You are on page 1of 135

ESP 4 D

A
Pagiging Bukas Palad Y
1

Quarter 2 Week 5
Balik-aral
Lagyan ng puso ( ) ang bilang kung
nagpapahayag ng pang-unawa sa kapuwa, bilog
( ) naman kung hindi. Isulat ito sa iyong
sagutang papel. _______1. May puso ako para
gamitin sa pagmamahal sa kapuwa sa oras ng
kaniyang kalungkutan.
Balik-aral
_______2. Higit sa lahat ang pagtulong sa
kapuwa ay dapat ugaliin.
_______3. Hindi ko pinapakialaman ang
problema ng iba.
_______4. Ganun talaga ang buhay, minsan
masaya minsan naman malungkot.
Balik-aral
_______5. Tahan na, hayaan mo darating din
yun. Halika, maglaro muna tayo.
Pangganyak
Ano ang ibig sabihin ng dalawang palad na
ito?
Paglalahad
Basahing mabuti ang seleksyon sa ibaba.
Sina Matt at Sherilyn, Ang mga Batang
Matulungin
Isinulat ni Agnes D. Nocos
Habang naglalakad pauwi mula sa paaralan ang
magkaibigang Matt at
Sherilyn, bigla nilang naalala ang isa pa nilang
kaklase na si Maria.
Paglalahad
Matt: Sherilyn, paano ba natin matutulungan
sina Maria at ang
kapatid niya? Ilang linggo na rin kasi silang
hindi pumapasok sa paaralan.
Sherilyn: Oo nga Matt. Kawawa naman sila.
Maraming leksiyon na ang hindi nila
natutuhan dahil maraming araw na silang
liban sa klase.
Paglalahad
Matt: Halika, kausapin natin si Gng. Reyes
para isangguni ang
sitwasyon nina Maria.
Sherilyn: Magandang umaga po Gng Reyes!
Maaari po ba namin
kayong makausap tungkol kay Maria?
Paglalahad
Gng. Reyes: Oo, bakit ano ang problema ni
Maria?
Matagal na siyang liban sa klase ahh.
Bibisitahin ko na nga siya bukas para
makumusta at malaman na rin ang dahilan
kung bakit siya liban sa klase ng ilang araw
na.
Paglalahad
Sherilyn: Kapitbahay po namin sina Maria.
Nawalan po
kasi ng trabaho ang kaniyang tatay. Tanging
paglalabada lamang ng kaniyang nanay ang
pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay sa
araw-araw.
Paglalahad
Gng. Reyes: Sige samahan ninyo ako bukas.
Pupunta tayo sa kanilang bahay.
Matt: Sige po Gng. Reyes.
Kinabukasan pagkatapos ng klase, pumunta
sina Gng. Reyes, Matt at Sherilyn sa bahay
nina Maria.
Paglalahad
Naabutan nilang naglalaba ang nanay ni Maria
at nagbubungkal naman ng lupa ang tatay nito
sa kanilang bakuran.
Paglalahad
Gng. Reyes: Magandang umaga po! Ako po
ang guro ni Maria. Nais ko lang po siyang
kumustahin at alamin na rin po kung bakit
napapadalas ang kaniyang pagliban sa klase
nitong mga nakaraang araw.
Paglalahad
Gng. Perla: Magandang umaga din po Gng. Reyes.
Pasensiya na po kung palaging liban sa klase ang anak
ko. Madalas po kasi na kahit almusal ay wala siyang
makain. Minsan nga kahit pananghalian wala rin. Wala
kasing
trabaho ang tatay niya at yung kinikita ko sa
paglalaba ay ibinibili ko muna ng gamot ng
kaniyang bunsong kapatid kaya nawawalan
na ng pambili ng pagkain.
Paglalahad
Gng. Reyes: Papasukin niyo na po sina Maria bukas at
sa mga darating pang mga araw. Isasama ko po sila sa
feeding program ng paaralan. Dalawang beses po
nagpapakain sa mga bata ang programa. Sa ganoong
paraan maiiwasan na nila ang palagiang pagliban sa
klase at makakakain pa sila kahit papaano.
Paglalahad
Tutulungan ko rin po kayo na maipalista at
maisali ang dalawa niyong anak sa 4 P’s na
programa ng ating gobyerno.
Paglalahad
Gng. Perla: Sige po Ma’am papapasukin ko na po sila
simula bukas. Maraming salamat po sa tulong ninyo.
