You are on page 1of 18

4

Pag-aari ng Pamahalaan
HINDI IPINAGBIBILI

Physical Education
Ikalawang Markahan - Modyul 1
Linggo 1: Pagpapalakas at
Pagpapatatag ng Kalamnan

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Physical Education – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan - Modyul 1: Pagpapalakas at Pagpapatatag ng Kalamnan
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni
kinakatawan ng mga tagapaglathala (publishiers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio

Development Team of the Module

Author: Beverly O. Ando

Editor: Marina A. Impig

Reviewers:
Freddie L. Palapar – PSDS
Junie P. Flores

Illustrator: Valerie Agnes D. Noval


Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Management Team:

Chairperson: Rebonfamil R. Baguio


Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.


Asst. Schools Division Superintendent

Members: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES


Jourven B. Okit, EPS – MAPEH
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1
4
Physical Education
Ikalawang Markahan - Modyul
Linggo 1: Pagpapalakas at
Pagpapatatag ng Kalamnan

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan, Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang
propesyonal na nasa larangan ng Edukasyon na magpadala
ng kanilang puna o komento at rekomendasyon sa
Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng email:
region10@deped.gov.ph.
 
Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at
rekumendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

2
3
Panimula

Ang modyul na ito ay maglalahad sa iba’t-ibang gawaing pisikal


ayon sa physical activity pyramid guide na lumilinang sa lakas ng
kalamnan (muscular strength) at tatag ng kalamnan (muscular
endurance). Matutunan mo sa modyul na ito ang mga kasanayan sa
pagpapaunlad ng iyong kabuuang kalusugan upang maging physically
fit araw-araw.

Mga tala para sa Guro

Gabayan ang mga mag-aaral sa pag


basa at pag unawa sa mga kasanayan,
pagtataya, at mga panuto na inilalahad sa
modyul na ito

4
i
Alamin

 Mga layunin sa pagkatuto:

1. Natutukoy ang mga gawaing pisikal na nagdudulot ng muscular


strength at muscular endurance at nasusunod ang mga gabay
sa Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino

2. Naipapaliwanag ang pagkakaiba ng lakas ng kalamnan at tatag


ng kalamnan

3. Naisasagawa nang wasto ang mga gawaing pisikal na may


kasiyahan at pag-iingat

 Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod na mga hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagsasanay.

• Sagutin ang lahat ng mga tanong.

5
ii
Mga Icons sa Modyul

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit
upang masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin
sa pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

6 iii
Subukin

Panuto: Sagutin ng maigi ang bawat tanong. Isulat ang iyong sagot
sa inilaang patlang sa bawat bilang.

1. Ilarawan kung ano ang lakas ng kalamnan.

2. Ilarawan kung ano ang tatag ng kalamnan.


_________________________________________________

3. Sabihin kung ano ang kaibahan sa dalawang komponent ng


physical fitness.
________________________________________________
______________________________________________

4. Magbigay ng 3 gawaing pisikal na nagpapatatag sa lakas ng


kalamnan. _________________, _____________________,
_______________________

5. Magbigay ng 3 gawaing pisikal na nagpapalakas ng


kalamnan. ________________ , ____________________,
______________________

Pagpapalakas at
Z

Aralin

1 Pagpapatatag ng
Kalamnan
7
iv
Sa araling ito, pagyayamanin natin ang ating kaalaman sa
pagpapalakas at pagpapatatag ng ating kalamnan. Sa pamamagitan
ng paglalaro, ating mapapaunlad ang mga sangkap na ito.

Balikan

Panuto: Isulat sa loob ng ulap ang pangalan ng bawat larong pinoy


ayon sa inilalarawan.

1. Ito’y nangangailangan ng dalawang kuponan. Ang pangunahing


gamit sa paglalaro ay ang bolang yari sa rattan. Isa ito sa mga
larong fielding o striking.

2. Ang mga kasanayan sa larong ito ay pagpupukol, pagpapalo,


pagtatakbo, at pagsasalo. Ito’y gumagamit ng isang maliit at
isang malaking patpat.

3. Ito ay isang larong pinoy na hango sa Amerikanong laro na


Dodgeball. Ito ay nilalaro sa loob ng isang parihabang palaruan.
Ang isang grupo ay tagataya, at ang isa naman ay tagaiwas o
target ng bola.

Tuklasin

Panuto: Sa loob ng physical activity pyramid guide, sumulat ng tig-


dalawang gawaing pisikal na iyong natatandaan sa mga nakaraang
aralin sa Yunit I.

8
Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino

1 BESES

2-3 BESES

3-5 BESES

ARAW-ARAW

Suriin

Panuto: Suriing muli ang Physical Activity Pyramid Guide para sa


Batang Pilipino. Alamin kung aling mga gawaing pisikal ang dapat

9
gawin araw-araw, 3-5 beses, 2-3 beses, at 1 beses sa isang linggo.

Isulat sa tsart ang mga gawaing makikita sa Physical Activity


Pyramid Guide para sa Batang Pilipino na kaugnay sa lakas at tatag
ng kalamnan.

