You are on page 1of 20

Ikatlong Markahan – Modyul 1

Aralin 1 - 2
Filipino- Grade 5
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan: Modyul 1
Unang Edisyon, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad sa seksiyon 176 ng Batas Pambansa
Bilang 8293. Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung
saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty
bilang kondisyon.
Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit larawan, ngalang ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabras sa telebisyon, pelikula atbp) na gina mit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang- ari ng mga kumakatawan sa paghiling ng
pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit ditto. Hindi inaangkin ng
kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon- Sangay ng


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI

Development Team of the Module

Author/s: Meridith C. Gozon

Reviewers: Rose Mary R. Abapo, EPS, Filipino


Selina O. Macas, PSDS
Marites B. Barrientos, Principal

Illustrator and Layout Artist: Daryl Henry P. Engracia

Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Myra P. Mebato, CESE


Assistant Schools Division superintendent

Members Anacleta A. Gacasan-CID Chief ES


Rose Mary R. Abapo, EPS-Filipino
Elsa B. Buenavidez, PSDS
May P. Edullantes, EPS-LRMS Manager
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.
5
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 1

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from public and private schools, colleges, and or/universities.
We encourage teachers and other education stakeholders to email their
feedback, comments, and recommendations to the Department of Education
at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This module is for educational purposes only. Borrowed materials
(i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are
owned by their respective copyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them. Sincerest appreciation to those who have made significant contributions to this module.

Department of Education ● Republic of the Philippines


Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya----------------------------------------------------------- iii


Nilalaman ng Modyul----------------------------------------------------------- iii
Pangkalahatang Panuto---------------------------------------------------------- iv
Icons na Ginagamit sa Modyul------------------------------------------------- v
Subukin---------------------------------------------------------------------------- vi-ix

Aralin 1:

Paggamit ng Pang-abay sa Paglalarawan ng Kilos


Alamin ______________________________________ 1
Balikan ______________________________________ 1
Tuklasin ______________________________________ 2
Suriin ______________________________________ 2-3
Panyamanin ______________________________________ 3
Isaisip ______________________________________ 4
Isagawa ______________________________________ 4
Susi sa Pagwawasto _______________________________ 5
Sanggunian ______________________________________ 5

Aralin 2:

Pagsulat ng Simpleng Patalastas


Alamin ______________________________________ 6
Balikan ______________________________________ 6-7
Tuklasin ______________________________________ 7
Suriin ______________________________________ 7
Panyamanin ______________________________________ 7
Isaisip ______________________________________ 8
Isagawa ______________________________________ 8
Susi sa Pagwawasto _______________________________ 9
Sanggunian ______________________________________ 9
Pangkalahatang Ideya
Maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto upang malilinang ang
kakayahan nila sa pakikinig, pagsasalita, pagsusulat, at panonood. Matutuhan din ng mga
mag-aaral na gamitin ang wastong gramatika sa iba’t ibang sitwasyon. Magagamit ang
Wikang Filipino sa pagpapahayag ng ideya, damdamin, pananaw, at paniniwala.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay nagsisimula sa pagpapakilala ng paksa at pagpapaunawa sa mga
mag-aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang Subukin
kung saan masusuri ang natututunan kaugnay sa bagong aralin na tatalakayin. Nakabatay sa
nilalaman ng babasahin sa Suriin ang mga paksa ng bahaging Subukin. Sinusundan ito ng
pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul at sa kasalukuyang modyul sa
bahaging Balikan.

Ang bahaging Tuklasin ay naglalahad ng bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang


gawain. Sa bahaging Suriin naman ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at mararapat na
matutuhan ng mga mag-aaral upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ang bahaging Pagyamanin ay mga gawain na magpapalawak ng natutuhan ng mga


mag-aaral at magbibigay ng pagkakataong mahahasa ang mga kasanayang nililinang.

Ang bahaging Isaisip naman ay magpoproseso ng mahahalagang natutuhan sa aralin


at sa bahaging Isagawa naman mailalapat ang mahahalagang natututunan sa mga pangyayari
o sitwasyon sa totoong buhay.

iii
Pangkalahatang Panuto
Ang modyul na ito ay sinadyang binuo upang maunawaan ng mga mag-aaral nang
mabuti ang mga aralin sa Filipino Baitang 5 kahit hindi na makakapasok sa paaralan nang
regular. Sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin upang maging lubos ang
iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin.

