You are on page 1of 9

School BITIN ELEMNTARY SCHOOL Grade Level Four

Grades 1 to 12 COT Teacher JOHN ERROLL O. GESMUNDO Learning Area FILIPINO


Date & Time JANUARY 12, 2024 Quarter 2nd Quarter w8
I. LAYUNIN

A. Pamantayan Pagkatapos ng Ikaapat na Baitang, naipamamalas na ng mga mag-aaral ang kakayahan sa pagbasa, pagsulat at
ng Nilalaman pakikipagtalastasan nang wasto upang maipahayag ang kaalaman, ideya at damdaming angkop sa kaniyang edad at
sa kulturang kinabibilangan at nakikilahok sa pagpapaunlad ng pamayanan
B. Pamantayan
ng Pagganap Ang mag-aaral ay nakagagamit ng wasto ang pang-abay at pang-uri sa pangungusap.

C. Mga
kasanayan sa Nakikilala ang pang-abay at pang-uri sa pangungusap F4WG-IIh-j-6.
Pagkatuto.
II. NILALAMAN Nakikilala ang pang-abay at pang-uri sa pangungusap.

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian Filipino 4, Modyul 8, Sumusuportang Detalye, wastong pang-abay at pandiwa sa pangungusap, wastong pang-abay at pang-uri sa pangungusap

BOW - pahina 48
MWLC - pahina 158
B. Iba pang
kagamitang laptop, TV, Interactive PowerPoint Presentation,
Panturo
IV. PAMARAAN Mga Aktibidad
A) Balik-Aral sa Balik - Aral
nakaraang aralin at/ o Ano ang Pariralang Pang-Abay?
pagsisimula ng bagong Pariralang Pang-abay
aralin.
-Ito ay bahagi ng pananalitang naglalarawan kung paano (pamaraan), saan (panlunan) o kailan (pamanahon) ang isinasaad ng pandiwa.
Paalala sa guro:
Bago simulan ang klase, Subukan Natin!
magdasal at panoorin Panuto: Isulat sa patlang ang titik PR kung ito ay pang-abay na pamaraan, PN kung ito ay ang pang-abay na pamanahaon, PL kung ito ay pang-
muna ang classroom abay na panlunan.
rules- nasa powerpoint
na) ______1. Nagbakasyon kami sa Tagaytay.

______2. Babalik sila sa isang Linggo

______3. Masayang naglalaro ang mga bata


______4. Dadalaw kami sa bahay ni Ana

______5. Maagang pumasok si Noel

B) Paghahabi sa layunin PAGGANYAK.


ng Aralin
Karne sa Bisperas

Bisperas na ng pista sa aming barangay, masaya na ang paligid, halos lahat ng kabahayan ay abalang abala
na sa kani-kanilang paghahanda para sa araw ng pista. Taon-taon, kami ay nakikiisa sa paghahanda kada pista,
ito ay lubos na pasasalamat sa aming patrong San Jose o si St. Joseph, na isinunod din ang panglan sa aming
barangay.

Sa ganitong araw ng bisperas sadyang kami ay sama-sama at tulong-tulong ng aming buong pamilya sa pag-
aayos, pagpapaganda o paglilinis ng bahay upang sa araw ng pista at ang makikita ng mga dadating na bisita ay
panay kalinisan.

Ito din ang araw na ako ay bibili ng mga rekado para sa mga ihahandang pagkain namin, at uunahin kong
puntahan ay ang bilihan ng karneng baboy sa aking suki. Nakausap ko ang aking suki:
Suki : Utoy, kumusta? Kukuha ka ba ulit ng karne?
Janjan : Naku! Tita opo, pista na po bukas sa amin kaya ako’y kukuha po ulit ng magandang karne.
Suki : ohh, ano ang kukunin mo at ilan?
Janjan : magkakano po ang kilo para sa laman, kasim, buto-buto, kamumuntian?
Suki : naku eh sa mura ko ibibigay sa iyo ha! Sa laman eh 210 gay-un na din sa kasim at buto-buto
sa kamumuntian naman ay ibibigay ko sa iyo ng 180. Ehh tig-iilang kilo baga?
Janjan : Naku bigyan nyo po ako ng 20kl sa laman, 10kl sa kasim, mga 5 kilo sa buto-buto at 2kl sa
Kamumuntian.
Suki : sige at balikan mo ako bukas ng umagang-umaga para dine sa order mo.
Janjan : salamat po.

Kinabukasan, nakakuha na ako ng karne, at sa umagang umaga ding yun ay nagsimula na din kaming
magluto ng ihahain para sa bisita.

