You are on page 1of 66

MGA KAGAMITAN AT

KASANGKAPAN NA DAPAT
IHANDA SA PAG-AALAGA NG
HAYOP O ISDA

Quarter 2 Week 6
SUBUKIN NATIN:

Isulat ang tsek √ kung


ang mga sumusunod na
pahayag ay tama at ang ×
kung mali.
________1. Ang pag-aalaga ng
isda ay nakapagdudulot ng
kalibangan.

________2. Sa pag-aalaga ng
isda, tanggalin ang mga damo
upang hindi makaapekto sa
paglaki ng mga ito.
________3. Kailangan ng manok
ng painuman at patukaan.

________4. Sa pag-alaga ng
pugo, hayaang magutom ang pugo
upang dumami ang itlog ng mga
ito.
________5. Ang itik at bibi ay
mahilig sa tubig kaya naman dapat
gumawa ng artipisyal na ilog na
maaari nitong paliguan.

________6. Ang itik ay inaalagaan


para sa paggawa ng balut o penoy at
maging ng itlog na maalat
________7. Sa pag-aalaga ng
manok ay ayos lang na masikip
ang kulungan nito.

________8. Siguraduhing may


angkop na tirahan ang bawat
hayop na aalagaan.
________9. Hayaan na madumi
ang kulungan ng manok.

________10. Kailangan ng manok


ng paliguan dahil mahilig sila sa
tubig
Noong nakaraang pag-aaral ay
natukoy mo ang mga hayop na
maaring alagaan gaya ng
manok, pato, itik, pugo at
tilapya.
1. Ano-ano ang mga
nakikitang hayop sa
larawan? Nakakita ka na ba
ng ganyang karaming hayop
sa kulungan?
2. Ano ang mga produkto
na maaari nating makuha
sa mga ito?
3. Sa tingin mo nasa
maayos bang kulungan o
tirahan ang mga hayop
na nakikita mo?
4. Sa iyong palagay ano-
anong mga kagamitan ang
kailangan sa pag-aalaga ng
mga hayop na makikita mo sa
larawan?
 Sa pag-aalaga ng mga hayop o
isda ay mayroong mga
kasangkapan at kagamitan na
kinakailangan upang mapabuti at
makapagbigay ng higit na
kapakinabangan sa atin.
 Sa pag-alaga ng manok ay
maaring alagaan sa maliit
na lugar. Karaniwang
kinakain nito ay mais at
palay o kaya naman ay
feeds.
 Karaniwan sa ating mga Pilipino
ay nag-aalaga ng katutubong
manok o native chicken.
 Kung maluwang ang bakuran,
ang mga manok na native ay
naghahanap din ng uod at
bulate sa damuhan.
Mga kasangkapan at kagamitan na
ginagamit sa pag-aalaga ng manok.
1.Kulungan
2.Painuman
3.Patukaan
4.Masustansyang Pagkain
5.Kagamitan sa Paglilinis ng manok
6.Lugar na tapunan ng dumi ng manok
1. Kulungan
Ang mga manok na inaalagaan sa poultry
farm ay nangangailangan ng maluwang na
kulungan upang maging maganda ang mga
produktong ibinibigay ng manok.

Sa paggawa ng kulungan, dapat na ito ay


may bentilasyon o kaya naman ay malayang
nakakapasok ang hangin sa loob ng
kulungan.
1. Kulungan
Para naman sa mga bagong pisang sisiw ay
kailangang lagyan ito ng bombilya o lampara
upang magbigay init sa mga sisiw sa loob ng 15
araw at maiwasan ang pagkamatay.
Maaring yari sa kawayan ang ating gagawing
kulungan o kaya naman kulungan na napalilibutan
ng chicken wire o lambat. Kailangang matibay
ang kulungan ng manok upang hindi makapasok
ang ibang mga hayop at kainin ang mga ito.
2. Painuman
 Kailangang maglagay ng
lalagyanan ng inumin.
Siguraduhin na malinis ang
mga painuman ng ating mga
manok upang makaiwas sa
sakit. Maaring gumamit ng
plastic container upang
malagyan ng inumin.
Patukaan
 Kailangan ng mga manok ng
patukaan na nasa harapan
ng kulungan. Maaring
gamitin ang yero, kahoy o
biniyak na kawayan na may
sukat na humigit tatlo o
apat na pulgada upang hindi
matapon ang laman.
4. Masustansiyang pagkain
Starting mash - Maliliit ang butil at
ipinapakain sa bagong pisang sisiw hanggang
anim na linggo.