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang lugar na


tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sa pag-aaral ng iyong mga aralin.

2. Gumamit lamang ng gadyet gaya ng cellphone, tablet, laptop, kompyuter kung


kinakailangan ito sa iyong pinag-aralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang
gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensyon sa pag-
aral.

3. Maglaan ng kwaderno para sa Filipino para sa mga sagot sa mga tanong sa mga
Gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa pagpapalalim. Isulat naman ang
iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwadreno sa
Filipino.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning
pagkatuto at mapagtapos ang pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kapatid, kamag-aral, kaibigan, o


sa mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan sa mga
aralin na kinakaharap.
iv

Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o mithiing


Alamin
dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa tatalakaying


Subukin aralin. Sa pamamagitan nito masususuri kung ano na ang
iyong natutunan kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying bagong
aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t


Tuklasin ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat


Suriin mong matutunan upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong natutunan


at magbibigay pagkakataong mahasa ang kasanayang
Pagyamanin
nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong mahahalagang


natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat ang


iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari o
Isagawa
sitwasyon sa totoong buhay.

v
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at piliin ang tamang sagot.

1. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari batay sa napakinggang


kuwento o teksto?
I. Lumabas si Tipaklong sa pinagtataguang kahoy.
II. Nagtago sa ilalim ng bulaklak ang paruparo at binantayan siya ni
tipaklong.
III. Patuloy ang pag-ihip ng malakas na hangin.
IV. Sabay na kumapit sa bulaklak ang magkaibigang paruparo at tipaklong.
V. May bagyo ng umagang iyon. Malakas ang ulan at hangin. Ang mga
puno, maging ang mga halaman at bulaklak ay nagsasayawan.
A.V, IV, II, III,I B. V, II, I, III, IV C. V, I, III, II, IV D. V,III,, IV, I, II

2. Uuuwi kami sa Cebu City sa Agosto 15, 2020. Ano ang ginamit na pang-abay na
pamanahon sa pangungusap?
A. Agosto 15, 2020 B. Cebu City C. kami D. uuwi

3. Isaksak ang plantsa sa saksakan, Hintaying uminit ang plantsa bago ito gamitin,
Plantsahin ang kuwelyo ng damit, Sumunod ay ang mga manggas at iba pang parte ng
damit,_________________________________. Ano ang susunod upang makumpleto
ang panuto sa pamamalantsa ng damit?
A Ihanger ang damit upang hindi ito magusot. C.Tapakan ang damit upang hindi
magusot.
B Ilapag sa sahig upang hindi ito magusot. D. Buhusan ng tubig upang hindi
magusot ang damit.
4. Dahan-dahang inilapag ni Amy ang bata sa kaniyang kama. Ano ang pang-abay na
pamaraan ang ginamit sa pangungusap?
Ainilapag B. Amy C. dahan-dahang D. bata
5. Namili sila ng damit sa Divisoria. Ano ang ginamit na pang-abay na panlunan sa
pangungusap?
A. Namili B. Pasko C. sa Divisoria D. damit

Panuto:Basahin ang mga sumusunod na pnagungusap upang malaman ang kahulugan ng


mga pamilyar at di-pamilyar na mga salita.

6. Huwag sayangin ang oras sa mga bagay na walang kabuluhan. Ano ang pormal na
kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. walang katuturan C. mga lugar na sinasambahan
B. mga bagay na importante D. nakakatakot na lugar
7. Ang pangulo ay ang pinuno ng ating bansang Pilipinas. Ano ang dalawang salitang
magkaugnay?
A Pilipinas-pangulo B. pinuno-bansa C. pangulo-pinuno D. ating-bansa
8. May inaayos na poste kaya magkakaroon ng isang gabing brown-out. Ano ang ibig
sabihin ng brown-out?
A. mawawalan ng tubig C mawawalan ng pagkain
B. mawawalan ng kuryente D. mawawalan ng meryenda
9. Si Maria ay nagluto ng macaroni salad. Ano ang ibig sabihin ng salitang macaroni?
A. isang uri ng tsinelas C isang uri ng cellphone
B. isang uri ng kuwintas D. isang uri ng pagkain o meryenda
Panuto: Basahin ang mga teksto o sumusunod na sitwasyon upang masagutan ang mga
sumusunod na katanungan.

