You are on page 1of 11

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan
QUARTER 1 – MODULE 3, Week 3
MELC: 1.2 Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay.
1.5.1 pagdidilig
1.5.2 pagbubungkal
1.5.3 paglalagay ng abonong organiko

1
Pagpapakilala

Sa modyul na ito, Bilang isang mag-aaral,


tatalakayin ang mga pamama- sikapin mong pag-aralan ang
raan para sa masistemang mga kasanayang ito sapagkat
pangangalaga sa mga tanim na
malaki ang maitutulong nito
halamang gulay. Matututunan
mo rito kung paano ang sa iyong pamilya lalo na kung
wastong pagsasagawa sa kayo ay may taniman ng gulay
pagdidilig, pagbubungkal ng o nagbabalak magtanim sa
lupa, at paglalagay ng inyong bakuran o sa bukirin.
abonong organiko.

Most Essential Learning Competency:

Naisasagawa ang masistemang


pangangalaga ng tanim na mga
gulay
1.5.1 pagdidilig
1.5.2 pagbubungkal
1.5.3 paglalagay ng
abonong organiko.

K to 12 BEC CG:
(EPP5AG0c-5)

2
Masistemang Pangangalaga ng
Tanim na mga Gulay

Tuklasin at Suriin
Naniniwala ka ba na ang halaman ay parang isang bata na kailangang alagaan nang
mabuti at sinusubaybayan ang paglaki nito? Lagyan ng tsek. _____Oo o _____Hindi

Ikaw ba ay mayroong sariling tanim na mga halamang gulay sa inyong bakuran?


Lagyan ng tsek. ____ Mayroon o ____ Wala.

Suriin ang bawat larawan. Sa iyong palagay, alin ang kasiya-siya? Lagyan ng tsek
_____una o ____pangalawa

1 2

Masasabi mo ba ang dahilan kung bakit naging ganito ang kinalabasan ng mga
tanim sa bawat larawan? Lagyan ng tsek. ______ Oo _____ Hindi ______

Masarap sa pakiramdam ng isang tao na makita ang magandang


bunga ng kanyang pinaghirapan. Natitiyak kong ganito rin ang nanaisin
mong maranasan. Maisasakatuparan lamang ito kung magsusumikap kang
mapagtagumpayan ang isang gawain. Nararapat lamang para sa isang batang
tulad mo na matutong magtanim ng mga halamang gulay at kung paano ito
alagan nang mabuti.. Kung magiging mahusay ka sa gawaing ito, maaari
kang makatulong sa paglutas ng mga suliraning pampamayanan lalo na sa
kasalukuyang kinakaharap na krisis sa kalusugan at sa kakulangan ng
pagkain. Alamin kung paano mo ito maisasagawa. Basahin at unawin nang
mabuti ang paksang-aralin sa modyul na ito.

3
Talakayin

Ang pagtatanim ng mga halamang gulay ay isang gawaing kapaki-pakinabang.


Bukod sa nakapagbibigay ito ng masusustansiyang pagkain, ito rin ay nakalilibang at higit sa
lahat nagkadaragdag ito ng kita ng isang mag-anak. Ang ikatatagumpay ng gawaing ito ay
nakasalalay sa wastong pangangalaga ng taong nagtanim. Kung sapat ang kanyang
kaalaman at kasanayan ay tiyak na magiging malago ang kanyang mga halaman at
magkakaroon siya ng masaganang ani.
Marami ring pangangailangan ang mga tanim upang sila ay manatiling malusog. May
mga paraang dapat isaalang-alang sa masusing pangangalaga sa mga ito katulad ng
regular na pagdidilig, pagbubungkal ng lupa at wastong paglalagay ng abono o pataba. Sa
pamamagitan ng kahusayan sa pagsasagawa sa mga ito, mas napatatagal o napahahaba
din ang kanilang mga buhay. Nararapat lamang na bigyang-pansin ang wastong
pamamaraan sa pangangalaga ng mga halamang gulay upang hindi masayang ang iyong
pagod at puhunan.

