You are on page 1of 13

Banghay Aralin sa Filipino 4 (Week 3, March 1, 2023)

Nasusuri kung Opinyon o Katotohanan ang Isang Pahayag

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin, ng mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nasusuri kung opinion o katotohanan ang isang pahayag (F4PB-IIIf-19)


2. Nabibigay ang kahulugan ng Katotohanan at Opinyon.

II. Paksang -Aralin


Paksa: Nasusuri kung Opinyon o Katotohanan ang Isang Pahayag
Sangunian: Ikatlong Markahan – Modyul 3: Nasusuri kung Opinyon o Katotohanan ang Isang Pahayag; Raflores, Ester V. Bagong Likha 2 Wika at Pagbasa Jo-Es Publishing
House Inc. pp. 281-286
Kagamitan: Panturong Biswal, mga Larawan, Powerpoint
Estratehiya: Pasaklaw na Pamamaraan

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Paunang Gawain

 Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa ating Panalangin.

(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral para pangunahan ang


pagdadasal) Panginoon, kami po ay nagpapasalamat sa panibagong araw na Iyong binigay sa
amin. Nawa’y gabayan niyo po kami at ang aming mga guro sa lahat ng aming mga
gawain ngayong araw. Amen.

 Pagbati

Magandang araw mga bata! Magandang araw din po, Gng. Benitez!

 Pagsasaayos ng Silid-aralan
Bago kayo umupo pakipulot ang mga kalat na nasa ilalaim ng inyong mga
mesa at upuan. Tignan kung nasa hanay ang inyong mga upuan.
(Magpupulot ng mga kalat ang mga mag-aaral at maghahanay ng kanilang mga
upuan)

Handa na ba kayong mag ehersisyo?


Handa na po kami.
(Magsasayaw ang mga mag-aaral)

Maaari na kayong umupo.

 Pagtetsek ng liban at hindi liban

Tignan ang inyong kaliwa ata kanan. Mayroon bang lumiban sa ating klase
ngayong araw? Wala po, Gng. Benitez.
(Inaasahang Sagot)

B. Balik-Aral

Handa na bang makinig mga bata?


Handa na po kami.

Bago tayo magsimula, ano-ano ang ating mga dapat tandaan?


(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)
Makinig
Magtaas ng kamay kapag sasagot o may gustong sabihin o itanong.
(Inaasahang Sagot)
Magaling mga bata!

Drill
Bago natin simulan ang panibagong aralin ay iyo munang subukin ang
gawaing ito.

Mayroon akong ipapakitang mga larawan. Sabihin ninyo kung nakakita na


kayo ng ganito.
Ano ito?
(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)

Ito ay halimbawa ng balita. Siya ay si Mel Tiangco. (Iba-iba ang sagot ng mga bata)
Ano naman ito? Nakakita na ba kayo ng ganito?
(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)

Diwata.
(Inaasahang Sagot)
Tama! Ito kaya?
(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)

Zombie
Magaling! Ito panghuli. (Inaasahang Sagot)
(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)
Puno ng Mangga
(Inaasahang Sagot)

Mahusay mga bata!

Ano ang pinagkaiba ng mga larawang inyong nakita?


(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)
(Iba-iba ang sagot ng mga bata)
Magaling mga bata!

C. Panlinang na Gawain
 Pagganyak

Ang mga larawang ating nakita ay iba-iba. Mayroong makatotohanan at


mayroon naman ding mga kathang-isip lamang.

Kailangan ko ng dalawang grupo. Mayroon ditong dalawang salita na


naka-jumbled. Ang inyong gagawin ay magtutulungan upang mabuo ang
salita. Bibigyan ko lang kayo ng dalawang minuto para gawain ito.

Handa na ba kayo?
(Magtatanong ang guro sa buong klase)

Opo.
Ang dalawang minuto ay mag sisimula na!
(Inaasahang Sagot)
Okay! Times up!
Anong salita ang nabuo ng Group 1?
(Magtatanong ang guro sa Group 1)

Katotohanan
(Inaasahang Sagot)
Magaling! bigyan natin ng limang palakpak ang Group 1.

Kayo naman Group 2, anong salita ang inyong nabuo?


(Magtatanong ang guro sa Group 2)
Opinyon

(Inaasahang Sagot)
Magaling! bigyan natin ng limang palakpak ang Group 2.

 Pagganyak na Tanong

Narinig niyo na ba ang Katotohanan at Opinyon?


(Magtatanong ang guro sa buong klase)
(Iba-iba ang sagot ng mga bata)

D. Paglalahad

Sa ating aralin ngayon. Matututunan natin ang kaibahan ng Katotohanan sa


Opinyon.

Mayroon ako ditong mga pahayag at nais kong basahin ninyo ito.
(Tatawag ang guro ng limang bata at bubunot sila kung ano ang kanilang
babasahin.)

1. Ang tatay ay ang lalaking magulang ng isang bata.


2. Pinakamasarap na prutas ang mangga.
3. Mas masarap na kapatid ang babae kaysa sa lalaki.
4. Ang isa dagdagan ng dalawa ay tatlo.
5. Pinakamagandang libangan ng isang bata ang paglalaro ng cellphone.

