You are on page 1of 3

Department of Education

Division of Muntinlupa
F. De Mesa Elementary School
Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao-1

Name of Teacher: JO-AN B. BATOLENO Date: MAYO 18, 2022


Grade and Section: Grade I Tourmaline Time: 2:00-3:00 PM

I.Mga Layunin:

A.Pamantayang Pangnilalaman

- Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagpapasalamat sa lahat ng likha at mga biyayang


tinatanggap mula sa Diyos
B. Pamantayan sa Pagaganap
- Naisasabuhay ang pagpapasalamat sa lahat ng biyayang tinatanggap at nakapagpapakita ng pag-asa sa
lahat ng pagkakataon

C. Kasanayan sa Pagkatuto
EsP1PD- IVa-d– 5
-Naipapakita ang pasasalamat sa Panginoon sa mga bagay na nikha Niya.

II. Paksang-aralin:

a. Paggalang sa paniniwala ng kapwa


b. Sanggunian: MELCS ESP1 EsP1PD- IVa-d– 5,ESP Module pah.1-8
c. Kagamitan: “Powerpoint,laptop,panulat,white board,at power point presentation.

III. Pamamaraan:

1. Panimulang Gawain:
- Pagbati
- Panalangin
- Balik-aral
2. Paghahawan ng Balakid
- Pakingan ang mga salitang babasahin ng guro.

Talasalitaan:
Biyaya, Diyos, ipinagkaloob
pagmamahal
3. Pagganyak:
Awit “Sinong may Likha”

4. Pamantayan sa pakikinig ng tula


 Umupo nang maayos at huwag malikot
 Ituon ang tenga at mata sa nagbabasa ng tula
 Unawaing mabuti ang maikling tula upang makasagot at makasali sa talakayan

5. Paglalahad
a. Ano-anu ang mga nilikha ng Diyos na dapat nating ipagpasalamat?Bakit?

b. Ipapanuod sa mga bata ang video “Paglikha ng Diyos sa mundo”

6. Talakayan
a. Talakayin ang napanuod na video “Paglikha ng Diyos sa Mundo”

7. Kasanayang Pagpapayaman:
- Pagbuo ng maikling dasal pasasalamat sa Diyos

Panginoon salamat po sa lahat ng iyong mga nilikha.


Salamat sa mga biyayang amin natanggap sa araw araw Amen!
8. Pagpapahalaga:
- Nakarating ka sa isang magandang lugar. Hangang-hanga ka sa kagandahan nito. Ano ang iyong
maaring gawin?
9. Paglalahat ng aralin:
- TANDAAN:
- 1.Ang mga biyaya o mga
- pagpapala na ating tinatamasa ay
- bigay sa atin ng Diyos.
- 2. Ang pananalangin o pagdarasal
- ay isang paraan ng pakikipag-usap
- sa Diyos upang ipaabot ang ating
- pasasalamat at mga kahilingan sa
- buhay.
- 3. Maraming paraan ng pagpapakita
- ng pasasalamat at pakikipag-
- ugnayan sa Diyos gaya ng
- pagdarasal, pag-awit at pagsamba.

V. Pagtataya:

Ipakita ang iyong pasasalamat sa Panginoon sa mga bagay na nikha


Niya. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Tanawin ito na kaygandang pagmasdan sa lalawigan lamang matatagpuan sagana sa likas na yaman
dito ay maraming tanim na halaman.
a. Ilog b. Bundok c. Langit
2. Kami’y laging nag-aawitan sa itaas ng puno’t halaman.
a. isda b. ibon c. unggoy
3. Apat ang aming paa katulong ng tao sa tuwina.
a. isda b. ibon c. Hayop
4. Tubig ang aming tirahan.Kinakain ng tao araw-araw.
a. ibon b. isda c. Hayop
5. Magaganda’t iba’t ibang kulay. Sa paligid nagbibigay buhay.
a. halaman b. bulaklak c. hayop

VI. Takdang-aralin: Isaulo ang maikling dasal pasasalamat.

Inihanda ni:

G. JO-AN B. BATOLENO
Guro sa Unang Baitang

You might also like