You are on page 1of 23

55

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan- Modyul 1
Pag-usbong ng Nasyonalismong Filipino
(Week 1-2)
Araling Panlipunan– Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Pag-usbong ng Nasyonalismong Filipino
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat/Tagaguhit/Tagalapat/Editor:
Jocelyn T. Cruz
Ma. Luisa R. Felipe
Virgilio L. Laggui

Tagasuri ng Nilalaman: Ma. Luisa R. Felipe


Tagasuri ng Wika: Ma. Luisa R. Felipe
Tagasuri ng Paglapat: Ma. Luisa R. Felipe
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto, Jr.
Rainelda M. Blanco
Virgilio L. Laggui
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng ___________________

Department of Education – Schools Division of Bulacan


Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System
(LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
5
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan- Modyul 1
Pag-usbong ng Nasyonalismong Filipino
(Week 1-2)
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang
pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala,


pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na
may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng
aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung
tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naman na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na


matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan.


Ito ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 5.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa:


A. Mga Pandaigdigang Pangyayari na Nakaapekto sa Nasyonalismong Filipino
1. Ang La Ilustracion
2. Deklarasyon ng Cadiz Constitution ng 1812
3. Ang Paglipas ng Merkantilismo

B. Mga Salik na Nagbigay-daan sa Pag-usbong ng Nasyonalismong Filipino


1. Pagbubukas ng Suez Canal
2. Pag-usbong ng Panggitnang Uri
3. Ang Liberal na Pamumuno ni Carlos Maria dela Torre
4. Ang Isyu ng Sekularisasyon

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, inaasahang:


 naipaliliwanag ang mga salik na nagbigay-daan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Filipino;
 naipaliliwanag ang epekto ng mga pandaidigang pangyayari sa pag-
usbong ng nasyonalismong Filipino; at
 napahahalagahan ang pagkamulat at pakikibaka ng mga Filipino na nag-udyok
ng damdaming nasyonalismo.

1
Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Napaiksi sa isang buwan ang paglalakbay mula Europa patungong Maynila


dahilan sa pagbubukas ng .
A. Bashi Channel
B. Kipot ni Magellan
C. Pearl Harbor
D. Suez Canal

2. Ito ang tawag sa kabataang nakaranas ng liberal na edukasyong nagmulat sa tunay na


kalagayan ng Pilipinas sa kamay ng mga Espanyol.
A. creole
B. ilustrado
C. pensionado
D. principales

3. Sino sa mga sumusunod na gobernador-heneral ang may liberal na paraan ng pamumuno?


A. Carlos Maria dela Torre
B. Jose Basco y Vargas
C. Miguel Lopez de Legazpi
D. Rafael de Izquierdo

4. Ang salitang liberal ay nangangahulugang .


A. makabago
B. makaluma
C. makitid na kaisipan
D. tradisyunal

5. Ito ay antas sa lipunan na kinabibilangan ng may ilang mangangalakal, magsasaka at


propesyonal na umunlad ang pamumuhay.
A. creole
B. insulares
C. panggitnang uri
D. peninsulares

2
6. Ang pagbibigay sa mga paring sekular ng kapangyarihang pamunuan ang isang
parokya ay tinatawag na .
A. la ilustracion
B. parokyalisasyon
C. sekularisasyon
D. regularisasyon

7. Ang mga paring Espanyol na kabilang sa mga samahang relihiyoso tulad ng


Augustinian, Franciscan, Recollect, Jesuit, at Dominican ay tinatawag na

A. cardinal
B. obispo
C. paring regular
D. paring sekular

8. Sino sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa tinaguriang “Tatlong Paring Martir”?
A. Jacinto Zamora
B. Jose Burgos
C. Mariano Gomez
D. Pedro Pelaez

9. Ang GomBurZa ay hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng .


A. bitay
B. firing squad
C. garote
D. silya electrica

10. Ang kaisipang ito ay nagmula sa Europa na nakarating sa Pilipinas at nagpamulat sa


kamalayang makabansa ng mga Filipino.
A. La Independencia
B. La Ilustracion
C. Democracia
D. Sekularisasyon