Magaling mga bata!

Unang pahayag: Ang tatay ay ang lalaking magulang ng isang bata. (Babasahin ng mga bata ang mga pahayag)
Sa tingin ninyo, ito ba ay katotohanan o opinyon?
(Magtatanong ang guro sa mga bata)

Ang unang pahayag ay katotohanan dahil tunay at totoo na ang tatay ay


isang lalaking magulang ng bata.
Pangalawang pahayag: Pinakamasarap na prutas ang mangga. (Iba-iba ang sagot ng mga bata)
Sa tingin ninyo, ito ba ay katotohanan o opinyon?
(Magtatanong ang guro sa mga bata)

Ang pangalawang pahayag ay opinyon dahil pwedeng ang manga na


pinakamasarap sa akin ay ayaw naming kainin ng ibang tao.

Pangatlong pahayag: Mas masarap na kapatid ang babae kaysa sa lalaki. (Iba-iba ang sagot ng mga bata)
Sa tingin ninyo, ito ba ay katotohanan o opinyon?
(Magtatanong ang guro sa mga bata)

Ang pangatlong pahayag ay opinyon dahil una sa lahat hindi naman lahat
may kapatid. Iyong iba naman ay puro lalaki o puro babae lamang ang
kanilang kapatid.

Pang-apat na pahayag: Ang isa dagdagan ng dalawa ay tatlo.


Sa tingin ninyo, ito ba ay katotohanan o opinyon? (Iba-iba ang sagot ng mga bata)
(Magtatanong ang guro sa mga bata)

Ang pang-apat na pahayag ay katotohanan dahil totoong ang isa kapag


dinagdagan ng dalawa ay magiging tatlo.

Panglimang pahayag: Pinakamagandang libangan ng isang bata ang


paglalaro ng cellphone.
Sa tingin ninyo, ito ba ay katotohanan o opinyon?
(Magtatanong ang guro sa mga bata)
Ang panglimang pahayag ay opinyon dahil hindi naman lahat ng bata ay
mayroong cellphone. Ang ibang bata naman kahit may mga cellphone mas (Iba-iba ang sagot ng mga bata)
pinipiling maglaro ng basketball sa plaza.

May katanungan po ba?


(Magtatanong ang guro sa buong klase)

(Iba-iba ang sagot ng mga bata)

Wala po.
(Inaasahang sagot)

 Pagpapalawak ng Kaalaman

Malalaman ng tao kung ang kanyang binabasa o napakikinggan ay totoo o


opinion lamang.

Base sa mga pahayag na inyong makikita sa harapan na nakalabilang sa


Katotohanan.
Ano sa tingin ninyo ang ibig sabihin ng katotohanan?
Totoo

(Inaasahang Sagot)
Tama mga bata!
Ang katotohanan ay tiyak na pangyayari at may basehan.
Ito ay batay sa tunay o toong kaganapan. Hindi ito nababago at kayang
mapatunayan.

Halimbawa ng Katotohanan: Ang isa dagdagan ng dalawa ay tatlo.


Kaya mo bang magbigay ng isang katotohanan Kristine?
(Magtatanong ang guro sa buong klase)
Opo. Ngayon at March 1, 2023.

(Inaasahang Sagot)

Magaling Kristine!
Bigyan natin si Kristine ng tatlong Bee Clap

Base sa mga pahayag na inyong makikita sa harapan na nakalabilang sa


Opinyon.
Ano sa tingin ninyo ang ibig sabihin ng Opinyon? Saloobin

(Inaasahang Sagot)

Ang opinyon ay saloobin, pala-palagay lamang ng isa o ilang tao na


hindi tiyak ang basehan.

Halimbawa ng Opinyon: Pinakamagandang libangan ng isang bata ang


paglalaro ng cellphone.

Kaya mo bang magbigay ng isang katotohanan Airwind?


(Magtatanong ang guro sa buong klase)

Opo. Sa tingin ko, mas maganda ang Baguio kaysa sa Manila.

(Inaasahang Sagot)
Magaling Airwind!
Bigyan natin si Airwind ng tatlong Fireworks Clap

Mayroon tayong mga salita o pahayag na karaniwang ginagamit sa


pagpapahayag ng opinyon.

 Sa palagay ko…
 siguro
 Sa aking opinyon…
 marahil
 Sa aking pananaw…
 baka
 Sa tingin ko…
 Naniniwala ako…

Kapag nakita ninyo ito sa isang pahayag, ibig sabihin ang pahayag na iyon
ay isang opinyon.
Opo.
Naintindihan mga bata?
(Magtatanong ang guro sa buong klase) (Inaasahang Sagot)

Ating subukan kung naintindihan niyo ang ating aralin ngayong araw kaya
oras na para, Magsanay Tayo!

Kailangan ko ng dalawang grupo. Si Katotohanan Group at si Opinyon


Group.

Itaas ang pangalan ng inyong grupo kung ang sasabihin kong pahayag ay
nabibilang sa inyong grupo.
Opo.
Handa na ba kayo?
(Magtatanong ang guro sa buong klase) (Inaasahang Sagot)

Mga pahayag na sasabihin:

 Ayon sa Bibliya, “kung ano ang itinanim ay siya mo ring aanihin.”


