You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikaanim na Baitang

Ikalawang Markahan

Date: September 11, 2019

I. Layunin

1. Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao na may kaakibat na paggalang at

responsibilidad.

2. Naisasabuhay ang pagkakaroon ng bukas na isipan at kahinahunan sa pagpapasiya para sa kapayapaan

ng sarili at kapwa.

3. Nagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestyon ng kapwa.

Code: EsP6PPP-IId-I-31

II. Nilalaman

Paksa : Pagkamahabagin

Kaugnayan sa Pagpapahalaga : Pagkamatulungin sa kapwa

III. Kagamitang Panturo

A. Sanggunian

1. Gabay ng guro : DLL, Curriculum Guide

2. Kagamitang Panturo : visual aid, marker, scatch tape

IV. Pamamaraan

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng aralin

1. Pagbati at pagtsek sa bilang ng mga studyante.

2. Balik-aral sa nakaraang talakayan.

B. Pagganyak

 Pipili ang guro ng mga mag-aaral na magiging aktor at aktress na gaganap bilang batang pulubi, anak mayaman at
guro.

 Magkaroon ng isang senario na tungkol sa kalagayan ng batang pulubi at isang anak mayaman kung saan nakita ng
batang anak mayaman ang kalagayan ng kanyang kamag-aral na mahirap sa buhay at kanya itong tinulungan.
Pagkaraan ng isang sandali nilapitan sila ng guro at pinuri ang pagkamahabagin ng batang anak mayaman.
C. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad sa bagong kasanayan

Kung kayo si ________? gagawin din ba ninyo ang kanyang ginawa? Bakit?

D. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay

Bilang mag-aaral, anu-ano ang magagawa mo upang maipakita ang pagiging mahabagin o maawain?

E. Paglalahat ng Aralin

Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tandaan natin. “Ideya mo Igagalang Ko! “Tumulong na walang kaakibat na
Kabayaran”

F. Pagtataya ng Aralin

Magbigay ng iyong idelohiya batay sa tandaan natin.

V. Takdang-Aralin

Pag-aralan ang mga natapos na leksyon.

You might also like