Narito ang mga mahahalagang kaalaman na dapat mong isaalang-alang sa wastong


pangangalaga ng mga halamang gulay.
Masistemang Pamamaraan sa Pagdidilig nga mga Halaman
1. Diligan ang mga tanim araw-araw. Gawin ito tuwing umaga lalo na kung panahon
ng tag-init dahil mabilis lang matuyo ang lupa. Ang pagdidilig sa hapon ay hindi
iminimungkahi dahil maaari itong maging dahilan ng pagkakaroon ng peste. Ang
tubig na nanatili sa dahon ay puwedeng dahilan ng pamumugad ng peste.
2. Mainam ang paggamit ng regadera sa pagdidilig sapagkat hindi mabibigla ang
pagbuhos ng tubig sa lupa. Maaari ring gumamit ng tabo ngunit dahan-dahang
ibuhos ang tubig sa tanim. Iwasang biglain dahil matatapon ang lupa na siyang
sinisipsipan ng mga ugat ng sustansiya.
3. Ang hand watering ay mainam sa maliit na taniman. Sa malawak na taniman
naman, ang pagamit ng hose ay iminumungkahi dahil nakokontrol nito ang daloy
ng tubig galing sa gripo at napapabilis ang gawain.
4. Matapos madiligan ang halamang gulay, maghintay ng 15 to 20 minuto bago
diligan muli dahil ang unang pagdilig ay natutuyo kaagad.
5. Iwasang malunod ang mga halaman lalo na kapag bagong lipat ang mga ito.

Masistemang Pamamaraan sa Pagbubungkal ng Lupa


1. Gamit ang dulos palambutin ang lupang nakapaligid sa halaman upang madaling
makarating ang tubig sa mga ugat at maluwag na makakapasok ang hangin sa
halaman. Makatutulong ito sa mabilis na pagdami ng mga ugat na makatutulong
upang maging malusog ang halaman. Gawing mababaw lamang ang
pagbubungkal at siguraduhing hindi matamaan ang mga ugat upang hindi ito
masaktan. Ang mahahabang ugat ay nagpapatibay sa halaman laban sa
malakas na hampas ng hangin.
2. Gawing regular ang pagbubunot ng mga ligaw na damo sa paligid ng halaman
upang hindi nito maagaw ang pataba at tubig na idinidilig sa halaman. Maaring
gamitin ang kamay o angkop na kagamitan sa pagtatanggal ng damo. Maging
maingat sa paggawa nito upang hind masira ang halaman.
3. Pinu-pinuhin ang mga malalaking tipak na lupa sa pamamagitan ng paggamit ng
dulos o kalaykay.
4. Maglagay ng bakod sa paligid ng halaman lalo na kung may mga alagang hayop.

4
Masistemang Pamamaraan sa Paglalagay ng Abonong Organiko

Subaybayan ang paglaki ng halaman at suriin ang kalagayan nito. Ang sapat
na abonong organiko ay nagdudulot ng kaginhawaan sa mga pananim. Mayroong
iba’t ibang paraan sa paglalagay ng obonong organiko.
1. Broadcasting method - ikinakalat ang pataba sa ibabaw ng lupa at hindi na
hahaluin. Kadalasan ito ay ginagawa sa isang maliit na taniman.
2. Side-dressing method - ang abonong organiko ay inilalagay sa lupa malapit sa
ugat ng halaman sa pamamagitan ng kamay o isang kagamitang nakalaan para
dito.
3. Foliar application method - ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdidilig o
pag-iispray ng organikong abono sa mga dahon ng halaman. Halimbawa ang
pagdidilig ng dinurog na sili, sibuyas at luya na hinalo sa tubig.
4. Basal Application method - paglalagay ng abonong organiko sa pamamagitan
ng paghahalo ng pataba sa lupa bago itanim ang halaman.

Sa paghahalaman, hindi lang ang mga tanim ang dapat alagan. Kailangang
malusog at ligtas ang taong mangangasiwa ng halaman. Upang maiwasan ang
aksidente o pagkakasakit, dapat sundin ang mga sumusunod.

Ibang pamantayan sa pangangalaga ng tanim.


1. Gumamit ng mga kasangkapang nasa maayos na kondisyon.
2. Tiyaking angkop ang kasangkapan sa gawaing paggagamitan.
3. Gumamit ng guwantes, mask, bota, plastic na pampatong sa damit at
kasuotang may mahabang manggas habang nagtatanim o naglilinis sa lugar.
4. Gumamit ng sombrero o anumang pantakip sa ulo lalo na kung matindi ang
sikat ng araw.
5. Iwasan ang pagkakamot o kaya’y pagkukusot ng mga mata habang
nagbubungkal ng lupa o naglalagay ng abonong organiko.
6. Maging maingat sa pagtapak sa lupang basa upang hindi madulas.
7. Sa pagbubuhat ng mabigat, tiyaking balanse ang hinahawakan.
8. Maglaan ng maayos na lalagyan sa matatalim na kasangkapan.
9. Itago ang mga kasangkapan sa maayos at permamenteng lugar upang hindi
ito matatapakan.
10. Pagkatapos ng paggawa, maghugas ng kamay at maligo.