Pati na din sa inyong dalawa,
Matt at Sherilyn. Salamat sa pagiging matulungin
ninyo.
Paglalahad
Matt: Wala po iyon, sige po. Magkikita-kita na
lamang po kami nina Maria bukas sa
paaralan.
Umuwing may ngiti sa mga labi ang
magkaibigang Matt at Sherilyn. Batid nila
na may nagawa silang maganda sa araw na iyon
Paglalahad
Gng. Reyes: Binabati ko kayong dalawa. Napakabait at
napaka- matulungin ninyo.
Masaya ako para sa inyo. Sana lahat ng bata maging
katulad ninyo.
Paglalahad
Matt at Sherilyn: Walang anuman po Gng. Reyes.
Salamat din po at sinamahan nyo po kami para
makausap ang nanay ni Maria
Pagtatalakay
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang dahilan kung bakit lumiban ng ilang araw sa
klase si Maria?
A. Nagbakasyon siya sa Maynila
B. Nag-aalaga ng maysakit na kapatid
C. Tumulong sa tatay sa pagtatanim sa bakuran
D. Walang makain dahil nawalan ng trabaho ang ama at
maysakit ang kapatid
Pagtatalakay
2. Ano ang pansamantalang ikinabubuhay ng
pamilya ni Maria?
A. Pagtatanim
B. Pagtitinda ng kakanin
C. Paglalabada sa kapitbahay
D. Pagtitinda ng isda sa palengke
Pagtatalakay
4. Tama ba ang hakbang na ginawa ni Gng. Reyes?
Bakit?
A. Hindi ako sigurado
B. Mali, dahil ipahihiya niya lang ang pamily ni Maria.
C. Mali, dahil wala naming mabuti ang idudulot ang
kaniyang pagtulong.
D. Tama, dahil maiiwasan na ng magkapatid ang
madalas na pagliban sa klase
Pagtatalakay
5. Sa paanong paraan nakatulong sina Matt at
Sherilyn sa kalagayan ni Maria?
A. Idinulog nila sa kanilang guro ang kalagayan
nina Maria at walang pag-aatubiling tinugunan
naman ito ng kanilang butihing guro
Pagtatalakay
B. Inilapit nina Sherilyn ang kalagayan nina Maria
sa isang foreigner na nagbabakasyon sa kanilang
bayan.
C. Isinangguni nina Sherilyn ang kalagayan ng
pamilya ni Maria sa DSWD.
D. Humanap sila ng magiging sponsor nina Maria
sa internet.
Gawain 1
Isulat ang Tama o Mali.
1.Maging handa sa lahat ng oras sa anumang
sakuna o kalamidad.
2. Panatilihing maging mahinahon sa oras ng
kagipitan at kalamidad.
Gawain 1
3. Tinutulungan ang mga kakilala lamang.
4. Magmadaling lumangoy sa gitna ng
rumaragasang baha.
5. Nagbibigay ng kondisyon bago magbigay ng
tulong.
Gawain 2
Isulat ang Tama kung nagpapakita ng pagiging
bukas palad sa kapwa at Mali kung hindi.
1. Piliin lamang ang mga tutulungan biktima ng
kalamidad.
Gawain 2
2. Tanging pinaglumaang damit lamang ang
ibahaging donasyon.
3. Magboluntaryo sa pag-repack ng mga relief
goods sa DSWD Center.
4. Tumulong lamang kung may media coverage sa
inyong lokalidad.
Gawain 2
5. Patuloy na ipanalangin ang mga nasalanta ng
kalamidad.
Paglalapat
Isulat sa loob ng puso ng batang si Maria ang bilang ng
mga pahayag na nasa loob ng kahon sa ibaba ibaba na
nagpapakita ng pagiging bukas-palad sa kapuwa.
Paglalapat
1. Isinasara ang pinto ng bahay sa tuwing may
nagka-caroling.
2. Namimigay ng pamasko sa mga bata tuwing
araw ng Pasko.
Paglalapat
3. Tumutulong sa pagsagip ng mga biktima ng
baha at landslide.
4. Ibinabahagi ang biyayang natanggap sa mga
taong nangangailangan.
5. Lumalayo sa mga taong kapus-palad.
Paglalahat
Likas sa ating mga Pilipino ang
pagiging bukas-palad o
pagkamatulungin nang walang
inaasahan o hinihintay na kapalit sa
mga taong higit na nangangailangan.
