You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA EPP V

(AGRIKULTURA)

I. Layunin:
 Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng gulay sa sarili, pamilya, at
pamayanan (EPP5AG-0a-1)
 Nakapagsasagawa ng survey upang malaman ang mga gulay na maaaring
itanim ayon sa lugar, panahon, pangangailangan, at gusto ng mga
mamimili na maaaring pagkakitaan (EPP5AG-0a-2)

Pagpapahalaga sa mga Biyaya ng Maykapal

II. Paksang-Aralin:
A. Paksa: Pakinabang sa Pagtatanim ng Gulay
B. Mga Kagamitan: Kagamitan sa paghahalaman, mga pananim na gulay
C. Sanggunian: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5
D. Pagpapahalaga: Kasipagan, pagkamatiyaga, pagpapahalaga

III. Pamamaraan:
A. Balik-aral
 Magpakita ng halimbawa ng flyer o brochure sa mga mag-aaral.
Ito ay isang halimbawa ng knowledge product dahil ito ay
nagpapakita ng: (isa-isahin ang mga datos, impormasyon, tsart,
diagram o table)

B. Pagganyak
 Pagpapakita ng mga iba’t ibang gulay.
 Itanong sa mga mag-aaral: “Paano nakatutulong ang pagtatanim
ng gulay sa sarili, pamilya, at pamayanan?”
 Magpalitan ng kuro-kuro tungkol sa mga pakinabang na naidudulot
ng mga gulay.

C. Paglalahad
 Ipakita ang mga gulay sa klase.
 Ipaliwanag sa klase ang pakinabang dulot ng pagtatanim ng mga
gulay.
 Ipabasa ang impormasyon mula sa aklat-aralin, pahina 60.

D. Paglalahat
 Ano-ano ang mga pakinabang na makukuha sa pagtatanim ng
gulay?
 Ano-ano ang mga uri ng tanim na angkop sa iyong lugar?

E. Paglalapat
 Magbigay ng gawain sa mga mag-aaral. Sumangguni sa aklat-
aralin.
 Pangkatang pag-uulat tungkol sa mga Uri ng Gulay at mga
halimbawa nito.
Pangkat I – Madahong Gulay
Pangkat II – Butong Gulay/Legumbre
Pangkat III – Bungang Gulay
Pangkat IV – Gulay ng Lamang-Ugat
Pangkat V – Ilarawan ang mga kagamitan sa pagtatanim at
pangangalaga ng mga bungang gulay.
Pangkat VI – Pagbibigay ng mga halimbawa ng mga
pagkaing galing sa gulay na lamang-ugat.

IV. Pagtataya:
 Pasagutan ang bahaging Subukin sa pahina 66.

V. Pagpapayaman ng Gawain:
 Atasan ang mga bata na kapanayamin ang isang kakilalang mahilig
magtanim ng gulay at tanungin kung bakit gusting-gusto niyang
magtanim ng mga gulay sa kaniyang bakuran.
 Ipabahagi sa klase ang kaniyang nakalap na impormasyon.

Inihanda ni:

ANGEL MAY B. DE GUZMAN

Iwinasto ni:

GERALDINE G. IDULAN
MT-in-Charge

Inaprobahan ni:

ROSEMARIE V. SALVADOR
Principal

You might also like