You are on page 1of 30

Ikaapat na Markahan – Modyul 1

Aralin 1 - 2
Filipino - Grade 5
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan -Modyul 1
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso

Development Team of the Module

Author/s: Lily D. Ng

Reviewers: Rose Mary R. Abapo, EPS, Filipino


Renato C. Cagbabanua, PSDS
Catherine C. Oracion, Principal

Illustrator and Layout Artist: Daryl Henry P. Engracia

Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Audie S. Borres, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


Rose Mary R. Abapo, EPS-Filipino
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Elsa B. Buenavidez, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
5
Filipino
Ikaapat na Markahan-Modyul 1

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


educators from public and private schools, colleges, and or/universities. We
encourage teachers and other education stakeholders to email their feedback,
comments, and recommendations to the Department of Education at action@
deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only. Borrowed materials
(i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are
owned by their respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them. Sincerest appreciation to those who have made significant contributions to this module.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina
Pangkalahatang Ideya ----------------------------------------------------------- iii
Nilalaman ng Modyul ----------------------------------------------------------- iii
Pangkalahatang Panuto ---------------------------------------------------------- iv
Icons na Ginagamit sa Modyul ------------------------------------------------- v
Subukin ---------------------------------------------------------------------------- vi-ix

Aralin 1:

Nakagagawa ng Dayagram ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan


Alamin ---------------------------------------------------------------------- 1
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 1
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 2
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 3
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 4-5
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 6
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 6

Aralin 2:

Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagsasalaysay ng napakinggang balita


Alamin ---------------------------------------------------------------------- 7
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 7
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 8-9
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 10
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 11
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 12
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 13

Susi sa Pagwawasto --------------------------------------------------------------- 14-17


Sanggunian ------------------------------------------------------------------------- 18
Pangkalahatang Ideya
Maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto upang malilinang ang
kakayahan nila sa pakikinig, pagsasalita, pagsusulat at panonood. Matutuhan din nga mga
mag-aaral na gamitin ang wastong gramatika sa iba’t ibang sitwasyon. Magagamit ang
Wikang Filipino sa pagpapahayag ng ideya, damdamin, pananaw, at paniniwala.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga
mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang Subukin
kung saan masusuri ang natututunan kaugnay sa bagong aralin na tatalakayin. Nakabatay sa
nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng bahaging Subukin. Sinusundan ito ng
pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul at sa kasalukuyang modyul sa
bahaging Balikan.

Ang bahaging Tuklasin ay naglalahad ng bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t


ibang gawain. Sa bahaging Suriin naman ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at
mararapat na matutuhan ng mga mag-aaral upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ang bahaging Pagyamanin ay mga gawain na magpapalawak ng natutuhan ng mga


mag-aaral at magbibigay ng pagkakataong mahahasa ang mga kasanayang nililinang.

Ang bahaging Isaisip naman ay magpoproseso ng mahahalagang natutuhan sa aralin


at sa bahaging Isagawa naman mailalapat ang mahahalagang natututunan sa mga pangyayari
o sitwasyon sa totoong buhay.

iii
Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sinadyang binuo upang maunawaan ng mga mag-aaral
nang mabuti ang mga aralin sa Filipino Baitang 5 kahit hindi na makakapasok sa
paaralan nang regular. Sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin upang
maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin.

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang lugar na


tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadyet gaya ng cellphone, tablet, laptop, kompyuter kung


kinakailangan ito sa iyong pinag-aralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang
gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensyon sa
pag-aral.

3. Maglaan ng kwaderno para sa Filipino para sa mga sagot sa mga tanong sa mga
Gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa pagpapalalim. Isulat naman ang
iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno
sa Filipino.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning
pagkatuto at mapagtapos ang pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kapatid, kamag-aral, kaibigan,


o sa mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan sa mga
aralin na kinakaharap.

iv
Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o mithiing


Alamin
dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa tatalakaying


Subukin aralin. Sa pamamagitan nito masususuri kung ano na ang
iyong natutunan kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying bagong
aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t


Tuklasin ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat


Suriin mong matutunan upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong natutunan


at magbibigay pagkakataong mahasa ang kasanayang
Pagyamanin
nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong mahahalagang


natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat ang


iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari o
Isagawa
sitwasyon sa totoong buhay.

v
Subukin

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ayon sa ulat, niratrat ng mga rebelde ang sasakyan. Anong uri ng


pangungusap ito?
a. Paturol/ Pasalaysay c. Pakiusap
b. Pautos d. Patanong

2. Anong bahagi ng dayagram ang nagsasaad ng kinalabasan o resulta?


a. sanhi b. aksidente c. bunga d. bagyo

Si Langgam at si Tipaklong
Sa panahon ng tag-init ay ginugugol ni Tipaklong ang kanyang oras sa paglalaro
at pagpapakasaya habang si Langgam ay abala sa pag-iimpok ng pagkain. Hindi niya
maintindihan kung bakit kailangang magtrabaho ng husto ng langgam. Dumating ang
tag-ulan at nagangatog sa lamig at gutom ang tipaklong habang ang langgam ay
komportable at may sapat na pagkain. Doon naintindihan ng tipaklong kung bakit
kailangang magtrabaho ng langgam sa panahon ng tag-init.