Paglalahat
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang
mga mag-aaral ay inaasahan na: -
naisasabuhay ang pagiging bukas-palad
sa mga nangangailangan; - at sa
panahon ng kalamida
Pagtataya
Panuto: Lagyan ng marking tsek (/) kung ang
sitwasyon ay nagpapakita ng pagtulong o pagtugon
sa pangangailangan ng iyong kapuwa at ekis (x)
kung hindi.
1. Pinatuloy ni Josefa sa kanilang malaking bahay
ang pamilya ng kaniyang kaibigan noong
nakaraang bagyong Ulysses.
Pagtataya
2. Namigay ng mga delata, bigas at tubig ang
mga opisyal ng barangay isang araw matapos
ang bagyo.
3. Hindi pinansin ni Roden ang matanda na
galing sa malayong lugar na humihingi ng
maiinom na tubig.
Pagtataya
4. Nag-abot ng tulong pinansyal sa mga taga –
Albay ang gobernador ng Naga City sa mga
nasalanta ng bagyong Tisoy.
5. Hindi pinansin ni Aling Nita ang pagkatok
ng kanilang kapitbahay noong kasagsagan ng
bagyong Ulysses
ESP 4 D
A
Pagiging Bukas Palad Y
2

Quarter 2 Week 5
Balik-aral
Paano mo maipakikita ang pagkamahinahon sa
anumang oras, lugar, o sa anumang
pagkakataon lalo na sa pagtanggap ng sariling
pagkakamali at pagtutuwid nang bukal sa loob
Pangganyak
Alin sa larawan ang nagpapahayag ng bukas
palad?
Paglalahad
Ang nakakuyom na palad ay posisyon ng
kamay o palad na walang pagnanais na
magbigay. Taliwas ito ng kamay o palad na
nakabukas dahil ito ay nasa posisyon upang
magbigay. Kaya’t ang pagbibigay o ang
pagiging matulungin ay tinatawag na pagiging
bukas-palad.
Paglalahad
Hindi lahat ng tao ay may kakayahang
tugunan ang sarili nilang pangangailangan.
Dahil dito, sila ay itinuturing o tinatawag na
mga nangangailangan. May pagkakataon din
na ang mga nangangailangan ay biktima ng
mga kalamidad o kaya’y trahedya,
Paglalahad
Hindi lahat ng tao ay may kakayahang tugunan
ang sarili nilang pangangailangan. Dahil dito, sila
ay itinuturing o tinatawag na mga
nangangailangan. May pagkakataon din na ang
mga nangangailangan ay biktima ng mga
kalamidad o kaya’y trahedya, tulad ng bagyo,
lindol, pagbaha, sunog at iba pa.
Paglalahad
Sila ay pansamantalang walang kakayahan na
tugunan ang kanilang pangangailangan dahil sa
kanilang kinakaharap na sitwasyon.
Paglalahad
Nangangailangan sila ng tulong o pagkalinga mula
sa mga taong may kakayahan upang magbigay
nito. Kailangan nila ng kapuwa na
magmamalasakit at bukas-palad na tumulong
upang muli silang makabangon sa buhay.
Paglalahad
Maraming paraan kung paano mo maisasabuhay
ang pagiging bukas-palad, ang pagiging
mapagbigay o matulungin. Ang pagiging
mapagbigay ay nangangahulugang paggamit ng
ating oras, pera, talento at iba pang mga yaman na
ibinibigay ng Diyos upang tayo ay makatulong sa
ibang tao.
Paglalahad
Bagama’t ikaw ay bata pa kaya mong isabuhay
ang pagiging bukaspalad. Sa iyong simpleng
pamamaraan at kakayahang taglay maaari kang
makatulong sa mga nangangailangan. Balikan mo
ang larawan/ilustrasyon sa unahan nito.
Paglalahad
Tandaan na ang palad o kamay na nakabukas ay
siya ring kamay o palad na nakatatanggap.
Gawain 1
Kopyahin at sagutin ang Gawain sa iyong
sagutang papel. Lagyan ng tsek (/) ang hanay
ng tamang sagot.
Gawain Tama Mali
1. Nagdadamot ako ng tulong kapag may nanghihing lalo na sa mga nasalanta
ng bagyo at baha.
