You are on page 1of 18

N AG AG A M I T N A N G WA STO A N G M G A

P A N G - U K O L N I / N I N A , K AY / K I N A , AY O N
S A , P A R A S A , AT U K O L S A F 2 W G - I I I H — I -
7
Si Melissa
Malakas ang ulan, habang naghihintay si Melissa ng dyip ay may
isang babaeng dumating na walang payong. Pinasukob ni Melissa sa
payong ang babae. Hanggang sa pareho na silang nakasakay sa dyip.
Nagpasalamat ang babae sa kagandahang loob na ipinakita ni Melissa.
Sagutin ang tanong at isulat sa loob ng graphic
organizer.

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
3. Ano–anong nangyari sa kwento?
4. Ano ang naging problema sa kuwento?
5. Paano ito nabigyan ng solusyon?
Basahin ang mga pangungusap sa ibaba.

 Tinulungan ni Elsa ang matanda sa


pagtawid sa kalsada.
 Kasama nina Inay at Itay si Kuya
Rommel sa paglilinis ng baradong
kanal.
 Ayon kay Mang Tani makakaranas tayo ng
matinding init sa araw na ito.
 Galing kami kanina kina lolo sa bukid.
 Ayon sa “Gintong Aral, “Huwag mong
gawin sa iyong kapwa, ang bagay na
ayaw mong gawin sa iyo.”
 Bumili ako ng bulaklak para sa mga
yumao naming kamag-anak.
Sagutin ang mga tanong:

- Anong mga salita ang may mga


salungguhit sa mga pangungusa
- Ano ang tawag natin sa mga ito?
- Kailan natin ginagamit ang pang-ukol
na kay/kina, ni/nina, Ayon sa, Ukol sa
ay Para sa?
Isulat ang ni/ nina sa patlang.

                                      

      
Punan ng wastong pang-ukol na kay/ kina.

1. Ibinigay ko __________ nanay ang mga sariwang gulay.


2. Binili ni Tita Celsa ang pulang payong para __________ Susan at
Nerie.
3. Nalaman ko ___________ Nonoy na walang pasok bukas.
4. Nagtungo kami __________ lolo at lola noong araw ng pasko.
5. Hiningi namin ________ Tiyo Loloy ang kanilang mga lumang damit.
Bilugan ang angkop naparirala upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. (Ayon sa, Ayon kay) matatanda, ang Panginoon ay tinatawag din nilang
Bathala.
2. (Ayon sa, Ayon kay) Apo Lakay, hindi dapat ipagwalang bahala ang sakit
na nararamdaman.
3. (Ayon sa, Ayon kay) pag-aaral , ang mga Pilipino ay isang lahing maka-
Diyos.
4. (Ayon sa, Ayon kay) bansang Amerika, nakahanda silang tumulong sa
mga nasalanta ng bagyo.
5. (Ayon sa, Ayon kay) Tito Lito, tatlo ang kaniyang anak na magtatapos sa
elementarya.
Tukuyin ang angkop na pang-ukol sa pangungusap.
Salungguhitan ang sagot sa loob ng panaklong.

1. Bumili ako ng bulaklak (para kay, para sa)


mga yumao naming kamag-anak.
2. Nagdala si Itay ng isang kilong mangga
(para sa, para kay)buong pamilya.
3. (Para sa, para kina) Roy,Justin at May ang mga regalong
ito.
4. (Para sa, para kay) sambayanan ang ginagawa naming
kabutihan.
5. Nag-aaral kaming mabuti (para kay, para sa) aming
magandang kinabukasan.
Ang pang-ukol ay bahagi ng pananalita[1] na
ipinapahayag ang mga ugnayan sa panahon o lawak
(sa, sa ilalim, patungo sa, bago) o pagmamarka sa
iba't ibang semantikong pagganap.

Ang ni ay ginagamit kung tumutukoy sa isang tao.


Samantalang ang nina ay ginagamit kung ang isang
bagay o kilos ay ginawa o para sa dalawa o mahigit
pang tiyak na tao.
Ang pang-ukol na kay ay ginagamit kapag
ang isang kilos o bagay ay tungkol sa iisang
tiyak na tao lamang. Samantala, ang pang-
ukol na kina ay ginagamit kung ang bagay
o kilos ay tungkol sa dalawa o mahigit pang
tiyak na tao.
Ang para sa ay ginagamit kapag tumutukoy
sa sa isang kilos o bagay ng hindi tiyak na
pangngalan. Ang para kay ay ginagamit sa
isang tiyak na ngalan ng tao. Ang para kina
ay ginagamit sa dalawa o higit pang ngalan
ng tao.
Ang pang-ukol na ayon sa/ ukol sa ay
ginagamit kapag ang siniping pahayag o
impormasyon ay mula sa isang tiyak na
aklat, pahayagan, at iba pa. Samantala ang
ayon kay/ ukol kay kung ang
pinagkuhanan ng pahayag o
impormasiyon ay isang tiyak na tao.
Piliin sa bawat bilang ang tamang pang-ukol na
gagamitin sa pangungusap.

1. Hiniram ni Ana ang libro (kay, kina) Ariel.

2. Napakamahal ng pagkakabili ng kotse (ni,


nina) Pepe at Pilar
3. Ang community pantry ay (para sa, ukol sa)
mga taong nangangailangan.

4. (Ayon sa, Ayon kay) DOH tumataas ang


bilang ng mga taong nagkakasakit ng COVID19
sa ating bansa.

5. Ang pagbabalita ng DOH ay ( ukol sa, ukol kay )


kaligtasan ng mga mamamayan .

You might also like