You are on page 1of 18

N A K A PA G B I B I G AY N G

A N G K O P N A PA M A G AT
SA BINASANG
T E K S T O , TA L ATA , AT
KUWENTO F2PB-IIJ-8
Si Melissa
Malakas ang ulan, habang naghihintay si Melissa ng dyip ay may
isang babaeng dumating na walang payong. Pinasukob ni Melissa sa
payong ang babae. Hanggang sa pareho na silang nakasakay sa dyip.
Nagpasalamat ang babae sa kagandahang loob na ipinakita ni Melissa.
Sagutin ang tanong at isulat sa loob ng graphic
organizer.

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
3. Ano–anong nangyari sa kwento?
4. Ano ang naging problema sa kuwento?
5. Paano ito nabigyan ng solusyon?
Basahin ang mga pangungusap sa ibaba at pagmasdan ang mga salitang
may salungguhit. Tukuyin kung ito ay Pang abay pamaraan, Pamanahon
o Panlunan

1. Kumain siya nang mabilis.

2. Tumakbo siya papunta sa bahay.

3. Aalis ako bukas.

4. Kakain ako sa SM Southmall.

5. Matagal siyang nakatayo.


Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong dito.

Si Carlo at Si Felix

            
Ito si Carlo.Ito naman si Felix. Nakaugalian na ng
magkaibigan na magpunta sa bukid pagkatapos ng gawaing
bahay. Minsan sa pagdating ni Felix nakita niyang tulog si
Carlo.
Maya-maya ay nakakita siya ng malaking ahas sa
ilalim ng punong magga at tila tutuklawin ang kaniyang
kaibigan. Napasigaw nang malakas si Felix.
“Ahas!” “Ahas!”at halos napapikit ang mata ni Felix
samantalang iminulat naman ni Carlo ang kaniyang mga
mata.Dali-daling bumangon si Carlo at sabay silang tumakbo
palayo sa bukid. Pagkatapos ng pangyayaring iyon, lalong
tumibay ang pagkakaibigan ng dalawa.
Sagutin ang tanong at isulat ito sa graphic
organizer.

Ano ang pamagat ng kuwento?


Sino-sino ang mga tauhan?
Saan ito naganap ?
Ano ang naging problema sa kuwento?
Paano na solusyonan ang problema?
Pagsasanay 1
Kung ikaw ang magbibigay ng pamagat sa kuwentong iyong
binasa, anong pamagat ang iyong ibibigay? Bakit? Isulat sa ibaba.

 
Pagsasanay 2
Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Si Lito
Si Lito ay batang palasagot. Isang araw, maagang
umuwi mula sa paaralan si Gng. Santos. Narinig niyang
sinisigawan ni Lito ang kasambahay. Pinagsabihan niya
itong pumasok sa kuwarto at kinausap.Paglabas nila ng
silid, pinuntahan ni Lito si Lita na kasambahay at
humingi ng paumanhin.
Ilagay ang sagot sa loob ng graphic
organizer.
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Saan ito nangyari?
3. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
4. Ano ang naging problema sa kuwento?
5. Paano ito nabigyan ng solusyon ?
Pagsasanay 3
Kung ikaw ang magbibigay ng pamagat sa kuwentong iyong
binasa, anong pamagat ang iyong ibibigay? Bakit? Isulat sa
ibaba
 
 
 
 
B A S A H I N A N G K U W E N T O AT S A G U T I N A N G M G A TA N O N G
T U N G K O L D I T O .
Pagkakabigkis
Isang araw narinig ni Nanay na
nagsisigawan ang kaniyang mga anak. Lungkot na
lungkot siya kaya naisip niyang bigyan sila ng
aral. Pinatawag niya ang mga ito upang tanggalin
ng agiw sa kanikanilang kuwarto gamit ang
tatlong pirasong tingting. Nalungkot sila sapagkat
hindi lubusang natanggal ang agiw. Naisip nilang
pagsamasamahin ang mga tingting at magtulong-
tulong sa paglilinis ng bawat silid. Doon nila
nakita ang halaga ng pagsasama-sa ma.
Sagutin ang tanong at isulat sa loob ng
graphic organizer na ginawa mo.

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
3. Ano–anong nangyari sa kwento?
4. Ano ang naging problema sa kuwento?
5. Paano ito nabigyan ng solusyon?
Ang pamagat ay bahagi ng Panitikan na nakikita sa pina ka unang lugar.
Dito umiikot ang laman ng isang tula, nobela, maikling kwento, atb.
Dapat itong pinag iisipang mabuti . Ito ay hindi kailangang mahaba.
Ang pamagat ay maaring buohin pagkatapos ng binuboung estorya, tula ,o
nobela,
Ang pamagat ay nakasulat sa malalaking titik ang bawat unang letrang ng
bawat salita. Maaring ang mga kasabay ay mananitiling nasa maliliit na
letra.
Halimbawa:
Tuko And The Birds
Naku Po! HInihika si Hermie
Kung ikaw ang magbibigay ng pamagat sa kuwentong
iyong binasa, anong pamagat ang iyong ibibigay? Bakit?
Isulat sa ibaba.

You might also like