You are on page 1of 13

EPP (AGRICULTURE)

Learning Area
Learning
Delivery
Modality
School Grade FOUR
Level
Teacher Learning FILIPINO
LESSON
Area
EXEMPLAR
Teaching Date Quarter SECOND/
WEEK 1
Teaching Time No. of Days 1 DAY

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ang


mag-aaral ay:
Malalaman ang mga pakinabang sa
pagtatanim ng halamang ornamental, para sa
pamilya at
sa pamayanan

A. Pamantayang Naipamamalas ang pang-unawa sa kaalaman


Pangnilalaman
at kasanayan sa pagtatanim ng halamang
ornamental bilang isang gawaing
pagkakakitaan
B. Pamantayan sa Naisasagawa ang pagtatanim, pag-aani, at
Pagganap
pagsasapamilihan ng halamang ornamental
samasistemang pamamaraan
C. Pinakamahalagang Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim
Kasanayan sa
ng halamang ornamental, para sa pamilya at
Pagkatuto (MELC)
(Kung mayroon, isulat
sa pamayanan
ang EPP4AG-0a-2
pinakamahalagang
kasanayan sa
pagkatuto o MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon, isulat
ang pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Ang Halamang Ornamental
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a.Mga Pahina sa Gabay
ng Guro
MOST ESSENTIAL LEARNING
COMPETENCIES(MELC) MATRIX

b.Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag-
aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula sa
https://lrmds.deped.gov.ph/
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo para
sa mga Gawain sa Learner’s Packet
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN Think-Pair-Share
The 2D-2M Activitv
- Decide (Upon the problem/issue to be solved)
- Describe (The purpose ofthe strategy and
provide
guidelines for discussions)
- Model (tnsure that students understand how to
use
the strategy)
' Monitor (Support students as they work)
A. Introduction PAUNANG PAGSUBOK
(Panimula)
DECIDE
Isulat ang nawawalang titik upang mabuo ang
pangalan ng halamang ornamental na
makikita sa bawat larawan

BALIKAN
DISCRIBE
Bago tayo magismula sa ating aralin tungkol sa
mga halamang ornamental, tingnan at pag-
aralan ang mga larawan na nasa ibaba.
Ano ang mga halaman na nasa itaas? Ito ay
halimbawa ng mga halamang ornamental.
Ang halamang ornamental ay ang mga
halaman na pinatutubo at ginagamit bilang
palamuti o pampapaganda ng lugar. Dahil sa
taglay na ganda ng mga bulaklak at dahon ng
mga halamang ornamental, ito ay kalimitang
itinatamin at pinalalago sa mga hardin o kaya
naman sa mga tanawin (landscapes) upang
magbigay ng dagdag ganda sa isang lugar o
tanawin.

ARALIN
MODEL
ARALING PABLIPUNAN INTEGRATION
Magandang araw mga bata! Ngayon ay
maglalakbay tayo sa daigdig ng mga
halamang ornamental. Bibisitahin natin ang
iba’t ibang hardin kung saan makikita ninyo
ang mga naggagandahang bulaklak at mga
puno. Sa inyong paglalakbay dapat ay
mabigyan nyo ng pansin at matutunan ang
mga sumusunod: Mga kasanayan at kaalaman
sa pagtatanim ng halamang ornamental
bilang isang pagkakakitaang gawain Mga
pakinabang sa pagtatanim ng halamang
ornamental para sa pamilya at pamayanan
Gawain sa Pagkatuto 1: Isulat ang
nawawalang titik upang mabuo ang pangalan
ng halamang ornamental na makikita sa bawat
larawan.
Mga Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang
Ornamental
Bakit tayo nagtatanim ng mga halamang
ornamental? May makukuha ba tayong
kapakinabangan mula dito? Ano ang
naitutulong ng pagtatanim ng mga halamang
ornamental sa pamilya at pamayanan?
Maraming kapakinabangang naidudulot sa
mga mag-anak at pamayanan ang
pagtatanim ng halamang ornamental. Isa na
rito ang pagpapaganda ng mga bakuran dahil
sa mga bulaklak at dahon nito na nagtataglay
ng magagandang kulay. Nililinis ng mga puno
ang maruruming hangin na nagiging sanhi ng
polusyon at ginagawa nitong sariwa ang
hangin sa kapaligiran. Higit sa lahat kung ito ay
magiging isang gawaing pangkabuhayan,
makatutustos ito sa mga pang araw araw na
gastusin ng pamilya. 1. Nakapipigil sa Pagguho
ng Lupa at Baha
Kumakapit ang mga ugat ng mga punong
ornamental sa lupang taniman kaya
nakakaiwas sa landslide o pagguho ng lupa.
Ang mga punong ornamental ay nakatutulong
din sa pagingat sa pagbaha dahil sa tulong ng
mga ugat nito.