3. Ano ang pinagkakaabalahan ng dalawang tauhan sa kuwento?


a. Pareho silang naglalaro
b. Si Tipaklong ay naglalaro habang si Langgam ay nagtatrabaho.
c. Pareho silang nagtatrabaho
d. Si Tipaklong ay nagtatrabaho habang si Langgam ay naglalaro

4. Bakit nagtrabaho nang mabuti si Langgam?


a. Wala siyang magawa.
b. Para handa siya kapag dumating ang tag-ulan.
c. Para sa kaibigan niyang si Tipaklong .
d. Naiinip siya.

5. Nabuwal ang malaking kahoy dahil sa malakas na bagyo..


a. bumati c. dumating

b. bumitaw d. natanggal

6. Marami ang kuro-kuro ang kinahihinatnan sa pagbubukas ng klase.


a. inaasahan c. kaalaman
b. pamininsala d. palagay

7. Bakit kailangan nating pag-aralan ang paggamit ng pangunahin at


pangalawang direksyon?
a. Upang mapadali nating makita ang kinaroroonan ng isang lugar o bagay.
b. Upang maipagmayabang nating may alam tayo.
c. Upang mapabilis nating bilhin ang isang bagay o lugar.
d. Upang matuwa ang ating guro.

8. Magsikap sa buhay upang guminhawa. Alin sa mga paliwanag sa ibaba ang


resulta ng pagsusumikap.
a. upang makapagtapos sa pag-aaral c. kaya nagsisipag
b. para makapunta sa Amerika d. upang guminhawa

9. Dito nakalagay ang mga paboritong komiks o mga puzzle katulad ng Sudoku at
crossword.
a. Pahinang Opinyon c. Seksyong Pangangalakal
b. Pahinang Panlibangan d. Palakasan

10. Naglalaman ng impormasyon ng pangalan ng taong namatay, kailan namatay, araw ng


libing, at lugar na pinagbuburulan.
a. Obitwaryo c. Klasipikado
b. Editoryal d. Tanging Lathalain

11. Ang Pilipinas ay hitik na hitik sa ganda at yaman ng kalikasan sa buong mundo. Isang
biyayang dapat alagaan at ipagmalaki lalo na ng isang batang Pilipinong tulad mo. Bakit
dapat nating alagaan at ipagmalaki ang ating bansang Pilipinas?
a. May iilang lugar na maipagmalaki
b. Hitik na hitik sa ganda at yaman ng kalikasan sa buong mundo
c. Wala kang ibang mapuntahan
d. Dito ka ipinanganak

12. Piliin ang dapat iwasang gawin ng isang batang tulad mo bilang pagmamahal
sa kalikasan.
a. Itapon ang basura kahit saan. c. Pabayaan ang mga ibong lumilipad
b. Magtanim ng punongkahoy d. Panatilihin ang kagandahan sa plasa

13. Ito ay isang paraan ng pag-anunsyo ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba’t


ibang anyo ng kumunikasyong pang-madla .
a. artikulo c. patalastas
b. komersyo d. kwento
14. Wala kang trabaho. Aling bahagi ng pahayagan ang titingnan mo?
a. Palaisipan c. Anunsiyo klasipikado
b. Kolum ng mambabasa d. Pangulong balita
15. Dito mababasa ang balita tungkol sa buhay artista at mga bagong palabas na pelikula.
a. Balitang Lokal c. Panlibangan
b. Balitang Pandaigdig d. Editoryal

16. Bakit ka umalis sa buhay ko, hindi mo ba alam na nasaktan mo ang damdamin ko?
a. Padamdam c. Pasalaysay
b. Patanong d. Pakiusap
17. Ang pagmamano sa mga magulang at nakakatanda ay isang mabuting asal. Anong ugali
ang inihayag sa pangungusap?
a. pagmamahal c. pagkamasinop
b. pagpapakita ng respeto d. pagkamasipag