Growing mash – Ito ay isang uri ng pagkaing


ibinibigay para sa anim na linggo hanggang sa
handa nang ipagbili ang mga manok o
hanggang sa mangitlog ang mga inahin.
4. Masustansiyang pagkain

Laying mash- Ito ay ibinibigay sa mga


inahing manok na nagsisimulang mangitlog
upang maging maganda ang itlog na makukuha
sa mga ito. Kailangan din ng manok ng
bitamina na inihahalo sa kanilang inumin upang
hindi sila dapuan ng sakit at makapagdulot ng
maayos na karne at itlog.
5. Kagamitan sa paglilinis
ng dumi ng manok.

 Maaring gumamit ng walis,


dustpan at tubig upang
mapanatili ang kalinisan ng
ating kulungan.
6. Kagamitan sa paglilinis ng dumi ng
manok.
 Ang mga dumi ng manok ay dapat na
tipunin sa isang lugar upang matuyo
at hindi mangamoy. Ang mga dumi ng
manok na natuyo ay maaring ilagay sa
sako at gawing pataba sa halaman o
maaring gamitin sa palaisdaan.
Pag-aalaga ng itik
Mga dapat sundin sa pag-aalaga ng itik.
1.Breed
 Pumunta at bumili sa maaasahang
duck breeder.
2 uri ng itik
a. Ang Pateros duck o itik na mas
mainam sa produksyon ng itlog.
b.Ang Peking duck ay mas mainam dahil
sa karne at itlog rin.
Mga dapat sundin sa pag-aalaga ng itik.

2. Kulungan o bahay

 Ang itik ay likas na mahilig sa tubig kaya


dapat na gumawa ng kanilang bahay o
silungan na tahimik at malamig na malapit sa
sapa o tubigan.
Mga dapat sundin sa pag-aalaga ng itik.
2. Kulungan o bahay
 Kung walang lugar na malapit sa tubigan ay
maaring gumawa na lamang ng artipisyal na
paliguan ng itik. Maaring humukay ng isang
balon na hindi malalim at lagyan ito ng tubig
upang magsilbing paliguan ng mga itik.
Mga dapat tandaan sa paggawa ng kulungan ng
itik.

1. Maaring gumamit ng mga


materyales na gawa sa kawayan na
mura. Gumamit ng pawid o kaya
naman ay iyero para sa bubong.
Mga dapat tandaan sa paggawa ng kulungan ng
itik.
2. Ang kanilang kulungan ay hindi
dapat mababa upang makapasok ang
hangin.

3. Takpan ng mga dayami ang sahig.


Mga dapat tandaan sa paggawa ng kulungan ng
itik.
3. Bitamina o Gamot
 Ang mga itik ay nakakaramdam din ng
sakit. Kung mangyari ito ay agad na
painumin ang mga alagang itik ng naaangkop
na gamot upang mawala ang mga sakit gaya
ng Duck cholera, Duck plague, Viral
hepatitis, Avia pest at marami pang iba.
Mga dapat tandaan sa paggawa ng kulungan ng
itik.
4. Pakainin ang mga itik
1. Starting mash- ang mga itik na 1
hanggang 6 na linggo ay maaring bigyan
nito na may 10 - 21 porsyento ng protina.
2. Growing mash- ang mga itik na 6 hanggang
4 na buwan ay maaring bigyan nito na may 16
na porsyento ng protina.
Mga dapat tandaan sa paggawa ng kulungan ng
itik.
4. Pakainin ang mga itik

