You are on page 1of 9

BANGHAY ARALIN

SA
ARALING PANLIPUNAN 4:
(Ikalawang Markahan)

Aralin VIII: Mga Mungkahing Paraan ng


Wastong Pangangasiwa ng Likas na Yaman ng
Bansa

Inihanda ni:
Bb. Jennycel P. Suelto
OV II- 5 BMSEE
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang mga iba’t ibang mga gawaing


pangkabuhayan batay sa heograpiya at mga oportunidad at hamong kaakibat nito tungo sa
likas kayang pag-unlad.

B. Pamantayan sa Pagganap: Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa iba’t ibang hanapbuhay


at gawaing pangkabuhayan na nakatutulong sa pagkakakilanlang Pilipino at likas kayang pag-
unlad ng bansa.

C. Pamantayan sa Pagkatuto: Nakapagbibigay ng mungkahing paraan ng wastong


pangangasiwa ng likas yaman ng bansa.

i. Cognitive: Nakagpamumungkahi ng mga ibat- ibang paraan ng wastong pangangasiwa


ng likas yaman ng bansa.

ii. Affective: Nakakahalok nang masigla sa talakayan patungkol sa mga wastong


pangangasiwa ng likas yaman ng bansa.

iii. Psychomotor: Nakapagtatala ng posibleng bunga ng wasto at hindi wastong


pangangasiwa sa likas yaman ng bansa.

II. NILALAMAN

A. Aralin Aralin VIII: Mga Mungkahing Paraan ng Wastong Pangangasiwa ng


Likas na Yaman ng Bansa

B. Mga 1. Araling Panlipunan 4 (LM) p. 153- 158


Sangunian
2. Araling Panlipunan 4 (TG) p. 71- 75

3. Video: Ang mga Ibon na Lumilipad Song

4. Video: Mga Mungkahing Paraan ng Wastong Pangangasiwa ng Likas


na Yaman ng Bansa

5. Video: Awit Para sa Kalikasan

6. K to 12- AP4LKE-IIb-d-3

C. Mga Projector o TV para sa presentasyon, i- strip ng mga salita, laptop at


Kagamitan panulat kung kinakailangan.

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Bago tayo magsimula sa ating klase tayo


ay manalangin muna.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu


Santo, Amen. (Ama namin...) Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu
Santo, Amen. (Ama namin...)
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu
Santo, Amen. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Espiritu Santo,
Amen.
2. Pagbati

Magandang araw mga bata!


Magandang araw po Bb. Suelto, magandang
araw mga kaklase.
Ano ang lagay ng panahon natin ngayon?

Maaraw nga siyang tunay. Mga bata dahil Ngayon po ay maaraw, ma'am.
kayganda ng araw ngayon, umawit tayo at
sumayaw. Ayos ba?

3. Pampasiglang Awitin Cge po, ma'am!

Ang mga Ibon na Lumilipad

Nagustuhan nyo ba ang ating awitin? (Umawit) Ang mga Ibon na Lumilipad Song

4. Pagtatala ng Liban Opo, ma'am.

Mga bata mayroon bang lumiban ngayong


araw?
Wala po ma'am.
Mabuti naman kung ganoon.

5. Pag- wawasto ng Takdang Aralin

May naibigay akong takdang aralin kapahon


diba?

Ilabas ninyo ang inyong mga takdang- aralin Opo.


at ipagpalit ito sa inyong mga katabi para sa
pagwawasto. Lagyan ng inyong pangalan
ang papel na inyong iniwasto. Nakuha ba?

Sa pinakadulong bahagi sa ibaba, bandang Saan po ilalagay ang aming pangalan, ma'am?
kanan.

(Checking)
Okay po, ma'am.
6. Mga Patakaran na Dapat Tandaan
sa Silid Aralan

Mga bata, naaalala nyo pa ba ang mga


patakaran na dapat tandaan ninyong tandaan
sa silid aralan?
Opo, ma'am.
Sinong makapag-bibigay ng mga
alituntunin? Sige, ikaw Mark?
Makinig ng mabuti.

Sundin ang mga panuto.

Mag trabaho ng tahimik at wag isturbuhin ang


ibang nagta-trabaho.
Kaygaling mo naman Mark! Respituhin ang kapwa kamag-aral.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagsasanay

Ipabasa sa mga bata.

Lambak Kapatagan

Bundok Kabundukan Lambak Kapatagan

Lawa Ilog Bundok Kabundukan

Dagat Sapa Lawa Ilog

Dagat Sapa

Mahusay mga bata! Isa, dalawa, tatlo.

Tatlong bagsak nga diyan.

2. Balik- Aral

Kahapon tinalakay natin ang pananagutan sa


pangangasiwa at pangangalaga ng
pinagkukunang-yaman ng bansa.

Sino ang makapagbibigay ng kasapi ng


lipunan na may pananagutan sa
pinagkukunang- yaman ng bansa?
Ang pamahalaan po ma'am.
Ikaw, Meah.