18. Nang umulan nang malakas, niligpit ni Martha ang mga sinampay ng kanyang ina. Anong
ugali ang ipinakita ni Martha sa sitwasyon?
a. pagkamatulungin c. pagiging malinis
b. paggalang d. pagmamamal

19. Ano ang tawag sa isang bulto o koleksiyon ng mga mahahalagang dokumento
na naglalaman ng iba’t ibang mahahalagang output at iba pa?
a. aklat c. portfolio
b. magazine d. diksiyunaryo

20. Ano ang kahulugan ng salitang maharlika batay sa gamit nito sa komposisyon?

Ako ay Pilipino
Ang dugo’y maharlika.

a. mahirap c. matapang
b. marangal d. mabangis
Paggawa ng Dayagram ng Ugnayang
Aralin Sanhi at Bunga mula sa Tekstong
Napakinggan
1 F5PN-IV-a-d-22

Alamin

Sa modyul na ito ay mahahasa ang inyong kasanayan sa:


Paggawa ng Dayagram ng Ugnayang Sanhi at Bunga mula sa
Tekstong Napakinggan.
Paggamit ng Magagalang na Pananalita sa Pag-uulat ng
Nasaksihang Pangyayari.
Paggamit ng Iba’t ibang Uri ng Pangungusap sa Pagsasalaysay ng
Napakinggang Balita

Balikan

Panuto:Suriin ang pangungusap.Isulat ang K kung ito ay nasa karaniwang ayos at


DK kung di-karaniwang ayos.

1.Maghugas ng kamay palagi para maiwasan ang sakit.


2.Si Ana ay gumagamit ng pantakip sa mukha sa tuwing lumalabas ng
bahay.
3.Kinagigiliwan ng mga bata ang kanilang bagong alagang aso.
4.Si Mayor Ando Oaminal ay isang mabuting leader.
5.Iwasan munang lumabas upang maiwasan ang sakit na CoVID.
6.Ako ay nag-eehersisyo araw-araw.
7.Nagsisipilyo ako ng ngipin matapos kumain.
8.Pinupunasan palagi ni Nanay ang aking likod.
9.Ako ay kumain ng mga masustansyang pagkain.
10.Hindi nila pinakinggan ang aking mga sinasabi.

1
Tuklasin

BAHA DULOT SA BASURA


Isinulat ni: Blaine Mia Igcasama

Si Henry ay mahilig magrumi sa kapaligiran. Hindi niya iniisip na masama ang


kaniyang ginagawa. Tapon doon, Tapon dito iyan ang lagi niyang ginagawa araw-
araw. Kahit na pinapagalitan nang kaniyang ina ay hindi parin siya sumusunod nito na
huwag magkalat. Palibhasa’y may katulong silang laging inuutusang maglinis ng kalat
sa loob at sa labas nang kanilang pamamahay. Dumating ang panahong kailangang
umuwi ang kanilang kasambahay sa probinsiya at walang ibang katulong ang pumalit
dito. Kaya obligado si Henry na gawin ang mga utos sa kanilang pamamahay sa loob
o sa labas man. Isang umaga ipinatapon nang kaniyang ina ang sako-sakong basura sa
may eskinita kung saan doon kinukuha ng mga basurero ang mga basura. Ngunit dahil
sa pagiging tamad ni Henry itinapon niya ito sa likod nang kanilang bahay kung saan
may ilog doon. hindi alam nang ina ni Henry ang kaniyang ginawa kaya hindi siya
napagalitan nito. Isang gabi habang si Henry ay mahimbing na natutulog, napakalakas
na ulan ang humagupit sa kanilang bayan hanggang sa bumaha. Pumasok sa loob nang
kanilang bahay ang tubig at iba’t-ibang klase nang mga basura. Nagulantang ang ina
ni Henry sa nangyari siya ay nalito kung bakit may mga basurang nagkalat sa loob
nang kanilang bahay kung ipinatapon niya ito. kaya pinuntahan niya ang kaniyang
anak at tinanong kung saan nito itinapon ang sako-sakong basura. Sinabi ni Henry ang
katotohanan na sa ilog niya itinapon ang mga basura. kaya nagalit ang kaniyang ina at
sinabihan itong linisin ang basura mag isa. Napag tanto ni Henry na mali ang
kaniyang ginawa kaya sinabi niya sa sarili na hinding-hindi na niya iyon gagawin at
magiging responsable na siya.

MgaTanong:

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Ano-ano ang mga katangian mayroon si Henry?
3. Bakit pumasok sa loob ng bahay nila Henry ang tubig baha?
4. Ano kaya ang mga dahilan sa pagtaas kaagad ng tubig?
5. Kung ikaw si Henry gagayahin mo ba ang kanyang
ginawa? Bakit?

