You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Week 1

3rd Quarter

I. Layunin
Pagkataposng aralin, ang mga mag-aaral ay isnaasahang:
1. Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa pamamagitan ng:
1.1 pagmomodelo ng kanilang pagtatagumpay;
1.2 kuwento ng kanilang pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para sa bayan;
1.3 pagtulad sa mga mabubuting katangian na naging susi sa pagtatagumpay ng mga Pilipino
2. maipaliliwanag ang kalayaan sa pamamahayag;
3. matutukoy ang pananagutang kaakibat ng malayang pamamahayag, at;
4. mahihikayat ang iba na magkaroon ng kamalayan sa kanilang kalayaan
II. Paksang-aralin
Paksa : Mapanagutang Pamamahayag: Isasabuhay Ko
III. Pamamaran
a. Pagganyak
Magpakita ng Larawan ng mamamayan na nagtutulungan.
Tanong: Ano- ano ang mga magagandang gawain ang makikita sa larawan?
Mayroon bang dapat tularan sa mga ipinapakita sa larawan?
b. Pagtalakay
Talakayin ang mgapamamahayag na nararapat na isabuhayng isang Pilipino.
Ipabsa sa mga mag-aaral ang sanaysay na “Ang Apat na Kalayaan” ni Franklin
D. Roosevelt.
Bigyang diin ang mga Mapanagutang Pamamahayg na:Ang Katotohanan ng
impormasyon; Ang taong pinanggalingan ng impormasiyon; Pamantayan o antas
ng wikang ginagamit; Daluyan/channel ng komunikasyon; at Layunin sa
pakikipagtalastasan o paglalathala.
c. Paglalapat
Ipabasa ang sanaysay tungkol sa “Araw ng mga Nagkakaisang Bansa”
Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng reaksiyon sa nabasang sanaysay.
d. Paglalahat
Ang kamalayang pansibiko ay ang pagiging mulat sa mga nagaganap sa paligid at sa mga
nagaganap sa paligid at sa mga tungkuling dapat gampanan sa lipunan.
IV. Pagtataya

Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa mga gawain sa pahina 64-67.


V. Takdang aralin
Kung ikaw ay nangangarap na maging mabuting mamamahyag, paano mo ipapakita ang
gagawing paghahanda?
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Week 1

3rd Quarter

I. Layunin
Pagkataposng aralin, ang mga mag-aaral ay isnaasahang:
1. Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa pamamagitan ng:
1.1 pagmomodelo ng kanilang pagtatagumpay;
1.2 kuwento ng kanilang pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para sa bayan;
1.3 pagtulad sa mga mabubuting katangian na naging susi sa pagtatagumpay ng mga Pilipino
2. maipapakita ang pagsasaalang-alang sa karapatan ng iba.
3. Magagwa ang plano kung paano magpaunlad ng pansariling kakayahan sa pagsasaalang-
alang sa karapatan ng iba.
II. Paksang-aralin
Paksa : Isinasaalang-alang Ko, Karapatan ng Iba
III. Pamamaran
a. Pagganyak
Magpakitang mga larawan at hayaan ang mga mag-aaral na sabihin kung alin sa mga
larawan ang angpapakita ng pagsasaalang-alang sa karapatan ng iba.
b. Pagtalakay
Talakayin at sagutin sa klase:
Bukod sa mga nasa larawan, ano pa ang iyong nabasa sa diyaryo o napanood sa
telibesyon tungkol sa pagsasaalang-alang sa karapatan ng iba?
Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbabasa ng kwento ni Nenita Impreso-de Vega n Ang
Golden Rule.
Sa pamamagitan ng ng binasang kwento, talakayin ang ilan sa mga karapatan sa ilalaim
ng batas ng pamahalaan.
c. Paglalapat
Bilang paglinang ng kaalaman, gawin ang gawain sa pahina 72.
d. Paglalahat
Ang pagsasaalang-alang sa karapatan ng bawat isa ay daan tungo sa kapayapaan.
IV. Pagtataya
Sagutan ang mga sumusunod na gawain sa pahina 73.
V. Takdang aralin
Magpagawa ng tula na nagpapakita ng iyong karapatan bilang isang bata.
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Week 1

3rd Quarter

I. Layunin
Pagkataposng aralin, ang mga mag-aaral ay isnaasahang:
1. Napahahalagahan ang magaling at matagumpay na mga Pilipino sa pamamagitan ng:
1.1 pagmomodelo ng kanilang pagtatagumpay;
1.2 kuwento ng kanilang pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili para sa bayan;
1.3 pagtulad sa mga mabubuting katangian na naging susi sa pagtatagumpay ng mga Pilipino
2. matutukoy mga katangian ng mabuting mamamayan tungo sa pambansang pagkakaisa, at
3. maipapaliwanag ang kabutihang dulot ng mabuting pagkamamamayan tungo sa
pagkakaisa.
II. Paksang-aralin
Paksa : Nais Kong Maging Mabuting Miyembro ng Pamayanan
III. Pamamaran
a. Pagganyak
Magtawag ng mag-aaral sa klase at ipabasa ang ginawang tula sa klase.
b. Pagtalakay
Basahin ang tulang “Ang mabuting mamamayan Tungo sa Pagkakaisa ng Bayan” sa
klase, pagkatapos hayaang basahin ng mga mag-aaral ng sabay-sabay.
Suriin ang mga katangian ng isang mabuting mamamayan.
Paano makakatulong ang isang mabuting mamamayan sa pagkakaroon ng pambansang
pagkakaisa?
c. Paglalapat
Bawat tao ay may kakayahang baguhin ang sarili at maging isang mabuting mamamayan.
Basahin ang kwentong “Ang Pagbabago ng Bino” ang batang inansagang Laki sa Layaw.
d. Paglalahat
Ang mabuting pagkamamamayan ay n aipapakita sa pagsuporta at pagtupad sa mga batas
sa pambansang pagkakaisa .
IV. Pagtataya
Gabayan ang mga mag-aaral sa gawain sa pahina 77-79.
V. Takdang aralin
Sa paanong paraan mo maipapakita ang iyong pagiging mabuting mag-aaral, mabuting anak,
at mabuting kaibigan? Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

You might also like