You are on page 1of 12

4

EPP Agriculture
Modyul 2:
Pakinabang ng Pagtatanim ng
Halamang Ornamental
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang maipamalas ang pangunawa sa kaalaman
at kasanayan sa pagtatanim ng halamang ornamental bilang isang gawaing pagkakakitaan.

Matapos ang modyul na ito inaasahang matutuhan mo ang.

1. Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental sa pamilya at pamayanan.


(EPP4AG-0a-2)

Aralin Mga Pakinabang ng


Pagtatanim ng Halamang
1
Ornamental
Masarap manirahan sa kapaligirang maaliwalas at payapa. Ang pagtatanim ng halaman

ornamental ay maraming kapakinabangang naidudulot sa pamilya at pamayanan

Isa na rito ang pagpapaganda ng bakuran. Nililinis din nito ang maruming hangin
sanhi ng polusyon at ginagawang sariwa ang hangin. Higit sa lahat, kung ito a
isang magiging gawaing pangkabuhayan makatutustos ito ng mga pang-araw
araw na gastusin ng pamilya.

Ang mga kapakinabangang ito at malaki ang magiging bahagi hindi lamang s
sarili, pamilya bagkus sa bayan. Kaya, nararapat na magkaroon tayo ng kaalaman
sa mga kapakinabangan sa pagtatanim ng halamang ornamental.
Balikan
Pag-ugnayin ang mga larawan sa Hanay A at Hanay B tungkol sa mga kaalaman at
kasanayan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental.
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag -aaral upang
matalakay ang pakinabang ng pagtatanim ng halamang
ornamental sa pamilya at pamayanan.
Tuklasin
Basahin ang kuwento at sagutin ang sumusunod na tanong.

Siya si Lana, isang batang mahilig magtanim


ng mga halamang ornamental. Makikita mo ang
munti niyang hardin na may ibat ibang uri ng
halamang namumulaklak at di- namumulaklak.

Kaya naman naging maganda ang kanilang


bakuran dahil sa makukulay at mayayabong na
mga bulaklak at dahon nito. Katulong ni Lana
ang kanyang kapatid sa pag-aalaga ng kanyang
munting hardin. Araw-araw ay dinidiligan niya ang
mga ito at kung minsan ay kinakausap na tila isang
tao. Labis na kasiyahan ang naidudulot ng mga
halamang ito kay Lana at sa kanyang pamilya.

Mga Tanong:
a. Sino ang batang mahilig magtanim ng halaman?
b. Anu-anong uri ng halaman ang makikita sa kanyang hardin?
c. Anu-ano ang mga pakinabang ni Lana sa pagtatanim ng mga halamang
ornamental?
d. May maganda bang naidulot sa pamilya ni Lana ang pagtatanim ng mga
halamang ornamental?
e. Sa iyong palagay, masaya ba si Lana sa pagtatanim ng mga halamang
ornamental? Bakit?

Suriin
Ang mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental ay ang mga sumusunod:

1. Mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang


ornamental.
❖ Kumakapit ang mga ugat ng mga punong ornamenetal
sa lupang taniman kaya napipigilan ang landslide o
pagguho ng lupa. Ang mga punong ornamental ay
nakatutulong din sa pag-iwas sa pagbaha dahil sa
tulong ng mga ugat nito.

2. Naiiwasan ang polusyon

❖ Sa gamit ng halaman/punong ornamental, nakaiwas sa


polusyon ang pamayanan sa maruruming hangin na
nagmumula sa mga usok ng sasakyan, sinigaang basura,
masasamang amoy na kung saan nalilinis ang hangin na
ating nilalanghap.

3. Nagbibigay lilim at sariwang hangin ❖ May mga matataas


at mayayabong na halamang ornamental gaya ng
kalachuchi, ilang-ilang, pine tree, fire tree, at marami pang
iba na maaaring itanim sa gilid ng kalsada, kanto ng isang
lugar na puwedeng masilungan ng mga tao. Bukod pa rito
sinasala ng mga punong ito ang maruruming hangin sanhi
ng usok ng tambutso, pagsusunog at napapalitan ng malinis
na oksiheno (oxygen) na siya nating nilalanghap.

4. Napagkakakitaan

❖ Maaaring maibenta ang mga tanim na halamang


ornamental. Magpunla o magtanim sa mga itim na
plastic bag o lata, ito ay maaring ibenta at maging
perang panustos sa pang-araw-araw na gastusin.

5. Nakapagpapaganda ng kapaligiran
❖ Sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halamang
ornamental sa paligid ng tahanan, parke, hotel, mall, at
iba pang lugar, ito ay nakatatawag ng pansin sa mga
dumadaan na tao lalo na kung ang mga ito ay
namumulaklak at mahalimuyak.

Pagyamanin
Gumuhit ng bulaklak kung ang pangungusap ay nagsasaad ng pakinabang sa pagtatanim
ng halamang ornamental at dahon kung hindi.
_____1) Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay isang
gawaing nagiging pinagkakakitaan ng pamilya.
_____2) Ang mga halamang ornamental ay nagdudulot ng polusyon
sa kapaligiran
_____3) Nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng mga
halamang ornamental.
_____4) Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay
nakatutulong sa pagpigil ng pagguho ng lupa.
_____5) Ang mga halamang punong ornamental ay nagbibigay ng
sariwang hangin.
_____6) Nagbibigay ng lilim at sariwang hangin ang mga halamang
ornamental.
_____7) Sinasala ng mga puno ang maruming hangin sanhi ng
usok ng mga sasakyan at pagsusunog ng mga basura.
_____8) Kapansin-pansin ang mga halamang ornamental dahil
sa makukulay na mga bulaklak at dahon nito.
Maaring ibenta ang mga tanim na halamang
_____9) ornamental.
_____10) Malaking kapakinabangan ang naidudulot ng
pagtatanim ng mga halamang ornamental.