3
Balikan

Panuto: Isulat sa patlang kung ang isinasaad ay pag-aalsang panrelihiyon, pang-ekonomiko o


pampolitika. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Pag-aalsa ni Apolinario dela Cruz


2. Pag-aalsa ng mga Itneg
3. Pag-aalsang Basi
4. Pag-aalsa ni Maniago
5. Pag-aalsa ni Bancao
6. Pag-aalsa ni Magalat
7. Pag-aalsa ni Diego Silang
8. Pag-aalsa ni Lakandula
9. Pag-aalsa ni Almazan
10. Pag-aalsa ng mga Datu ng Tondo

Tuklasin

Panuto: Isulat ang titik N sa patlang kung ang pahayag ay nagpapakita ng damdaming
nasyonalismo at titik H naman kung hindi.

1. pagtangkilik sa produktong gawang Pinoy


2. pagpapasakop sa mga dayuhan
3. pag-aalay ng buhay para sa kapakanan ng bayan
4. pagbili ng mga pagkaing gawa sa ibang bansa
5. pagkilala at paggalang sa pambansang watawat
6. pagpapalit ng pagkamamamayan
7. pagtulong sa mga kababayang nasalanta ng mga kalamidad
8. pagsunod sa mga alituntunin at batas ng sariling bansa
9. pagmamahal sa kalikasan
10. pakikiisa sa mga kampanya at gawaing panlipunan

4
Suriin

Pag-usbong ng Nasyonalismong Filipino


Matapos na mapag-aralan ang mga naging pakikipaglaban ng mga Filipino para
sa kalayaan mula sa kamay ng mga mananakop na Espanyol, mahihinuha natin na ang
damdaming nasyonalismo ay tuluyan nang umusbong sa mga Filipino. Ang nasyonalismo
ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang tao na ikinakabit sa kaniyang pagmamahal o
pagpapahalaga sa lupang kaniyang sinilangan o lugar na kinabibilangan. Ngunit paano
nga ba nabuo ang kaisipang ito sa mga Filipino? Ano-ano ang mga pangyayari, sa labas
at loob ng Pilipinas na naging salik sa pag-usbong ng nasyonalismong Filipino?

A. Mga Pandaigdigang Pangyayari

Ang La Ilustracion o Age of Enlightenment

Ang salitang “La Ilustracion” ay salitang Espanyol na nangangahulugang “ang


kaliwanagan”. Ito ay isang kilusang intelektuwal na lumaganap sa Europa noong ika-18
siglo kung saan naganap ang pagtatangkang kumawala sa panahon ng pamamayani ng
pamahiin, bulag na pananampalataya at kawalan ng rason. Malaki ang naging epekto nito
sa mga patakarang kolonyal ng mga Espanyol sa Pilipinas gayon din sa mga pag-aalsang
isinagawa ng mga katutubo sa Sarrat, Ilocos Norte noong 1815. Kumalat ang pag-aalsa
sa mga karatig bayan ng Ilocos. Bigo man ang pag-aalsa, malinaw naman na pinukaw ng
La Ilustracion ang kamalayan ng mga Filipino sa pakikibaka.

Ang Cadiz Constitution ng 1812

Ang kasulatang ito ay nagbigay-halaga sa mga ideyang


liberal gaya ng karapatan sa pagboto ng mga kalalakihan, pam-
bansang soberanya, monarkiyang konstitusyonal, kalayaan sa
pamamahayag, reporma sa lupa, at malayang kalakalan. Ito rin
ang nagpatigil sa kalakalang galyon kung saan tanging mga Es-
panyol lamang ang nakinabang at yumaman at nagdulot ng
pang-aabuso sa mga katutubong Filipino dulot ng polo y servicio
na nakasentro sa mga gawaing may kinalaman sa paggawa ng
galyon.

Nang dahil sa La Ilustracion at Cadiz Constitution,


nagkaroon ng kamalayan ang mga Filipino tungkol sa kanilang
Cadiz Constitution ng 1812
karapatang dapat na tinatamasa sa buhay. Nakatulong din ang
mga ito upang mapagtanto ng mga Filipino na may pagkakataon
sana silang mamuhay nang maginhawa kung magwawakas ang pang-aabuso sa pama-
magitan ng pagbibigay sa kanila ng mga karapatan.

