You are on page 1of 4

Puerto Galera Central School

Poblacion, Puerto Galera, Oriental Mindoro

Detalyadong Banghay-Aralin para sa Araw-araw na Demonstrasyon


Sa Filipino 2

I.Layunin: Nagagamit ng wasto ang tunog ng diptonggo. (ay,ey, iy,oy, uy)


II. Paksang Aralin
A. Paksa: Paggamit ng Diptonggo
B. Sangunian: K to 12 Curriculum Guide- F2KP-IVe-1.3, www.slideshare.com
C. Kagamitan: Aklat sa Filipino Powerpoint Presentation Activity Sheets
Tarpapel Mga larawan Show-me board
III:Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang umaga Grade II. Magandang umaga po naman.
Bago tayo magsimula ay atin munang
pulutin lahat ng kalat sa ilalim ng ating
mesa at upuan.
Pagkatapos, ay umupo ng maayos at
makinig. Kung nais sumagot ay itaas
lamang ang kanang kamay. Maliwanag Opo.
ba
mga bata?
Ginagawa ng mga bata ang sinasabi ng guro.
2. Pampasiglang Gawain
Mga bata ay tumayo.
Itaas ang ating kamay.
Iwagayway.
Huminga ng malalim.
Tumingin sa katabi, at sabihing
Kumusta ka?

3. Balik-Aral
Mga bata ating basahin ang mga
salitang ito.
katay panday tukoy aruy
himlay taboy langoy apoy

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng mga
larawan at itatanong sa mga bata kung
ano ito.

reyna, baboy
apoy, bahay

2. Presentasyon Magbibigay ang mga bata ng mga salitang may


reyna baboy diptonggo.
apoy bahay
ey, oy, ay
Mga bata anong mga titik ang may
salungguhit?
Tama at ang mga yan ay titnatawag
na diptonggo.

3. Pagtatalakay
Ano ang diptonggo?
Ito ay pinagsamang tunog ng isang
patinig (a,e,i,o,u) at isang
malapatinig
(y) sa loob ng isang pantig.

Diptongg halimbawa
o
ay bahay, kamay
ey beywang, beybi
iy biyaya, kami’y
oy tuloy, kapoy
uy kasuy, baduy

Magbigay nga kayo ng halimbawa ng


salitang may diptonggo.

4. Pagsasanay
Unang Pangkat
Piliin sa kahon ang wastong
diptonggo na dapat gamitin. Isulat ito
sa puwang.
oy ay ey oy uy

kahoy

kah__ suklay

sukl__

keyk

k__k

kasuy
unggoy
kas__

namigay
ungg__ kami’y
Leyte
Ikalawang Pangkat patuloy
Bilugan ang salitang may diptonggo sa baduy
bawat pangungusap.
1. Si Lea ay namigay ng papel.
2. Kami’y pupunta sa Baguio.
3. Uuwi na sa Leyte ang Lola Maning.
4. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan.
5. Baduy kung pumorma si Manong.

Ikatlong pangkat Ito ay pinagsamang tunog ng isang patinig


Bilugan ang mga salitang may diptonggo. (a,e,i,o,u) at isang malapatinig (y) sa loob ng
Aruy ate itik iyak isang pantig.
saboy
banghay damit beybi bulak
panyo

5. Paglalahat
Ano ang diptonggo?

6. Paglalapat
Gamit ang show me board isusulat
ang mga diptonggong ginamit sa
bawat salita.
palaboy
aruy
saklay
beysbol
labi’y

IV. Pagtataya

1. Ano ang tawag sa pinagsamang tunog ng isang patinig at y sa isang pantig?


A. diptonggo B. salita C. katinig D. patinig

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng diptonggo?


A. uy B. ey C. at D. ay

3. Sa salitang sanaysay anong diptonggo ang ginamit?


A. iy B. oy C. ey D. ay

4. Alin sa mga sumusunod ang salita ang may diptonggo?


A. balita B. maleta C. tuloy D. lapis

5. Alin sa mga pangkat ng salita ang may diptonggo?


I. araw, buwan, tala
II. kotse, dyip, eroplano
III. bahay, tatay, nanay
IV. apoy, kahoy, baboy

A. I & II B. I & III C. III & IV D. II & III

V.Takdang Aralin
Sumulat ng limang salitang may diptonggo at bilugan ang diptonggong ginamit.

Inihanda ni:

MARIA FE ESPERANZA L. HALASAN


PPC Student Teacher

Inaprubahan ni:

GNG. MARILO R.
CANDAVA
Cooperating Teacher

You might also like