Isaisip
Basahin ang maikling tula. Punan ng tamang salita ang patlang upang
mabuo ang tula. Piliin ang sagot sa loob ng bulaklak na makikita sa ibaba.
HALAMANG ORNAMENTAL
___________________ ay ating itanim.
Nagpapaganda ito sa ________________ natin.
__________nito ang ________________ hangin.
Kung kaya’t _____________ ay naiiwasan natin.

Pagguho ng lupa ay pinipigilan din.


Pagbaha ng tubig ay naiiwasan din.
Kaya’t ito ay _________________________ na gawain.
Hindi lamang sa ____________ maging sa _______________ din.

Halamang ornamental ay naipagbibili rin.


Ito’y nagsisilbing ______________________ natin.
Pangangailanagan ng pamilya ay natutustusan man din
Kung kaya’t malaking ______________ ang naibibigay sa atin.

Isagawa
Panuto: Gumuhit ka ng isang larawan na tumutugon sa pakinabang na dulot
ng pagtatanim ng mga halamang ornamental sa pamilya o pamayanan. Maaari
kang pumili sa mga sumusunod na pakinabang ng pagtatanim ng halaman sa
pamilya o pamayanan.

1. Nakapipigil sa pagguho ng lupa at pagbaha.


2. Naiiwasan ang polusyon.
3. Nagbibigay lilim at sariwang hangin.
4. Napagkakakitaan.
5. Nakapagpapaganda ng kapaligiran.
Rubriks sa Pagguhit
Tayahin ang iginuhit na larawan batay sa sumusunod na pamantayan. Lagyan ng tsek (✓)
sa puntos na naaayon sa mga sumusunod na pamantayan.

Puntos

Pamantayan 5 4 3 2 1

1. May kahulugan ang iginuhit at may pagkaka-ugnay


ng detalye, organisado.

2. Malinaw ang layunin, nasa pokus

3. Gumamit ng malikhain at angkop na mga larawan


at lubos na nauunawaan

Kabuuang Puntos:

Pagpapakahulugan
12-15 = Napakahusay
8-11 = Mahusay
5-7 = Mahusay-husay
1-4 = Kailangan pang Magsanay

Tayahin
Panuto: Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Maari mo itong
ipawasto sa iyong kamagaral.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naidudulot na pakinabang sa


pagtatanim ng mga halamang ornamental?

a. Napagkakakitaan.

b. Nagpapaganda ng kapaligiran.

c. Nagbibigay liwanang.

d. Naglilinis ng maruming hangin.


2. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng
halamang ornamental sa pamilya at pamayanan?

a. Nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan.

b. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya.

c. Nagpapaunlad ng pamayanan.

d. Lahat ng mga sagot sa itaas.

3. Paano nakatutulong sa pagsugpo ng polusyon ang pagtatanim ng


halamang ornamental?

a. Nililinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran.

b. Naiiwaas nito na malanghap ng pamilya at pamayanan ang


maruming hangin sa kapaligiran. c. A at b

c. Walang tamang sagot.

4. Alin sa mga sumusunod na gawain ang HINDI kapakipakinabang na gawain


sa pagtatanim ng mga halamang ornamental?

a. Pararamihin ko ito at ipagbibili upang pagkakitaan ng aming pamilya.

b. Iinggitin ko ang aming kapitbahay sa aking mga tanim na halamang


ornamental.

c. Mamamahagi ako ng mga tanim kong halamang ornamental.

d. Gagawin ko itong isang libangan.

5. Sa iyong palagay, ang pagtatanim ba ng mga halamang ornamental ay


magbibigay ng pakinabang sa pamilya at pamayanan? Bakit? a. Oo, dahil
ito ay isang gawaing kapaki-pakinabang.

b. Hindi, sapagkat maaari itong magdulot ng sakit sa pamilya.

c. Hindi, sapagkat nasasayang lamang ang oras sa pagtatanim ng mga


halamang ornamental.

d. Hindi, sapagakat nakapagpaparumi lamang ito ng kapaligiran.


Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas, Edukasyong
Pantahanan at

Pangkabuhayan Curriculum Guide

Samadan, Eden, Marlon Lalaguna, Virgilio Laggui, Marilou Marta,


Dolores Lavilla,
Imelda Garcia, and Bernie Dispabiladera et al. Edukasyong

Pantahanan At Pangkabuhayan- Ikaapat Na Baitang Kagamitan Ng

Mag-Aaral. 1st ed. Pasig City: FEP Printing Corporation, 2019. pp.6

Samadan, Eden, Marlon Lalaguna, Virgilio Laggui, Marilou Marta,


Dolores Lavilla,

Imelda Garcia, and Bernie Dispabiladera et al. Edukasyong

Pantahanan At Pangkabuhayan- Ikaapat Na Baitang Gabay ng


Guro. 1st ed. Pasig
City: FEP Printing Corporation, 2019

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like