5
Ang Paglipas ng Merkantilismo

Ayon sa merkantilismo, ang tunay na sukatan ng kayamanan ng isang bansa ay


ang dami ng pilak o ginto na pagmamay-ari nito. Ito ang nagtulak sa mga maraming
bansa sa Europa kabilang ang Espanya upang magpalawak ng teritoryo. Sa loob ng 200
taon, ang merkantilismo ang nagdikta sa mga ekspedisyon ng mga Europeo sa daigdig.
Ngunit sa pagtuntong ng ika-19 na siglo, unit-unti itong humina hanggang sa tuluyang
magwakas. Ito ay napalitan ng higit na liberal na prinsipyong pang-ekonomiko – ang
malayang kalakalan. Dahil sa malayang kalakalan, nakapasok sa Pilipinas ang mga
babasahing liberal mula sa iba’t ibang bansa sa daigdig na nakaimpluwensiya sa
ideolohiya ng mga Filipino.

B. Mga Salik sa Pag-usbong ng Nasyonalismong Filipino

Ang Pagbubukas ng Suez Canal

Ang Suez Canal ay matatagpuan sa Ehipto at nag-uugnay sa Mediterranean Sea


at Red Sea. Ito ay binuksan sa pandaigdigang kalakalan noong Nobyembre 17, 1896. Ito
ay nagpaiksi sa paglalakbay sa karagatan na isang buwan mula tatlong buwan mula sa
Europa patungo sa Maynila. Bunga nito, dumami ang mga dayuhang naglakbay sa Pilipi-
nas dala ang sariling mga pananaw, kaisipan, at kultura. Gayon din nakapaglakbay ang
mga Filipino sa labas ng bansa.

Nakarating din sa Pilipinas ang mga aklat, pahayagan at iba pang uri ng babasa-
hin mula sa Europa at Amerika. Kabilang dito ang tungkol sa French Revolution ng 1789,
kung saan may konsepto o ideolohiyang kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapatiran
(liberty, equality, at fraternity). Maging ang American Revolution ay nakarating din na
tumutukoy kung paano ipinaglaban ng mga Amerikano ang kanilang kasarinlan mula sa
kamay ng mga Briton, at itinaguyod ang kanilang karapatang konstitusyon.

6
Ang Pag-usbong ng Panggitnang Uri (Middle Class)

Nang dahil sa pag-unlad ng agrikultura at paglahok ng Pilipinas sa kalakalang


pandaigdig, may ilang mga mangangalakal, magsasaka, at propesyonal na umunlad ang
buhay. Sila ang bumuo sa panggitnang uri o middle class na karaniwang kinabibilangan
ng mga Chinese at Spanish mestizo. Bunga ng nakamit na kasaganaan ay nakayanan
nilang mapag-aral ang kanilang mga anak sa Maynila o sa Europa, partikular sa Espanya
kung saan nakamit ng mga kabataang ito ang “kaliwanagan”. Tinawag sila bilang mga
ilustrados dahil sa nakamit nilang edukasyong nagmulat sa kanila sa tunay na kalagayan
noon ng Pilipinas. Kabilang sa mga kilalang ilustrado ay sina Jose Rizal, Marcelo del Pilar
at Mariano Ponce na may akda ng mga lathalain na gumising sa damdaming makabayan
ng mga Filipino.

Ang Liberal na Pamumuno ni Gob. Hen. Carlos Maria dela Torre

Si Carlos Maria dela Torre ay isang pinunong


nakakuha ng tiwala ng mga Filipino sa pamamagitan ng
kaniyang liberal na pamamahala. Nakinig siya sa mga
suliranin ng mga mamamayan at nakihalubilo sa mga ito.
Napamahal siya sa mga Filipino sapagkat makatao
siyang nakitungo sa mga ito. Ipinagbawal niya ang mga
paghagupit bilang parusa, ipinatigil ang pag-eespiya sa
mga pahayagan at hinikayat pa niya ang pagkakaroon
ng malayang pamamahayag. Sa panahon ng kaniyang
panunungkulan ay nalasap ng mga Filipino ang
kalayaan sa pagpapahayag ng sarili.

