You are on page 1of 21

an LI

4
BI
la
ha
ama B I
in
gP
A G
ar N
Pa
g-
a
IIPI
N D
HI

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 2:
Linggo 1
Puna at Mungkahi Mo, Tanggap
Ko

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan - Modyul 2: Linggo 1: Puna at Mungkahi Mo, Tanggap Ko
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – isip. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa anumang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio

Development Team of the Module

Authors: Glenda Mae M. De Guzman

Editor: Maria Fe C. Tayong

Reviewers: Jane C. Agpalsa


Janette P. Cabaya
Phebe S. Antiquina, PSDS

Illustrator: Julius T. Bucar


Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.


Asst. Schools Division Superintendent

Members: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES


Yeselucio N. Patriarcha, Jr. EPS – EsP
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas ng:
Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

i
4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 2:
Linggo 1
Puna at Mungkahi Mo, Tanggap
Ko

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna,
komento at rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa
region10@deped.gov.ph.
 
Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at
rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

ii
iii
Ang Modyul na ito ay:

Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo sa pagpapatuloy sa mga


aralin na nasa ikalawang yunit. Kilalanin mo pa nang lubos ang iyong
sarili sa pamamagitan ng pag-uunawa sa mga aralin na naitakda sa
modyul na ito.

May dalawang araw na inilaan upang mas lalo mo pang


magagampanan ang mga kawiliwiling mga gawain na makatutulong sa
paghuhubog ng iyong sariling kaisipan at damdamin. Mapapatnubayan
ka nito upang higit mong mauunawaan ang mga hamon sa buhay na
dapat isaalang alang. Kailangan mong alamin, gawin, isapuso, isabuhay
at may pagsusuri sa sarili upang matatanggap at maiwasto natin sa
ating sarili ang mga kamalian sa buhay.

Gawing kawiliwili ang mga gawain!

Mga tala para sa Guro

Subaybayang maigi ang lahat na mga


gawain nang mga mag-aaral upang lubusang
maunawaan at mapakinabangan nila ang
kaalaman na inilalathala ng modyul na ito.

iv
Alamin

Paano ba ang tamang pagtanggap ng kahinaan lalo na kung


maraming natatanggap na mungkahi at puna sa iyong kakayahan at
kasanayan?

Mga Layunin sa Pagkatuto:

Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng


kapwa tulad ng pagtanggap ng puna ng kapwa nang maluwag sa
kalooban

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang mga


sumusunod na hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at


pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

1 i
Icons sa Modyul na ito

Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
Alamin
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
Subukin
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
Balikan
bagong matututunan

Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
Tuklasin
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
Suriin
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
Pagyamanin
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang inyong natutunan
Isaisip
mula sa aralin.

Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
Isagawa
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Ang pagtatasang ito ay ginamit
upang masusi ang inyong antas ng
Tayahin
kasanayan sa pagkamit ng layunin
sa pagkatuto
Ito ay mga karagdagang gawaing
Karagdagang pagkatuto na dinisenyo upang mas
Gawain mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

2
(Araw 3)

Subukin

Panuto: Lagyan ng masayang mukha ang patlang kung sa palagay


mo ay tama ang mga salitang ginamit sa pagtanggap nang mga puna.
Iguhit ang malungkot na mukha kung hindi ka sang-ayon sa mga
salitang ginamit sa pagtanggap nang mga puna. Isulat sa kwaderno ang
iyong sagot.

__________1. Salamat sa pagpuna mo, susundin ko ang iyong payo.

__________2. Wala kang pakialam! Alam ko naiinggit ka lang.

__________3. Maraming salamat sa inyong puna. Malaking tulong na ito


para mapaganda ang gawa ko.
__________4. Mabuti at napansin mong malaki sa akin ang damit ko.

__________5. Ayos lang sa akin ang puna mo, mabuti nga at


mababago ko.

__________6. Alam kong para sa kabutihan ko ang puna mo.

__________7. Magaling ako kaya hindi ko kailangan ang puna mo.

__________8. Basta ito ang gusto ko kaya hindi ko puwedeng baguhin.

__________9. Mabuti na lang napuna mo ang mali bago ko naipasa.

__________10. Matagal ko na itong alam, kaya hindi ko na papansinin


ang sinasabi mo.

Leksiyon Puna at Mungkahi Mo,


3
2 Tanggap Ko
Walang sinumang taong nabubuhay dito sa mundo na isinilang na
hindi nagkakamali. Lahat tayo ay may kahinaan at may kakayahan,
subalit magkakaiba ang pagtanggap ng tao sa kanilang mga kahinaan.

Ang isang tao ay maaaring matuto mula sa kaniyang kapuwa.


