You are on page 1of 2

Semi-Detailed Lesson Plan in ESP Grade 6

1st Quarter

Date: July 8, 2019

I. Layunin

1. Naipamamalas ang pag unawas sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang hakbang

bago makagawa ng isang desisyon para sa ikabubuti ng lahat.

2. Naisagagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para sa ikabubuti ng

lahat

3. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon

na makabubuti sa pamilya.

EsP6PKP-la-I-37

II. Paksang Aralin

Pagtanggap sa mga tungkulin nang maluwag sa kalooban.

III. Kagamitang Panturo

A. Sanggunian: Google.com

B. Kagamitan : Visual Aid, Mga larawan

IV. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain:

1. Balik-aral/ o pagsisimula ng bagong aralin.

Sino ang makapag- alala ng dati nating leksyon?

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Pansalubong Pagsasanay:

 Pumalakpak ng isang beses kung tama at pumadyak kung mali.

1. Alagaan ang nkababatang kapatid .

2. Mahalin at paglingkuran ang iyong magulang.

3. Ipagwalang bahala ang mga pangaral ng mga magulang.

C. Pagkilala sa bagong Paksa:

1. Pagmamasid ng mga larawan sa paskilan.

2. Pagbibigay ng mga katanungang tatalakayin:


 Bakit mahalagang sundin ang payo at pangaral ng ating mga magulang?

 Kapag iniatas sa iyo ng magulang ang gawaing paglilinis sa inyung tahanan,

paano mo ito maisasakatuparan?

D. Pagtatalakay

 Pagsimula sa bagong paksa.

 Pag-uulat ng mga nakuhang impormasyon at nabuong kaisipan.

E. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat:

Ang paggawa nang bukal sa kalooban ay nagdudulot ng kaginhawaan.

2. Paglalapat:

Pagbigay ng mga magagandang halimbawa sa paggawa ng mga gawain.

V. Pagtataya

Lagyan ng tsek kung dapat sundin ang gawain ekis kung hindi.

______1. Sumunod kahit labag sa kalooban ang ipinagagawa ng mga magulang.

______2. Tumulong sa mga gawaing pampaaralan.

______3. Gumawa ng tapat at bukal sa kalooban.

______4. Makiisa sa mga proyektong pampaaralan.

______5. Gawin agad ang gawaing iniatas ng guro.

VI. Takdang Aralin

Ilista ang mga nagawang pagtulong sa kapwa.

You might also like