3. Laying mash- ito ay ipinapakain sa mga


bibe upang dumami ang mga itlog nito na
mayroon ding 16 na porsyento ng protina.
Wastong Pag-aalaga ng Isda
Ang bansang Pilipinas ay
napalilibutan ng maraming anyong
tubig. Dahil dito ang pangingisda
ang isa sa mga ikinabubuhay nating
mga Pilipino. Ang tilapya, hito at
bangus ang ilan sa mga popular na
alagang isda sa ating bansa.
Mga Dapat Tandaan sa Pag-aalaga ng Isda

A. Binhi
Maaring mag-alaga ng bangus, tilapya,
gurami, hito, at karpa. Ang fingerlings
o maliit na isdang tilapya na
palalakihin ay dapat manggaling sa
kakilalang may-ari ng fish hatchery.
Mga Dapat Tandaan sa Pag-aalaga ng Isda

 Panatilihing malinis at bata ang mga


semilyang binili upang makaiwas sa
maagang pangingitlog ng isda.
 Siguraduhing ang dami ng
fingerlings na ilalagay o aalagaan ay
naayon sa sukat ng palaisdaang
ginawa.
Mga Dapat Tandaan sa Pag-aalaga ng Isda

 Ikundisyon ng isang gabi ang mga


semilya sa hapa o tangke ng tubig bago
ibiyahe. Iwasan ang paglalagay ng isda
kung ang temperatura ng tubig sa
palaisdaan ay malaki ang pagkakaiba sa
temperatura ng tubig na kinalalagyan ng
semilya o plastic bags
Mga Dapat Tandaan sa Pag-aalaga ng Isda
B. Lokasyon
Sa pagpili ng lokasyon ay piliin ang
malapit sa pinagkukunan ng tubig (ilog,
balon, o poso) sa buong taon na pag-
aalaga. Upang maging mabilis ang
pagdami ng lumot na nagsisilbing pagkain
ng isda, hindi dapat pumipili ng lugar na
binabaha tuwing may ulan
Mga Dapat Tandaan sa Pag-aalaga ng Isda
C. Pagkain

Ang mga maliit na halamang


lumulutang sa tubig ay maaring
maging pagkain ng mga isda.
Mga Dapat Tandaan sa Pag-aalaga ng Isda
C. Pagkain
Plankton, Ito ay maliit na halaman na
siyang pagkain ng tilapya. Maging ang
itlog ng kulisap, suso, darak at tinapay ay
pagkain ng mga isda. Mayroon ding mga
komersyal na pagkain na maaring bilin.
Maari ding magpakain ng komersyal na
pagkain.
Mga Dapat Tandaan sa Pag-aalaga ng Isda

D. Paglalagay ng pataba
Upang magkaroon ng pagkain sa
palaisdaan, maglagay ng abono minsan sa
isang linggo. Ikalat ang dumi ng manok sa
palaisdaan at ang abonong komersyal (16-
20-0) ay tunawin muna sa tubig bago
ilagay.
Mga Dapat Tandaan sa Pag-aalaga ng Isda

Dapat na naglalagay ng pataba sa ating


palaisdaan upang mapanatiling mataba at
maging malinis ang paglaki ng isda. Iwasang
matuyo ang ating palaisdaan at bumaba sa
nakatakdang sukat ng dami ng tubig. Iwasan
na matapunan ng lason ang ating palaisdaan.
Patubigan ang palaisdaan hanggang
kalahating metro.
Mga Dapat Tandaan sa Pag-aalaga ng Isda