2. Buo sa puso ko ang pagtulong at pagmamalasakit xa kaklala.
3. Inaalala ko ang kaklase kong nalubog ang bahay sa baha.
4. Hinihikayat ko ang aking mga kaibigan at kaklase na magbigay nang abot-
kayang tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Bicol Region.
5. Nagiging sensitibo ako sa pangangailangan ng kaklase kong naapektuhan ng
COVID 19.
Gawain 2
Lagyan ng tsek kung tama at ekis kung mali.
1.Pinag-iisipang mabuti ang anumang
desisyon bago ito gawin.
2. Tinutulungan ang mga nasalanta ng bagyo
sa pamamagitan ng pagbibigay ng damit at
pagkain.
Gawain 2
3. Magbigay ng pagkain sa halip na pera sa
mga batang nagpapalimos sa lansangan.
4. Humihingi ng kapalit kapag nagbibigay ng
tulong sa kapuwa.
Gawain 2
5. Hikayatin ang pamilya na magluto ng
makakain na dadalhin sa evacuation center.
Gawain 3
Punan ng angkop na salita ang mga patlang para
mabuo ang talata.
Mapagbigay bukas palad masaya
kapuwa
Bukal sa kalooban
_____________ sa pakiramdam ang makatulong
ng bukal sa kalooban sa ating ___________.
Gawain 3
Ang pagiging ______________ ay
nangangahulugan ng pagiging ______________.
Ang pagtulong sa kapuwa kapag
_______________ay may dobleng biyaya na
matatanggap mula sa Diyos.
Paglalapat
Kopyahin ang mga pahayag na nagpapakita ng
pagiging bukas palad sa kapwa.
1. Tumatanggi kapag may batang humihingi
ng pagkain.
Paglalapat
2. Ipinagdarasal ang kapuwang mahihirap na
makaahon sa kahirapan.
3. Lumalahok sa pagbalot ng mga relief goods
para sa mga biktima ng lindol.
Paglalapat
4. Nagbibigay ng kaunting halaga sa
pamilyang namatayan.
5. Sumasali sa pag-iingay sa barangay para
mabigyan ng tulong pinansiyal
Paglalahat
Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging
bukas-palad o pagkamatulungin nang walang
inaasahan o hinihintay na kapalit sa mga taong
higit na nangangailangan.
Paglalahat
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga
mag-aaral ay inaasahan na: -naisasabuhay ang
pagiging bukas-palad sa mga
nangangailangan; - at sa panahon ng kalamida
Pagtataya
Panuto: Lagyan ng marking tsek (/) kung ang
sitwasyon ay nagpapakita ng pagtulong o pagtugon
sa pangangailangan ng iyong kapuwa at ekis (x)
kung hindi.
1. Tumanggi si Adora na ibigay sa mga nasalanta
ng bagyo ang kaniyang mga lumang damit.
Pagtataya
2. Hindi alintana ng isang samahan ng mga mag-aaral
ang init, pagod at gutom, maihatid lamang ang kanilang
tulong sa mga biktima ng sunog.
3. Buong pusong pinatuloy ni Gng. Reyes sa kanilang
bahay ang pamilya ng kaniyag kaibigan nang biglang
bumaha sa kanilang barangay noong nakaraang taon.
Pagtataya
4. Bawat mag-aaral ay nagbigay ng tulong sa
mga nasalanta ng landslide at pagbaha sa Tiwi
Albay noong nakaraang Nobyembre, 2020
5. Ibinahagi ni Joy ang kalahati ng baon
niyang tinapay sa kaniyang kaklase dahil wala
itong baon.
ESP 4 D
A
Pagiging Bukas Palad Y
3

Quarter 2 Week 5
Balik-aral
Paano mo maipakikita ang pagkamahinahon
sa anumang oras, lugar, o sa anumang
pagkakataon lalo na sa pagtanggap ng puna
ng kapuwa nang maluwag sa kalooban?
Pangganyak
Paano niyo maipakita ang iyong pagiging
bukas palad sa nangangailangan?
Paglalahad
Basahin ang tula.
Ako’y Isang Batang Pinoy
ni: Myrasol D. Beltran
Sa iisang mundong ating ginagalawan,
iba’t ibang sitwasyon at pangangailangan,
na sa bawat isa ay siyang nakatadhana,
na ibinibigay sa atin ng Diyos na mapagpala.
Paglalahad
Katumbas ng suliranin ay mga taong matulungin,
na walang ibang isip kundi ika’y salubungin,
bukas-kamay parati sap ag-unawa at pagtulong,
pagmamahal at pagdamay ang siyang isinusulong.
