You are on page 1of 11

EDUKASYONG PANTAHANAN AT

PANGKABUHAYAN (EPP)
KWARTER 1 – MODYUL 3
“MASISTEMANG PANGANGALAGA
NG TANIM NA MGA GULAY”

1
Most Essential Learning Competency
1.2 Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay.
K to 12 BEC CG: (EPP5-AG-0c-5)
1.5.1 pagdidilig
1.5.2 pagbubungkal
1.5.3 paglalagay ng abonong organiko

Tuklasin at Suriin

Naniniwala ka ba na ang halaman ay tulad ng isang bata na kailangang alagaan


nang mabuti at sinusubaybayan ang paglaki nito? Lagyan ng tsek. _____Oo o _____Hindi

Ikaw ba ay mayroong sariling tanim na mga halamang gulay sa inyong bakuran?


Lagyan ng tsek. ____ Mayroon o ____ Wala.

Suriin ang bawat larawan. Sa iyong palagay, alin ang kasiya-siya? Lagyan ng tsek
_____una o ____pangalawa

1 2

Masasabi mo ba ang dahilan kung bakit naging ganito ang kinalabasan ng mga
tanim sa bawat larawan? Lagyan ng tsek. ______ Oo _____ Hindi ______

Masarap sa pakiramdam ng isang tao na makita ang magandang bunga ng kanyang


pinaghirapan. Natitiyak kong ganito rin ang nanaisin mong maranasan. Maisasakatuparan
lamang ito kung magsusumikap kang mapagtagumpayan ang isang gawain.
Nararapat lamang para sa isang batang tulad mo na matutong magtanim ng mga
halamang gulay at kung paano ito alagan nang mabuti.. Kung magiging mahusay ka sa
gawaing ito, maaari kang makatulong sa paglutas ng mga suliraning pampamayanan lalo na
sa kasalukuyang kinakaharap na krisis sa kalusugan at sa kakulangan ng pagkain. Alamin
kung paano mo ito maisasagawa. Basahin at unawin nang mabuti ang paksang-aralin sa
modyul na ito.

2
Talakayin

Ang pagtatanim ng mga halamang gulay ay isang gawaing kapaki-pakinabang.


Bukod sa nakapagbibigay ito ng masusustansiyang pagkain, ito rin ay nakalilibang at higit sa
lahat nagkadaragdag ito ng kita sa isang mag-anak. Ang ikatatagumpay ng gawaing ito ay
nakasalalay sa wastong pangangalaga ng taong nagtanim. Kung sapat ang kanyang
kaalaman at kasanayan ay tiyak na magiging malago ang kanyang mga halaman at
magkakaroon siya ng masaganang ani.
Marami ring pangangailangan ang mga tanim upang sila ay manatiling malusog. May
mga paraang dapat isaalang-alang sa masusing pangangalaga sa mga ito katulad ng
regular na pagdidilig, pagbubungkal ng lupa at wastong paglalagay ng abono o pataba. Sa
pamamagitan ng kahusayan sa pagsasagawa sa mga ito, mas napatatagal o napahahaba
din ang kanilang mga buhay. Nararapat lamang na bigyang-pansin ang wastong
pamamaraan sa pangangalaga ng mga halamang gulay upang hindi masayang ang iyong
pagod at puhunan.

Narito ang mga mahahalagang kaalaman at kasanayan na dapat mong isaalang-


alang sa wastong pangangalaga ng mga halamang gulay.

Masistemang Pamamaraan sa Pagdidilig nga mga Halaman

Pagdidilig gamit ang regadera Pagdidilig gamit ang hose Pagdidilig gamit ang kamay

1. Diligan ang mga tanim araw-araw. Gawin ito tuwing umaga lalo na kung panahon
ng tag-init dahil mabilis lang matuyo ang lupa. Ang pagdidilig sa hapon ay hindi
iminumungkahi dahil maaari itong maging dahilan ng pagkakaroon ng peste. Ang
tubig na nanatili sa dahon ay puwedeng dahilan ng pamumugad ng peste.

2. Mainam ang paggamit ng regadera sa pagdidilig sapagkat hindi mabibigla ang


pagbuhos ng tubig sa lupa. Maaari ring gumamit ng tabo ngunit dahan-dahang
ibuhos ang tubig sa tanim. Iwasang biglain dahil matatapon ang lupa na siyang
sinisipsipan ng mga ugat ng sustansiya.