2
Suriin

Gawain 1

Panuto:Tingnan ang larawan.Ano ang naging dahilan ng pagkaroon ng matinding


baha?Isulat sa kahon ang bawat dahilan o bunga sa bawat pangyayari.

3
Pagyamanin

A. Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong ukol dito.

Basahin Mo
Ang polusyon sa hangin ay isang malubhang suliranin hindi lamang ng Pilipinas
kundi ng buong mundo. Nangyayari ito kapag nababago ang likas na katangian at
komposisyon ng hangin. Maraming sanhi ang pagkakaroon ng polusyon sa hangin. Isang
halimbawa ang urbanisasyon o pag - unlad ng isang komunidad gaya ng Metro Manila.
Sa pag-unlad ay kasabay nito ang pagdami ng mga gusali tulad ng bahay, paaralan,
ospital, at shopping mall dahil sa pangangailangan ng mga tao. Sa pagdami ng mga tao
ay dumami rin ang mga sasakyan na nagbubuga ng makapal at maitim na usok. Nariyan
din ang mga pagawaan na gumagamit ng krudo at nagpapakawala ng masangsang na
amoy na humahalo sa hangin. Sa lalawigan naman, ang kadalasang nagiging sanhi ng
polusyon sa hangin ay ang pagamit ng mga pestesidyo sa pagpuksa ng mga peste sa
palayan. Gumagamit din ng mga pausok para itaboy ang mga insekto sa mga puno at
halaman. Ang polusyon sa hangin ay nagdudulot ng iba t ibang sakit sa baga na
maaaring ikamatay ng tao tulad ng hika, tuberculosis, empaysema at bronchitis.
Apektado rin ang produksyon at ani sa agrikultura dahil bumababa ang kalidad ng mga
halaman at panamim kapag nakararanas ng masasamang epekto ng polusyon. Ang mga
hayop at tao ay nangangailangan din ng sariwang hangin.

Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang malubhang suliranin ng buong mundo?
2. Ano-ano ang sanhi ng polusyon sa hangin?
3. Ano ano ang maaaring bunga ng polusyon sa
hangin? a.
b.
4. Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong na mabawasan ang polusyon sa
hangin?

4
Gawain 2
Panuto: Isulat sa dayagram ang naging sanhi sa isang pangyayari.

Mga sakit
na sanhi sa
maruming
hangin

5
Isaisip

Panuto: Basahin at suriin ang sanhi at bunga sa bawat pangungusap. Ikahon ang
sanhi, salungguhitan ang bunga.

1. Nagkasakit ang mga tao dahil marumi ang paligid.


2. Ang buong komunidad ay naglinis upang masugpo ang dengue.
3. Naging maagap ang komunidad sa pagpapaalala kaya naiwasan ang dengue.
4. Nabawasan ang mga nagkakasakit ng dengue dahil sa malinis na paligid.
5. Hindi kaagad nadala sa pagamutan kaya namatay ang biktima ng dengue.
6. Nanalo si JM sa declamation contest dahil nag-eensayo siya ng mabuti.
7. Hindi pumasok ang kaklase kaya nag-isa lang si Leo na tinuruan sa
Kobolics Camp.
8. Nag-bake ng lasagna si Maan sapagkat kaarawan ni Marley.
9. Naubusan ng lasagna si Jonathan dahil marami ang dumating na bisita."
10. Labis ang sukli ng naibigay sa kaniya kaya isinauli ito ni Lina sa tinderang Si
Aling Banang.

Isagawa

Panuto: Pag-ugnayan ang sanhi sa hanay A sa bunga nito sa hanay B. Isulat ang mga
letra ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B
1. Pumasok ng eskuwelahan nang A. Hinuli siya ng pulis-trapiko.
hindi nag-almusal si Angel. B. Nakikinig silang mabuti
2.Naparami ang nalagay kung tubig sa sa kanilang guro.
takure. C. Inaantok siya kinabukasan
D. Karamihan ay nagpapayong
3.Nilalaro ni Chestnut ang at may dala-dalang inumin
kaniyang buntot. E Naapakan rin niya ito at natumba
4.Hindi namalayan ni Neri na hindi siya
na nakatali ang sintas ng F Gutom na siya bago
kaniyang sapatos. pa man magtanghalian
5.Napakainit sa labas. G. Hindi agad nakauwi si Michael.
6.May butas ang bangkani Lolo Tasyo. H. Lumubog ito
7.Tahimik ang buong klase ng gurong si I. Lumigwak ito nang kumulo.
Dolly. J. Nagtawanan ang
magkakaibigigan
8.Pinatakbo pa rin ni Tony ang kaniyang
kotse kahit nakapulang ilaw na ang
traffic light.
9.Hating gabi na natulog si Dolly.
10.Umulan nang malakas.