Paglalahad
kung kaya’t aking paalala lag isa aking sarili
Nawa’y lagging isaisip at ipagmalaki,
ako’y may malaking puso sa kapuwa ko Pilipino,
handa lagi sa pagdamay sa kahit na sino.
Pagtatalakay
Sagutin:
1.Ano ang mensahe ng tula sa isang batang
tulad mo?
2. Bakit sa iyong palagay ay “Ako’y Isang
Batang Pinoy” ang nagging pamagat ng tula?
Pagtatalakay
3. Paano mo maipakikita ang pag-unawa sa
kapuwa sa oras ng pangangailangan?
Gawain 1
Gawin ng pangkatan.
Magbahagi ng isang karanasan o
makabuluhang pangyayari na iyong nagawa
na nagpapakita ng pag-unawa sa kalagayan o
pangangailangan ng iyong kapuwa.
Gawain 1
Maaari ito ay sa isang miyembro ng iyong
pamilya, kaibigan, o sinumang kakilala.
Gawin ito sa pamamagitan ng isang maikling
kuwento. Gawin ito sa sagutang papel.
Gawain 2
Isulat ang Tama o Mali ang ipinahahayag sa
bawat bilang.
1.Maging bukas palad ang isip at puso sap ag-
unawa sa kalagayan ng ibang tao.
2. Maging mapanghusga sa pinagdadaanan ng
iyong kapuwa.
Gawain 2
3. Isaisip ang pagdamay sa kapuwa sa
anumang oras at sa lahat ng pagkakataon.
4.Sisihin ang kaibigan sa kalagayan na
kaniyang kinakaharap at sabihing wala ng
solusyon sa kaniyang problema.
Gawain 2
5. Ang pagpapala ng Diyos ay palaging
ibinibigay sa mga taong nakakaunawa sa
kalagayan o pangangailangan ng ibang tao.
Paglalapat
Piliin at isulat ang mga bagay na iyong handang ibigay
bilang kagyat na tulong sa mga biktima ng kalamidad
sa inyong barangay.
Paglalahat
Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging bukas-
palad o pagkamatulungin nang walang inaasahan
o hinihintay na kapalit sa mga taong higit na
nangangailangan.
Paglalahat
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-
aaral ay inaasahan na: -naisasabuhay ang
pagiging bukas-palad sa mga nangangailangan; -
at sa panahon ng kalamidad.
Pagtataya
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod na mga kaugalian ang hindi nagpapakita ng
bukal sa loob na pagtulong?
A. Naghihintay ng kapalit sa ibinigay na tulong
B. Nagbibigay ng walang hinihintay na kapalit
C. Masayang nakapagbibigay ng tulong kahit alanganin sa oras
D. Hindi iniinda ang pagod at gutom, makapag-abot lang ng tulong
sa nangangailangan
Pagtataya
2. Ano ang kayang isakripisyo ng isang taong
bukas-palad?
A. pagdamay, pagmamahal at pag-aaruga
B. pera, oras, pagkain at talento
C. pang-unawa, lakas at sipag
D. lahat ng nabanggit
Pagtataya
3. Sino sa sumusunod na mag-aaral ang nagpapakita ng
pagka-mapagbigay?
A Si Charles na itinapon lang ang halos kalahati pa ng
kanyang baon sa basurahan sa halip na ibigay kay
Anton.
B Si Marlon na tiniis ang kapatid na hindi hatian ng
dalang pasalubong ng kanyang nanay.
Pagtataya
C Si Kate na ibinabahagi ang kanyang sobrang
baon sa kamag- aral.
D. Si Lianne na hindi pansin ang paghingi sa
kanya ng papel ni Ana.
ESP 4 D
A
Pagiging Bukas Palad Y
4

Quarter 2 Week 5
Balik-aral
Paano mo maipakikita ang pagkamahinahon sa
anumang oras, lugar, o sa anumang
pagkakataon lalo na sa pagpili ng mga salitang
si-nakasasakit ng damdamin sa pagbibiro?
Pangganyak
Sino sa inyo ang nakasali sa isang Community Pantry noong panahon
ng pandemya? Masarap bas a pakiramdam ang makatulong sa
nangangailangan?
Paglalahad
Basahin ang kuwento.