3. Ang hand watering ay mainam sa maliit na taniman. Sa malawak na taniman


naman, ang pagamit ng hose ay iminumungkahi dahil nakokontrol nito ang daloy
ng tubig galing sa gripo at napabibilis ang gawain.

4. Matapos madiligan ang halamang gulay, maghintay ng 15 to 20 minuto bago


diligan muli dahil ang unang pagdilig ay natutuyo kaagad.

5. Iwasang malunod ang mga halaman lalo na kapag bagong lipat ang mga ito.

3
Masistemang Pamamaraan sa Pagbubungkal ng Lupa

Pagbubungkal gamit ang dulos Pagbubungkal gamit ang kalaykay Pagbubunot nga damo

1. Gamit ang dulos palambutin ang lupang nakapaligid sa halaman upang madaling
makarating ang tubig sa mga ugat at maluwag na makakapasok ang hangin sa
halaman. Sa pamamagitan nito, mas napabibilis na pagdami ng mga ugat na
makatutulong upang maging malusog ang halaman. Gawing mababaw lamang
ang pagbubungkal at siguraduhing hindi matamaan ang mga ugat upang hindi ito
masaktan. Ang mahahabang ugat ang nagpapatibay sa halaman laban sa
malakas na hampas ng hangin.
2. Gawing regular ang pagbubunot ng mga ligaw na damo sa paligid ng halaman
upang hindi nito maagaw ang pataba at tubig na idinidilig sa halaman. Maaring
gamitin ang kamay o angkop na kagamitan sa pagtatanggal ng damo. Maging
maingat sa paggawa nito upang hindi masira ang halaman.
3. Pinu-pinuhin ang mga malalaking tipak na lupa sa pamamagitan ng paggamit ng
dulos o kalaykay.
4. Maglagay ng bakod sa paligid ng halaman lalo na kung may mga alagang hayop.

Masistemang Pamamaraan sa Paglalagay ng Abonong Organiko


Subaybayan ang paglaki ng halaman at suriin ang kalagayan nito. Ang sapat na abonong
organiko ay nagdudulot ng kaginhawaan sa mga pananim. Mayroong iba’t ibang paraan sa
paglalagay ng obonong organiko.

1. Broadcasting method - ikinakalat ang pataba sa ibabaw ng lupa at hindi na


hahaluin. Kadalasan ito ay ginagawa sa isang maliit na taniman.

2. Side-dressing method - ang abonong organiko ay inilalagay sa lupa malapit sa


ugat ng halaman sa pamamagitan ng kamay o isang kagamitang nakalaan para
dito.

4
3. Foliar application method - ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdidilig o
pag-iispray ng organikong abono sa mga dahon ng halaman. Halimbawa ang
pagdidilig ng dinurog na sili, sibuyas at luya na hinalo sa tubig.

4. Basal Application method - paglalagay ng abonong organiko sa pamamagitan


ng paghahalo ng pataba sa lupa bago itanim ang halaman.

Sa paghahalaman, hindi lang ang mga tanim ang dapat alagan. Kailangang
malusog at ligtas ang taong mangangasiwa ng halaman. Upang maiwasan ang aksidente o
pagkakasakit, dapat sundin ang mga sumusunod:

Ibang pamantayan sa pangangalaga ng tanim.


1. Gumamit ng mga kasangkapang nasa maayos na kondisyon.
2. Tiyaking angkop ang kasangkapan sa gawaing paggagamitan.
3. Gumamit ng guwantes, mask, bota, plastic na pampatong sa damit at kasuotang
may mahabang manggas habang nagtatanim o naglilinis sa lugar.
4. Gumamit ng sombrero o anumang pantakip sa ulo lalo na kung matindi ang sikat
ng araw.
5. Iwasan ang pagkakamot o kaya’y pagkukusot ng mga mata habang nagbubungkal
ng lupa o naglalagay ng abonong organiko.
6. Maging maingat sa pagtapak sa lupang basa upang hindi madulas.
7. Sa pagbubuhat ng mabigat, tiyaking balanse ang hinahawakan.
8. Maglaan ng maayos na lalagyan sa matatalim na kasangkapan.
9. Itago ang mga kasangkapan sa maayos at permamenteng lugar upang hindi ito
matatapakan.
10. Pagkatapos ng paggawa, maghugas ng kamay at maligo.