6
Paggamit ng Iba’t ibang Uri ng
Pangungusap sa Pagsasalaysay ng
Napakinggang Balita
Aralin
F5WG-Iva-13.1

2
Alamin

Sa araling ito maipapahayag natin ang ating sariling kaisipan at damdamin


sa pagsasalaysay. Ginagamitan natin ng iba’t-ibang uri ng pangungusap para
maunawaaan ng tagapakinig.

Balikan

Laro: Text Twist


Buuin ang mga halu-halong mga letra upang mabuo ito. Ang mga salitang ito ay
mga uri ng pangungusap. Isulat sa patlang ang nabuong salita.

1.
P A A T O G N N

2. L A Y S A S A Y P A

3. T O S A P U

4. S P A K U I P A

5 A D P A M M A D

7
Tuklasin

Gumagamit ng iba't ibang pangungusap


ang tekstong iyong babasahin.

Apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit:

1.Pasalaysay-Nagbibigay ito ng impormasyon o kaalaman. Nagtatapos sa tuldok. (.)


Halimbawa:
Isinuko ng bansang España ang Pilipinas sa America sa l06
Treaty of Paris.
2.Patanong- Nagtatanong ito o humihiling ng kasagutan.
Nagtatapos sa tandang pananong (?).
Halimbawa:
Alam mo ba ang kasaysayan ng pagdiriwang ng ating Araw ng Kalayaan?
3.Pautos-Nag-uutos o nakikiusap ito. Nagtatapos sa tuldok.
Halimbawa:
Makiisa sa pagdiriwang ng ating kalayaan.
4.Padamdam-Nagsasaad ito ng matinding damdamin tulad ng tuwa, lungkot,
pagka-gulat, at iba pa. Nagtatapos sa tandang pandamdam (!).
Halimbawa:
Mabuhay ang ating bansang malaya!

Gawain 1
Paunto: Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong ukol dito.

Araw ng Kalayaan ng Pilipinas

Alam mo ba ang kasaysayan ng ipinagdiriwang nating Araw ng Kalayaan? Noong


Hunyo 12, 1898, idineklara ni Heneral Emilio F. Aguinaldo sa pagitan ng ika-4
hanggang ika-5 nang hapon sa balkonahe ng kaniyang tahanan sa Calle Real sa
Kawit, Cavite ang kalayaan ng Republika ng Pilipinas. Sa panahon ding ito unang
iwinagayway ang pambansang bandila ng Pilipinas na ginawa sa Hong Kong nina
Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina Herboza de Natividad. Tinugtog
din ang Marcha Filipina Magdalo na kilala ngayon bilang Lupang Hinirang na
isinulat ni Julian Felipe. Ang bandang San Francisco de Malabon ang tumugtog nito.
Noong Setyembre 29, 1898, pinagtibay ng Kongreso ng Malolos ang Deklarasyon ng
Kalayaan. Noong ika-10 ng Agosto 1898, nagpądala ang Rebolusyonaryong
Pamahalaan ng Pilipinas ng Diplomatikong mensahe sa mga banyagang dansa na
hiniling na kilalanin ang Pilipinas bilang isang malaya at nagsasariling bansa.
España ang Pilipinas sa United States sa 1898 Kasunduan sa Paris. At noong Hulyo 4,
1946, matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ng 50 taong pamamahala ng
mga Amerikano, at mahigit tatlong taon ng pananakop ng mga Hapones, ay kinikilala
ng United States ang kalayaan ng Pilipinas sa Kasunduan sa Maynila.
Panandaliang ipinagdiwang ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas tuwing ika-4 ng
Hulyo. Ngunit noong 1962, nagpasiya ang noon ay Pangulo ng Pilipinas na si
Diosdado P. Macapagal, sa pamamagitan ng paglagda sa Batas Republika Blg. 4166,
nailipat ang
pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12. Ito ay