Tanong
1. Ano ang pamagat ng kwento?
2. Ano ang tinatawag na bisperas? Ano naman ang pista?
3. Bakit maghahanda ulit ngayong taon sina Janjan?
4. Nasa magkano ang nagastos ni Janjan sa pagbili ng karne na panghanda nila?
5. Ikaw, sa iyong palagay dapat bang maghanda ang inyong pamilya tuwing sasapit ang araw ng pista? Bakit?
Panagtwiranan mo ang iyong sagot.
Pansining mabuti ang mga pangungusap o pariralang may salungguhit.
Ito ay naglalaman ng pang-uri at pang-abay.

C) Pag-uugnay ng Talakayin Natin!


mga halimbawa sa
bagong aralin Ano din ang pang-uri? Ano ngaba ang pang-abay?
Paano naiiba ang pang-abay sa pang-uri?

• Pang-uri
 Ang pang-uri ay may mga salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa panggalan o panghalip.
 Maaari itong ilarawan ang isang tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.

Halimbawa:
 Kulay - pula = pula ang labi na ate
 Sukat - malaki = malaki ang kahon na hawak ko
 Dami - isang kaban = isang kaban pa ang bigas namin
 Itsura - maganda = maganda ang damit ko
 Hugis - bilog = bilog ang buwan ngayon sa langit

• Pang-abay
 bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.

 Pang-abay na nagbibigay turing sa pandiwa.


Halimbawa:
pang-abay pandiwa
Maingat na isinubo ni Isko ang tinapay.
➢ Pang-abay na nagbibigay turing sa pang-uri.
Halimbawa:
pang-abay pang-uri
Totoong masipag ang ating tiyan.
➢ Pang-abay na nagbibigay turing sa kapwa pang-abay.
Halimbawa:
pang-abay pang-abay pang-uri
Talagang masakit sa kaawa-awang si Miyo ang
mahusgahan ng mali.

 Samakatwid, kapag nakakita tayo ng salitang naglalarawan ay hindi agad nating masasabing ito’y pang-uri
o pang-abay. Kailangang suriing muli ang salitang inilalarawan nito.

▪ Pang-uri ito kapag naglalarawan ng pangngalan o panghalip.


▪ Pang-abay ito kapag naglalarawan ng pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.

Halimbawa:

• mabuti bilang pang-uri:


Ang tao ay mabuti kung hindi siya basta nanghuhusga.

• mabuti bilang pang-abay:


Mabuting pinag-iisipan muna ang anumang gagawin para hindi
makasakit ng iba.

D) Pagtalakay ng Games : Charades


bagong konsepto sa
paglalahad ng Larawan ko! Hulaan mo!
bagong kasanayan Pipili ang guro ng mga bata, bawat batang mapipili ay kukuha ng isang larawan sa kahon upang ipahula sa kaklase
#1
kung ano ang nasa larawan gamit ng mga salitang panlarawan at gamit ng salitang pandiwa na tugma sa ipapahula.

1. 2. 3. 4. 5.
Ang mga salitang ginamit sa bawat larawan ay tumutukoy sa pang-uri at pang-abay gaya ng mga sumusunod:

1. MAKULAY
Pang-Uri - makulay ang mga banderitas sa aming baranggay
Pang-Abay - kapag pista makulay na nakasabit ang mga banderitas sa amin

2. MADAMI
Pang-Uri - madami ang pagkain namin sa pista
Pang-Abay - maghahanda kami nang madami sa pista

3. MALAMBOT
Pang-Uri - nasa malambot na upuan ang mga bisita
Pang-Abay - sadyang malambot ang kutson sa sofa

4. MAHUSAY
Pang-Uri - mahusay si Alfred sa Filipino
Pang-Abay - mahusay sumagot ang si Alfred sa klase

5. MAKULAY
Pang-Uri - makulay ang damit ko ngayon
Pang-Abay - nag sabit nang makulay na damit si nanay sa sampayan

E) Pagtalakay ng bagong Gawin Natin!


konsepto at paglalahad Pangkatang Gawain.
ng bagong kasanayan #2

Unang Pangkat
- Larawan ko, ikukwento ko!

Gamit ang mga larawan, bumuo ng simpleng pangungusap o parirala na nagsasaad ng pang-uri at pang-abay.
Ikalawang Pangkat
- Salita ko, igagalaw ko!

Gamit ang mga nakahandang salitang panlarawan, iaakto at gagamitin nila ito sa isang maikling dula.

MAGALANG NAGMAMADALI TAHIMIK MAINGAT

Ikatlong Pangkat
- Buuin ang ginulong salita!