Linggo, ika-5 ng Hunyo, 2020


Papunta ako noon sa Baclaran upang bumili ng aking mga gamit sa
paglipat ng bagong bahay. Nakabanggaan ko ang dati kong kaklase sa
kolehiyo na si Jaime. Nagkayayaan kaming kumain sa may Jollibee.
Matagal kami doon dahil ang dami naming napagkwentuhan tungkol sa
buhay namin ngayon. Nalaman ko na isa na pala siyang manager ng isang
bangko. Nang mag-alasais na ng hapon, nagpaalam na kami sa isa’t-isa
dahil may aasikasuhin pa ako sa aking paglipat. Sumakay na ako ng aking
sasakyan na tuwang-tuwa.

10. Saan papunta ang taong nagsulat ng talaarawan?


A. Labas B. Baclaran C. Divisoria D. Paco

11. Sino ang nakabungguan niya?


A James B. Jessa C Jasmine D. Jaime

12. Bakit siya pupunta ng Baclaran?


A upang bumili ng mga kagamitan sa paglipat C upang bumili ng pagkain
B upang kumain sa Jollibee D upang lilipat ng bahay

13.Paano sila nagkita ng kaniyang kaklase?


A napag-usapan nila C nasagasahan niya
B sinadya nila D nakabanggaan
14. Nakalimutan ni Beth ang kaniyang takdang aralin sa bahay. Ipinapalabas ng guro
ang kanilang takdang-aralin. Ano ang mangyayari kay Beth?
A Matutuwa ang guro niya. C Malulungkot ang guro niya.
B Magagalit ang guro niya. D Magagalak ang guro niya.

15. Sa tingin ko kaya namatay ang lalaking iyan ay may ginawang kasamaan sa
kaniyang kapwa. Anong uri ng pahayag ito?
A opinyon B katotohanan C pandiwa D pautos
16. Alin sa mga patalastas ang nakasunod sa tamang paraan ng pinaikling patalastas?
A.
Ano: Papapalista ng mga bata
Sino: batang 5-6 na taong gulang
Kailan: Enero 14-17

B.
Ano: Papapalista ng mga bata
Sino: batang 5-6 na taong gulang
Kailan: Enero 14-17
Saan: Pulong Sta. Cruz Elementary
School
C.
Ano: Papapalista ng mga bata
Sino: batang 5-6 na taong gulang

D.
Sino: batang 5-6 na taong gulang
Kailan: Enero 14-17
Saan: Pulong Sta. Cruz Elementary
School

Panuto: Gawin ang sumusunod. Sundin ang mga binigay na hakbang.


17-20.
17. Gumuhit ng isang parihaba.
18. Sa gitna gumuhit ng isang tatsulok.
19. Sa loob ng tatsulok, iguhit ang hugis puso.
20. Sa loob ng hugis puso, isulat ang titik M.
Paggamit ng Pang-abay sa
Aralin Paglalarawan ng Kilos
1
Alamin
Kahit saan man natin ibaling ang ating paningin ay marami tayong makikitang
mga kilos at galaw, mapabagay man ito, tao, hayop o pangyayari. Pero mas lalo nating
madarama ang mga kilos na ito kung alam natin kung paano ito naganap, nagaganap o
magaganap.
Paano kaya mailalarawan ang kilos na nagaganap? Ano kayang mga salita ang
maaari nating gamitin upang mailarawan ang isang kilos?
Sa pamamagitan ng aralin na ito, mahahasa ang inyong kakayahan sa paggamit
ng Pang-abay sa paglalarawan ng kilos.

Balikan

(Panimulang pagsusulit upang masukat ang kaalaman sa paksa sa nakaraang leksyon)


1. May nakita kang batang nadapa habang kayo ay naglalaro, ito ay umiiyak sapagkat
nabutas ang kanyang pantalon at nasugatan pa ang kanyang tuhod. Ang sabi mo ay
____________.

