You are on page 1of 7

Filipino IV

Ikatlong Markahan
LEARNING ACTIVITY SHEET
Pangalan: ____________________________________________ Petsa:_________ Score: __________

Gawaing Pagkatuto Paggamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos

Panimula (Susing Konsepto)


Ang pang-abay ay mga salitang naglalarawan ng pandiwa, pang-uri o kapuwa pang-
abay.

Tatlong Uri ng Pang-abay:


1. Pang-abay na pamaraan- ay sumasagot sa tanong na Paano. Ginagamit itong panuring

sa pandiwang pang-uri at kapuwa pang-abay.


2. Pang-abay na pamanahon- ay mga salitang naglalarawan kung kalian naganap ang

kilos o gawain. Sumasagot ito sa tanong na Kalian. Ito ay may apat na uri.
- Payak: bukas, mamaya, ngayon

- Maylapi: kagabi, samakalawa

- Inuulit: araw-araw, gabi-gabi

- Parirala: noong nagdaang lingo, sa susunod na bakasyon

3. Pang-abay na panlunan- ay tumutukoy sa lugar na pinangyarihan ng


kilos.sumasagot ito sa tanong na Saan. Ito ay pinangungunahan ng salitang sa.
Halimbawa:
Pamaraan- Matiyaga niyang ipinaunawa ang mga aral sa kuwento.
Paano niya ipinaunawa ang mga aral sa kuwento? Matiyaga Pamanahon-
Maagang gumising si Lolo Isko.
Kailan gumising si Lolo Isko? Maaga
Panlunan- Mas gusto niyang manirahan sa Pilininas.
Saan niya mas gustong manirahan? Sa Pilipina
Ang mga salitang naglalarawan kung Paano, Kailan, at Saan ginawa ang kilos ay tinatawag
na pang-abay.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. 1


Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos (F4WG-IIIa-c-6)

Gawain 1
1. Maingat na ibinalik niya ang alahas sa lalagyan nito.

2. Ang tagahatid-sulat ay mabilis maglakad.

3. Sumagot nang pasigaw ang tsuper ng dyip.

4. Dali-dali niyang kinain ang kanyang almusal.

5. Ang mag-anak ko ay tahimik na namumuhay sa probinsiya

6. Ang mga damit ay itiniklop ni Weng nang maayos.

7. Masipag na nag-aaral ang mga kapatid ko.

8. Ang mga liham na iyan ay binasa niya nang palihim.

9. Kalayaan ang taimtim na hinahangad ng mga tao.

10. Dalus-dalos nilang ibinaba ang mga kahon mula sa trak.

Gawain 2
Panuto: Bilugan ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.
1. Susunduin ko si Nanay sa istasyon ng bus.

2. Nagbakasyon kami sa Tagaytay noong Disyembre.

3. Si Christina ay pumunta sa Canada para bisitahin ang kanyang mga kamag-anak.

4. Sa silid-aklatan ko sila nakita na nagsasaliksik.

5. Ang Pista ng Pahiyas ay ipinagdiriwang tuwing Mayo sa bayan ng Lucban, Quezon.

6. Nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas ang panganay na anak ni Dra. Reynaldo.

7. Bumili ng gamot sa botika si Ate Cheryl para sa kanyang anak.

8. Inihatid namin sa Philippine General Hospital si Lola Conchita kahapon.

9. Tuwing hapon ay nagtitipon ang mga kalaro namin sa palaruan.

10. Sabay-sabay kumakain ng tanghalian sa kantina ang tatlong magkakapatid

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. 2


Gawain 3

Panuto: Salungguhitan ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap. Bilugan ang


pandiwa na inilalarawan ng pang-abay na ito.

1. Binabasa ni Liza ang mga bagong aralin gabi-gabi.

2. Manonood kami ng sine sa darating na Linggo.

3. Si Jose ay darating mula sa Cavite samakalawa.

4. Araw-araw siyang nakikinig sa radyo.

5. Aalis mayamaya ang bus na papuntang Bikol.

6. Nagkita kami ni Marie noong kaarawan ni Justine sa Jollibee.

7. Namalengke kami ni Ate Daria kanina.

8. Ipinalabas kagabi sa telebisyon ang pelikulang Spider-Man.

9. Magsisimula bukas ang aming pagsusulit sa paaralan.

10. Hindi ka kasi nakikinig sa mga magulang mo kaya parati kang sinasabihan.

Gawain 4

Panuto: Salungguhitan ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap.

1. Binabasa ni Liza ang mga bagong aralin gabi-gabi.

2. Manonood kami ng sine sa darating na Linggo.

3. Si Jose ay darating mula sa Cavite samakalawa.

4. Araw-araw siyang nakikinig sa radyo.

5. Aalis mayamaya ang bus na papuntang Bikol.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. 3


6. Nagkita kami ni Marie noong kaarawan ni Justine sa Jollibee.

7. Namalengke kami ni Ate Daria kanina.

8. Ipinalabas kagabi sa telebisyon ang pelikulang Spider-Man.

9. Magsisimula bukas ang aming pagsusulit sa paaralan.

10. Hindi ka kasi nakikinig sa mga magulang mo kaya parati kang sinasabihan.

Pangwakas na Gawain

Panuto: Punan ng angkop na pang-abay ang patlang sa pagungusap. Piliin ang


sagot sa loob ng kahon.

1. Nang na ay pauwi na ang mga


namamasyal

2. Pumunta ang tatay upang mamingwit ng isda.

3. ay namimitas ang nanay ng talong .

4. nagpulong ang mga kabataan noong .

5. nagtanim ng mga halamang bulaklakin si Glenda .

araw-araw sa parke masiglang sa bakuran Lunes


sa plasa sa gulayan hatinggabi sa ilog kanina

Mga Sanggunian:

Hiyas sa Wika 5, pp.161-163

© 2013 Pia Noche samutsamot.com

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. 4


Gawain 2

1. Maingat 6. maaayos

2. mabilis 7. masipag

3. pasigaw 8. palihim

4. Dali-dali 9. taimtim

5. tahimik 10. Dalus-dalos

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. 5


Gawain 3

1. sa istasyon ng bus

2. sa Tagaytay

3. sa Canada

4. sa silid-aklatan

5. sa bayan ng Lucban Quezon

6. sa unibersidad ng Santo Tomas

7. sa botika

8. sa Philippine General Hospital

9. sa palaruan

10. sa kantina

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. 6


Gawain 5
gabi-gabi
sa darating na Linggo
Araw-araw
mayamaya
noong kaarawan
kanina kagabi
bukas parati

amakalawa
Pangwakas na Gawain
1. hatinggabi sa parke
2. sa ilog Lunes
3. araw-araw sa gulayan
4. masigla sa plasa
5. sa bakuran kanina

Inihanda ni:
Gng. REBECCA R. ABEDES, T3
Calaoagan Dackel Elementary School
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times. 7

You might also like