Sa kasamaang palad, hindi nagtagal at umabot


lamang ng dalawang taon ang kaniyang panunungkulan
at pinalitan siya ng isa sa pinakamalulupit na pinuno sa
Pilipinas, si Rafael de Izquierdo. Bunga nito, lalong
Gob.hen. Carlos Maria dela Torre, tumindi ang pagnanais ng mga Filipino para sa
Isang liberal na pinuno pagbabago at kasarinlan.

Ang Usapin ng Sekularisasyon

Ang sekularisasyon ay ang pagbibigay-kapangyarihan sa mga paring sekular na


pamunuan ang mga parokya. Ang mga paring sekular ay ang mga Filipinong pari na
walang kinabibilangang samahang relihiyoso. Ang sekularisasyon ay mariing tinutulan ng
mga paring regular. Ang mga paring regular ay mga paring Espanyol na kabilang sa mga
samahang relihiyoso tulad ng Augustinian, Franciscan, Recollect, Jesuit at Dominican.

Bunga ng diskriminasyong ito sa mga paring Filipino, nagsimula ang isang kilusan
sa pamumuno ni Padre Pedro Pelaez. Kabilang sa kilusang ito ang ang GomBurZa na
kinabibilangan nina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora.
Upang masugpo ang kilusang ito, ay pinagbintangan ang GomBurza na pinuno ng pag-
aalsa sa sumiklab sa Cavite na kinabibilangan ng mga sundalong Filipino.

7
Pinagbintangan sila bilang pinuno ng pag-aalsa upang mapatahimik ang noon ay
mainit na isyu ng sekularisasyon. Sila ay dinakip at hinatulan ng kamatayan sa pama-
magitan ng garote noong Pebrero 17, 1872. Sa pagkamatay ng tatlong pari ay napaigting
ang damdaming makabansa ng mga Filipino laban sa mga mananakop.

(Kaliwa-Pakanan) Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgoz at Padre Jacinto Zamora

Sa pangkalahatan, masasabing nagkaroon ng epekto ang mga pangyayari sa


labas at loob ng Pilipinas noong ika-18 siglo sa paglaganap ng malayang kaisipan sa
Pilipinas na siyang nagpakilos sa mga Filipino upang ipaglaban ang mga karapatan at
kalayaan.

8
Pagyamanin

Gawain A
Panuto. Maglaro ng Loop a Word. Bilugan sa loob ng kahon ang salitang tinutukoy
sa bawat bilang at isulat sa sagutang ang tamang sagot.

1. nagtaguyod ng konsepto ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at


kapatiran (liberty, equality, at fraternity)
2. sumiklab upang ipaglaban ang kasarinlan at itaguyod ang karapatang
konstitusyonal, popular na soberanya at batas ng mga Amerikano
3. unang konstitusyon ng Espanya
4. tawag sa Enlightenment o Kaliwanagan sa Espanya
5. pagkakakilanlan ng isang tao na kaniyang idinikit o ibinahagi sa kani-
yang nasyon o lugar na pinagmulan o kinabibilangan
6. sistemang ekonomiko kung saan ang batayan ng kayamanan ng
isang bansa o estado ay ang dami ng ginto o pilak na pagmamay-ari
nito
7. mga Filipino o mestizong mula sa mataas na uring panlipunan at
kadalasang galing sa hanay ng mga dating pinuno sa Pilipinas
8. pagbibigay sa mga paring sekular ng kapangyarihang pamunuan ang
mga parokya
9. kabataang naliwanagan o nakamit ang liberal na edukasyon na nag-
mulat sa tunay na kalagayan noon ng Pilipinas.
10. mga paring Espanyol na kabilang sa mga samahang relihiyoso tulad
ng Augustinian, Franciscan at iba pa

9
Gawain B
Panuto. Isulat ang salitang TAMA kung ang bawat pahayag ay nagsasaad ng katotohan
at MALI naman kung hindi nagsasaad ng katotohanan .

1. Ang kilusang La Ilustracion ay nagmula sa Europa.

2. Isang salik sa paghina at pagtatapos ng kalakalang galyon ay ang


deklarasyon ng Cadiz Constitution.