8
bilang paggunita samakasaysayang araw noong 1898 nang iproklama ni Heneral
Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas.
Si Pangulong Ferdinand E. Marcos, ang humalili kay Pangulong Macapagal, ang
kalaunay nagdeklara na ang Hulyo 4 ay kikilalanin bilang Philippine-American
Friendship Day. Bawat lalawigan sa bansa ay nakikipagtulungan sa pagdiriwang ng
Araw ng Kalayaan taon-taon. Halimbawa ang lalawigan ng Romblon, sa ika-116
Araw ng Kalayaan noong 2014, ay nagsagawa ng pagwagayway ng flaglets, pagtataas
ng bandila sa bawat munisipyo, at pag- aalay ng bulaklak sa bantayog ni Gat Jose
Rizal na madalas ay nilalahukan ng mga opisyales at kawani ng pamahalaang
pambansa, panlalawigan at pambayan, mga guro, mag-aaral, mga sundalo, pulis,
bombero, pribadong sektor, at non-government organizations (NG0). May itinatakda
ring tema sa bawat taon tulad ng: "Tagumpay sa Pagbabagong Nasimulan, Abot-
kamay na ng Bayan" noong 2015.
Nakadalo ka na rin ba sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa inyong bayan?
Tungkulin mo ito bilang isang Pilipino. Makisasapagdiriwang ating kalayan. Gunitain
ang kabayanihan at kadakilaan ng mga Pilipinong nauna sa atin upang pagkalooban
tayo ng isang malayang bansa kung kaya tayo ngayon ay kabilang sa mamamayang
malaya. Mabuhay ang ating bansang malaya!

Pag-unawa sa Binasa. Sagutin ang sumusunod na tanong.

1 Ano ang mahahalagang pangyayari sa Pilipinas noongHunyo 12, 1898?


2.Kailan ipinagkaloob ng Amerika ang kalayaan ng Pilipinas?
3.Bakit kaya inilipat ni Pangulong Diosdado Macapagal ang pagdiriwang ng
Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12?
4.Paano maaaring ipagdiwang ng mga lalawigan ang "Araw ng Kalayaan?
5.Sang-ayon ka ba na maging Hunyo 12 sa halip na Hulyo 4 ang pagdiriwang?
6 Ano ang mensahe ng temang "Pagsunod saYapak ng mga Dakilang Pilipino,
Tungo ng Araw ng Kalayaan? Bakit?

9
Suriin

Panuto:Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay pasalaysay, patanong,


padamdam. Isulat ang iyong sagot.

1.Ginugunita ngayon ang anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Naga Cily.


2.Nag-alay ang pangulo ng bulaklak sa Dambana ng Quince Martires.
3. Bakit tinaguriang Quince Matires ang Naga City?
4.Piliin ang mga kandidatong kayang ipaglaban ang interes ng bawat mamamayan.
5. Naniniwala ka bang ang tunay na kalayaan ay natamo ng mga Pilipino noong Hulyo
1946?
6. Tutukan ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan.
7.Pinangunahan ng Pangulo ng Plipinas ang pagtataas ng watawat sa
Liwasang Bonitacio sa Maynila.
8. Anong oras sabay-sabay na itataas ang bandila sa mga makasaysayang pook ng
Pilipinas?
9. Mabuhay ang bansang Malaya!
10.Kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan isinara sa daloy ng trapiko ang
ilang mga pangunahing kalsada sa Kamaynilaan.

10
Pagyamanin

Bumuo ng dalawang pangungusap batay sa nakatalang sitwasyon sa bawat


bilang.Gumamit ng dalawang uri ng pangungusap bawat bilang.

1.Nais mong ikuwento sa iyong kapatid ang tungkol sa kasaysayan ng


pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

a.

b.

2.Nais mong magtanong sa iyong guro ukol sa pagdiriwang ng "Araw ng


Kalayaan sa inyong paaralan.

a.

b.

3. Nais mong sabihin sa iyong kaklase ang gagawin sa pagdiriwang ng Araw ng


Kalayaan sa bayan. Ano ang iyong ipagagawa sa kaniya?

a.

b.

4. Nais mong ipahayag ang damdamin ukol sa pagdiriwang ng "Araw ng Kalayaan


ng Pilipinas. Paano mo ipahahayag ang iyong damdamin?

a.

b.

5.Ibinalita ng iyong kapatid na lider siya sa gagawing debate kaugnay ng


pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

a.

b.

11
Isaisip

Basahin at unawain ang talata.

FIVE-A-DAY HABIT

Iminumungkahi ng Food Guide Pyramid na sa isang araw ay mainam ang maghain ng tatlo
hanggang limang uri ng gulay at dalawa hanggang apat na uri ng prutas sa ating mga hapag-
kainan. Ang pagkain ng minimum na hain ito ay dapat na dagdag sa mga nakagawiang
pagkain araw-araw. Ayon sa mananaliksik, ang pagkain ng limang hain ng gulay at prutas ay
makatutulong upang maiwasan ang mga sakit nagaya ng karnser at ng sakit sa puso.
Bukod sa mga bitamina, mineral, at fiber na naibibigay ng pagkain ng gulay at prutas, ito rin
ay nagtataglay ng phytochemicals, isang mahalagang elementong nakatutulong upang
makaiwas sa sakit na Kanser.