Ang Batang Matulungin na si Mayumi
Si Mayumi ay nagmula sa isang mahirap na
pamilya. Sila ay namumuhay ng payak at may
katapatan sa kanilang kapwa.
Paglalahad
Mapalad ang kaniyang pamilya dahil ang kaniyang mga
magulang ay hindi nawalan ng trabaho sa kabila ng
krisis na nararanasan sa COVID-19 na kung saan ang
ibang pamilya ay nawawalan ng hanap buhay. Ito ay
dahil sa pagsasara ng mga kompanyang kanilang
pinapasukan. Ito ay dahil na rin sa lockdown na
nararanasan.
Paglalahad
Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman, ang kaniyang
kapitbahay at kaibigan na si Rudy ay may kinakaharap
na suliranin sa kanilang pamilya. Mula sa magkabilang
bakod ay tinatanaw nila ang isa’t-isa at sila ay
nakakapagkuwentuhan. Hindi sila makapaglaro tulad ng
dati dahil kailangan nilang sundin ang social distancing.
Paglalahad
Isang araw sa kalagitnaan ng lockdown, nagbahagi si
Rudy ng kaniyang suliranin sa pamilya: “Mayumi,
kumusta kayo dyan? Ang
swerte mo naman, ang iyong tatay at nanay ay hindi
nawalan ng hanapbuhay. Mula noong naglockdown ay
tumigil na sa pagtatrabaho si nanay dahil nagsara ang
kanilang kompanya.
Paglalahad
Si Tatay naman ay hindi makapasada ng tricycle dahil
ito ay ipinagbabawal. Nauubos na ang natitirang ipon
nina nanay at tatay. Kaya tuwing umaga hindi na kami
nakakapag-almusal. Kaya nagugutom rin ako tuwing
umaga,” salaysay ni Rudy kay Mayumi.
Paglalahad
Kaya nagugutom rin ako tuwing umaga,” salaysay ni
Rudy kay Mayumi.
“Naku Rudy, nakakalungkot namang marinig iyan.
Hayaan mo at gagawa ako ng paraan para kayo ay
matulungan,” sagot ni Mayumi.
Sumapit na ang gabi at nakauwi na rin ang mga
magulang ni Mayumi. Agad niya itong nilapitan at
sinabing: “Nanay at Tatay, kailangan ko po ang inyong
tulong.
Paglalahad
Ang kaibigan ko po at kapitbahay nating si Rudy ay
hindi na nakakakain ng maayos sa kanilang bahay.
Alam ko na kaya po ninyong tulungan ang pamilya ni
Rudy. Batid ko rin po na sa ganitong munting paraan ay
matutulungan ko si Rudy at ang kaniyang pamilya.”
Paglalahad
Nagkatinginan ang mga magulang ni Mayumi at
tumugon ang kaniyang ina, “Anak, maraming salamat
sa pagtitiwala mo sa amin ng iyong tatay na
matulungan sina Rudy. Hayaan mo gagawa kami ng
paraan upang makapagbigay ng kanilang
pangangailangan sa araw-araw.”
Paglalahad
Nagliwanag ang mukha ni Mayumi at niyakap ang
kaniyang mga magulang ng may matatamis na ngiti.
“Maraming salamat po Nanay at Tatay. Napakaswerte
ko po at may mga magulang po ako na matulungin,”
ang lambing ni Mayumi. “Maswerte rin kami at may
anak kami na tulad mo na may busilak na puso.”
Pagtatalakay
Sagutin ang mga tanong.
1.Ano ang nagging suliranin ng pamilya ni Rudy
sa kuwento?
2.Ano ang nagging tugon ni Mayumi at ng
kaniyang pamilya sa sitwasyon ng pamilya ni
Rudy?
Pagtatalakay
3.Naging hadlang ba ang pagiging mahirap na
pamilya ni Mayumi upang maging bukas-
palad sa kaniyang kapuwa? Ipaliwanag.
4.Sa iyong palagay, ang estado kaya ng iyong
pamilya ang magiging batayan sa pagtulong
mo sa iyong kapuwa? Ipaliwanag.
Pagtatalakay
5. Kung ikaw si Mayumi, gagawin mor in ba ang
ginawa niyang pagtulong sa kaniyang kaibigan?
Bakita?
Gawain 1
Basahin ang sitwasyon at sabihin kubg anong damdamin mayroon
sa sumusunod na uri ng pagbibigay. Isulat ang letra lamang.