3. Napayaman ng kalakalang galyon ang Espanya mula sa kita rito.

4. Walang naging epekto ang La Ilustracion sa Pilipinas dahil malayo ang


Europa sa Pilipinas.

5. Sa merkantilismo nakasalalay sa dami ng ginto at pilak ang yaman ng isang

bansa.
6. Ang panggitnang uri ay binubuo ng mga mayayaman at makapangyarihang
Espanyol na nanirahan sa Pilipinas.

7. Ang mga paring sekular ang may hawak ng mga parokya.

8. Ang mga paring Espanyol lamang ang may kinabibilangang samahang relihiyoso.

9. Si Carlos Maria dela Torre ay nagtagal ng sampung taon sa pamumuno


bilang gobernador-heneral dahil sa pagkakaroon niya ng liberal o
makabagong paraan ng pamamahala.

10. Ang pagbubukas ng Suez Canal ang nagpaiksi ng isang buwan sa

paglalakbay mula sa Europa patungo sa Maynila.

10
Gawain C
Panuto: Kumpletuhin ang balangkas at bigyan ng maikling paliwanag ang
nabuong balangkas.

Mga Pandaigdigang
Pangyayari

nakaimpluwensiya sa

Nasyonalismong Filipino

Paliwanag:

11
Rubrik sa Pagmamarka ng Pagbuo ng Balangkas at Paliwanag
Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos

Wasto at sapat ang nilalaman ng 5


balangkas.

Maayos ang organisasyon ng 3


ideya at mahusay ang daloy ng
mga argumento.

Wasto ang baybay at gramatika. 2

Kabuuang Puntos 10

Isaisip

Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang bawat talata.
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

Cadiz Constitution Carlos Maria dela Torre La Ilustracion


merkantilismo panggitnang Uri sekularisasyon
Suez Canal treaty

Ang pag-usbong ng nasyonalismong Filipino ay bunga nga mga pandaigdigang


pangyayari tulad ng pagkakaroon ng kilusang (1) sa Europa,
deklarasyon ng (2) ng 1812, at pagtatapos ng (3)
kung saan ginto at pilak ang batayan ng kayamanan ng isang
bansa.

Ang mga pandaigdigang pangyayaring ito ay nakaapekto sa Pilipinas kung saan


nabuo ang mga salik na nagpaigting sa nasyonalismong Filipino. Unang-una na rito
ang pagbubukas ng (4) na nagpaiksi sa panahon ng
pagkikipagkalakalan sa mga bansa sa daigdig. Gayundin nang umunlad ang ilang mga
Filipinong inihanay sa (5) na nagawang mapag-aral ang kanilang
mga anak sa Maynila o sa Europa. Dumagdag pa rito ang pagkakaroon ng liberal na
pinuno na si (6) na napamahal sa mga Filipino. At higit na
nag-alab ang damdaming pakikibaka ng mga Filipino nang bitayin ang tatlong paring
GomBurZa na isa sa mga sumama sa kilusan ukol sa (7) .

12
Isagawa

Panuto: Pumili ng isang pangyayari na nakapukaw ng kamalayang nasyonalismo ng


mga Filipino sa panahon ng Espanyol at ihalintulad ito sa isang pangyayaring
kasalukuyang nagaganap sa ating bansa kung saan kakikitaan ng damdaming
nasyonalismo ang mga Filipino. Ilahad kung paano ipinakita ng kasalukuyang
Filipino ang pagiging makabansa.

_________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________

Rubrik sa Pagmamarka ng Sanaysay


Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos

Wasto at sapat ang nilalaman. 5

Maayos ang organisasyon ng ideya 3


at mahusay ang daloy ng mga
argumento.

