You are on page 1of 33

Tibay ng Iyong

YUNIT I Kalooban
Aralin 5 Aking
Susubukin
Layunin:
Katatagan ng
responsableng
pagdedesisyon
Paksa:
Katatagan ng
Loob
(Fortitude)
Bilang mag-aaral,
paano nakakaapekto
ang pagiging bukas ng
inyong isipan sa
Day 1 pagbuo at pagbibigay
Balik ng desisyon o pasya
na makabubuti sa
Aral inyong sarili at
pamilya?
1. Ano ang
karaniwan
ninyong ginagawa
kapag may mga
suliraning
dumarating sa
inyong pamilya?
2. Paano ninyo
nabigyang
solusyon ang mga
suliraning ito?
ALAMIN NATIN

Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga


sitwasyon ng OO o HINDI na susubok
sa kanilang pagpapasya gamit ang
katatagan ng kalooban.
MGA SITWASYON:
____1. Pinaninidigan ko ang aking mga ginawang desisyon
ng buong husay at tapang.
____2. Sa oras na may suliraning kinakaharap, buo ang loob
ko at taimtim na nanalig sa Diyos.
____3. Pinanghihinaan ako ng loob sa mga pagkakataong
nakapagbigay ako ng maling desisyon.
____4. Pinag-aaralan kong mabuti ang bawat bagay at
sitwasyon na nangangailangan ng isang matibay at matatag
na pagpapasya.
____5. Itinutuwid ko ang aking mga nagawang maling
desisyon sapagkat ako ay naniniwala na ang bawat
pagkakamali ay nagbibigay ng mahalagang aral.
1. Alin sa mga
nabanggit ang palagi
mong naisasagawa?
hindi naisasagawa?

2. Bukod sa mga
nabanggit, ano-ano
pa ang mga paraan
upang magkaroon ng
matatag na kalooban
sa pagbuo ng pasya o
desisyon?
DAY 2 ISAGAWA NATIN
Pangkatang Gawain:

Ngayong araw na ito ay inyong


pakikinggan ang isang awitin na may
pamagat na “Pagsubok”. Sariwain ang titik
o liriko ng awitin.
Itanong:
1. Ano ang mensahe ng awiting inyong napakinggan?
2. Ano ang inyong naramdaman habang nakikinig sa
awitin?
3. Anong linya ng awitin ang pumukaw sa inyong
damdamin? Bakit?
4. Ano-ano ang dapat ninyong taglayin kung may mga
pagsubok man kayong nararanasan?
5. Paano ninyo dapat tingnan ang mga pagsubok na
inyong nararanasan sa buhay?
KRAYTIRYA 3 2 1
Husay sa Lahat ng kasapi sa 1-2 kasapi sa pangkat ay 3-4 na kasapi sa pangkat
Pagganap pangkat ay nagpakita nagpakita ng ay hindi nagpakita ng
nang mataas na katamtamang husay sa kahusayan sa pagganap.
kahusayan sa pagganap. pagganap.

Angkop/ Tamang Naipakita nang maayos Naipakita nang maayos Hindi naipakita ang
saloobin sa at may tiwala ang ngunit may tamang saloobin sa
sitwasyon tamang saloobin sa pagaalinlangan ang sitwasyon.
sitwasyon. tamang saloobin sa
sitwasyon.
Partisipasyon ng mga Lahat ng miyembro ng 2-3 na miyembro ng 4-5 na miyembro ng
miyembro ng pangkat ay nakiisa sa pangkat ay hindi nakiisa pangkat ay hindi nakiisa
pangkat pangkatang gawain. sa pangkatang gawain. sa pangkatang gawain
KRAYTIRYA 4 3 2 1
Pagkamalikhain Naipakita ang Naipakita ang Naipakita ang Walang
sumusunod na dalawa sa isa sa naipakita sa
tatlong kraytirya: sumusunod na sumusunod na sumusunod na
- orihinalidad tatlong kraytirya: tatlong kraytirya: tatlong kraytirya:
- maka- totohanan - orihinalidad - orihinalidad - orihinalidad
(maka- Pilipino) - maka- totohanan - maka- totohanan - maka- totohanan
- kaaya-aya (maka- Pilipino) (maka- Pilipino) (maka- Pilipino)
- kaaya-aya - kaaya-aya - kaaya-aya

