You are on page 1of 26

1

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Magulang Ko, Mahal at
Iginagalang Ko!

Pangalan:
1

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Magulang Ko, Mahal at
Iginagalang Ko!!
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang


maunawaan at maisabuhay ang kahalagahan ng pagmamahal at
paggalang sa magulang at sa nakatatandang kasapi ng pamilya.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

* Nakapagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa mga


magulang ( EsP1P-IIa-b-1)

Naipakikita ang pagmamahal at paggalang sa magulang


sa pamamagitan ng pag-aalaga kapag sila ay maysakit,
pagtulong at pagsunod sa mga utos at bilin sa lahat ng oras at
pagkakataon (TG in EsP pahina 52-58)

Naisabubuhay ang pagmamahal at paggalang sa


magulang.

1
Subukin

Gumuhit ng puso ( ) kung ang larawan ay nagpapakita ng


pagmamahal at paggalang sa magulang at tatsulok ( ) kung hindi.

1.

2.

2
3.

4.

5.

3
Aralin
Magulang Ko, Mahal at
1 Iginagalang Ko!
Ang ating magulang ang pinakamahalagang binigay sa atin ng
Maykapal. Sila ang nagbigay sa atin ng buhay. Kung wala sila, wala din
tayo sa mundong ginagalawan natin ngayon, kaya nararapat lamang na
pagkalooban natin sila ng pagmamahal, at pag-aaruga.

Ang mga magulang natin ang naghihirap upang mabigyan tayo


nang magandang kinabukasan. Si nanay ang nag-aalaga sa atin sa
tuwing tayo ay nagkakasakit. Siya rin ang nag-aasikaso ng mga
pangangailangan ng ating pamilya. Si tatay naman ang naghahanap ng
trabaho upang mabili ang mga pangunahing pangangailangan ng ating
pamilya. Kaya mahalin at igalang natin ang ating mga magulang bilang
sukli sa pangangalagang ipinakikita nila sa atin.

Ang pagmamahal at paggalang sa ating mga magulang ay dapat


nating ipinakikita hindi lamang sa salita kung hindi maging sa gawa.
Tandaan sila lamang ang nakakaalam nang makabubuti para sa atin
kaya dapat lamang na suklian natin ang pag-aarugang kanilang
ibinibigay sa atin.

4
Balikan

Iguhit ang tsek ( ) kung ang larawan ay nagpapakita ng paggalang at


pagmamahal sa magulang at ekis (x ) kung hindi.

1.

_________

2.

__________

5
3.

_________

4.

_________

5.

_________

6
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral
upang maipakita ang pagmamahal at paggalang sa
magulang.

Tuklasin
Ikaw ba ay tumutulong sa iyong mga magulang sa mga gawaing-
bahay? Magaling! Halina at tunghayan natin ang kuwento ng
mag-anak na David. Basahin natin ang maikling kuwento sa
gabay at tulong ng nakatatandang kasama sa bahay.

Kami Naman, Inay!

Abala ang mag-anak na David sa paglilinis ng kanilang tahanan.


Lahat ay may kaniya kaniyang ginagawa. Si Ate ay nagluluto. Nagdidilig
sa halamanan si Kuya. Si Itay ay nagpapakain ng mga alagang manok
at baboy. At si Lenlen naman ay nagpupunas ng dumi ng mga gamit sa
loob ng bahay kasama si Nanay.

7
Maya-maya ay nakaramdam ng pagkahilo si Nanay. Nanlalamig
ang mga kamay niyang kumapit sa braso ni Lenlen. Dahan-dahan
siyang tinulungang makaupo ni Lenlen. Si Kuya ay mabilis na tinawag si
Tatay at si Ate ay agad na kumuha ng tubig sa baso at ipinainom ito kay
Nanay. Bakas sa mukha ng bawat isa ang pag-aalala.

Pinagpahinga ng magkakapatid ang nanay. Magkatulong na


tinapos nina Kuya at Lenlen ang paglilinis ng bahay habang si Tatay
naman ang nagpatuloy sa pagluluto ng tanghalian. Buong pagmamahal
na sinubuan ni Ate si Nanay ng pagkaing niluto ni Tatay nang sila ay
magtanghalian na.