A. Ngbigay ng pangangailangang medical


B. Ngbigay nang bukal sa kalooban
C. Nakikigaya sa ibang mga nagbibigay
D. Nagbigay dahil nasa batas ng kanilang Samahan
E. Nagbigay dahil hindi na niya kailangan ang ipinamigay
Gawain 1
1.Hinikayat ni Marlon ang lahat ng kaniyang mga
ka-barangay at kapwa mag-aaral na maging bahagi
ng medical mission sa kalapit barangay na
nasunugan noong isang lingo.
Gawain 1
2. Isang grupo ng mga kabataan ang nangalap ng
pagkain, gamut, damit at higaan para sa mga biktima ng
Bagyong Yolanda. Nagpunta sila sa evacuation center
upang makausap ang mga inilikas na biktima.
Naramdaman nila ang pagdurusa ng mga biktima kaya’t
magkakaroon pa sila ng susunod na pagdalaw sa mga ito.
Gawain 1
3.Nakita ng mayaman mong kapitbahay na marami ang
nagdadala ng relief goods sa covered court ng
barangay. May inilikas na mga natulungan at walang
nailigtas na gamit ang mga ito. Inutusan niya ang
kanyang kasambahay na ilabas ang mga damit na hindi
nasusuot at ipapamigay na ito.
Gawain 1
4. Nagbigay ng isang sakong bigas ang pamilya Santos
sa mga biktima ng bagyo. Nalaman ito ng kanilang
kapitbahay kaya nagpadala rin sila ng dalawang
sakong bigas at mga damit.
Gawain 1
5. Ang pag-aaral mo at ng iba mo pang kaklase ay
sinusuportahan ng isang samahang nagkakawang gawa
sa mga mahihirap na may kasipagan at kakayahang
mag-aral. Ipinadala sa inyong paaralan ang mga
kailangan Ninyo sap ag-aaral.
Gawain 2
Buuin ang konsepto.
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
Ang bawat isa sa atin ay may mga ____ na
kinakaharap sa buhay. Subalit, sa mura mong
isip ay dapat mong malaman kung paano ito
haharapin.
Gawain 2
Kaugnay ng pagharap sa mga suliraning ito ay
ang kakayahan mong ____ ang kalagayan ng
iyong ____. Ito din ang isang mabisang paraan
upang matuto kang ____ sa mga
nangangailangan.
Gawain 2
Sa mura mong edad ay nararapat mong
malaman kung paano makapagpapakita ng
pag-unawa sa kalagayan o ____ ng kapuwa.
Paglalapat
Gumawa ng # Hashtag sa pagpapalaganap ng
pagiging bukas palad.
A. Pagmamalasakit sa ating mga kababayang
kapuspalad.
B. Pagpapasalamat sa mga may Ginintuang Puso
sa pagtulong.
Paglalahat
Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging
bukas-palad o pagkamatulungin nang
walang inaasahan o hinihintay na kapalit sa
mga taong higit na nangangailangan.
Paglalahat
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral
ay inaasahan na: -naisasabuhay ang pagiging
bukas-palad sa mga nangangailangan; - at sa
panahon ng kalamidad.
Pagtataya
Piliin ang letra ng tamang sagot.
1.Ang tatay ng iyong kapaitbahay ay
naapekyuhan ng virus na nagging dahilan ng
kakulangan nila sa pagkain. Anong gagawin
mo bilang pagpapakita sa pag-unawa sa
nangangailangan?
A. Babahagian ko siya ng pagkain dahil may
trabaho naman ang tatay ko.
Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik na kumakatawan sa iyon saloobin sa
bawat sitwasyon.
1. Paano mo matutulungan ang isang tinderang nakita mong
kinukupitan ng mga paninda ng isang bata?
A. Isumbong sa tindera
B. Samahan siya sa pangungupit
C. Sumigaw ng “magnanakaw!” para mapahiya
D. Kausapin siya na ibalik ang kaniyang kinupit at sabihang
mali ang kaniyang ginawa.
Pagtataya
2. Paano ka dapat tumulong sa mga nangangailangan?
A. kusang-loob
B. may pag-aalinlangan
C. magpabayad sa ginawang pagtulong
D. humingi ng iba pang pabor sa ginawang pagtulong
Pagtataya
3. Ano ang gagawin mo sa natirang pera sa iyong
baon?
A. Ibibili ko ng laruan.
B. Itataya ko sa peryahan. C. Ibibili ko ng paborito
kong tsokolate.