Halika bata, tutulungan kita. Sa susunod ay mag-ingat ka na.

Ikaw ay isang _______________ na bata.

2. Maagang naglalaba si Aling Marta dahil sobrang marami na ang kanyang labahin.
Ang sabi niya _____________.

Tatapusin ko ito ng maaga upang makapagluto ako ng pagkain para sa aking pamilya.
Si Aling Marta ay _______________.

3. Nagluluto ang nanay ni Emman. Kailangan niya ng sandok. Tinawag niya ang anak,
Ito ang sagot ni Emman ___________.

Sige po, kukunin ko na po.

Si Emman ay isang batang_______________.

1
Tuklasin
Araw-araw ay palagi tayong gumagalaw sa bahay sa paaralan o sa kung saan man
tayo magpunta, iba’t ibang kilos ang ating nagagawa. Masasabi mo ba kung paano
isinagawa ang kilos?

Basahin at isagawa ang mga sumusunod na kilos. Isulat sa tsart kung paano isinagawa
ang kilos.

Kilos/gawi Paano isinagawa ang kilos


Matamis na ngiti
Dahan-dahang umupo
Malakas na pagpadyak
Maliwanag magsalita
Mabagal lumakad

Suriin

Ang Pang-abay ay isang bahagi ng pananalita na naglalarawan at nagbibigay turing sa


pandiwa, pang-uri at maging sa kapwa nito pang-abay.

Mga halimbawa ng pang-abay

 Mabilis tumakbo si Pang, kaya hindi niya naiwasan ang biglang pagsulpot ni
Abay.
 Araw-araw na naglalaro sina Pang at Abay.
 Talagang kitang-kita ang kalikutan nina Pang at Abay lalo na sa kanilang silid
aralan.
 Parehong magagaling kung kumanta at sumayaw sina Pang at Abay kaya
sumali sila sa pa contest sa kanilang barangay.

May iba’t ibang uri ng pang-abay, ngunit ang pag-aaralan natin ngayon ay ang
pang- abay na naglalarawan.

2
Uri ng Pang-abay:
1. Pang-abay na pamanahon- nagsasaad ng panahon ng pagganap at sumasagot sa mga
tanong na kailan.
Halimbawa: Umpisa bukas ay gigising na ako ng umaga.
Pumupunta kami ng Manila taon-taon.
2. Pang-abay na panlunan- nagsasaad ng pook o lugar na pinangyarihan ng kilos. Ito
ay sumasagot sa tanong na saan.
Halimbawa: Maraming masarap na pagkaing itinitinda sa kantina.
Namasyal kami kahapon sa parke ng aking pamilya.
3. Pang-abay na pamaraan- nagsasaad kung paano ginawa ang kilos na isanasaad ng
pandiwa. Sumasagot sa tanong na paano.
Halimbawa: Mahigpit ang yakap niya sa ama.
Umiiyak nang palihim ang ama.
Patagilid kung matulog si Kuya.

Narito ang ilang pang- abay na pamaraan:


dahan-dahan bigla ganap pangiti
pabulong sadya walang-gawa kaagad
patiyad pilit palihim unti-unti

*Ang panandang nang, na at ng ay ginagamit sa pang-abay na pamaraan.

Pagyamanin
Gawain 1
Isulat sa patlang ang uri ng pang-abay na may salunguhit sa bawat
pangungusap: (pamaraan, pamanahon o panlunan)

_____1. Maingat na umakyat sa puno si Pang.


_____2. Si Alden ay kanina pa naghihintay kay Maine.
_____3. Mahinahong nag-uusap sinaPang at Abay sa may daan.
_____4. Sa kalsada naglaro ang mga bata kaya sila pinagalitan.
_____5. Maingay na pumasok sina Pang at Abay sa kanilang silid-aralan.

