Professional Documents
Culture Documents
ARALING PANLIPUNAN
Ikaapat na Markahan- Modyul 5 at 6
Ikalima at Ikaanim na Linggo
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag- iisa.
1
Aralin Partisipasyon ng Ibat-ibang Rehiyon
at Sektor( Katutubo at Kababaihan) sa
5 at 6 Pakikibaka ng Bayan
Panuto: Basahin ang mga pangungusap na nasa ibaba.Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Ano ang isa sa naging dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo sa mga Espanyol?
A. Pagyakap sa relihiyong Kristiyanismo.
B. Mabuting pakikitungo ng mga Espanyol sa mga katutubo.
C. Malupit na pamamalakad ng mga pari at pinunong Espanyol.
D. Paniningil ng tamang buwis sa mga katutubo.
2. Ano ang tawag sa pagtutol sa mga patakaran na nakakahadlang sa kalayaan ng
bansa?
A. Kolonyalismo C. Kolonya
B. Pag-aalsa D. Imperyalismo
3. Sino ang pumatay sa mga kasapi ng pag-aalsa sa Pampanga?
A. Heneral Santiago de Vera C. Heneral Jose Basco
B. Heneral Pedro Balingit D. Heneral Christian Cruz-Herrera
4. Sino ang namuno sa pag-aalsa ng mga Itneg sa Cagayan at Apayao ?
A. Miguel Lanab at Alababan C. Felipe Catabay at Gabriel Taya
B. Pedro Almazan at Tapar D. Miguel Lanab at Francisco Rivera
5. Sinong paring Dominikano ang naging dahilan ng pagtigil ng pag-aalsa ng mga
Gaddang?
A. Jose Santa Maria C. Padre Juan Burgos
B. Pedro de Santo Tomas D. Padre Jose Arias
6. Sino ang tinaguriang “Ina ng Biak na Bato”?
A. Gabriela Silang C. Melchora Aquino
B. Trinidad Tecson D. Patricinio Gamboa
7. Ang nag-iisang babae sa kasaysayan ng Kabisayaan na binangsagang “Joan of Arc
ng Kabisayaan” ay si ________.
A. Gabriela Silang C. Teresa Magbanua
B. Trinidad Tecson D. Gregoria de Jesus
3
8. Kailan iwinagayway ang watawat ng Pilipinas sa naganap na pinasaya ng
Pamahalaang Rebolusyonaryo sa Visaya?
A. Nobyembre 15, 1898 C. Nobyembre 17, 1898
B. Nobyembre 16, 1898 D. Nobyembre 19, 1898
9. Ano ang mahalagang papel ng ginampanan ni Gregoria de Jesus sa Katipunan?
A. Nagbigay ng tulong mga nasugatang katipunero.
B. Nagtahi ng watawat ng Katipunan.
C. Nagtago ng mga mahahalagang dokumento ng samahan.
D. Nangolekta ng tulong para sa mga katipunero
10. Alin ang pahayag na hindi nagsasaad tungkol kay Patrocinio Gamboa?
A. Nangolekta din siya ng salapi, pagkain, gamot at armas.
B. Naging mabuting espiya at tagahatid ng mensahe sa rebolusyon.
C. Pinangunahan niya ang isang pangkat ng mga kalalakihan.
D. Matagumpay niyang nalagpasan ang mga bantay upang dalhin ang watawat na
bahagi ng pagdiriwang.
4
Ano ang kahulugan?
5
Pag-aalsa ni Almazan sa San Nicolas,Laoag,Ilocos Norte (1661)
Ito ay pinamumunuan ni Don Pedro Almazan isang mayamang pinuno ng Laoag na
kinoronahan noong 1660 bilang Hari ng Ilocos. At kasama si Juan Magsanop pinuno ng
Bacarra,Bangu.Nagsagawa ng pag-aalsa bilang pagsuporta sa ipinaglalaban ni Malong ng
Pangasinan.Matapos niyang ipapugot ang ulo ng mga prayleng Dominikano na si Jose Santa
Maria at Agustino na si Jose Arias.Nadakip at ibinigti si Almazan sa plaza at tuluyang natigil
ang rebelyon.
Pag-aalsa sa Panay (1663)
Pinangunahan ni Tapar ng Iloilo na naghahangad na magtayo ng bagong sangay ng
Kristiyanismo sa bayan ng Oton.Ito ay kung saan kikilalanin siya bilang “Diyos na
Makapangyarihan”. Agad na nasupil at pinatay ang mga lumahok sa rebelyon.
Pag-aalsa ng Zambal (1681-1683)
Ito ay pinangunahan ng isang datu ng Zambales ang tumangging magpasakop at
naglunsad ng digmaan laban sa mga Kastila.Dagling nagpadala ang mga hukbo na 6000
kawal upang mapigilan.Matapos ang halos dalawang taon tuluyang napasailalim sa
pamamahala ang bayan.Ang lahat na nakibahagi sa pag-aalsa ay pinatawan ng kamatayan.
