You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF LIPA CITY
ABUNDIO TORRE MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL

Masusing Banghay Aralin

Paaralan Abundio Torre Memorial Elementary School Baitang 4


Guro Bb. Josephine C. Torres Asignatura ESP
Petsa Nobyembre 7, 2022- Lunes Markahan 2nd

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ang pag-unawa na hindi naghihintay ng anumang kapalit ang
paggawa ng mabuti CG pahina 57
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa nang mapanuri ang tunay na kahulugan ng pakikipagkapwa
CG pahina 57
C. Pamantayan sa Pagkatuto Nakapagpapakita ng pagkamahinahon sa damdamin at kilos ng kapwa tulad ng:
5.1 pagtanggap ng sariling pagkakamali at pagtutuwid nang bukal sa loob
EsP4P-IIa-c-18
II. NILALAMAN Aralin 1 Pagkakamali Ko, Itutuwid Ko
Batayang Pagpapahalaga:Pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba (Empathy)
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Patnubay ng Guro Patnubay ng Guro mga pahina 46-50
2. Kagamitan ng Mag-aaral Kagamitan ng Mag-aaral mga pahina 78-86
B. Iba pang kagamitan
IV. PAMAMARAAN ISAGAWA NATIN
A. Pagbabalik Tanaw at/o Gabay na tanong sa nakaraanag aralin:
pagsisimula ng bagong aralin 1. Ikaw ba ay isang batang mahinahon?
2. Ano-ano ang mga katangian ng isang batang mahinahon?
B. Pagganyak Ipaskil ang mga larawang nagpapakita ng iba’t ibang emosyon (masayang mukha,
malungkot na mukha, galit at iba pa). Maaring gumamit ng laptop o tunay na
larawan.

Magbigay ng mga sitwasyon kung saan ikaw ay nagiging masaya,


malungkot o nagagalit?
C. Paglalahad ng Paksang Aralin Aralin 1: Pagkakamali Ko Itutuwid Ko
Basahin ang kwento:
Parol ni Carla
Nagmamadali si Carla sa pagpasok sa paaralan. Masayang-masaya siya sapagkat
natapos niya ang kaniyang proyektong parol. Katulong niya ang kaniyang buong
pamilya sa paggawa nito. Habang bitbit niya ang parol ay nasagi siya ng isang
batang nakikipaghabulan sa kaklase nito, dahilan upang mapahagis ang bitbit na
parol ni Carla at nasira ito. Halos umiyak na si Carla sapagkat mahuhuli na siya sa
kaniyang klase at nasira pa ang kaniyang proyektong parol. “Naku, paano na iyan,
wala na akong ipapasa kay Ma’am,” himutok ni Carla. “Pasensiya na, hindi kita
napansin kasi naghahabulan kami,” paumanhin ng nakasaging bata. “Tutulungan
na lamang kitang mabuo ulit ang parol,” wika pa ng batang nakasagi. Pumayag
naman si Carla at magkasama silang nagpaliwanag sa guro kung bakit nasira ang
parol. Nang araw ding iyon ay magkatulong na ang dalawang bata sa pagbuo ng
parol ni Carla. Magkasama nila itong ipinasa sa guro at naging magkaibigan pa
silang dalawa.

D. Pagpapalawak ng kaalaman Talakayin ang mga katanungan. sa LM pahina 80 Blg 1-5.Tanggapin at talakayin
ang iba’t ibang sagot ng mga mag-aaral.
1.Isalaysay ang nangyari habang naglalakad si Carla patungo sa kaniyang silid-
aralan.
2.Tama ba ang ginawang paghingi ng paumanhin ng batang nakasagi?
3.Kung ikaw si Carla, ano ang sasabihin mo sa nakasagi sa iyo?
4.Paano itinuwid ng batang nakasagi ang kaniyang pagkakamali? Tama ba ang
kaniyang ginawa?
5.Sa iyong palagay, ano pa ang ibang paraan upang maituwid ang nagawang
pagkakamali?
E. Paglalapat Magbigay ng isang sitwasyon na ikaw ay nagkamali at kung paano mo ito
naituwid. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
F. Paglalahat Normal lang sa isang tao ang magkamali. Subalit hindi ito dapat abusuhin,
nararapat itong gawing panuntunan upang maiwasan ang pagkakamali at
makasakit ng damdamin ng ating kapuwa.Ang paghingi ng paumanhin ay
isang positibong kaugalian na dapat makasanayan ng isang bata. Ang
pagtutuwid ng isang pagkakamali ay hindi kahinaan bagkus ito ay tanda ng
pagiging mahinahon at maunawain sa damdamin ng kapuwa.
V. PAGTATAYA Lagyan ng tsek (/) kung tama ang pahayag na nagpapakita ng pagnanais na maituwid ang
pagkakamali at ekis (x) kung hindi.
_____1. Tinatanggap ko ang aking pagkakamali at hinaharap ang bunga ng aking ginawa.
_____2. itinutuwid ko ang aking pagkakamali sa pamamagitan ng pag-amin sa aking
ngawang kasalanan.
_____3. Hindi ako humihingi ng tawad sa nagawan ko ng mali.
_____4. Humihingi ako sa aking kaklase ng paumanhin kahit hindi ko sinasadya ang aking
pagkakamali.
_____5. Wala akong pakialam sa nararamdaman sa damdamin ko sa paligid.

VI. TAKDANG ARALIN Sagutan ang gawain 1 sa inyong aklat sa ESP pahina 80-81. Pumili lamang ng isa
kung ito ay kapamilya, kaibigan, kaklase o kalaro ? Isulat ito sa iyong kwaderno.

Inihanda ni:

Bb. Josephine C. Torres


Substitute Teacher

Itinama ni:

Gng. Mhelody L. Andal


Head Teacher I

You might also like