Tandaan:

Sa paghahalamang gulay, kailangan ang masusing


pangangalaga sa mga tanim upang lumaking malusog,
malago at mahaba ang buhay ang mga ito. Dapat isaalang-
alang ang wastong pamamaraan sa pagdidilig,
pagbubungkal ng lupa, at paglalagay ng abonong organiko
upang magkaroon ng masaganang ani.

5
Pagyamanin

Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek (/) ang hanay na wasto o
hindi wasto ayon sa isinasaad.
.
Masistemang Pangangalaga ng mga Tanim na Gulay

Mga Pamamaraan Wasto Hindi Wasto

1. Gumamit ng angkop na kasangakapan at nasa maayos


na kondisyon.
2. Diligan ang mga tanim minsan sa isang lingo upang
makatipid sa tubig.
3. Tiyaking hindi matatamaan ang mga ugat ng halaman
kapag magbubungka ng lupa sa paligid nito.
4. Maging maingat sa pagbubunot ng mga damo sa paligid
ng pananim.
5. Ibabad sa maraming tubig ang bagong lipat na tanim
upang mabilis itong makapagparami ng ugat.
6. Kamutin ang makating mata habang nagbubungkal ng
lupa.
7. Gawin ang broadcasting method sa paglalagay ng
abonong organiko kung maliit lang ang halamanan.
8. Sa pagdidilig, dapat biglain ang pagbuhos ng tubig sa
lupa upang mabilis itong makaraning sa ugat ng halaman.
9. Kailangang parehong malusog ang halaman at ang taong
nangangasiwa sa mga ito.
10. Magkakaroon ng maraming ani kung maayos ang
pamamaraan sa pag-aalaga ng mga tanim.

Subukin

Gawain 1

Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang salita upang mabuo ang
pangungusap. Pumili ng sagot sa loob ng kahon.

pagdidilig ani

organikong abono damo

pagbubungkal lupa

6
1. Ang _________________ ay isang paraan ng pangangalaga sa mga tanim kung
saan pinalalambot ang lupa upang mabilis na makarating ang tubig sa ugat ng
halaman at madaling makapasok ang hangin sa halaman.
2. Dapat regular na inaalis ang mga ____________ na nakapaligid sa halamang gulay
upang hindi nito ang tubig at pataba na ibinibigay sa halaman.
3. Ang maayos na ______________ sa halaman ay ginagawa araw-araw lalo na kapag
panahon ng tag-init.
4. Hinahaluan ng _____________________ang lupa upang mapabuti at malusog ang
paglaki.
5. Ang hirap, pagtitiis, at pagtitiyaga sa panahong ginugol mo para sa masusing pag-
aalaga ng mga halamang gulay ay masusuklian kung masagana ang iyong
_____________.

Gawain 2
Panuto: Pagtambalin ang mga salita sa Hanay A at Hanay B. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

________1. Kasangkapan sa pagdidilig A. mahahabang ugat


________2. Inilalagay sa paligid ng halaman B. dulos
kapag may alagang hayop. C. side-dressing method
________3. Nagpapatibay sa halaman laban sa D. regadera
malakas na hampas ng hangin. E. bakod
________4. Paraang ng paglalagay ng abonong
organiko kung saan ito ay inilalagay
sa lupa malapit sa ugat.
________5. Kasangkapan sa pagbubungkal ng lupa.

7
Pangalan: _______________________________________ Petsa: _________

Baitang/Seksiyon:_________________________________ Iskor: __________

Most Essential Learning Competency:


1.2 Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay.
1.5.1 pagdidilig
1.5.2 pagbubungkal
1.5.3 paglalagay ng abonong organiko.
K to 12 BEC CG: (EPP5AG0c-5)

A. Madali
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang kung Tama o Mali ang pahayag
tungkol sa masistemang pangangalaga sa mga halamang gulay.

