You are on page 1of 1

Paghahanda sa Kaarawan ni Mila

Ni: Jennelyn P. Salamat

Araw ng Sabado, maagang gumising si Aling Lennie upang pumunta sa palengke, habang si
Mang Bong ay matiyagang nag-aantay sa kanilang traysikel. Bumili ang mag-asawa ng mga
pagkaing ihahanda sa kaarawan ng kanilang bunsong anak na si Mila.

Sa bahay, masinop na inaayos ng panganay na si Ate Cristen ang kanilang plato, kutsara at
tindor at mga baso. Si Kuya Jun naman ay masayang naglilinis ng kanilang bahay at si Ate
Mary at Mila naman ay masipag na nag-aayos ng mga palamuti at lobo na ikakabit sala.

Nang dumating na si Aling Lennie ay agad na tinulungan ito ni Ate Cristen at Ate Mary sa
pagluluto. Nagluto sila ng spaghetti, piniritong manok, menudo at puto. Kinahapunan ay unti-
unti ng dumating ang mga kamag-aral at kaibigan ni Mila. Naghain nang mabilis sina Aling
Lennie at Kuya Jun para makakain kaagad ang mga bisita.

Bago kumain, nagdasal nang taimtim ang lahat na pinamunuan ni Tatay Bong. Pagkatapos nito
ay sama-samang umawit ang lahat ng “Maligayang Bati sa Iyong Kaarawan” para kay Mila. Sa
huli nagpalaro si Ate Cristen sa mga kamag-aral at kaibigan ni Mila. Nagalak ang lahat dahil sa
mga inihandang pagkain at palaro sa kaawaran ni Mila.

1. Ano ang pamagat ng kwento?


2. Sino-sino ang tauhan sa kwento?
3. Ano ang ginawa ni Aling Lennie at Mang Bong sa palengke?
4. Paano ginawa nila Aling Lennie, Mang Bong , Ate Cristen, Kuya Jun , Ate Mary ang kanilang
paghahanda sa kaawarawan ni Mila?
5. Ano-anong mabuting ugali ang pinakikita ng pamilya ni Mila?

You might also like