Sa gamit ng mga halaman/ punong


ornamental, nakakaiwas sa polusyon ang
pamayanan sa maruruming hangin na
nagmumula sa mga usok ng sasakyan,
sinigaang basura, masasamang amoy na kung
saan nalilinis ang hangin na ating nilalanghap.
2. Naiwasan ang Polusyon
May mga
matataas at mayayabong na halamang
ornamental gaya ng kalachuchi, ilang-ilang,
pine tree, fire tree, at marami pang iba na
maaaring itanim sa gilid ng kalsada, kanto ng
isang lugar na puwedeng masilungan ng mga
tao. Bukod pa rito sinasala pa ng mga punong
ito ang maruruming hangin sanhi ng usok ng
tambutso, pagsusunog at napapalitan ng
malinis na oksiheno (oxygen) na siya nating
nilalanghap.
3. Nagbibigay ng lilim at sariwang hangin

Maaaring maibenta ang mga halamang


ornamental na hindi naitanim o magpunla o
magtanim sa paso sa mga itim na plastik bag o
lata ng mga halamang ornamental na
puwedeng ibenta. Ito ay nagiging pera para
panustos sa pang arawaraw na gastusin
4. Napagkakakitaan
Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga
halamang ornamental sa paligid ng tahanan,
parke, hotel, mall, at iba pang lugar, ito ay
nakatatawag ng pansin sa mga dumadaan na
tao lalo na kung ang mga ito ay namumulaklak
at mahalimuyak.
5. Nakakapagpaganda ng Kapaligiran

MGA PAGSASANAY
Pag-aralan ang mga larawan at sagutan ang
B. Development mga katanungan sa ibaba. Mga katanungan:
(Pagpapaunlad) 1. Base sa mga lawaran sa itaas, saan saan
natin ginagamit ang halaman?
______________________________________________
___________________
______________________________________________
___________________ 2. Nakakapagapaganda
ba ng ating kapaligiran ang mga halaman?
Patunayan ang iyong sagot.
______________________________________________
___________________
______________________________________________
___________________ 3. Ano pa ang pwedeng
pakinabang ng halaman bukod sa maari
nating gamiting palamuti sa ating tahanan at
ibenta upang mapagkakitaan?
______________________________________________
___________________
______________________________________________
___________________

PAGLALAHAT
Gamit ang magazines at iba pang
babasahin, gumupit o gumuhit at mag
collage ng mga halamang ornamental na
maaaring itanim sa isang landscape
C. Engagement
(Pagpapalihan)
garden. Ang iyong collage ay
mamarkahan sa pamamagitan ng rubrics
sa ibaba.
D. Assimilation PAGSUSULIT
(Paglalapat)
MONITOR
A.Suriin ang mga pangungusap. Piliin ang Tama
kung ang pangungusap ay nagsasaad ng
katotohanan at Mali kung hindi katotohanan.
_______1.Ang pagtatanim ng mga halamang
ornamental ay nakatutulong sa pagbibigay ng
malinis na hangin.
_______2. Ang mga halamang ornamental ay
walang naidudulot na mabuti sa pamilya at
ibang tao sa pamayanan.
_______3. Maaaring ipagbili ang mga itatanim
na halamang ornamental.
_______4. Nakapagbibigay kasiyahan sa
pamilya at pamayanan ang pagtatanim ng
mga halamang ornamental.
_______5.Nakasisira ng kapaligiran ang
halamang ornamental
B. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

6. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran


ang pagtatanim ng halamang ornamental sa
pamilya at pamayanan?
A. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at
pamayanan
B. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya
C. Lahat ng mga sagot sa itaas
D. Nagpapaunlad ng pamayanan.

7. Ang sumusunod ay mga kapakinabangan sa


pagtatanim ng mga halamang ornamental
maliban sa isa?
A. Nagbabawas ito ng maruming hangin sa
kapaligiran B. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa
pamilya.
C. Nagiging libangan ito na makabuluhan.
D. Nagpapababa ito ng presyo ng mga bilihin
sa palengke.

8. Paano makatutulong sa pagsugpo ng


polusyon ang pagtatanim ng mga halamang
ornamental?
A. Naiiwas nito na malanghap ng mga tao sa
pamayanan at ng ating pamilya ang
maruming hangin sa kapaligiran.
B. Lahat ay tamang sagot
C. Nalilinis nito ang maruming hangin sa
kapaligiran.
D. Naiiwasan nito ang pagguho ng lupa at
pagbaha.

9. Ang mga halaman sa ibaba ay ginagamit


bilang palamuti sa loob ng ating tahanan,
maliban sa isa?
A. Fortune Plant
B. Rosas
C. Narra
D. Sampaguita

10. Ang mga halamang ornamental ay


nakatutulong hindi lamang sa atin kundi sa
ating kapaligiran. Alin sa mga ito ang mabuting
naidudulot ng halamang ornamental?
A. napipigilan nito ang pagguho ng lupa.
B. nakadadagdag ng polusyon ang halamang
ornamental
C. Nakasisira ito ng lupa
D. Nakatutulong ito sa paglala ng baha.
V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na__________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

Inihanda ni:
Ipinasa kay:

You might also like