You are on page 1of 17

Kamalayang Pampuhunan (Entrep.

)/
Pag-iimpok at Matalinong
Pamamahala ng Mapagkukunang-
yaman.
UNANG ARAW
Alamin Natin
Pagbuo ng pasel (puzzle) ng mga larawan ng
pinagkukunan ng likas na yaman. Hatiin ang klase sa
apat na grupo. Bawat grupo ay bibigyan ng larawang
bubuin. Ang unang grupo na makabubuo ang
panalo.
Unang Pangkat: (larawan ng dagat)
Ikalawang Pangkat: (larawan ng bundok)
Ikatlong Pangkat: (larawan ng gubat)
Ikaapat na Pangkat: (larawan ng lupa/patag)
UNANG ARAW
Alamin Natin
Gamit ang larawang binuo, sasagutin ng grupo ang tanong. Isusulat nila ang
sagot sa tsart sa loob ng limang minuto. Bibigyan ang bawat grupo ng
dalawang minuto para mag-ulat.
1. Ano ano ang nakukuhang yaman sa bawat larawan?
2. Paano napangangalagaan ang mga ito?
Nakukuhang Yaman Pangangalaga sa
Pinagkukunang Yaman

Pag-uulat ng grupo
Talakayin ang mahalagang kaisipan.
IKALAWANG ARAW
Isagawa Natin

Balik-aral

1. Tungkol saan ang ating talakayan kahapon?


2. Anong pagpapahalaga ang iyong natutunan
tungkol sa aralin?
3. Paano mapangangalagaan ang pinagkukunang-
yaman?
Video clip presentation (tungkol sa wasto at di-wastong
paggamit ng pinagkukunang yaman)

https://www.youtube.com/
watch?v=X2GXfN_y9ys
Talakayan:
1. Tungkol saan ang pinanood na video clip?
2. Anu-ano ang mga paraan ng wastong paggamit ng
pinagkukunang-yaman?
3. Anu-ano naman ang mga di-wastong paggamit ng
pinagkukunang-yaman?
IKATLONG ARAW
Isapuso Natin

Balik-aral:

Tungkol sa anong mga bagay ang talakayan


natin kahapon?
Anu-ano ang natutunan nyo?
Kung ikaw ay mabibigyan ng
pagkakataong magnegosyo gamit ang mga
nakukuhang yaman sa inyong pamayanan,
anong negosyo
ang papasukin mo? Bakit?
1. Hatiin ang klase ayon sa uri ng
pinagkukunayang yaman na makikita sa kanilang
pamayanan. (10 minuto)
2. Pag-uulat ng Gawain. (2 minuto bawat grupo)
3. Pagtatalakay sa ginawang plano
Pagpapaliwaang sa gagawing plano ng negosyo
Pangalan ng Negosyo:____________
Puhunan:_______________________
KAGAMITAN:______________________
PRESYO:___________________________
Tauhan/Sinong gagawa: _______________
Saan ipagbibili: ________________________
Magkano ibebenta:____________________
Tantiyang kita (Puhunan – Pinagbilhan =
Tubo):_________________
TANDAAN NATIN:
Dapat alagaan ang kapaligiran dahil dito nanggagaling ang
ating kabuhayan ngayon at ng mga susunod na henerasyon.
Kapag ito ay hindi naalagaan at inabuso tuluyan itong masisira
o di kaya’y mawawala. Kapag pinahahglagahan natin ang mga
ito at ginamit na maayos at may pananagutan, ang mga ito ay
patuloy na mapakikinabangan sa pang-araw-araw na
pangangailangan at maging sa pagnenegosyo. Gaya ng
kalikasan/kapaligiran/pinagkukunang yaman ang kita
natin sa ating pangnegosyo ay maaari ding maubos kapag
hindi natin ginamit nang maayos at iniimpok.
IKAAPAT NA ARAW
Isabuhay Natin

1. Malikhaing paglalahad tungkol sa pangangalaga


ng pinagkukunang yaman. Hatiin ang klase sa mga
grupo. Ang bawat grupo ay bibigyan ng
10 minuto na magplano at 2 minuto upang
maglahad.
2. Talakayan sa mahahalagang kaisapan ng
presentasyon
IKALIMANG ARAW Subukinatin

Lagyan ng tsek (/) kung ang mga gawain ay nagpapakita ng pag-iimpok at


matalinong pamamahala ng pinagkukunang yaman at ekis (x) kung hindi.

___ 1. Ang paaralan ay gumagamit ng organikong pataba sa pagpapalago ng


kanilang gulayan sa paaralan.
___ 2. Pinutol nila ang mga puno upang magamit sa pagpatayo ng bahay.
___ 3. Ang mag-anak ay nag-aalaga at nagpaparami ng mga pato sa likod bahay
upang maipagbili bilang karagdagang kita.
___ 4. Sa buwanang kita ni Aling Linda sa pagtitinda ng gulay at prutas sa
palengke ay nagtatabi siya ng 5% sa bangko.
___ 5. Upang makahuli ng maraming isda, gumamit ang kasamahan ni Mang
Isko ng lambat na may maliit na bata.
Basahin at unawain ang sitwasyon. Isulat kung paano
pinahahalagahan ang pinagkukunang yaman at sa tapat
naman nito ay kung paano nakatutulong sa pangkabuhayan.

Sitwasyon 1:
Sina Mang Roger at Mang Kiko ay nagtatrabaho sa
kumpanya ng pagawaan ng papel. Sa bawat puno na kanilang
pinuputol upang gawing papel ay pinapalitan nila ito.
Sitwasyon 2:

Ang mag-anak ni Mang Anton ay naninirahan sa may


tabi ng dagat upang makatipid at makapag impok,siya
at ang kanyang anak na panganay ay nangingisda gamit
ang wastong paraan sa panghuhuli ng isda o lamang
dagat upang iulam nila sa maghapon. Ang tirang
nahuling lamang dagat ay kanilang ititinda.
Pangangalaga sa Paano nakatutulong sa
pinagkukunang yaman Pangkabuhayan

You might also like