Tama!
May panangutan din po ang paaralan ma'am.
Ano pa? Daniel?
Mga pribadong samahan po.
Sige, ano pa?
May panangutan din po ang bawat pamilya at
Magbigay pa. ang mga mamamayan.
Magaling at natatandaan nyo pa ang
tinalakay natin kahapon.
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima.
Bigyan nang limang bagsak ang inyong mga
sarili.

C. Pagganyak

Ipaawit ang sumusunod na kanta na may


tono ng "Ang mga Ibon na Lumilipad".

Awit:
Awit:
Ang mga bundok na matataas, Ang mga bundok na matataas,

Ay yamang lupa, Ay yamang lupa,

Wag nating patagin Wag nating patagin

(Ulitin) (Ulitin)

‘Wag ka nang malungkot ‘Wag ka nang malungkot

O, Wow Philippines. O, Wow Philippines.

Palitan ang mga salitang bundok na Palitan ang mga salitang bundok na matataas,
matataas, yamang lupa at patagin ng mga yamang lupa at patagin ng mga sumusunod:
sumusunod:
 ilog na umaagos/yamang
 ilog na umaagos/yamang tubig/dumihan
tubig/dumihan  puno na mayayabong/yamang
 puno na mayayabong/yamang gubat/putulin
gubat/putulin  haribon na lumilipad/yamang hayop-
 haribon na lumilipad/yamang hayop- gubat/panain
gubat/panain  magsasaka na masisipag/yamang
 magsasaka na masisipag/yamang tao/maliitin
tao/maliitin  likas na yaman/gawa ng Diyos/sirain
 likas na yaman/gawa ng Diyos/sirain

Mga tanong:

1. Anong mga likas na yaman ang nabanggit


sa awit? Bundok, ilog, puno, haribon at magsasaka po
ma'am.
Mahusay!
2. Ano-anong uri ito ng mga likas na yaman? Yamang lupa, tubig, gubat, hayop at tao,
ma'am.
Tama!
3. Ano-ano ang hindi natin dapat gawin sa
mga likas na yaman na nabanggit sa awit? Patagin po.
Magaling! Dumihan.

Huwag pong panain.

Huwag pong maliitin.


4. Ano-ano ang maaaring mangyari kapag
hindi natin sinunod ang mga sinasabi sa
awit?
Masisira po ang ating Likas- Yaman ma'am.
Ang gagaling niyo naman mga bata.

D. Paglalahad

Sa mga ginawa nating aktibiti, may Opo, ma'am.


ideya na ba kayo sa kung ano ang tatalakayin
natin ngayong araw?

Kung ganoon maari niyo bang ibahagi


sa klase ang inyong alam o hula tungkol sa
ating tatalakayin ngayon?
Ma'am, sa tingin ko po, ang tatalakayin natin
ngayon ay patungkol sa mga likas na yaman sa
Sige, Mecayla. ating bansa.

Okay, ano pa? Sa palagay ko po ay tatalakayin natin kung ano


ang mga hindi dapat gawin sa mga likas
Ikaw, Ryan? yaman.

Ma'am! Maari din pong ang tatalakayin natin


May iba pa ba kayong ideya? ngayon ay tungkol sa pangangalaga sa mga
likas yaman.

Mahuhusay!

May ipapakita ako sa inyong video. Nais


kong pagtu-unan ninyo ng pansin at
pakinggang mabuti ang bawat sasabihin ng
taga- pagsalita sa video, okay?
1. Ano ang mga mungkahing paraan ng
Bago tayo magsimulang manood, nais kung wastong pangangasiwa ng mga likas na
basahin ninyo muna ang mga gabay na yaman ng bansa?
tanong dahil pagkatapos ninyong manood ay
sasagutan ninyo ito. 2. Bakit kailangang isabuhay ang mga
mungkahing paraan ng wastong
pangangasiwa ng mga likas na yaman ng
bansa?

Mga Mungkahing Paraan ng Wastong (Panonood)


Pangangasiwa ng Likas na Yaman ng Bansa

E. Pagtatalakay

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang mga mungkahing paraan ng Ang mga mungkahing paraan ng wastong
wastong pangangasiwa ng mga likas na pangangasiwa ng mga yamang lupa ay
yaman ng bansa? magtanim ng puno, iwasan ang pagkakaingin,
iwasag gamitin ang nakakasamang kemikal,
Una, magbigay para sa Yamang Lupa. gumawa ng compost pit o hukay, huwag saktan
ang mga hayop, at huwag mangsira ng mga
halaman, ma'am.

Sa tubig naman po ma'am ay huwag gumamit


Magbigay naman para sa Yamang Tubig. ng dinamita, iwasan pong magtapon bg basura
sa ating mga katubigan, magtayo ng mga water
treatment plant, at ipagbawal ang pagtatayo ng
tahanan sa ibabaw o tabi ng mga ilog at estero.

Kailang isabuhay ang mga mungkahing paraan


ng wastong pangangasiwa ng mga likas na
Bakit kailangang isabuhay ang mga yaman ng bansa sapagkat ang kapaligiran ay
mungkahing paraan ng wastong kaloob ng Maykapal para sa atin at nararapat
pangangasiwa ng mga likas na yaman ng lang po na atin itong pangalagaan upang
bansa? mapana pa ponsavsusunod na henerasyon
ma'am.