3
Isaisip
Basahin ang mga tsart na may mga pang-abay na naglalarawan. Iwasto ang pagbigkas ng mga
ito
Masarap magluto Kinausap ng mahinahon Unti-unting lumalakas
Ipinagtanggol ng buong Mahinhin kumilos Matagumpay na isinagawa
tapang
Nag-isip ng malalim Gumagalaw ng pataas Malinaw na ipinaliwanag
Malumanay mag-salita Umihip ng malakas Ikinuwento niya sa korte
Mapayapang naninirahan Dagling nag-papasalamat Tuwang-tuwang ipinakita

Isagawa

A. Sumulat ng limang pangungusap na naglalarawan ng kilos sa mga bagay na makikita


sa loob ng inyong pamamahay.

1.___________________________________________.

2.___________________________________________.

3.___________________________________________.

4.___________________________________________.

5.___________________________________________.

4
Susi sa Pagwawasto
Balikan
1. matulungin
2. masipag
3. masunurin

Tuklasin
1. matamis
2.dahan-dahan
3. malakas
4. maliwanag
5. mabagal

Pagyamanin
1. pamaraan
2. pamanahom
3. pamaraan
4. panlunan
5. pamaraan

Isagawa
Depende sa sagot ng mga bata

Mga Sanggunian:

Hiyas sa Pagbasa Filipino Vp. 180

Alab Fiipino 5 (Batayang Aklat) pahina 120-121

5
Aralin Pagsulat ng Simpleng Patalastas
2
Alamin
Sa araw-araw na panonood ninyo ng tv at pakikinig sa radyo ay marami kayong
makikita at maririnig na iba’t ibang anunsyo o patalastas. Kaya mo bang gumawa ng isang
patalastas? Alam mo ba ang mga nilalaman nito?
Pagkatapos ng aralin na ito inaasahang mahahasa ang inyong kakayahan sa
pagsulat ng simpleng patalastas.

Balikan
Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na kilos. Isulat sa tsart kung paano
isinagawa ang kilos.
Kilos/gawi Paano isinagawa ang kilos
1. Malakas na kumain
2. Biglang dumami
3. Magaling na pangulo
4. Mabilis na pagtaas
5. Kaagad na inatasan

Tuklasin
Kumuha kayo ng isang gamit na gustong- gusto ninyo. Hikayatin mo ang sino mang
naiisip mo para bilhin ang gamit na pinili mo. Ang iyong ginawa ay isang halimbawa ng
patalastas.
Ang patalastas ay hindi lang naririnig at napapanood kundi ito ay nababasa rin..
Halimbawa:
#WALANG PASOK July 16, 2020
As of 5:30 ng Hapon, July 15, 2020

LAHAT NG ANTAS PRE-SCHOOL- HIGH SCHOOL


Pampublikong Paaralan Pribadong Paaralan

OZAMIZ CITY
MGA PAARALAN:

Lahat ng Papublikong Paaralan


Misamis University
La Salle University
Misamis Institute of Technology
6
Sagutin ang mga tanong:
1. Tungkol saan ang patalastas na halimbawa natin?
2. Maituturing mo ba na mabisa ang patalastas na ito sa mga nanonood o
nagbabasa? Bakit?
3. Ito ba ay sumasagot sa tanong na sino? Ano? Kailan? Saan?

Suriin
Ang pinakaunang anyo ng patalastas ay ang pamamagitan ng bibig, ang pagsigaw
sa daan ng naghihikayat na bilhin ang kanyang paninda, tulad ng hayop, pagkain,
kasangkapan at kung ano-ano pa.
Ginagamit pa rin ang anyong ito hanggang sa kasalukuyan ng nagtitinda sa gabi
na sumisigaw ng “Balot Pinoy”. (Santos 1979)
Ang patalastas ay kailangang maikli at maliwanag. Sumasagot sa mga tanong na
ano, sino, saan, at kailan.
Ang patalastas ay hindi lang naririnig, napapanood kundi nababasa rin at ang
mga pasulat na patalastas ay madalas nating nakikita sa mga dyaryo.
Ang layunin nito ay maghikayat ng tao para bilhin ang isang produkto, magbigay
ng impormasyon at iba pa.