8
Kinabukasan, ay nakangiting binati ni Nanay ang mga anak at ang
tatay na abala sa paghahain ng almusal. “Salamat mga anak sa pag-
aalaga at pagmamahal”, wika niya. Sabay-sabay na humalik sa pisngi
nito ang magkakapatid. “Walang anuman po Inay. Mahalaga ka sa amin
nina Tatay, Ate at Kuya. Mahal na mahal ka namin at makatitiyak ka na
susuklian namin ang pag-aalaga at pagmamahal na ibinibigay ninyo sa
amin ni Tatay”, masayang wika ni Lenlen saka niyakap ng mahigpit ang
kaniyang nanay.

Suriin

Sagutan natin ang mga sumusunod na katanungan tungkol sa


kwentong napakinggan. Isulat ang wastong sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Ano ang nangyari sa nanay ni Lenlen habang sila ay naglilinis ng


bahay?

a. Nahilo siya.

b. Nadulas siya.

c. Nasugatan siya.

9
2. Ano ang ginawa ng magkakapatid?

a. Iniwan si Nanay.

b. Pinagtulungan ang mga gawain sa bahay at inalagaan si

Nanay.

c. Naglibot silang magkakapatid.

3. Anong ugali ang ipinakita ng magkakapatid sa kanilang


ginawa sa kuwento?

a. pagiging matapat sa magulang

b. pagiging mapagmahal sa magulang

c. pagiging matipid

4. Dapat bang tularan ang ginawa ng magkakapatid? Bakit?

a. Hindi po, dahil bata pa ako.

b. Minsan po, kung bibigyan ako ng pera ni tatay.

c. Opo, dahil mahal ko ang aking mga magulang.

5. Kung ikaw ang bata sa kuwento, gagawin mo rin ba ang


ipinakitang pagmamahal ng magkakapatid sa kanilang
magulang?

a. Opo b. Hindi po c. Marahil po

10
Iisa lamang ang ating mga magulang, pakamahalin natin sila at
igalang. Ano man ang bilin nila, sundin natin ito nang buong puso.

Maipamamalas natin ang ating pagmamahal at paggalang sa


ating mga magulang sa pamamagitan ng:

a. pag-aalaga sa kanila sa tuwing sila ay maysakit,

b. pagtulong sa kanila sa mga gawaing-bahay,

c. pagsunod sa mga utos at bilin nila, at

d. higit sa lahat igalang at irespeto sila sa tuwi-tuwina.

Bilang isang anak laging tandaan, ipadama sa ating mga


magulang ang kahalagahan nila sa ating buhay.

11
Pagyamanin

A. Paggabay na Kasanayan (Guided/Controlled Practice)

Iguhit ang bilog ( ) kung ang larawan ay nagpapakita ng


pagmamahal at paggalang sa magulang at tatsulok ( ) kung hindi.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1.

2..

12
3.

4.

5.

13
B. Paggabay na Pagtatasa (Guided/Controlled Assessment)

Iguhit ang tala ( ) kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng


pagmamahal at paggalang sa iyong magulang at araw ( ) kung hindi.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Humahalik ako sa pisngi nina Nanay at Tatay bago ako


pumasok sa paaralan.

2. Nagtatago ako sa aking silid-tulugan sa tuwing ako ay


inuutusan.

3. Tinutulungan ko si Nanay tuwing siya ay naglalaba.

4. Hinahayaan kong maglinis ng bahay si Nanay kahit siya ay


maysakit.

5. Inaabot ko kaagad ang tsinelas ni Tatay pagkadating niya galing


trabaho.

C. Malayang Pagsasanay (Independent Practice)

Isulat ang Tama kung ang mga sumusunod ay nagpapakita ng


pagmamahal sa magulang at Mali kung hindi.

1. Lumalakad ako ng marahan habang nagpapahinga ang aking Nanay


sa kuwarto.

2. Sinisigawan ko ang aking Nanay kahit may ibang tao.

3. Inaalagaan ko ang aking bunsong kapatid habang si Nanay ay


naglalaba.

4. Nakikipag-away ako sa paaralan kahit ako ay pinagbabawalan ni


Tatay.