D.Iipunin ko at ibibili ng mga laruan at pagkain na
ibibigay ko sa mga batang lansangan.
Pagtataya
4. May outreach program sa inyong barangay para
sa mga nasunugan. Alin sa mga sumusunod na
tulong ang maaari mong ibigay? A. kosmetiko
B. telebisyon
C. sulatang papel
D. pagkain at damit
Pagtataya
5. Nakita mong mabigat ang bitbit na basket ni Aling
Nena mula sa palengke, paano mo ba siya
matutulungan?
A. Hayaan siyang mag-isa B. Magkunwaring walang
nakita
C. Tumawag ng kakilala at ipabitbit ang basket
D. Lapitan siya at tulungang bitbitin ang mabigat na
basket
ESP 4 D
A
Pagiging Bukas Palad Y
5

Quarter 2 Week 5
Balik-aral
Paano mo maipakikita ang pagkamahinahon sa anumang oras,
lugar, o sa anumang pagkakataon sa mga sumusunod:
- pagtanggap ng sariling pagkakamali at pagtutuwid nang
bukal sa loob
- pagtanggap ng puna ng kapuwa nang maluwag sa kalooban
- pagpili ng mga salitang si-nakasasakit ng damdamin sa
pagbibiro
Pangganyak:

Ano ang ipinapakita ng bawat sitwasyon?


Paglalahad
Tingnan Mabuti ang larawan. Ang nasa larawan ay
bahay nila Jon at ng kanilang mga kapibahay
pagkatapos ng bagyong Yolanda.
Paglalahad
Sa iyong sagutang papel, sumulat ng isang
maikling sanaysay patungkol sa nakikita
mong suliranin o kalagayan ng pamilya ni
Jon.
Gawain 1
Gumawa ng isang maikling tula na nagpapakita ng iyong
pagiging bukas-palad sa iyong kapuwa sa panahon ng
kalamidad. Gawing gabay sa paggawa ang pamantayan sa
ibaba.
Gawain 1
Ito ay ____ ng anumang abot-kaya na may galak
at saya.
Ang mga ____ ay katulad ng pagbabahagi sa
pulubi ng pagkaing nakalaan para s aiyo. Maari
ring maipakita ang pagiging bukas-palad sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng mga sariling
damit sa mga ____ ng bagyo at baha.
Gawain 1
Gawain 2
Sa iyong sagutang papel, gumawa ng talaarawan gamit ang
gabay sa ibaba. Mula Lunes hanggang Linggo ay itala ang
iyong mga nagawang pagtulong o pagdamay sa 5 taong
iyong napili.
Paglalapat
Mag-isip ng isng sitwasyon o pangyayari sa
iyong buhay kung saan nagpapakita ka ng
pag-unawa sa kalagayan ng taong iyong
tinulungan sa panahon ng kaniyang
pangangailangan.
Paglalapat
Ipahayag ito sa pamamagitan ng isang pagguhit.
Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba.
Paglalahat
Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging
bukas-palad o pagkamatulungin nang
walang inaasahan o hinihintay na kapalit
sa mga taong higit na nangangailangan.
Paglalahat
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga
mag-aaral ay inaasahan na: -naisasabuhay ang
pagiging bukas-palad sa mga
nangangailangan; - at sa panahon ng
kalamidad.
Pagtataya
Iguhit ang iyong saloobing ( )kung nagpapakita
ng pagiging bukas palad at ( ) kung hindi.
1. Karagdagang basura lang sa kanilang bahay
ang mga pinaglumaang gamit kaya kaniya na
itong ipinamigay
Pagtataya
2. Bukal sa kaniyang kalooban ang
pagbibigay ng tubig at pagkain sa mga
nasalanta ng bagyong Rolly.
3. Nakikigaya lang si Mando sa
namimigay na relief goods sa kanilang
baranggay
Pagtataya
4. Napilitan lamang si John na magbigay
ng donasyon sa mga biktima ng baha sa
kabilang baranggay
Pagtataya
5. Hindi alintana ni Mario ang malakas na
hangin at ulan dala ng bagyo masundo
niya lang ang bagong lipat nilang
kapitbahay para patuluyin ang mga ito
pansamantala sa kanilang bahay
Karagdagang Gawain
Isulat sa loob ng bilog ang maaring tulong
na iyong maibibigay ayon sa sumusunod
na kalamidad.

You might also like