 Sa tingin ko, hindi diya magkakasakit dahil uminom siya ng maraming
bitamina.
 Balita
 Fairy (Magsasagot ang mga bata)
 Zombie
 Puno ng manga

Mahusay mga bata! Bigyan ang sarili ng limang palakpak.


Nag-enjoy ba kayo sa ating laro? Opo
(Magtatanong ang guro sa buong klase)
(Inaasahang Sagot)

E. Paglalahat

Ano po ulit ang ibig sabihin ng katotohanan?


(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)
Ang katotohanan ay tunay at totoong pahayag. Mayroon itong ebidensiya ay basehan.
(Inaasahang Sagot)

Tama! Magaling mga bata.


Ang katotohanan ay ang mga pangyayaring may batayan at tiyak.

Ano naman po ang kahulugan ng opinyon?


(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)
Ang opinyon ay iba-iba. Depende sa saloobin ng tao.

Mahusay!
Ang opinyon ay pala-palagay lamang ng isa o ilang tao.
Ang mga pahayag na katotohanan ay may ebidensiya at napatunayan na
totoo.
Masasabi natin na opinyon ang isang pahayag kung ang pananaw ay mula
sa sarili lamang at wala pang ibang bagay para patunayan ito.
Ang mga bagay na nagmula sa pananaliksik at pangkalahatang kaalaman
ay isang pahayag na may katotohanan.

Naintindihan po mga bata?


(Magtatanong ang guro sa buong klase)

Opo.
May katanugan po? (Inaasahang Sagot)
(Magtatanong ang guro sa buong klase)

Wala po.
(Inaasahang Sagot)

F. Pagpapahalaga
Bakit kailangan pag-aaralan natin ang opinyon at katotohanan?
(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)
Para malaman ang kaibahan ng dalawa.
(Inaasahang Sagot)
Tama! Bukod doon malalaman din natin ang sinasabi sa atin ng ating
kapwa kung totoo o gawa-gawa lamang niya.

Mahalaga ba na irespeto natin ang opinyon ng bawat isa?


(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)

Opo. Para maiwasan po natin ang di pagkaka-unawaan.


(Inaasahang Sagot)
Magaling mga bata!
Narinig niyo na ba ang salitang “MARITES”? Ano ang marites?
(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)
Mga tao pong nagchichissmis.
(Inaasahang Sagot)
Tama! Upang maiwasan ang pagkalat ng mga imporyasyong dala ng mga
Marites, dapat alamin muna natin kung ito ay may katotohanan o kathang -
isip lamang.

Lagi nating tatandaan: Ang bawat isa ay may kanya-kanyang opinyon o


reaksyon sa mga bagay-bagay. Igalang ang opinyon ng iba upang
maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

May katanungan po?


(Inaasahang Sagot)

Wala na po.
(Inaasahang Sagot)

IV. Pagtataya
A. Isulat ang K sa patlang kung katotohanan ang detalye batay
sa tula at O kung opinyon lamang.

_____1. Humihingi ng bayad ang ibang bumbero bago patayin


ang sunog.
_____2. Ang basurero ang humahakot ng ating mga basura.
_____3. Sa initan nagtatanim ang mga magsasaka. _____4. Para
sa akin, ang basurero ang pinakamahalagang katulong sa
pamayanan.
_____5. Itinuturing ding mga bayani ang ating mga katulong sa
pamayanan.
_____6. Sabado ang pinaka masayang araw para sa akin. _____7.
Ang mga prutas ay may ibat ibang bitamina. _____8. May pitong
araw sa isang linggo.
_____9. Labag sa ating batas ang magbenta ng sigarilyo sa mga
bata.
_____10. Sa palagay ko ay mura ang bahay sa mga nayon
kumpara sa syudad.

B. Basahin mo at unawain ang bawat pahayag sa bawat bilang.


Iguhit ang masayang mukha kung ito ay katotohanan at
malungkot na mukha kung ito ay opinyon lamang. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

_____1. Kailangan ng mga tanim ng tubig, sikat ng araw, lupa at


hangin para mabuhay at lumago.
_____2. Lahat ng mayayaman ay maluluho sa buhay.
_____3. Mapagmataas ang lahat ng mayayaman.
_____4. Lahat ng ipinanganak na pitong buwan ay matatalino.
_____5. Siyam na buwang dinala ng nanay ang sanggol sa
kaniyang tiyan.
_____6. Mukhang may multo sa mga lumang bahay.
_____7. Ang Covid-19 ay isang sakit na nakakahawa.
_____8. Kapag mayaman ang isang tao, siya ay masaya at payapa.
_____9. Nakatatakot ang mga gagamba.
_____10. Makapaglalaro ka ng online games kung ikaw ay may
internet.

V. Takdang-Aralin
Sumulat ng 5 pangungusap na nagpapahayag ng katotohanan at 5 pangungusap na nagpapahayag ng opinyon lamang tungkol sa pandemyang Covid-19.

Inihanda ni:
Gng. Marvivien L. Benitez
Grade 4

You might also like