5. Inililigpit ko ang aking mga laruan pagkatapos ko itong gamitin.

14
D. Malayang Pagtatasa (Independent Assessment)

Paano mo maipakikita ang pagmamahal at paggalang sa iyong


magulang sa bawat sitwasyon na nasa larawan. Isulat ang letra ng
wastong sagot sa iyong sagutang papel.

1. a. hindi ko papansinin si n
anay
b. ibibili ko ng gamot at
paiinumin

c. maglilibot ako

2. a. hihingan ng pera

b. di papansinin

c. aabutan ng tsinelas at

magmamano

3. a. maglalaro ako

b. aalagaan ang aking

kapatid

c. manood ako ng tv

15
4. a. makikialam ako

b. bibigyan ko siya ng

inumin

c. makikipaglaro ako sa
ibang bata

5. a. tutulungan ko siya sa

pagbubuhat

b. magtatago ako

c. magkukunwari

akong natutulog

16
Isaisip
Ngayon, alam mo na ang mga dapat mong gawin upang
maipakita ang pagmamahal at paggalang sa iyong mga magulang.
Palagi mong tandaan na ang lahat ng ginagawa ng ating mga
magulang ay para sa ating ikabubuti kaya dapat tayong magpasalamat
gaano man kalaki o kaliit ang mga ginagawa nila para sa atin.

Paano mo maipakikita ang pagmamahal at paggalang sa iyong


mga magulang. Iguhit mo ito sa loob ng kahon at isulat nang maayos
sa ibaba ang mga sumusunod na pangungusap. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
“Mahal ko ang nanay at tatay ko. Igagalang at susundin ko ang
kanilang inuutos. Aalagaan at tutulungan ko sila sa lahat ng oras.”

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

________________________________________________________

17
Isagawa

Iguhit ang kahon ( ) kung ang isinasaad sa pangungusap ay


nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa magulang at bilog ( )
kung hindi.

1. Inililigpit ko ang mga laruang ginamit pagkatapos maglaro.

2. Nanonood ako ng telebisyon habang naglilinis si Nanay.

3. Sinunod ko nang mabilis ang utos ni Tatay na diligan ang mga


halaman sa bakuran.

4. Nagpapatugtog nang malakas kahit nakikita kong natutulog si


Nanay.

5. Pinagtitimpla ko ng kape si Tatay pagdating galing sa trabaho.

18
Tayahin

Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang sitwasyon ay


nagpapakita ng pagmamahal at paggalang sa magulang at
malungkot na mukha ( ) kung hindi. Isulat sa sagutang papel ang
iyong sagot.

1. Inaabot ko ang mga damit kay nanay habang siya ay naglalaba.

2. Umaalis ako ng bahay kapag alam kong mag-uutos si tatay.


3. Pinatugtog ko nang malakas ang radyo kahit alam kong
nagpapahinga ang aking tatay.
4. Iniwan mo ang iyong ginagawa upang ikuha ng tubig ang iyong tatay
na bagong dating.
5. Inalagaan ko ang aking bunsong kapatid nang makita kong nagluluto
ang iyong nanay.

19
Karagdagang Gawain

Napansin mo na nakahawak sa may lamesa ang nanay mo at basang


basa ng pawis. Ano ang gagawin mo upang maipakita mo ang
pagmamahal at paggalang sa kaniya. Iguhit mo ito sa loob ng kahon.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

20
Susi sa Pagwawasto

.5

.4
.5 a

.4 c
.3
.5 a 5. .5
.5 b.3
.2 .4 b 4. .4
.4
b.2 .3 b 3. .3
.3
.1 .2 c 2. .2
.2 a.1
.1 b 1. .1
.1
Balikan Suriin C B A
Subukin
Pagyamanin

.5 5.

.4 4.

.3 3.

.2 2.

.1 1.

Isagawa Tayahin

21
Sanggunian
DepEd (2017). Edukasyon sa Pagpapakatao 1. Patnubay ng Guro (Tagalog).
Ikalawang Edisyon, 2017

DepEd (2017). Edukasyon sa Pagpapakatao 1. Kagamitan ng Mag-aaral


(Tagalog). Binagong Edisyon, 2017

Edukasyon sa Pagpapakatao Competency Guide for Grade 1 ( EsP


1P-IIa-b-1)

Curriculum Implementation and Learning Management Matrix for


Grade 1

22
23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like