Wasto ang baybay at gramatika. 2

Kabuuang Puntos 10

13
Tayahin

Panuto. Basahin ang bawat pahayag at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

1. Ang kasulatang ito ay nagbigay-halaga sa mga ideyang liberal tulad ng karapatan sa


pagboto ng mga kalalakihan, pambansang soberanya, monarkiyang konstitusyonal,
kalayaan sa pamamahayag, reporma sa lupa, at malayang kalakalan.
A. Cadiz Constitution ng 1812
B. La Ilustracion
C. merkantilismo
D. sekularisasyon

2. Siya ang namuno sa isang kilusan laban sa diskriminasyon sa mga paring Filipino sa
ginawang pagtanggal sa kanilang katungkulan.
A. Padre Jacinto Zamora
B. Padre Jose Burgos
C. Padre Mariano Gomez
D. Padre Pedro Pelaez

3. Paano naging salik ang pagbubukas ng Suez Canal sa pag-usbong ng nasyonalismong


Filipino?
A. nakapaglakbay ang mga Filipino sa iba’t ibang panig ng Europa
B. napadali ang pagbiyahe at pag-angkat ng mga produkto mula sa
Europe patungo sa Pilipinas
C. nakarating sa Pilipinas ang mga babasahin at pahayagang naglalaman
ng kaisipang liberal
D. nagdala ito ng mga pinunong may mabuting kalooban sa Pilipinas

4. Ang mga sumusunod ay samahang relihiyosong kinabibilangan ng mga paring Espanyol


MALIBAN sa _____.
A. Dominican
B. Franciscan
C. Justinian
D. Recollect

14
5. Ang pagdakip at pagpaparusa sa tatlong paring martir o GomBurZa ay nag-ugat sa
pagbibintang sa kanila bilang mga pinuno ng pag-aalsang naganap sa
.
A. Batangas
B. Bulacan
C. Cavite
D. Laguna

6. Alin sa mga sumusunod ang unti-unting humina hanggang sa tuluyang nagwakas sa


pagsapit ng ika –19 na siglo?
A. despotismo
B. La Ilustracion
C. merkantilismo
D. sekularisasyon

7. Bilang isang liberal na pinuno ay ipinatupad ni Gob. Hen. Carlos Maria dela Torre
ang mga sumusunod MALIBAN sa .
A. pagbabawal sa paghagupit bilang parusa
B. paghikayat sa malayang pamamahayag
C. pagwawakas ng pag-eespiya sa pahayagan
D. pagpapataw ng mababang buwis o tributo

8. Alin sa mga sumusunod na pangyayari sa labas ng bansa ang isa sa mga naging
dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismong Filipino?
A. La Ilustracion o Age of Enlightenment
B. pag-usbong ng panggitnang uri
C. pagwawakas ng kalakalang galyon
D. sekularisasyon

9. Ang liberal na pamamahala ni Gob. Hen. Carlos Maria dela Torre ay umabot lamang
ng dalawang taon sapagkat siya ay pinalitan kaagad ng isa sa pinakamalulupit na
namuno sa Pilipinas na si .
A. Carlos Maria dela Torre
B. Jose Basco y Vargas
C. Miguel Lopez de Legazpi
D. Rafael de Izquierdo

10. Alin sa mga sumusunod ang nagpatigil sa kalakalang galyon?


A. deklarasyon ng Cadiz Constitution
B. French Revolution
C. La Ilustracion
D. sekularisasyon

15
Karadagang Gawain

Panuto: Alin sa mga sumusunod na salik ang sa tingin mo ang may pinakamalaking
epekto o ambag sa pagpukaw o pag-usbong ng nasyonalismong Filipino?
Lagyan ng bilang 1-4 ayon sa bigat ng kanilang epekto o ambag at bigyan ng
katwiran ang iyong sagot.
Bubble Map

Pagbubukas ng Liberal na
Suez Canal Pamumuno

NASYONALISMONG
FILIPINO

Pag-usbong ng Sekularisasyon
Panggitnang Uri

__________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________

16
Susi sa Pagwawasto

17
Sanggunian

Agoncillo, T. Ang Pillipinas Noon at Ngayon. Quezon City : RP. Garcia Publishing
Co., 1965

Department of Education K to 12 Most Essential Learning Competencies, Araling


Panlipunan 5, First Quarter

Gabuat, M. A. P. Araling Panlipunan 5, Pilipinas Bilang Isang Bansa, GOP– Text book
Funds, Vibal Group Inc. 2016

Palu-ay, A. P. Makabayan Kasaysayang Pilipino. Batayang aklat. Binagong


Edisyon 2010.LGM & Corporation

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

You might also like