Samakatuwid, maaari mong ituring na bagong impormasyon ang
natanggap mong puna at magagamit mo ito upang higit na mapabuti
ang iyong mga gawain at kilos

Balikan

Panuto: Punan ang patlang ng mga nawawalang letra sa mga salita o


pangkat ng mga salitang hindi nakasasakit sa damdamin ng kapwa.
Isulat sa kwadernol ang inyong mga sagot.

1. P ____ S E ____ S I Y ___ N ____

2. _____ A T _____ W _____ D P ____

3. H I N _____ I K ____

S ______ N A S _____ D Y A

4. P A ___ M A N ___ I N P ______

5. E ___ C ___ S E ____ E

4
Tuklasin

Basahin at gawin.

1. Tumawag, magtext o magtanong ng limang kaibigan o kaklase.


Sasabihin mong magbigay sila ng isang salita lamang na
naglalarawan tungkol sa iyo.
2. Pagkatapos, isulat sa puna-kahon kung paano ka inilalarawan ng
iyong kaklase.
3. Gawin ito sa iyong kwaderno. Sundin ang pormat sa ibaba.

Puna-Kahon

Magandang Puna Hindi magandang puna

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

5
Suriin

1. Saan mas maraming naisulat mo na puna galing sa iyong mga


kaibigan o kaklase?

2. Sa iyong palagay, bakit mas marami ang nagbigay sa iyo ng


ganitong puna?

3. Ano ang iyong naramdaman nang mabasa mo ang hindi


magagandang puna sa iyo?

___________________________________________________

(Araw 4)

6
Pagyamanin

Basahin ang kwento. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na


tanong at isulat sa loob ng kahon ang iyong sagot. Isulat ang iyong
kwaderno ang sagot.
“Likha Awit”

Sumali ka sa “Likha Awit” at napatalon ka sa tuwa nang nalaman


mong kasali ka sa “final round.” Puspusan kang nag ensayo upang
makuha mo ang magandang puna ng mga hurado at ninanais mong
ikaw ang mananalo sa paligsahan.
Nang dumating ang panahon ng iyong pagtatanghal sa nasabing
paligsahan, nagpalakpakan ang lahat. Buong husay mong ipinakita sa
lahat lalo na sa mga hurado ang iyong galing sa pag-awit subalit walang
hurado ang nakapansin sa iyong galing at ito’y tanda ng iyong
pagkabigo. Sabi ng unang hurado na kulang ka sa sigla. Ang puna
naman ng isa pang hurado ay may mga nota na hindi mo naabot. Sinabi
naman ng isang hurado, kulang ka raw sa pagbibigay ng damdamin sa
awit.

1. Ano ang iyong reaksiyon nang marinig mo ang mga puna ng mga
hurado? Paano mo tinanggap ang mga puna?

2. Bakit kaya negatibo ang natanggap mong mga puna?

3. Sa iyong palagay, ano ang iyong naging pagkukulang?

7
Isaisip

Likas sa tao ang magbigay ng puna o papuri sa kilos, ugali, at


pisikal na anyo ng kaniyang kapuwa. May mga pagkakataong hindi natin
namamalayan na nakasasakit na tayo ng damdamin ng ating kapuwa
dahil sa mga ibinibigay nating puna at pintas.
Paano ba tatanggapin ang mga puna nang maluwag sa ating
kalooban? May mga paraan na makatutulong sa isang batang tulad mo
upang higit na mapaunlad ang sarili sa kabila ng maraming puna na
iyong natatanggap.

Mga Paraan na makatutulong sa iyo upang higit na


mapamahalaan mo ang iyong sarili at makamit ang layunin sa buhay:
 Pakinggan ang sinasabi ng kapuwa mo, subalit timbangin mo kung
ano ang magiging bunga kung ito ay iyong susundin o hindi.
 Magkaroon ng positibong pananaw sa mga bagay na nangyayari sa
iyo at sa iyong paligid.
 Alamin kung ano-ano ang nais mo sa buhay at dito ituon ang iyong
pansin.
 Gawing inspirasyon sa iyong ginagawa ang iyong pamilya, mga
kaibigan, at higit sa lahat, magkaroon ng matibay na paniniwala sa
Diyos.
 Maging mabuting halimbawa sa iyong kapuwa sa pagbibigay ng
puna at papuri.
 Isipin lagi na ang papuri at puna ay makatutulong sa pagkilala natin
sa ating sarili upang magkaroon ng pagbabago at pag-unlad sa
iyong ginagawa.