Surin ang mga pangungusap na kaugnay ng binasang talata. Palitan


ang mga pangungusap sa bawat bilang ng itinakdang uri sa patlang.

1. Masarap kainin ang prutas sa araw-


araw. Pautos
Patanong:
2. Kumain ka ng prutas at gulay araw-
araw. Padamdam:
Patanong:
3. Ang gulay at prutas ay mainam sa ating
katawan. Pautos:
Padamdam:
4. Wow, ang sarap ng mga
pagkain! Pasalaysay:
Pautos:
5. Maliban sa bitamina, mineral at fiber, ano pa ang tinataglay ng gulay at
prutas? Pakiusap:
Pautos:

12
Isagawa

Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap.


1.Masaya ang maraming tao.
2.Ano ang nakain mo at maaga ka ng dumating?
3.Aba!Kanina pa ako naghihintay sa iyo.
4,Ayusin mo ang pagsasalita mo.
5.Naku! Niloloko mo lang kami sa sinasabi mo.
6.Saang bahagi ng bansa ang maliit lang ang kaso ng CoVID?
7.Pwede bang ikaw na ang maghatid nito sa bahay?
8.Pakihanap naman sa nawawalang pares ng aking hikaw.
9.May kilala ka bang marunong magluto?
10.Linisin ninyo ang paligid sa tuwina.

13
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1. a 11. b
2. b 12. a
3. b 13. c
4. b 14. c
5. d 15.c
6. d 16.b
7. a 17. b
8. d 18. a
9. b 19.c
10. a 20.b

Aralin 1
Balikan
1. K
2. DK
3. K
4. DK
5. K
6. DK
7. K
8. K
9. DK
10. K

Tuklasin
1. Baha dulot sa basura
2. Tamad at burara
3. Tinapon ni Henrey ang basura sa likod ng kanilang bahay kung saan may ilog doon
4. Dahilan sa pagtaas ng tubig
*pagtapon ng basura sa ilog
5. Iba-iba ang maaaring sagot ng mga mag-aaral

Suriin
Sanhi at bunga
1. Pagtapon ng basura sa ilog
2. Hindi maayos na pamamahala ng basura
3. Pagpuputol ng mga kahoy sa bukid
4. Walang maayos na daanan ng tubig
5. Labis na pag-ulan

Pagyamanin
Gawain 1

1. Maruming hangin/ polusyon sa hangin


2. A. Pag-unlad ng isang komunidad
B. Pagdami ng gusali, bahay, paaralan, ospital, at shopping mall
C. usok ng sasakyan

D. Paggamit ng pestisido na pamuksa ng peste


3. Bunga ng maruming hangin

14
A. Pagkaroon ng sakit sa baga
B. Hika
C. Tuberculosis
D. Empaysema
E. Bronchitis
4. Ibaiba ang maaaring sagot ng mga mag-aaral

Pagyamanin
Gawain 2
Bunga ng maruming hangin
A. Pagkaroon ng sakit sa baga
B. Hika
C. Tuberculosis
D. Empaysema
E. Bronchitis

Isaisip

1. Nagkasakit ang mga tao dahil marumi ang paligid


2. Ang buong komunidad ay naglinis upang masugpo ang dengue.
3. Nagingmaagap ang komunidad sa pagpapaalala kaya naiwasan ang dengue.
4. Nabawasan ang mga nagkakasakit ng dengue dahil sa malinis na paligid.
5. Hindi kaagad nadala sa pagamutan kaya namatay ang biktima ng dengue.
6. Nanalosi JM sa declamation contest dahil nag-eensayo siyang mabuti.
7. Hindi pumasok ang kaklase kaya nag-isa lang si Leo na tinuruan sa Robotics Camp.
8. Nag-bake ng lasagna si Maan sa pagkat kaarawan ni Marley.
9. Naubusan ng lasagna si Jonathan dahil marami ang dumating na bisita.
10. Labis ang sukling naibigay sa kaniya kaya isinauli ito ni Lina sa tinderang si AlingBanang.