Tandaan:
Sa paghahalamang gulay, kailangan ang masusing
pangangalaga sa mga tanim upang lumaking malusog,
malago at mahaba ang buhay ang mga ito. Dapat isaalang-
alang ang wastong pamamaraan sa pagdidilig, pagbubungkal
ng lupa, at paglalagay ng abonong organiko upang
magkaroon ng masaganang ani.

5
Pagyamanin

Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang hanay na wasto o hindi
wasto ayon sa isinasaad.
.
Masistemang Pangangalaga ng Tanim na mga Gulay

Mga Pamamaraan Wasto Hindi Wasto

1. Gumamit ng angkop na kasangakapan at nasa maayos


na kondisyon.
2. Diligan ang mga tanim minsan sa isang lingo upang
makatipid sa tubig.
3. Tiyaking hindi matatamaan ang mga ugat ng halaman
kapag magbubungkal ng lupa sa paligid nito.
4. Maging maingat sa pagbubunot ng mga damo sa paligid
ng pananim.
5. Ibabad sa maraming tubig ang bagong lipat na tanim
upang mabilis itong makapagparami ng ugat.
6. Kamutin ang makating mata habang nagbubungkal ng
lupa.
7. Gawin ang broadcasting method sa paglalagay ng
abonong organiko kung maliit lang ang halamanan.
8. Sa pagdidilig, dapat biglain ang pagbuhos ng tubig sa
lupa upang mabilis itong makarating sa ugat ng
halaman.
9. Kailangang parehong malusog ang halaman at ang
taong nangangasiwa sa mga ito.
10. Magkakaroon ng maraming ani kung maayos ang
pamamaraan sa pag-aalaga ng mga tanim.

Subukin

Gawain 1

Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang salita upang mabuo ang pangungusap. Pumili
ng sagot sa loob ng kahon.

pagdidilig ani
organikong abono damo
pagbubungkal lupa

6
1. Ang _________________ ay isang paraan ng pangangalaga sa mga tanim kung
saan pinalalambot ang lupa upang mabilis na makarating ang tubig sa ugat ng
halaman at madaling makapasok ang hangin sa halaman.

2. Dapat regular na inaalis ang mga ____________ na nakapaligid sa halamang gulay


upang hindi nito maagaw ang tubig at pataba na ibinibigay sa halaman.

3. Ang maayos na ______________ sa halaman ay ginagawa araw-araw lalo na kapag


panahon ng tag-init.

4. Hinahaluan ng _____________________ang lupa upang mapabuti at malusog ang


paglaki ng mga tanim.

5. Ang hirap, pagtitiis, at pagtitiyaga sa panahong ginugol mo para sa masusing pag-


aalaga ng mga halamang gulay ay masusuklian kung masagana ang iyong
_____________.

Gawain 2
Panuto: Pagtambalin ang mga salita sa Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

________1. Kasangkapan sa pagdidilig A. mahahabang ugat


________2. Inilalagay sa paligid ng halaman B. dulos
kapag may alagang hayop. C. side-dressing method
________3. Nagpapatibay sa halaman laban sa D. regadera
malakas na hampas ng hangin. E. bakod
________4. Paraan ng paglalagay ng abonong
organiko kung saan ito ay inilalagay
sa lupa malapit sa ugat.
________5. Kasangkapan sa pagbubungkal ng lupa.

7
PANGKALAHATANG PAGTATAYA SA EPP V

Pangalan: ______________________________________________________ Petsa: ____________


Baitang/Seksyon: __________________________ Iskor: _____________

A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag.Isulat sa sagutang papel


ang TM kung tama ang pahayag tungkol sa masistemang pangangalaga
sa mga halamang gulay. Kung mali ang pahayag, sulat ang ML.

