You are on page 1of 5

GRADE 3 PAARALAN MAMPANG ELEMENTARY SCHOOL ANTAS THREE- KAMIAS

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA GURO JOSEPHINE S. KILAT ASIGNATURA FILIPINO


PAGTUTURO
PETSA/ORAS MARCH , 2023 (WEEK 5) MARKAHAN IKATLONG MARKAHAN

MONDAY TUESDAY WEDNESDAY THURSDAY FRIDAY


I.LAYUNIN
A.Pamantayang
Makapagbibigay ng mga sumusuportang kaisipan sa pangunahing kaisipan sa tekstong binasa.
Pangnilalaman
B.Pamantayan sa Pagganap Makapagbibigay ng mga sumusuportang kaisipan sa pangunahing kaisipan sa tekstong binasa
C.Mga Kasanayan sa Makapagbibigay ng mga sumusuportang kaisipan sa pangunahing kaisipan sa tekstong binasa
Pagkatuto
Isulat ang code ng bawat F3B-llie-11.2
kasanayan
II.NILALAMAN Pagbibigay ng mga Sumusuportang Kaisipan sa Pangunahing Kaisipan sa Tekstong Binasa Lingguhang Pagsusulit
KAGAMITANG PANTURO
A.Mga pahina sa gabay ng
guro
1.Mga Pahina sa Kagamitang
Pang Mag-aaral
2.Learner’s Materials Pages
3.Mga Pahina sa Teksbuk
4.Karagdagang Kagamitan
Mula sa Portal ng Learning
Resource
B.Iba Pang Kagamitang Visual aid/ Flat Screen TV/Laptop/Activity sheets
Panturo
III.PAMAMARAAN
A.Balik-aral sa nakaraang Panuto: Palitan at dagdagan sa una o huling pantig ang mga nakalistang salita upang makabuo ng bagong salita. Pagbibigay ng mga panuntunan sa
aralin at/o pagsisimula sa pagkuha ng Lingguhang pagsusulit.
bagong aralin Pinalitan Dinagdagan
1. laso
2. lawa
3. mali
4. bala
5. daga

B.Paghahabi sa layunin ng Panuto: Tukuyin ang sumusuportang kaisipan sa sumusunod na mga talata. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot. Pagbabasa at pagtatalakay ng mga
aralin panuto sa pagkuha ng Lingguhang
1. Si Lorena ay isang batang magalang. Lagi siyang nagmamano at gumagamit ng po at opo. pagsusulit.

a. batang magalang
b. pagmamano at paggamit ng po at opo
c. pagsunod sa matatanda

2. Nasusunog ang bahay ni Mang Allan.Tumulong ang kaniyang mga kapitbahay upang maapula ang apoy.
a. nasusunog ang bahay
b. pagdating ng mga bumbero
c. pagtulong ng mga kapitbahay

3. Itinapon ni Emman ang mga tuyong dahon sa nabubulok na basurahan. Natutuhan niya ang tamang segregasyon ng mga
basura sa klase ni Gng. Reyes.
a. masipag na bata
b. tamang segregasyon ng mga basura
c. pagtapon ng mga tuyong dahon sa nabubulok na basurahan

4. Si Thalia ay matalinong bata. Matataas ang mga nakukuha niyang marka sa pagsusulit.
a. matataas na marka sa pagsusulit
b. kasipagan sa pag-aaral
c. matalinong bata si Thalia

5. Masayahing bata si Berto. Madalas siyang makita na nakangiti.


a. madalas na pagngiti ni Berto
b. pagiging masayahin ni Berto
c. malungkutin si Berto

C.Pag-uugnay ng mga 3. Pagganyak: Pagbibigay ng Lingguhang


halimbawa sa layunin ng Itanong: pagsusulit.
aralin 1. Sino sa inyo ang wala ng nanay or tatay?o pareho wala nang nanay o tatay?
2. Ano ang dahilan ng pagkawala ng inyong magulang?
3. Sino na lang ang nag-aalaga sa inyo?