Lakas ng Kalamnan Tatag ng Kalamnan


1. 1.
2. 2.
3. 3.

Tandaan:

Ang lakas ng kalamnan ay pagtataglay ng kakayahang makahila o


makatulak ng mabibigat na bagay . Halimbawa nito ay ang
pagbubuhat ng mabigat na bagay o kasangkapan sa bahay tulad ng
malaking timba ng tubig.

Ang tatag ng kalamnan naman ay pagtataglay ng kakayahang


makalikha o makatulak ng mas magaang bagay nang paulit-ulit sa
loob ng matagal na panahon. Halimbawa nito ay ang paulit-ulit na
pagtakal ng tubig gamit ang maliit na tabo upang malipat ito sa ibang
lalagyan.

Pagyamanin

10
Panuto: Humanap ng kapareha/kaibigan sa iyong mga kapitbahay.
Gawin ang sumusunod na mga gawain. Sundin lamang ang mga
hakbang.

A. Pagtulak ng kapareha

a. Tumayo na nakaharap sa kapareha


b. Paglapatin ang kamay ng kapareha. Itulak ang bawat isa gamit
ang puwersa ng braso.
c. Gawin ito sa loob ng 30 segundo.

B. Paghila sa kapares

a. Tumayo na kaharap ang kapares.


b. Hawakan ang kamay ng kapares. Maghihilahan ang bawat isa
sa loob ng 30 segundo.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

11
1. Ano ang nararamdaman ninyo pagkatapos ng gawain?
______________________________________________

2. Ano ang kinakailangan upang maitulak at mahila mo ang


iyong kapares? ___________________________________

3. Dapat bang paunlarin pa ang iyong lakas at tatag ng


kalamnan? __________

4. Bakit? _________________________________________

Isaisip

May iba’t-ibang gawain na nagdudulot ng lakas at tatag ng


kalamnan katulad ng pagtulak o paghila ng mga bagay,
pagbubuhat, at iba pa.

Ang lakas ng kalamnan ay pagtataglay ng kakayahang makahila


o makatulak ng mabigat na bagay o puwersa.

Ang tatag ng kalamnan naman ay pagtataglay ng kakayahang


makahila o makatulak ng mas magaang bagay o puwersa nang
paulit-ulit, o mas matagal na panahon.

Isagawa

12
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kolum ng tamang sagot.

Sitwasyon Tama Mali

1.Ang pagtutulak ng kart na may


panindang Buko Juice at Banana Cue
araw-araw ay gawaing nagpapalakas ng
kalamnan.

2.Kung ang isang mag-aaral ay palaging


hindi nagdadala ng kanyang mga aklat sa
klase dahil nabibigatan siya nito, siya ay
may mahina na kalamnan.

3.Tumatatag ang iyong kalamnan kapag


kayo ay palaging kumakain habang
nanonood ng movie.

Tayahin

Panuto: Sagutin ng maigi ang bawat tanong. Isulat ang iyong sagot
sa inilaang patlang ng bawat bilang.

1. Ilarawan ang lakas ng kalamnan.


____________________________________________________
____________________________________________________

2. Ilarawan ang tatag ng kalamnan.


____________________________________________________
____________________________________________________

3. Sabihin kung ano ang kaibahan sa dalawang komponent ng


physical fitness.

13
____________________________________________________
____________________________________________________

4. Magbigay ng 3 gawaing pisikal na nagpapatatag sa lakas ng


kalamnan. _________________, _____________________,
_______________________

5. Magbigay ng 3 gawaing pisikal na nagpapalakas ng kalamnan.


________________ , ____________________,
______________________

Karagdagang Gawain

Panuto: Kunin ang iyong PE notebook. Gumawa ng tsart at itala ang


mga ginagawa mo sa araw-araw na nangangailangan ng lakas at
tatag ng kalamnan.

Mungkahi: Ugaliin ang paggawa ng mga ito upang mapaunlad pa ang


iyong lakas at tatag ng kalamnan.

Susi sa mga Sagot

14
Subukin
1. Ang lakas ng kalamnan ay kakayahang
makahila o makatulak ng mabigat na bagay.
2. Ang tatag ng kalamnan ay kakayahang
makahila o makatulak ng mas magaang
bagay nang paulit-ulit.
3. Ang lakas ng kalamnan ay puwersa para
sa madalian, habang ang tatag
ng kalamnan ay puwersa para sa matagalang gawain.

4. pagpapalo, pagtutulak, pagtatakbo


5. pagbubuhat, paglalakad, paglalangoy

Balikan
1. Kickball
2. Syato
3. Batuhang Bola

Isagawa
1.Tama
2.Mali
3.Tama
4.
5.

Sanggunian:

15
Forniz, G.M., et.al. (2015). Edukasyong Pangkatawan at
Pangkalusugan 4- Kagamitan sa Mag-aaral. Department of
Education-Instructional Council Secretariat (DepEd-IMCS).
VICARISH Publication and Trading, Inc.

https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-
material-in-physical-education-q1q4

16
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

17

You might also like