_________ 1. Ang paghahalo ng oraganikong abono sa lupa ay nakatutulong upang tumubo


nang malago ang mga halaman at makapagbigay ng maraming ani.
_________ 2. Mahalagang isaalang-alang ang maingat na pagbubungkal ng lupa sa paligid
ng halaman upang hindi masaktan ang mga ugat ng tanim.
_________ 3. Ang Side-dressing Method ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdidilig o pag-
iispray ng organikong abono sa mga dahon ng halaman.
_________ 4. Pinu-pinuhin ang mga malalaking tipak ng lupa sa pamamagitan ng paggamit
ng regadera.
_________ 5. Ang paggamit ng hand watering ay mainam sa pagdidilig ng mga malalawak
na taniman.
_________ 6. Ang Basal Application Method ay ang paglalagay ng abono sa lupa na malapit
sa ugat ng halaman sa pamamagitan ng kamay o isang kagamitang nakalaan
para dito.
_________ 7. Ang pagtatanggal ng mga ligaw na damo sa paligid ng halaman ay regular na
ginagawa upang hindi nito maagaw ang pataba at tubig na idinidilig sa
halaman.
_________ 8. Ang pagdidilig sa umaga ay hindi iminumungkahi dahil ito ay nagiging dahilan
ng pagkakaroon ng peste.
_________ 9. Matapos madiligan ang bagong lipat na halaman, maghintay ng 45 to 50
minuto bago diligan muli.
_________ 10. Ang Broadcasting method ay ang paglalagay ng abono sa pamamagitan
ng pagkakalat ng pataba sa ibabaw ng lupa at hindi na hahaluin.
Kadalasan ito’y ginagawa sa isang maliit na taniman.

8
B. Panuto: Ayusin ang mga titik sa loob ng gulay upang mabuo ang salitang
tinutukoy. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Gawin ang pagdidilig ng mga halaman sa


panahong ito kung saan hindi gaano ang
sikat ng araw.
2. Kapag magbubungkal ng lupa, ito ang dapat
na matiyak upang maiwasang masakatan
ang mga ugat ng halaman.
3. Mapadadali o mapabibilis ang pagdidilig sa
malawak na taniman at makatitipid sa tubig
kung ito ang gagamitin.
4. Uri ng abonong mainam ihalo sa lupa na
makapagbibigay ng ginhawa sa tanim na
mga halamang
5. Maiiwasang mangyari ito kung itatago ang
mga ginamit na kasangkapan sa wastong
lagayan.

C. Panuto: Sagutin ang bawat tanong. Isulat ang sagot sa anyong


pangungusap.

1. Paano isinasagawa ang masistemang pag-aalaga sa tanim na mga gulay?


Mabigay lamang ng dalawang paraan para sa bawat gawain.
➢ Pagdililig: a. ____________________________________________
b. ____________________________________________
➢ Pagbubungkal ng lupa: a. __________________________________
b. __________________________________
➢ Paglalagay ng organikong abono: a. __________________________
b. __________________________

2. Magbigay ng dalawang pangkaligtasan at pangkalusugang gawi na dapat


isaalang-alang sa pag-aalaga ng mga halamang gulay?
a. _____________________________________________________
b. _____________________________________________________

9
Susi sa Pagwawasto

Pagyamanin

Mga Pamamaraan Wasto Hindi Wasto

1. Gumamit ng angkop na kasangakapan at nasa maayos


na kondisyon. /
2. Diligan ang mga tanim minsan sa isang linggo upang
makatipid sa tubig. /
3. Tiyaking hindi matatamaan ang mga ugat ng halaman
kapag magbubungkal ng lupa sa paligid nito. /
4. Maging maingat sa pagbubunot ng mga damo sa paligid
ng pananim. /
5. Ibabad sa maraming tubig ang bagong lipat na tanim
upang mabilis itong makapagparami ng ugat. /
6. Kamutin ang makating mata habang nagbubungkal ng
lupa. /
7. Gawin ang broadcasting method sa paglalagay ng
abonong organiko kung maliit lang ang halamanan. /
8. Sa pagdidilig, dapat biglain ang pagbuhos ng tubig sa
lupa upang mabilis itong makarating sa ugat ng halaman. /
9. Kailangang parehong malusog ang halaman at ang taong
nangangasiwa sa mga ito. /
10. Magkakaroon ng maraming ani kung maayos ang
pamamaraan sa pag-aalaga ng mga tanim. /
Subukin

Gawain 1 Gawain 2

1. pagbubungkal 1. D
2. damo 2. E
3. pagdidilig 3. A
4. organikong abono 4. C
5. ani 5. B

Mga Sanggunian:

Kaalaman at Kasanayan Tungo sa kaunlaran, Batayang Aklat, ph. 72-73


ADM Self-Learning Module in EPP 5, Agrikultura Module 2
Google.com images search

10
Susi sa Pagwawasto

Pangkalahatang Pagtataya

A. B.

1. TM 1. UMAGA
2. TM 2. MABABAW
3. ML 3. HOSE
4. ML 4. ORGANIKO
5. ML 5. AKSIDENTE
6. ML
7. TM
8. ML
9. ML
10. TM

C. (Maaaring magkakaiba ang kasagutan)

11

You might also like