kung mag-alaga ng itik. Karani-


wang inaalagaan ang mga itik sa mga lugar na malapit sa tubig kung saan
may mga suso at tulya para sila ay maipastol at makatipid sa pagkain.Ang
itik ay inaalagaan para sa paggawa ng balut. Maaari natin silang pakainin ng
mga pagkaing kinakain ng mga manok at mabigyan sila ng angkop na
kulungan atna paliguan. Gumamit ng batya o kaya isang putol na bariles na
magsisilbingpaliguan ng mga itik. Masarap ding gawing resipi ng ulam ang
karne ng itikgaya ng estopado, adobo o pritong bibe.

2
Pagyamanin Natin
Gumawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan sa pag-aalaga ng
Itik.
Kasangkapan Kagamitan
1. _____________________________ 1. _____________________________
2. _____________________________ 2. _____________________________
3. _____________________________ 3. _____________________________
4. _____________________________ 4. _____________________________
5. _____________________________ 5. _____________________________

Tandaan natin

Ang pag-aalaga ng itik ay isang gawaing makatutugon sa pangunahing


pangangailangan sa pagkain at makapagpapaunlad sa kabuhayan ng
pamilya.Higit na matagumpay ang pag-aalaga kung naihandang mabuti
ang mga kakailanganin ng mga alaga.

Isabuhay natin
Gumuhit ng mga kagamitan at kasangkapan sa pag-aalaga ng Itik.

3
Tayahin Natin
Isulat ang tama kung ang pangungusap ay wasto at mali kung di-wasto.

_______1. Karaniwang inaalagaan ang mga itik sa mga lugar na malapit sa


tubig kung saan may mga suso at tulya para sila ay maipastol at
makatipid sa pagkain.
_______2. Ang pag-aalaga ng itik ay isang gawaing makatutugon sa
pangunahing pangangailangan sa pagkain at makapagpapaunlad sa
kabuhayan ng pamilya.
.______3. Gumamit ng timba na magsisilbing paliguan ng mga itik.
_______4. Maaari natin silang pakainin ng mga pagkaing kinakain ng mga
manok at mabigyan sila ng angkop na kulungan at na paliguan.
_______5. Gumamit ng lambat na magsisilbing kulungan ng mga itik.

Gawin natin

1. Magsaliksik tungkol sa mga pangunahing kailangan sa pag-aalaga ng


tilapiya.

4
Sanggunian
Makabuluhang Gawaing Pantahanan 5
Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5
DepEd LM
Development Team of the Module
Writers: JAIME M. RAFOL Jr.
Editors:
Content Evaluator: MARYBETH Q. CORPUZ
Language Evaluator: SHIRLEY T. RANOT
Reviewers: PRINCISITA B. PIMENTEL – MT1

Illustrator: AMAPOLA C. ESPOS (ESVES)


Layout Artist: AMAPOLA C. ESPOS (ESVES)
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
VIRGINIA LLORCA EBOÑA - EPS - EPP/TLE Coordinator
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like