Ang pagsusuri sa mga puna ay makatutulong upang matanggap


ang mga ito nang maluwag sa kalooban at hindi maging sanhi ng
kawalan ng tiwala sa sariling kakayahan.
Sa iyong paglaki ay marami kang marinig na mga puna at papuri
sa iyong ginagawa. Ang mahinahong pagtanggap sa mga ito ay
makatutulong upang higit na maunawaan ang damdamin ng kapuwa at
higit na mapaunlad ang sarili.

Gawain:

Panuto: Magbigay ng mga salita o pangkat ng mga salitang


magagandang puna sa kapuwa. Gawin ito sa iyong kwaderno.

8
1. ____________________________________________________

2. _____________________________________________________

3 ______________________________________________

4 _________________________________

5 _________________

Isagawa

9
Suriin ang sarili. Isa-isahin ang iyong kakulangan na naging sanhi
para hindi ka manalo sa paligsahan na sinasalihan. Ilagay ito sa (graphic
organizer) at ilagay mo rin ang dapat gawin upang makatanggap ng
positibong puna. Isulat sa isang papel o sa inyong kwaderno ang inyong
mga sagot.

Ang aking kakulangan:

1. ___________________________________

2. ___________________________________

3. ___________________________________

4. ___________________________________

5. ________________________________

10
Mga dapat kong gawin upang mas mapabuti
ang aking kakayahan:

1. ____________________________________

2. ____________________________________

3. ____________________________________

4. ____________________________________

5. _____________________________

Tayahin

11
Panuto: Lagyan ng masayang mukha ang patlang kung sa palagay
mo ay tama ang mga salitang ginamit sa pagtanggap ng mga puna.
Iguhit ang malungkot na mukha kung hindi ka sang-ayon sa
mga salitang ginamit sa pagtanggap ng mga puna. Isulat sa isang
papel o sa kwaderno ang inyong mga sagot.

__________1. Salamat dahil napuna mo ang mali ko bago ko naipasa


ang aking proyekto.

__________2. Bukas ang aking isipan at kalooban na tinatanggap


kapag pinupuna ang ginawa ko dahil mababago ko pa
nang maayos.

__________3. Alam kong naiinggit lang iyan kaya pakunwari lang na


tutulong sa aking proyekto.

__________4. Maraming salamat dahil napansin mo na malaki ang


damit ko.

__________5. Ang gusto ko ay dapat hindi na mababago.

__________6. Para sa kabutihan ko ang puna mo.

__________7. Matalino ako kaya hindi ko kailangan ang puna mo.

__________8. Babaguhin ko ang mga punang nakabubuti sa akin.

__________9. Alam ko ang gagawin ko kaya huwag mo akong


pagsabihan pa.

__________10. Susundin ko ang payo mo.

Karagdagang Gawain

12
Suriin ang sitwasyon at sagutin ang tanong.

Pangarap mong maging modelo sa iyong paglaki kung kaya’t


sumasali ka sa mga paligsahan sa inyong paaralan at komunidad.
Gayon pa man, madalas mong marinig na may pumipintas sa iyo. Ano
ang iyong gagawin? Isulat sa kwaderno ang inyong sagot.

Susi ng Pagwawasto
Subukin:
1.masayang mukha
2.malungkot na mukha
3.malungkot na mukha
13
4. masayang mukha
5.masayang mukha
Balikan
1.PASENSIYA
2.PATAWAD
3.HINDI SINASADYA
4.PAUMANHIN PO
5.EXCUSE ME

Tayahin:
1.masayang mukha
2.malungkot na mukha
3.malungkot na mukha
4masayang mukha
5.malungkot na mukha
6.masayang miukha
7.malungkot na mukha
8. masayang mukha
9.malungkot na mukha
10.masayang mukha
Mga Sanggunian:
Abac, F.E. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.
Kagawaran ng Edukasyon.

14
Amoyen, G.A. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.
Kagawaran ng Edukasyon.

Antiquera, J.M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang


Edisyon. Kagawaran ng Edukasyon.

Bringas, H.A. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon.

Capati, G.R. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon.

Caraan, M.C. M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang


Edisyon. Kagawaran ng Edukasyon.
Castillo, R.A. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.
Kagawaran ng Edukasyon.
Catapang, R.B. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang
Edisyon. Kagawaran ng Edukasyon.
Gonzales, I.M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang
Edisyon. Kagawaran ng Edukasyon.
Gulapa, J.B. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.
Kagawaran ng Edukasyon.
Ortega, N.S. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.
Kagawaran ng Edukasyon.
Pandiňo, M.D. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.
Kagawaran ng Edukasyon.

Reyes, A.M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon.

Soriano, P.R. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikaapat na


Baitang, Kagamitan ng Mag-aaral, Unang Edisyon

15
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

You might also like