D.Pagtalakay ng bagong Tuklasin! Pagwawasto ng mga sagot ng mga


konsepto at paglalahad ng Basahin ang nasa loob ng kahon at sagutin ang mga tanong sa ibaba. bata.
bagong kasanayan #1
Ang Batang may “K”
Maagang naulila ang batang si Kristine. Namatay sa aksidente ang kaniyang mga magulang. Kinupkop siya ng Department of Social Welfare and
Development matapos ang aksidente.
Hindi pa siya nagtatagal sa bahay-ampunan, may mag-asawang dumating at nais siyang ampunin. Inayos kaagad ang kaniyang mga papeles at hindi
nagtagal nakauwi siya sa bahay nina G. at Gng. Robles.
Itinuring siyang tunay na anak ng mag-asawa. Inaalagaan nang maayos. Pinapasok sa magandang eskwelahan. Higit sa lahat,binigyan siya ng isang
mapagmahal na pamilya at pangalang Kristine Robles.
1. Ano ang paksa ng kwento?
2. Ano ang pangungusap na nagsasabi ng pangunahing kaisipan?
3. Ano-ano ang mga pangungusap na sumusuporta sa pangunahing kaisipan?

E. Pagtalakay ng bagong Suriin!


konsepto at paglalahad ng Ang isang talata ay binubuo ng pangunahing paksa at sumusuportang kaisipan. Ang pangunahing paksa ay ang pangunahing ideya o tema samantalang
bagong kasanayan #2 ang sumusuportang kaisipan ay ang mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa pangunahing paksa.
Ang sumusuportang kaisipan ay tinatawag ding pantulong na detalye. Tumutukoy ito sa mga mahahalagang kaisipan na may kaugnayan sa
pangunahing paksa. Sa tulong ng mga sumusuportang kaisipan ay mas nagkakaroon ng linaw at unawa ang mambabasa sa diwang nais iparating ng talata.
Taglay ng pangunahing paksa o kaisipan ang mensaheng nais iparating ng isang tekstong binasa.Ang paksa ay ang pinag-uusapan sa isang gawain.
Naipapahayag ito sa isang parirala o salita lamang. Ito ay nakapaloob sa isang pangungusap na tinatawag na paksang pangungusap. Sumasagot ito sa tanong
na :”Tungkol saan ang talata? O Ano ang paksa o mensaheng nais ipaabot ng talata? Makikita ito sa unahan, gitna o sa hulihan samantala ang mga
sumusuportang kaisipan naman ang nagbibigay linaw sa mensahe o nagsasaad ng mga detalye upang higit itong maunawaan ng mga mambabasa.

Halimbawa:
Sa kwentong binasa, ang paksa o pinag-uusapan ay si Kristine

Pangunahing Kaisipan: Si Kristine ang batang ulila.

Sumusuportang kaisipan:
*Namatay sa aksidente ang kaniyang mga magulang.
*Kinupkop siya ng Department of Social Welfare and Development.

Pangunahing kaisipan: Si Kristine sa bago niyang pamilya.

Sumusuportang kaisipan:
*Itinuturing siyang tunay na anak.
*Inaalagaan siya nang maayos.
*Pinapasok siya sa magandang eskwelahan.
*Binigyan siya ng pangalan.

F.Paglinang sa Kabihasaan Panuto: Basahin ang teksto at pagkatapos isulat ang mga sumusuportang kaisipan sa ibinigay na pangunahing kaisipan.
(Tungo sa formative
assessment) Ang mga Pilipino ay may malaking pagpapahalaga sa edukasyon.
Bawat magulang ay nagnanais na makapag-aral ang mga anak. Naniniwala sila na ang edukasyon ang pinakamagandang pamana ng mga magulang sa kanilang
mga anak. Sinisikap nilang makapag-aral ang mga anak kahit anong hirap. Maraming magulang ang matiyagang nagtatrabaho upang mapabuti ang edukasyon
ng mga bata.
Pangunahing Kaisipan: Para sa magulang, mahalaga ang edukasyon ng mga anak
Mga sumusuportang kaisipan:
a_____________________________________________________ b_____________________________________________________
c_____________________________________________________ d_______________________________________________________
G.Paglalapat ng aralin sa Panuto: Basahin ang teksto at punan ang organizer ng mga sumusuportang kaisipan batay sa ibinigay na pangunahing kaisipan.
pang-araw-araw na buhay
Pangunahing
May mataas na paggalang ang mga Pilipino sa mga nakatatanda. MarunongKaisipan
silang makinig sa mga utos at payo.Tumalima sila sa mga patakaran sa kanilang
Ang MgasaMabubuting
paligid, at higit sa lahat, marunong silang magpasalamat Asal sa
anumang bagay ngkanilang
mga Pilipino
paligid, at ito ay dahil ang mga Pilipino ay likas sa pagkakaroon ng
mabuting asal.
Sumusuportang Sumusuportang Sumusuportang Sumusuportang
kaisipan kaisipan kaisipan kaisipan