Bilang isang estudyante, sa paanong paraan


mo maipapakita ang wastong pangangasiwa (Ang sagot ay nakadepende sa mag-aaral)
ng mga likas yaman sa ating bansa?

(Ang sagot ay nakadepende sa mag-aaral)


Sa iyong palagay, bakit kailanganang wasto
ang pangngasiwa sa mga likas yaman ng
ating bansa?

Mahusay!

Bigyan ng Fireworks clap ang inyong nga


sarili.

F. Paglalapat

Mga bata pagpapangkat- pangkatin ninyo ang inyong mga sarili sa apat na grupo. Dahil may
gagawin tayong aktibiti ypang mas mahasa pa ang inyong alam tungkol sa pangangasiwa ng
likas na yaman sa ating bansa.

Bago ang lahat manonood muna kayo ng isang video na kung saan, dito kayo babasi ng inyong
isasagot sa pangkatang gawain.

Ipapanood: Awit Para sa Kalikasan

Bibigyan ko kayo ng 10 minuto upang gawin ang mga nakaatas na gawain sa inyong mga
pangkat. Tandaan din ang mga alinsunurin kapag gagawa nang pangkat gawain.

GROUP 1: Basi sa ating tinalakay at pati na rin sa mga bidyung iyo nang napanood, isulat o
itala sa inyong sagutang papel ang mga posibleng bunga ng wastong pangangasiwa ng Likas
na Yaman ng ating bansa.

GROUP 2: Basi sa ating tinalakay at pati na rin sa mga bidyung iyo nang napanood, isulat o
itala sa inyong sagutang papel ang mga posibleng bunga ng hindi- wastong pangangasiwa ng
Likas na Yaman ng ating bansa.

GROUP 3: Basi sa ating tinalakay at pati na rin sa mga bidyung iyo nang napanood, isulat o
itala sa inyong sagutang papel ang mga wastong pangangasiwa ng Likas na Yaman ng ating
bansa.

GROUP 4: Basi sa ating tinalakay at pati na rin sa mga bidyung iyo nang napanood, isulat o
itala sa inyong sagutang papel ang mga hindi wastong pangangasiwa ng Likas na Yaman ng
ating bansa.

Matapos ang itinakdang oras ay i- presenta ito sa klase. Narito ang pamantayan para sa pag-
puntos.
Pamantayan sa Pagbibigay Puntos

Kabuluhan ng Nilalaman 10

Pag- presenta sa Klase 5

Pagtutulungan ng Grupo 5

Kabuuang Puntos 20

G. Paglalahat

Ano-ano ang mga likas yaman na nabanggit Yamang Lupa at Yamang tubig.
sa ating talakayan? Magbigay ng halimbawa.
Ang halimbawa ng yamang lupa ay ang mga
burol at bundok

Ang halimbawa naman ng yamang tubig ay


ang mga ilog ata dagat.

(Ang mga sagot ay nakadepende sa mga mag-


Paano ninyo pangangasiwaaan ng wasto ang aaral)
likas yaman sa bansa?

Ano naman ang mga hindi dapat gawin sa


mga likas na yaman ng bansa? Ma'am, hindi natin dapat sirain po.

Paano ninyo nasasabi kung ang ginagawang (Ang mga sagot ay nakadepende sa mga mag-
pangangasiwa sa mga likas yaman ay aaral)
nakabubuti o nakakasama?

IV. PAGTATAYA

Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang bilang kung Mga Sagot


ang mungkahing paraan ng pangangasiwa ng
likas na yaman ng bansa ay wasto, at ekis (×)
kung hindi wasto. Gawin ito sa sagutang
papel.

1. Iiwasan ang pagtatapon ng basura sa mga


yamang tubig. ✓

2. Magtanim ng mga puno at halaman sa mga


bakanteng lote.

3. Ipagwawalang-bahala ang mga batas
pangkalikasan.
×

4. Gawin ang programang 3Rs (reduce, reuse,


recycle).


5. Hayaang nakabukas ang gripo kahit
umaapaw na ang tubig sa balde.
×
IV. KASUNDUAN

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong na nasa ibaba at isulat ang iyong sagot sa inyong
kuwaderno. Bawat bilang ay nagkakahalaga ng 5 puntos, at may kabuuang 15 puntos.

1. Nalaman mo na ang iyong ama ay gumagamit ng dinamita sa kaniyang pangingisda.


Natutunan mo sa paaralan na pinagbabawal ito ng pamahalaan at maaari siyang makulong
kung siya ay mahuhuli. Paano mo ito sasabihin sa iyong ama?

2. Marami kang kaibigan na nakatira sa may estero. Doon nila tinatapon ang kanilang mga
basura kaya’t madalas ang pagbaha rito. Ano ang sasabihin mo sa iyong mga kaibigan? Paano
mo ito maipararating sa inyong punong barangay?
3. Habang ikaw ay nasa daan pauwi sa inyong tahanan, nakita mong sinisira ng isang bata ang
mga halaman ng inyong kapitbahay. Ano ang sasabihin mo sa bata?

You might also like