Isagawa

1. F
2. I
3. J
4. E
5. D
6. H
7. B
8. A
9. C
10. G

Aralin 2
Balikan
1. Patanong
2. Pasalaysay
3. Pautos
4. Pakiusap
5. Padamdam
15
Tuklasin

1 Ano ang mahahalagang pangyayari sa Pilipinas noong Hunyo 12, 1898?


2.Kailan ipinagkaloob ng America ang kalayaan ng Pilpinas?
3.Bakit kaya inilipat ni Pangulong Diosdado Macapagal ang pagdiiwang ng
Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12?
4.Paano maaaring ipagdiwang ng mga lalawigan ang "Araw ng Kalayaan?
5.Sang-ayon ka ba na maging Hunyo 12 sa halip na Hulyo 4 ang pagdiriwang?
6 Ano ang mensahe ng temang "Pagsunod saYapak ng mga Dakilang Pilipino,
Tungo ng Araw ng Kalayaan? Bakit?

Gawain 1
1. (Noong ika-12 ng Hunyo, 1898, idineklara ni General Emilio F. Aguinaldo sa pagitan
ng ika-4 hanggang ika-5 ng hapon sa balkonahe ng kaniyang tahanan sa Calle Real sa
Kawit, Cavite ang kalayaan ng Republika ng Pilipinas. Sa panahon ding ito unang
iwinagayway ang pambansang bandila ng Pilipinas na ginawa sa Hong Kong nina
Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfhina Herboza de Natividad. Itinugtog
naman ang Marcha Nacional Filipina na kilala ngayon bilang Lupang Hinirang na
isinulat ni Julian Felipe. Ang bandang San Francisco de Malabon ang tumugtog nito.")
2.Noong Hulyo 4, 1946, matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ng limampung
(50) Taong pamamahala ng mga Amerikano at mahigit tatlong taon ng pananakop ng
mga Hapones, ay Kinikilala ng United States ang kalayaan ng Pilipinas sa Kasunduan
Sa Maynila.")
3 (Noong 1962,nagpasya ang noon ay Pangulo ng Pilipinas na si Diosdado P.
Macapagal sa pamamagitan ng paglagda sa Batas Republika Big.4166, nailipat ang
pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 upang gunitain ang makasaysayang
araw noong 1898 nang iproklama ni General Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas. *)
4 Ang bawat lalawigan ay maaaring magdiwang ng Araw ng kalayaan ng
pagwagayway ng flaglets, pagtataas ng bandila sa bawat munisipyo, at pag-aalay ng
bulaklak sa bantayog ni Gat Jose Rizal. Maaring lahukan ito ng mga opisyales at
kawani ng pamahalaang nasyonal, panlalawigan at pambayan, mga guro, mag-aaral,
mga sundalo, pulis, bombero, pribadong
sektor, at non-government organizations.
5.Iba-iba ang maaaring sagot ng mga mag-aaral.
6.Iba-iba ang maaaring sagot ng mga mag-aaral.

Suriin
1. Pasalaysay
2. Pasalaysay
3. Patanong
4. Pautos
5. Patanong
6. Pautos
7. Pasalaysay
8. Patanong
9. Padamdam
10. Pasalaysay

Isaisip
1. Pautos: Kumain ng prutas at gulay araw-araw.
Pasalaysay: Kailangan bang kumain ng prtas at gulay araw-araw?
2. Kailangan
16
Naku! Ang sarap pala ka ininaraw-arawin ang gulay at
prutas. Kumain ka ba ng prutas araw-araw?
3. Kumain ng gulay at prutas dahil mainam ito sa ating
katawan. Wow! Napakainam pala sa ating katawan ang gulay
at prutas.
4. Masarap ang pagkain.
Kumain ng masarap.
5. Ang bitamina, mineral at fiber ay nagtataglay sa prutas at gulay.
Kumain ng prutas at gulay dahil ito ay nagtataglay ng bitamina, mineral at fiber.

Isagawa
1. Pasalaysay
2. Patanong
3. Padamdam
4. Pautos
5. Padamdam
6. Patanong
7. Pakiusap
8. Pakiusap
9. Patanong
10. Pautos

17
Sanggunian

http://johnblainebalong.blogspot.com/2016/10/maikling-kuwento-baha-dulot-sa-
basura_4.html
https://www.google.com/search?q=mga+sanhi+sa+pagbaha&hl=en&source=lnms&tbm=isch
&sa=X&ved=2ahUKEwiqjs2W1unqAhURBKYKHd3NA0QQ_AUoAXoECAwQAw&biw=
1346&bih=636#imgrc=QrwR-GO5jJ-9YM
Aklat sa Alab Filipino 5
Sanghaya 5
Pluma 5
Filipino Teacher’s Guide & Learner’s Material

18
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education - Division of Ozamiz City

Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City


F
Telefax: (088)545-09-90
o
Website: deped1miz@gmail.com
r
19
F

n
20
q

You might also like