Pag-aalsa ng mga Magtangaga ng Cagayan (1718)
Pinamumunuan ni Francisco Rivera na ninais na matawag na “Papa (pope) at hari”.
Pinigilan niya ang mga katutubo ng Tuguegarao na ipagpatuloy ang pagtangkilik sa
Kristiyanismo.At hinimok ng pagsasauli sa mga prayle ng ibinigay nilang mga rosaryo at
iskapularyo.
Pag-aalsang Basi (1807)
Pinamunuan ni Pedro Ambaristo sa kasalukuyang Piddig,Ilocos Norte.Nag-ugat sa
paghihigpit ng mga Espanyol sa produksiyon at pagbebenta ng basi ( isang uri ng alak mula
sa tubo).Ipinagbawal ang pribadong produksiyon ng alak.Dahil dito,napilitan ang mga
Ilokano na bumili ng basi sa pamahalaan sa higit na mataas na halaga.Makalipas ang ilang
linggo ng pag-aalsa, nasupil din agad ito ng mga Espanyol.
Partisipasyon ng mga Kababaihan
Napakalaki ng ginampanan ng kababaihan noong panahon ng himagsikan
(pakikibaka). Dahil sa labis na pagmamahal din sa kalayaan ang iba sa kanila ay nakibaka
para sa bayan sa kabila ng kanilang kasarian. Narito ang ilan sa mga kababaihan na nakibaka
para sa kalayaan.
Si Maria Josefa Cariño Silang
Kilala sa tawag na Gabriela Silangat kabiyak ni Diego Silang. Siya ang unang
Pilipinong babae na namuno sa isang paghihimagsik noong kolonisasyon ng mga Kastila sa
Pilipinas. Siya ang tinaguriang “Unang Babaeng Heneral” at “Unang Babaeng Martir” dahil
sa kanyang katapangan at kagitingan para sa kapakanan ng bayan.
Gregoria de Jesus
Siya ang naging kabiyak ni Andres Bonifacio at kilala sa tawag na Orang. Siya ang
“Lakambini ng Katipunan” at tagatago ng mga mahahalagang dokumento ng samahan. Siya
rin ay Pangalawang Pangulo sa sektor ng pambabae ng samahan.
Trinidad Tecson
Siya ay kilala sa tawag na˝Ina ng Biak na Bato”. Binansagan din siyang “Ina ng Red
Cross˝sa Pilipinas para sa kanyang paglilingkod sa mga katipunero. Hinangaan siya ng mga
kalalakihan dahil sa tapang at husay niya sa paghawak ng sandata lalo na sa eskrima.
6
Teresa Ferraris Magbanua
Siya ang nag- iisang babae sa kasaysayan ng kabisayaanang binansagan na “Joan of
Arc ng Kabisayaan”.Pinamunuan niya ang isang pangkat ng kalalakihan sa Labanang Baryo
Yoting,Capiz noong Disyembre,1898.At sumabak din sa Labanang Burol Sapong malapit sa
Sara,Iloilo.Kilala sa tawag na “Inay Isa” at isinilang sa Pototan,Iloilo.
Melchora Aquino
Siya ay kilala sa bansag na “Ina ng Katipunan” at “Tandang Sora”. Sa edad na 84,
hindi siya nag-atubiling magbigay ng tulong sa mga nasugatang Katipunero sa tuwing
napapasabak ang mga ito sa labanan.Siya ang pinakamatandang kasapi ng samahan.
Patrocinio Gamboa
Siya ay kilala sa tawag na “Bayani ng Jaro”. “Tiya Patron” ang palayaw sa kaniya. Si
Tiya Patron at ilang kababaihan ang tumahi ng watawat ng Filipinas na iwinagayway sa
pinasaya ng pamahalaang rebolusyonaryo sa Visaya noong Nobyembre 17, 1898.Bukod sa
mapanganib na pagdadala ng watawat mula Molo hanggang Santa Barbara.Tinupad niya ang
maraming tungkulin bilang espiya at tagahatid mensahe ng rebolusyon.Nangolekta din siya
ng salapi, pagkain, gamot at armas
Sagutin ang mga tanong sa ibaba:
1. Ibigay at ilarawan ang mga pag-aalsa ng ibat-ibang katutubong Pilipino noong
pananakop ng mga Espanyol? ___________________________
2. Paano ipinakita ng mga kababaihan ang kanilang partisipasyon sa pakikibaka?_____
4. Ina ng Katipunan
5. Bayani ng Jaro
7
GAWAIN B:Panuto: Tumbasang Salita: Ibigay ang salita o salitang katumbas.