H. Paglalahat ng Aralin Isaisip


Ang 1. _________________ay isang mensaheng nais ipaabot sa isang talata. Makikita ito sa 2.__________3,__________4,__________. Samantalang ang 5
_______________ang siyang nagbibigay linaw sa mensahe o nagsasaad ng mga detalye upang higit itong mauunawaan.
I.Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Naglunsad ng mga programa at proyekto ang pamahalaan upang


mapangalagaan ang ating dagat at karagatan. Ipinagbawal sa mga mangingisda ang paggamit ng dinamita at paglagay ng lason sa tubig. May ilan ding uri ng
isda na bawal nang hulihin dahil sa unti-unti na itong nauubos. Hinuhuli rin ang mga kumukuha ng korales kung saan nagingitlog ang ilang isda. May itinalaga
ang ating pamahalaan para bantayan at hulihin sinumang lalabag dito.

Piliin ang titik ng tamang sagot.Isulat ito sa inyong sagutang papel.


1. Ano ang paksa ng binasa mo?
A. Mga programa at proyekto ng pamahalaan sa pangangalaga sa katubigan
B.Mga programa at proyekto ng barangay upang mapangalagaan ang kapaligiran
C. Mga programa at proyekto ng pamahalaan upang makatulong sa mga mahihirap
2. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing kaisipan ng binasa?
A. Paglunsad ng pamahalaan ng mga proyekto at programa para sa pangangalaga ng katubigan
B. Panghuhuli sa mga sinumang lumabag sa batas
C. Paggamit ng dinamita at paglagay ng lason sa katubigan
3. Alin dito ang kaisipang sumusuporta sa pangunahing kaisipang”Pangangalaga sa tubig at karagatan”
A. Paggamit ng dinamita at paglagay ng lason sa tubig
B. Huwag itapn ang mga basura sa katubigan
C. Pangunguha ng mga korales na pinangingitlogan ng mga isda
4. Ang mga sumusunod ay mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing kaisipan na “Paglunsad ng proyekto at prorama sa pangangalaga sa katubigan”
MALIBAN sa:
A. Hinuhuli ang sinumang kumukuha ng mga korales na pinangingitlogan ng mga isda
B. Ipinagbabawal ang paggamit ng dinamita sa panghuli ng mga isda
C. Bibigyan ng gantimpala ang lumabag sa mga panuntunan ng pamahalaan
5. Bilang isang batang katulad mo, paano mo mapanatiling malinis ang ating mga katubigan?
A. Itapon ang mga basura sa ilog
B. Putulin ang mga kahoy na tumutubo sa dagat
C. Huwag itapon ang mga dumi sa mga katubigan
J.Karagdagang gawain para Sumulat ng tatlo o apat na pangungusap na sumusuporta sa pangunahing kaisipan na: “Mahalaga ang kalinisan upang maiwasan ang Covid-19 pandemic”
sa takdang-aralin at
remediation Rubrik sa paggawa

Pamantayan 5 3 1
Kumpleto at malinaw ang sumusuportang kaisipan
May isang sumusuportang kaisipan na walang kaugnayan sa pangunahing kaisipan

Hindi malinaw ang mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing kaisipan

IV.MGA TALA
V.PAGNINILAY
A.Bilang ng mag-aaral n
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B.Bilang ng mag-aaral na
nagangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C.Nakatulong ba ang
remedial?Bilang ng
magpaaral na nakaunawa sa
aralin
D.Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation
E.Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F.Anung suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan
sa tulong n g aking
punungguro at superbisor?
G.Anong kagamitang panturo
an g aking naidibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

PREPARED BY: CHECKED BY: NOTED BY:

JOSEPHINE S. KILAT JOHN PAUL F. VICTORIANO MA. SOCORRO E. LINAO, JD


Class Adviser Head Teacher Elementary School Principal III

You might also like