You are on page 1of 7

Banghay aralin sa filipino V

I. LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin na ito ang mga bata ay inaasahang makakuha ng 75% sa mga
sumusunod na kakayahan

a. Maipapakita ang pagkakaiba ng mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat

b. Makapagsagawa ng mga gawain upang mas lalong maunawaan ang mga salitang
magkasingkahulugan at magkasalungat

c. Mapapahalagahan ang tamang paggamit ng mga salitang magkasingkahulugan at


magkasalungat

II. PAKSANG ARALIN

Paksa:

Mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat

Pamantayan sa pagkatuto:

Nagbibigay ng mga salitang magkasalungat/magkasingkaluhugan

(F5PT-IIIc- h-10)

Kagamitan: visual aids , larawan, flash cards

Sanggunian: curriculum guide,FILIPINO 5 MODULE internet


(https://www.slideshare.net/RitchenMadura/magkasingkahulugan-at-magkasalungat-
250097244 )

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mag-aaral

A. Panimulang gawain

★ Pagbati

Magandang araw mga bata Magandang araw rin binibini

★ Panalangin

Tumayo ang lahat para sa panalangin

Aira maaari mo bang pangunahan ang Opo binibini,


ating panalangin
Tatayo ang lahat ng mag-aaral at manalangin

Hindi po
★ Ehersisyo

Mga bata alam niyo pa ang kantang ako


malungkot, masaya, maligaya (kung ikaw ay
masaya tumawa ka )
Hindi po binibini
Malungkot , masaya , maligaya (x2)

Malungkot, masaya

Masaya, maligaya

Malungkot masaya maligaya

Maraming salamat mga bata magsi upo ng


lahat

★ pagtatala ng lumiban sa klase

Bago tayo magsimula tignan niyo muna


ang inyong kaklase kung lumiban ba sa araw
na ito

1. Balik-aral

Sino sa inyo ang nakaalala kung ano ang ating


tinalakay kahapon!

2. Paganyak

Masaya sa nayon

Masaya sa nayon maligayang tunay;

Dito ay tahimik, payapa ang buhay;

Sagana sa isda marami ang gulay

Dalasay masarap sadyang malinamnam

Ayoko sa lungsod na lubhang maingay,

Di tulad sa nayon na mapayapang tunay

Marumi ang hangin na hindi dalisay

Di tulad sa nayon aking sinilangan

3. Gawain
1. Saan tungkol ang maikling tula? Buhay sa nayun

2. Saan masaya at tahimik? Sa nayun

3. Ano ang sagana at masarap? Isda at gulay

4. Bakit ayaw ng may akda sa lungsod?

5. Bakit mas pinili niya ang manirahan sa Pinili ng may akda ang manirahan sa nayun
nayon? dahil ito ay tahimik at malinis ang hangin .
bukod pa dito masagana rin sa pagkain sa
Masaya- maligaya
nayun dahil sa mga isda at gulay na
Tahimik- payapa malinamnam

Masarap- malinamnam

Maingay- payapa

Marumi- dalisay

Ngayon mga bata base sa pagkasunod sunod Ang ating leksyon ngayun ay tungkol sa
ng mga salitang ito ano ang ating leksyon magkasingkahulugan at magkasalungat
ngayon?

Magaling mga bata

3. Paganyak na tanong

Ano ang pinagkaiba ng salitang


magkasingkahulugan at magkasalungat?

B. Panlinang ng gawain

1. Pagtatalakay

Ang unang saknong sa ating tula ay ang:

Masaya- maligaya

Tahimik- payapa

Masarap- malinamnam

Ang mga ito ay kabilang sa halimbawa ng


magkasingkahulugan

Magkasingkahulugan - ito ay ang mga salitang


magkapareho o magkatulad ang kahulugan at
ibig sabihin .
Iba pang halimbawa

Mataas - matangkad

Dala - bitbit

Mabango mahalimuyak

Maganda - kaakit- akit

Matalas - matalim

Upuan - silya

Pakibasa ng halimbawa mga bata sa


magkasingkahulugan mga bata
Mataas - matangkad

Dala - bitbit

Mabango mahalimuyak

Maganda - kaakit- akit

Matalas - matalim

Upuan - silya

Magaling mga bata dahil jan gawin natin ang


cokak clap

Sa pangalawang saknong ng tula ay ang mga


sumusunod:

Maingay- payapa

Marumi- dalisay

Ang saknong na ito ay nabibilang sa salitang


magkasalungat

Magkasalungat - salitang magkaiba at


kabaliktaran ang kahulugan

Iba pang halimbawa:

Maiksi - mahaba

Masaya- malungot

Malinis - marumi

Malambot - matigas

Mataba - payat
Mainit - malamig

Paki basa ng mga halimbawa mga bata

Maiksi - mahaba

Masaya- malungot

Malinis - marumi

Malambot - matigas

Mataba - payat

Mainit - malamig

D. Paglalahat

Ano ang pinagkaiba ng salitang


magkasingkahulugan at magkasalungat?

Tandaan ang salitang magkasingkahulugan ay


salitang pareho o magkatulad ang kahulugan
at ibig sabihin ang magkasalungat naman ay
salitang magkaiba at kabaliktaran ang
kahulugan.

E. Paglalapat

Unang pangkat

Panuto: kilalanin ang mga pares ng salita


kung ito ay magkasingkahulungan o
magkasalungat

1. Marumi - madungis

2. Masaya malungkot

3. Mataba malusog

4. Mabagal makupad

Pangalawang pangkat

Panuto : salungguhitan ang mga salitan


magkasingkahulugan o magkasalungat na
salita sa bawat pangungusap at kilalanin ang
mga ito

1. Ang kambal nina Mang Kanor at Aling Linda


ay babae at lalaki

2. Matamis ang hinog na mangga at maasim


naman anf hilaw na mangga
3. Tahimik at payapa sa aming munting
pamayanan

4. Masarap kumain ng mainit na pagkain


kapag malamig na panahon

Pangatlong pangkat

Panuto:

Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng


mga salita

1. Matalino

2. Maganda

3. Matangkad

pang apat na pangkat

Panuto:

Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang


may salungguhit

1. Mataas ang pangarap ng batang si Anne.

2. Mahaba ang buhok ni Angela.

3. Si Layla ay magandang bata.

4. Mapurol ang lapis n iAngelo.

May tanong ba kayo mga bata

Kung wala ako ang may tanong sa inyo


Wala po bini bini
Bakit mahalalaga ang salitang
maagkasingkahulugan at magkasalungat ?

Magkasingkahulugan ay magagawa natin ito


sa pamamagitan ng pagbanggit ng
kasingkahulugan ng salitang naunang nating
ginamit at sa salitang magkasingkahulugan
naman ay ginagamit upang maipakita ang
kaibahan ng katangian, kahulugan mensahe at
iba pa.

IV . Pagtataya

Bilugan ang tamang kasingkahulugan ng mga


salita

1. Maganda

A. Mahalimuyak. B. Kaakit -akit C. Malinis

2. Banyaga

A. Dayuhan. B. Bansa. C. Kakaiba

3. madungis

A. Marumi. B. Malinis C. malungkot

4. Panganib

A .Kasiyahan B.Kagalakans C. kapahamahan

5.Mainit

A. Maalingasang B.Malamig C.Gabi

V. TAKDANG ARALIN

PANUTO: Ibigay ang kasingkahulugan at


kasalungat ng mga salita

Salita Kasingkahulu Kasalungat


gan

1. Malusog

2. Mayaman

3. Dala

4. Mataas

5. Mabait

You might also like