1. Miguel Lanab : Cagayan :: Alababan: ________
2. Andres Malong: ______ :: Felipe Catabay : Cagayan Valley
3. Tapar : Iloilo :: Pedro Almazan :_______
4. Gabriela Silang : Diego Silang :: Gregoria de Jesus : ______.
5. Patriciano Gamboa : Jaro, Iloilo – Teresa Magbanua : ________.
GAWAIN C: Panuto: Ibigay ang isinasaad sa bawat bilang.Hanapin ang sagot sa loob ng
kahon.
Melchora Aquino Gabriela Silang Patricinio Gamboa
Pedro Almazan Trinidad Tecson Tapar
______1. Ninais na kilalanin na “Diyos na Makapangyarihan”
______2. Pinakamatandang kasapi ng Katipunan
______3. Mayamang pinuno ng Laoag na kinoronahan bilang Hari ng Ilocos
_____ 4. Magaling mag-eskrima
______5. Espiya ng rebolusyon
8
Kumusta na ang target ko?
Panuto: Basahin ang mga pangungusap na nasa ibaba.Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Sino ang tinaguriang “Unang Babaeng Martir” dahil sa kanyang katapangan?
A. Gabriela Silang C. Gliceria Marella de Villavicencio
B. Gregoria de Jesus D. Patrocinio Gamboa
2. Alin ang hindi kabilang sa mga ginampanan ni Gregoria de Jesus sa Katipunan?
A. Magaling na heneral sa Katipunan.
B. Pangalawang pangulo sa sektor ng pambabaeng samahan sa Katipunan.
C. Lakambini ng Katipunan.
D. Tagatago ng mga lihim na dokumento ng samahan.
3. Sino ang namuno sa pangkat ng mga kalalakihan sa Labanang Bario Yoting, Capiz?
A. Gabriela Silang C. Teresa Magbanua
B. Patrocinio Gamboa D. Trinidad Tecson
4. Ang mga sundalong Espanyol na nakatulong sa pagpapatupad at pagpapalaganap ng
kolonyalismo ay tinatawag na _______________.
A. encomendero B. conquistadores C. Gobernador-Heneral C. prayle
5.Si Melchora Aquino ay naging kasapi sa katipunan sa edad na______.
A. 82 C. 84
B. 83 D. 85
6. Ano ang pangunahing layunin ni Tapar sa pagtatayo ng bagong sangay ng
Kristiyanismo sa bayan ng Oton?
A. Kikilalanin siya bilang Diyos na Makapangyarihan.
B. Kikilalanin siya bilang Hari na Makapangyarihan.
C. Kikilalanin siya bilang Hari ng Tuguegarao.
D. Kikilalanin siya bilang Diyos ng Sanlibutan.
7.Ilang taon ang pag-aalsa ng mga Zambal laban sa mga Kastila?
A. 1 C. 3
B. 2 D. 4
8. Paano ipinakita ng mga Itneg ang kanilang paglaban sa mga Kastila?
A. Hindi pagbabayad ng kaukulang buwis.
B. Pagpatay sa tagakolekta ng buwis ng pamahalaan.
C. Pagsunog sa mga lokal na simbahan.
D. Pagsasauli ng mga rosary at eskapolaryo sa mga pari.
9. Sino ang hindi kabilang na pinuno ng mga katutubo na nag-alsa laban sa mga Kastila?
A. Pedro Ambaristo C. Felipe Catabay
B. Miguel Lanab D. Felipe Agoncillo
10. Ito ay isang uri ng alak na mula sa tubo.
A. Tuba c. lamanog
B. Basi D. suka
9
Ano pa ang kaya kong gawin?
GAWAIN A: Panuto Isulat ang FACT kung tama ang isinasaad ng pangungusap,
BLUFF naman kung mali.
____1. Ang isa sa dahilan ng pag-aalsa ay labis na paniningil ng buwis.
____2. Makatarungan ang ginawang pamumuno ng mga kastila sa mga Pilipino.
____3. Pansarili lamang ang naging dahilan ng pag-aaklas ng mga katutubo.
____4. Ang mga pag-aaklas ay nilahukan ng mga katutubong mula sa ibat-ibang sektor.
____5.Naging matagumpay ang pag-aaklas ng mga katutubo laban sa mga Kastila.
• SANGGUNIAN
• Gabuat, M.A.P, Mercado, M.M, Jose, MD dL. Araling
Panlipunan 5, Pilipinas Bilang Isang Bansa, pp.182-185,Karapatang
sipi , 2016 Vibal Group Inc. FEP Printing Corporation
• https://ncca.gov.ph/philippine-cultural-education-program-
pcep/sagisag-kultura/
• https://www.youtube.com/watch?v=wYjLeoT394U
• Learning Resource Management and development ( LRMD )
• https://philippineculturaleducation.com.ph/category/sagisag-
kultura/page/239/
• https://www.youtube.com/watch?v=zDM585LX1qY
10
EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE
Schools Division of Taguig City and Pateros , Upper Bicutan Taguig City
Telefax: 8384251
11