_________ 1. Ang paghahalo ng oraganikong abono sa lupa ay nakatutulong upang tumubo


nang malago ang mga halaman at makapagbigay ng maraming ani.
_________ 2. Mahalagang isaalang-alang ang maingat na pagbubungkal ng lupa sa paligid
ng halaman upang hindi masaktan ang mga ugat ng tanim.
_________ 3. Ang Side-dressing Method ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdidilig o pag-
iispray ng organikong abono sa mga dahon ng halaman.
_________ 4. Pinu-pinuhin ang mga malalaking tipak ng lupa sa pamamagitan ng paggamit
ng regadera.
_________ 5. Ang paggamit ng hand watering ay mainam sa pagdidilig ng mgamalalawak
na taniman.
_________ 6. Ang Basal Application Method ay ang paglalagay ng abono sa lupa na malapit
sa ugat ng halaman sa pamamagitan ng kamay o isang kagamitang nakalaan
para dito.
_________ 7. Gawing regular ang pagtatanggal ng mga ligaw na damo sa paligid ng
halaman upang hindi nito maagaw ang pataba at tubig na idinidilig sa
halaman.
_________ 8. Ang pagdidilig sa umaga ay hindi iminumungkahi dahil ito ay nagiging dahilan
ng pagkakaroon ng peste.
_________ 9. Matapos madiligan ang bagong lipat na halaman, maghintay ng 45 to 50
minuto bago diligan muli.
_________ 10. Ang Broadcasting method ay ang paglalagay ng abono sa pamamagitan
ng pagkakalat ng pataba sa ibabaw ng lupa at hindi na hahaluin.
Kadalasan ito’y ginagawa sa isang maliit na taniman.

8
B. Katamtaman
Panuto: Ayusin ang mga titik sa loob ng gulay upang mabuo ang salitang
tinutukoy. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Gawin ang pagdidilig ng mga halaman sa


MUAAG panahong ito kung saan hindi gaano ang
sikat ng araw.
2. Kapag magbubungkal ng lupa, ito ang
WBBMAAA dapat na matiyak upang maiwasang
masakatan ang mga ugat ng halaman.

ESOH 3. Mapapadali o mapapabilis ang pagdidilig


sa malawak na taniman at makatitipid sa
tubig kung ito ang gagamitin.
4. Uri ng abonong mainam ihalo sa lupa na
OAIORGNK
gawa sa mga nabubulok na bagay gaya
ng dahon, pakain, gulay, prutas atb.
5. Maiiwasang mangyari ito kung itatago ang
KSDNTAIEE
mga ginamit na kasangkapan sa wastong
lagayan.

C. Mahirap
Panuto: Sagutin ang bawat tanong. Ipaliwanag at isulat ang sagot sa anyong
pangungusap o talata. Limang puntos ang pinakamataas na iskor para sa bawat
aytem at 3 puntos naman ang pinakamababa.
1. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga wastong pamamaraan sa pag-
aalaga ng mga halamang gulay?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. Paano isinasagawa nang maayos ang masistemang pagdidilig ng tanim,
pagbubungkal ng lupa, at paglalagay ng organikong abono?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

9
Mga Susing Sagot

Pagyamanin

Mga Pamamaraan Wasto Hindi Wasto

1. Gumamit ng angkop na kasangakapan at nasa maayos


na kondisyon. /
2. Diligan ang mga tanim minsan sa isang lingo upang
makatipid sa tubig. /
3. Tiyaking hindi matatamaan ang mga ugat ng halaman
kapag magbubungka ng lupa sa paligid nito. /
4. Maging maingat sa pagbubunot ng mga damo sa paligid
ng pananim. /
5. Ibabad sa maraming tubig ang bagong lipat na tanim
upang mabilis itong makapagparami ng ugat. /
6. Kamutin ang makating mata habang nagbubungkal ng
lupa. /
7. Gawin ang broadcasting method sa paglalagay ng
abonong organiko kung maliit lang ang halamanan. /
8. Sa pagdidilig, dapat biglain ang pagbuhos ng tubig sa
lupa upang mabilis itong makaraning sa ugat ng halaman. /
9. Kailangang parehong malusog ang halaman at ang taong
nangangasiwa sa mga ito. /
10. Magkakaroon ng maraming ani kung maayos ang
pamamaraan sa pag-aalaga ng mga tanim. /
Subukin
1. pagbubungkal
2. damo
Gawain 1 Gawain 2
3. pagdidilig
4. organikong abono
5. ani 1. D
2. E
3. A
4. C
5. B

Mga Sanggunian:

Kaalaman at Kasanayan Tungo sa kaunlaran, Batayang Aklat, ph. 72-73


ADM Self-Learning Module in EPP 5, Agrikultura Module 2
Google.com images search

10
Mga Susing Sagot

Summative Test

A. B.

1. Tama 1. UMAGA
2. Tama 2. MABABAW
3. Mali 3. HOSE
4. Mali 4. ORGANIKO
5. Mali 5. AKSIDENTE
6. Mali
7. Tama
8. Mali
9. Mali
10.Tama

C.
(Maaaring magkakaiba ang kasagutan.)

11

You might also like