Pagkalipas ng isang linggo ay dagdagan ang


tubig hanggang isang metro o higit pa. Alisin
na ang mga malalaking isda upang ang mga
maliliit na isda ay patuloy na lumaki.
Maaaring kainin ng malalaking isda ang mga
maliliit na isda kaya dapat na ihiwalay ang
mga malalaking isda.
 Alisin ang kangkong, waterlily, lotus, hydrilla at
damo sa palaisdaan. Iwasan ang pagtatanim ng
malalaki, matataas at mayayabong na punong-kahoy
sa pilapil ng palaisdaan. Narito ang ilang larawan ng
mga halamang nakakabawas ng paglaki ng isda.
 Maaring gumamit ng gulok o lilik sa
pagtanggal ng mga damo o kaya
naman bunutin ito sa pamamagitan
ng kamay. Tulad ng maraming mga
hayop ang pugo ay maaring kainin
din. Ang dumi nito ay maaring
gawing patabang organiko
Narito ang dapat tandaan sa pag-aalaga
ng pugo:
1.Breed
Maaring bumili ng breed ng pugo sa
kilalang bilihan ng pugo. Maraming
uri ng pugo ang mainam sa karne at
itlog. Sa Pilipinas ay karaniwang
inaalagaan ang Japanese Seatlle.
Sikat ang Bulacan, Rizal, at
Batangas pagdating sa pag-aalaga ng
pugo.
Narito ang dapat tandaan sa pag-aalaga
ng pugo:
2. Pagkain
Ang batang pugo ay binibigyan ng
mash starter hanggang isang buwan.
Panatilihing laging mayroong pagkain
ang lalagyan ng pagkain ng mga pugo.
Dapat 24 oras silang may pagkain
upang sa panahon ng pangingitlog ay
mas marami ang maging itlog ng mga
ito.
Narito ang dapat tandaan sa pag-aalaga
ng pugo:
3. Kulungan
Maaaring gawan ng tirahan kahit saan
basta’t komportable sila. Ang sisiw na
pugo ay kailangan ng brooder o
artipisyal na kulungan na nagbibigay
init sa mga pugo. Sa paglagay ng 100
watts na bumbilya ay magkakaroon ito
ng 38 degrees celcius na temperatura.
Narito ang dapat tandaan sa pag-aalaga
ng pugo:

Sa 4×8 na sukat ng brooder ay


maaaring makapaglagay ng 700
heads na sisiw. Lagyan ng sako na
magsisilbing pantabing sa gilid ng
brooder para maiwasan ang
pagpasok ng lamig at paglabas ng
init sa brooder.
Narito ang dapat tandaan sa pag-aalaga
ng pugo:

Lagyan ng dyaryo ang flooring


ng brooder. Ito ay para
maiwasang makapasok ang lamig
at hangin sa flooring. Ang wire
mesh ay maaring gamiting
pangsahig a
Narito ang dapat tandaan sa pag-aalaga
ng pugo:

Ang wire mesh ay maaring


gamiting pangsahig at maaring
gawing pantakip ang lawanit o
plywood. Sa pangingitlog ng mga
pugo ay lagyan ng buhangin ang
kahoy na pangingitlugan ng pugo
upang hindi mabasag ang mga
itlog.
Narito ang dapat tandaan sa pag-aalaga
ng pugo:

Tandaan, madaling magulat ang


mga pugo sa panahon na sila ay
nangingitlog kaya dapat na
tahimik ang paligid ng kulungan sa
panahon ng pangingitlog.
Narito ang dapat tandaan sa pag-aalaga
ng pugo:

4. Paglilinis ng kulungan
Maaring ang kulungan ng pugo
ay apat na palapag. Ugaliing
magsuot ng pantakip sa bibig
at magsuot din ng gwantes sa
paglilinis ng kulungan.
Narito ang dapat tandaan sa pag-aalaga
ng pugo:

5. Tapunan ng dumi ng pugo


Pumili ng isang lugar na maaring
tapunan ng mga dumi ng pugo.
Mainam din ang dumi ng pugo na
gawing abonong organiko. Ilagay
sa sako ang mga natuyong dumi ng
pugo at maaari ng gamiting pataba
o abonong organiko.
Panuto: Basahin ang bawat
pangungusap. Isulat ang
tama kung ito ay
nagpapakita ng wastong
pahayag at mali kung hindi.

You might also like