Gawin:
Sumulat ng isang patalastas ayon sa mga sumusunod na impormasyon, ayon sa
balangkas na ano,sino, kailan, at saan patungkol sa “Isang Malaking Panlungsod na
Paligsahan”.
Isang Malaking Panlungsod na Paligsahan
Kaugnay sa pagdiriwang ng Wika ang Sangay ng Lungsod Ozamiz ay magtataguyod
ng panlungsod na paligsahan sa Sabayang Pagbigkas, Balagtasan para sa Intermedya,
Talumpatian para sa Sekundarya, at pag-awit sa Primarya.
Ang Panlungsod na Paligsahan ay gaganapin sa Bulwagan ng Paaralang Sentral ng
Lungsod sa ika-20 ng Agosto ng kasalukuyang taon. Magsimula ang paligsahan sa ganap na
ika-9 ng umaga.
Ang mga nagnanais na lumahok ay magpatala sa Paaralang Sentral ng Lungsod, sa
Gusaling Bonifacio isang linggo bago sumapit ang ika-20 ng Agosto.Hanapin si Ginang Jane
Cruz, ang gurong tagapag-ugnay sa Filipino ng Paaralang Sentral ng Lunsod ng Ozamiz.
Sino____________________________________
Ano ____________________________________
a. Primarya:__________________________
b. Intermedya:________________________
c. Sekundarya:________________________
Kailan___________________________________
Saan____________________________________

Pagyamanin
Gumawa ng isang patalastas ayon sa mga sumusunod na impormasyon.

Pinaanyayahan ang lahat ng mag-aaral na sumali sa Paligsahan sa paggawa ng


poster tungkol sa pamilya na itinataguyod ng grupo ng Science Club ng paaralan.
Gaganapin ito sa ika- 20 ng Agosto, Biyernes sa ganap na ika-3 ng hapon sa bulwagan ng
paaralan.

7
Isaisip
Pagsulat ng Patalastas
*Ang patalastas ay maikling mensahe na nagpapahatid ng mahalagang
impormasyon tungkol sa:
-gaganaping palatuntunan/iba pang Gawain
-panawagan sa madla
-kautusan ng bayan/ paaralan
-pangangailangan sa hanapbuhay
-nawawala
*Kailangang maikli at tiyak ang paksa ng patalastas at maliwanag ang
mensaheng sumasagot sa mga tanong na; Ano, Sino, Saan, at Kailan.
*Sa maayos na pagsulat ng patalastas, gamitin nang wasto ang mga sangkap sa
pagsulat gaya ng malaking titik, bantas, pasok , at palugit.

Gawain:
Panuto: Gumawa ng simpleng patalastas tungkol sa gagawing paligsahan sa pagguhit
sa mag-aaral na nasa ikalimang baiting.

Isagawa

*Sumulat ng patalastas sa notebook tungkol sa paksang mapipili mo sa ibaba. Gawing


malinaw at tiyak ang mga detalye ng pook, panahon, at para kanino.

1. Paligsahan sa pagsulat ng sanaysay tungkol sa pangangalaga ng kapaligiran.


2. Eleksiyon sa bagong pamunuan ng Samahang Kabataan ng mga mag-aaral sa
Malaubang Integrated School.

8
Susi ng Pagwawasto
Tuklasin
*Depende sa sagot ng bata

Suriin
Sino: Mga estudyante ng Intermedya, Sekundarya at Primarya
Ano:
a. Primarya: Pag-awit
b. Intermedya: Sabayang Pagbigkas
c. Sekundarya: Talumpatian
Kailan: Ika-20 ng Agosto sa ika-9 ng umaga
Saan: Bulwagan ng Paaralang Sentral

Pagyamanin
*Depende sa sagot ng bata

Isaisip
*Depende sa sagot ng bata

Isagawa
Gawain 1
Sino: Estudyante ng Elementarya (Publiko o Pribado)
Ano: Paligsahan:
Pagsulat ng Balita
Pagsulat ng Lathalain
Pagsulat ng Editoryal
Editoryal Kartun
Pagkuha ng Larawang Pampahayagan
Saan: Paaralang Sentral ng Malaubang
Lungsod ng Ozamiz
Kailan: Disyembre 5, 2009

Gawain 2

Mga Sanggunian:

Hiyas sa Pagbasa Filipino (194-197)

Alab Fiipino 5 (Batayang Aklat)

9
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education - Division of Ozamiz City

Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City

Telefax: (088)545-09-90

Website: deped1miz@gmail.com

10

You might also like