Kabuuang Marka
Ng Pangkat
DAY 3
ISAPUSO NATIN
Pangkatang Gawain

1. Pangkatin ang klase sa lima (5).


2. Ang bawat pangkat ay babasahin at uunawaing
mabuti ang kwento na may pamagat na “Isang
Hamon sa Buhay ni Joel”.
Isang Hamon sa Buhay ni Joel
Nabuhay sa isang marangyang pamilya si Joel. Ang kaniyang
mga magulang ay magkasamang naghahanap-buhay sa barko
simula ng siya ay maliit pa lamang. Lahat ng kaniyang gusto ay
nakukuha niya kagaya ng magagarang laruan, mamahaling
damit at bagong sapatos. Nararating din niya ang mga lugar na
nais niyang puntahan. Nakakain niya ang lahat ng masasarap
na pagkaing nais niyang kainin at nagagawa nyang ilibre ang
mga kaibigan niya sa mga bagay na gusto nila. Walang siyang
awa sa paglustay ng perang padala ng kaniyang magulang.
Katwiran niya ay sa padalang pera na lamang niya nahahanap
at nakukuha ang pagkalinga at pagmamahal na kaniyang
hinahanap. Laki sa layaw at sunod sa luho, iyan ang larawang
sasalamin sa batang si Joel.
• Isang araw, habang siya ay kasama ng kaniyang mga
kaibigan na abala sa paglalaro ng computer game sa isang
Internet cafe, isang tawag ang kaniyang natanggap mula
sa kanyang lola Maria.
• “Apo, madali ka munang umuwi sa bahay at may
mahalaga tayong pag-uusapan”, wika ng kaniyang lola.
Agad na sumunod si Joel sa bilin ng kaniyang lola.
• Pagdating sa tahanan ay nagkakagulo ang mga tiyo at tiya
ni Joel. Nag-iiyakan ang mga ito at sa kaniyang pagpasok
sa pintuan ng bahay ay biglang huminto ang lahat. “Ano
po ang nangyayari dito?” “Bakit kayo nag-iiyakan?” ang
tanging tanong ng batang si Joel.
• Lumapit ang lola ni Joel, na tangi niyang
tagapag-alaga. Sinabi nito ang nangyari sa
kaniyang mga magulang. “Joel, huwag kang
mabibigla.” “Sa hindi inaasahang pangyayari
ay lumubog ang barkong pinagtatrabahuhan
ng nanay at tatay mo,” sambit ng kaniyang
lola. Yumakap at humagulgol si Joel dahil hindi
niya matanggap ang sinapit ng kaniyang
magulang.
Gabay na Tanong:
a. Anong mabigat na pangyayari ang
naganap sa buhay ni Joel?
b. Ano-ano ba ang dapat isinasaalang-alang
sa pagbuo ng isang pasya o desisyon?
c. Sa paanong paraan mo maipakikita ang
pagkakaroon ng matatag na kalooban
kung katulad ni Joel ay may dumating na
dagok sa inyong pamilya?
DAY 4
ISABUHAY NATIN
Ipapanood sa mga mag-aaral ang video clip
na hango sa palatuntunang “Kapuso Mo,
Jessica Soho”, na tumatalakay sa katatagan
ng loob ng isang batang pumapasok sa
paaralan gamit ang sariling likhang stroller
upang makatapos ng kaniyang pag-aaral at
matamo ang adhikain sa kaniyang buhay.
https://www.youtube.com/watch?v=ZdMOqT3qjoY
Tungkol saan ang video clip na inyong
napanood?
2. Ano ang inyong naramdaman habang
pinapanood ang video clip?
3. Kung kayo ang batang nasa video clip, ano
ang inyong gagawin sa sitwasyong kaniyang
kinaharap? Bakit?
4. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa
pagpapasya sa mga sitwasyong katulad nito?
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo
maipamamalas ang pagkakaroon ng
katatagan ng kalooban sa mga hinaharap na
sitwasyon sa buhay? sa tahanan? sa
paaralan?
Ipagawa ang graphic organizer.

Panuto: Gamit ang graphic


organizer sa ibaba, punan ang mga
kahon ng mga sitwasyon na
nagpapakita ng katatagan ng loob
ng tauhan sa pinanood na video
clip.
Ipagawa ang graphic organizer.

Panuto: Gamit ang graphic


organizer sa ibaba, punan ang mga
kahon ng mga sitwasyon na
nagpapakita ng katatagan ng loob
ng tauhan sa pinanood na video
clip.
Katatagan
ng loob
DAY 5
SUBUKIN NATIN
Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matatag
na kalooban sa pagbuo ng desisyon?

a. Tumigil muna si Lloyd sa pag-aaral sa kadahilanang nawalan ng


trabaho ang kaniyang ama na nagtatrabaho sa Gitnang Silangan.
b. Nagmukmok sa kaniyang silid si Marlon dahil hindi niya
nagawang ipasa ang pagsusulit nila sa pagkaabogasya.
c. Nagpadala sa suhol ang karamihan ng pamilyang naninirahan
sa ilalim ng tulay dala ng kanilang pangangailangan.
d. Patuloy na nananalig si Arthur sa kapangyarihan ng Diyos na
gagaling ang kaniyang ina sa pakikipaglaban sa sakit na cancer.
2. Ang inyong lugar ay nakaranas ng isang malakas na lindol. Marami
ang naapektuhan ng pangyayari kasama na ang inyong pamilya. Alin
sa sumusunod ang dapat mong gawin?