Mayroong mga jumbled word na dapat ayusing muli ng mga bata upang makagawa ng parirala o pangungusap na
nagsasaad ng pang-uri at pang-abay

AMABIT MAALBO MAIHNA MAABGAL


Ika-apat na Pangkat
- Pipili ng isa sa tatlong gawain.

F) Paglinang ng Gawain ng buong klase;


kabihasaan (tungo
sa Formative Paghahanap ng Pang-uri at Pang-abay
Assessment) Ang aktibidad na ito ay idinisenyo upang matulungan ang mga mag-aaral na magsanay sa pagtukoy ng mga Pang-uri
at pang-abay sa mga pangungusap.

Sa tulong ng mga nakasabit na banderitas, may mga nakadikit ditong mga papel na naglalaman ng pangungusap at
sa bawat pangungusap ay may naka salunguhit na salita, at alalamin nila kung ito ay pang-uri o pang-abay.

1. Si Mario ay mas masigasig kay Amado. PANG-URI


2. Mabagal kumilos ang tita ko. PANG-ABAY
3. Malambing magsalita ang kapatid niyang bunso. PANG-ABAY
4. Masarap ang pagkain na niluluto ni tatay. PANG-URI
5. Ang “bag” ko ang pinakamatibay sa aming apat. PANG-URI
6. Mabilis kumilos ang unggoy. PANG-ABAY
7. Mahina ang internet connection sa loob ng paaralan. PANG-URI
8. Malabo ang mga mata ni tatay kaya’t kinakailangan na niyang magsuot ng salamin. PANG-URI
9. Mabagal maglakad ang lola ko. PANG-ABAY
10. Mas masarap ang pancit na luto ni tiya kaysa kay tiyo PANG-URI
G) Paglalapat ng aralin Narito ang ilang partikular na halimbawa kung paano natin ginagamit ang mga pang-abay at pang-uri sa
sa pang-araw-araw na
buhay ating pang-araw-araw na buhay:

 Kapag nag-order ng pagkain sa isang restaurant: "Gusto ko ang medium-rare na steak na may crispy
fries."
 Kapag nagbibigay ng mga direksyon: "Kumaliwa sa susunod na intersection at dumiretso sa dalawang
bloke."
 Kapag nagsusulat ng email: "Talagang nasasabik ako sa bagong proyekto!"
 Kapag pinag-uusapan ang isang kaibigan: "Ang kaibigan ko ang pinakanakakatawang taong kilala
ko."
 Kapag naglalarawan ng isang pelikula: "Ang pelikula ay hindi mapaniniwalaan o kapani-paniwala."
 Tulad ng makikita mo, ang mga adverbs at adjectives ay isang mahalagang bahagi ng ating pang-
araw-araw na wika. Sa mabisang paggamit ng mga ito, maaari tayong makipag-usap nang mas
malinaw at maigsi, at maaari rin tayong magdagdag ng higit na linaw at interes sa ating pagsusulat at
pagsasalita.

H. Paglalahat Ng Tandaan!
Aralin
Pang-uri ay salitang naglalarawan ng pangngalan o panghalip.
Pang-abay ay salitang naglalarawan ng pandiwa, pang-uri, okapwa pang-abay.

H) Pagtataya ng Aralin Panuto: Isulat sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay ginagamit bilang pang-uri o pang-abay.

1.
___________ Ang tirahan ng mga hayop sa kagubatan ay mapayapa.
___________ Ang mga hayop ay mapayapang naninirahan sa kagubatan.
2.
___________ Minahal niya nang wagas ang kanyang inang-bayan.
___________ Ang pagmamahal niya sa kanyang inang-bayan ay wagas.
3.
___________ Mahigpit na yinakap ng ina ang kanyang mga anak.
___________ Mahigpit ang yakap ng ina sa kanyang mga anak.
4.
___________ Ang lalaking nagnakaw ng bag ay nagmamadali.
___________ Nagmamadaling lumabas ang lalaking nagnakaw ng bag.
5.
___________ Nakatutuwang alalahanin ang bakasyon natin noong isang taon.
___________ Naalala ko ang nakatutuwang bakasyon natin noong isang taon.
I)Karagdagang Gawain Takdang Aralin:
para sa takdang aralin at Gumawa ng limang pangungusap gamit ng pang-uri at pang-abay.
remediation
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng
nakakuha ng 75% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba pang Gawain para
sa remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng
mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-
aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang
pagtuturo ang
nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking naranasan
na solusyonan sa
tulong ng aking
punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

You might also like