a. Lumapit sa mga kamag-anak at kausaping pansamantala muna


silang kupkupin.
b. Unti-unting isaayos ang tahanan sa pamamagitan ng
pagkukumpuni sa nasirang bahagi nito.
c. Lumapit sa mga pulitiko upang mabigyan ng agarang tulong kagaya
ng pansamantalang tirahan at pagkain.
d. Maghanap ng bagong tirahan na hindi nakararanas nang madalas
na lindol at pabayaran sa mga kamag-anak na nakaaangat sa buhay.
3. Nagkaroon kayo ng pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakato.
Sinabihan ka ng matalik mong kaibigan na kailangan mo siyang
pakopyahin dahil kung hindi ay hindi ka niya kikilalaning kaibigan.
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang gagawin mo?

a. Kakausapin ko siya ng mahinahon at sasabihin ko na sumabay


siya sa akin sa pagsuri ng mga nakaraang aralin.
b. Isusumbong ko siya sa aking nanay upang kausapin nito ang
aming guro hinggil sa pangyayari upang maparusahan siya.
c. Hahayaan ko siyang kumopya sa aking sagutang papel lalo na
kung hindi naman ito makikita ng mga mga kama-aral at guro ko.
d. Hahanap na lamang ako ng mga bagong kaibigan na sasamahan
at sasabihin ko ang ugaling ipinakita niya sa akin.
4. Nagsara ang pabrikang pinapasukan ng iyong ama. Hindi naman
makapagtrabaho ang iyong ina dahil kapapanganak lamang niya.
Kinausap ka ng iyong mga magulang na pansamantalang tumigil sa
pagaaral upang patapusin muna ang iyong kuya sa kolehiyo na
magtatapos na sa taong kasalukuyan. Ano ang gagawin mo?
a. Susundin ko ang kagustuhan ng aking nanay at tatay dahil sila naman
ang bumuo ng pagpapasyang huminto muna ako sa aking pag-aaral.
b. Mangungutang muna ako sa aking mga kamag-aral at mangangako na
babayaran ko sila kapag nakaluwag na ang aming pamilya.
c. Kakausapin ko ang aking nanay at tatay na mag-aaral pa rin ako at
hahanap na lamang ako ng mapapasukang trabaho sa araw ng Sabado
at Linggo.
d. Mamamasukan muna ako sa karendiryang malapit sa amin at
gagamitin ko ang aking sweldo na pambili ng mga bagay na gusto ko
upang hindi na humngi sa nanay at tatay ko.
5. Ulila na kayong apat na magkakapatid sa magulang at tanging tiyo
at tiya ninyo na lamang ang nangangalaga sa inyo. Napansin mong
hindi mabuti ang pakikitungo nila sa inyo. Wala na kayong ibang
mapupuntahan dahil mas malayo ang lugar ng iba ninyong kamag-
anak. Ano ang gagawin mo?
a. Kakausapin ko ang aking mga kapatid na doon na muna sila sa iba
naming kamag-anak habang ako ay nag-aaral pa.
b. Ipagbibigay alam ko sa kinauukulan ang ginagawa ng aking tiyo at
tiya upang mabigyan sila ng tamang pansin sa kanilang ginagawa.
c. Kakausapin ko ang aking mga kapatid na magtiis na lang muna kami
sa ginagawa ng aming tiyo at tiya dahil wala kaming ibang
pupuntahan.
d. Titigil na lang muna ako sa pag-aaral upang magtrabaho at
mangungupahan ng sariling bahay upang makaiwas sa
pagmamaltratong ginagawa sa amin ng aming tiyo at tiya.
Tandaan Natin:

Ang katatagan ng kalooban ang isa sa magagandang ugali na


dapat taglayin ng isang tao. Ang halimbawa nito ay masasalik
sa mga kabataang patuloy na nagsisikap at bumabangon sa
kabila ng mga pagsubok at hirap sa buhay.
Kaakibat nito ang pagkakaroon ng malakas na paniniwala,
pagkakaroon ng prinsipyo at tiwala sa sarili na ating
nakukuha sa bawat desisyon na ating ginagawa.
Nalilinang ang katatagan ng loob sa mga tagumpay sa
pagharap sa pagsubok ng buhay. Subalit ang Diyos pa rin ang
pinakamalakas na sandigan upang maging matatag ang
kalooban sa paglutas ng anumang uri ng suliranin.
Karagdagang Gawain

Gumawa ng graphic organizer .

”MATATAG AKO” ng mga paraan kung


paano matatamo ang pagiging matatag sa
pagbibigay ng pasya o desisyon.
MATATAG
AKO

You might also like