You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon VI – Kanlurang Visayas
DIBISYON NG SYUDAD NG SAN CARLOS
Syudad ng San Carlos, Negros Occidental
Unang Distrito – Unang Klaster
MABABANG PAARALAN NG RAMON MAGSAYSAY

BANGHAY ARALIN SA ESP IV


IKA-APAT NA KWARTER

I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman
- Nauunawaan at naipakikita ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng paggalang,
pagtanggap at pagmamahal sa mga likha.
B. Pamtayan sa Pagganap
- Naisasabuhay ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng paggalang, pagtanggap at
pagmamahal sa mga likha.
C. Kasanayan sa Pagkatuto
- Napahahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay at mga material na bagay: 13.3
Halaman: Pangangalaga ng mga halaman gaya ng 13.3.1 pag aayos ng mga nabuwal
na halaman. (EsP4PD- IVe-g–12)

II. NILALAMAN:
A. Sanggunian: ESP 4 TG Pp. 188 – 191, LM pp 298 – 307
B. Kagamitan: Powerpoint presentation
C. Pagpapahalaga PAGKAMAALAGA

III. PAMAMARAAN:

A. Pagsasanay:
Basahin ang mga sumusunod na salita.

1. halaman 6. likha
2. bulaklak 7. pangangalaga
3. kapaligiran 8. dahon
4. kalikasan 9. puno
5. luntian 10. pagmamahal

B. Balik-aral:
Sa kasalukuyang panahon, ang pagkakaroon ng luntiang kapaligran ay tila
imahinasyon na lamang.
Maniniwala ba kayo sa pahayag na ito?

C. Pagganyak:

Tingnang mabuti ang larawan. Ano ang ginagawa ng bata? Kayo ba ay may
malasakit sa mga likha ng Maykapal lalo na sa mga halaman?

D. Paglalahad
Basahin ang tula na pinamagatang

Halaman…Karugtong ng Buhay
Kaygandang pagmasdan ng mga halaman
Kaylamig sa mga mata ng luntiang taglay
Kapag nalulungkot o kaya’y matamlay
Dahon pagmasdan lang, wala na ang lumbay.

Ang mga bulaklak na napakaganda


Sa pusong may lungkot dulot ay ligaya.
Ang simoy ng hangin puro at sariwa
Kapag mga puno may dahong sagana.

Ang buong paligid kapag natatamnan


Ng mga punongkahoy at mga halaman
Pagmasdan ang langit waring kaulayaw
Dakilang Lumikha tila natatanaw.

Magtanim ng puno sa buong paligid


Upang kalikasa’y tunay na masagip
Programang “Clean and Green” laging isaisip
Balanseng paligid tiyak na makakamit.

Halama’y nilikhang sa tao’y gagabay


Upang maging maayos, takbo ng buhay
Dapat na mahalin at pakaingatan
Tulad din ng ating sariling katawan.

Salamat po, o Diyos sa mga biyayang bigay


Ng ating kalikasang mapagmahal na tunay
Ang pangako po nami’y lubhang pakaiingatan
Mga puno’t halaman habang kami’y nabubuhay.

E. Pagtatalakay:
Pagtatalakay sa Pagpapahalaga ng lahat ng mga likha may buhay at mga material
na bagay: pag-alaga ng mga halaman.

F. Paglalahad ng Kasanayan (Guided Practice)


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat sitwasyon. Iguhit ang tala sa
tabi ng titik ng wastong sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga at


pagmamalasakit sa ating kalikasan?

a. Tinatapakan ko ang bagong tanim na halaman sa aming


bakuran.
b. Itinatapon ko an gaming basura sa tabing-ilog kung gabi.
c. Hinahayaan ko ang aking kaklase na magkalat ng dumi sa
aming silid-aralan.
d. Tumutulong ako sa paglilinis sa aming kapaligiran.

2. Alin sa sumusunod ang tama?

a. Ang pagputol sa malakaing puno ay nagpapakita ng


proteksiyon sa kapaligiran
b. Ang pag-iisprey ng insecticide sa mga gulayan ay tanda
ng pagpapanatili ng balanseng kapaligiran.
c. Ang pagsusunog ng mga tuyong dahoon ng mga
halaman ay tamang paraan upang tugunan ang
problema sa basura.
d. Ang pangangalaga at paghanga sa mga bulaklak at iba
pang halaman ay isang paraan ng pagpapakita ng
pagmamahal sa ating Diyos.
3. Niyaya ka ng iyong tatay sa paghingi ng binhing itatanim ngunit niyaya
ka rin ng iyong kaklase na maglaro sa plasa. Ang ang iyong gagawin?

a. Sasama ako sa aking kaklase para maglaro.


b. Sasama ako sa aking tatay at paghihintayin ko ang aking kaklase.
c. Hindi ako sasama sa aking tatay sasabihin kong maglalaro kami ng
aking kaklase.
d. Hindi ako sasama sa aking kaklase sasabihin kong may pupuntahan
kami ng aking tatay sa susunod na lang kami maglalaro.

4. Kompletuhin ang kasabihang “Ang pagiging Luntian ng Kapaligiran ay


sumasagisag sa _______________”?

a. Kalusugan ng pamayanan.
b. Kalusugan ng katawan at isip.
c. Kalusugan ng katawan at kagandahan.
d. Kalusugan ng buong mamamayan at pamayanan.

5. Ang pagsasaluntian ng kapaligiran ay pagtatanim ng mga halaman o


punongkahoy upang madagdagan o mapalitan ang mga nabuwal na mga
puno’t halaman. Ano ang ipinapakita ng tekstong ito?

a. Naipakikita ang pagmamahal sa Poong Maykapal.


b. Naipakikita ang pagmamahal sa ating mga magulang.
c. Naipakikita ang pagmamahal sa ating mga guro.
d. Naipakikita ang pagmamahal sa ating mga kamag-aral.

G. Paglinang ng Kasanayan
Panuto: Iguhit ang punongkahoy kung ang pangungusap ay napapakita ng
pangangalaga sa ating mga halaman at kapaligiran at dahon kung hindi

_____1. Paglahok sa proyektong “Plant a Tree a Day” sa komunidad.


_____2. Pagtatanim ng mga gulay sa likod-bahay.
_____3. Paglalagay ng kawayang bakod sa mga bagong tanim na puno at
halaman.
_____4. Pagdidilig ng mga bagong tanim na halaman.
_____5. Pagsasawalang-bahala sa mga hayop na kumakain ng bagong tanim na
halaman.

H. Paglalahat
Paano mapahahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay at mga material na
bagay?

I. Paglalapat
Panuto: Tingnang mabuti ang bawat larawan. Isigaw ang salitang YEAH kung
ito ay nagpapakita ng tamang gawain at BOOM naman kung hindi.

_______1.
_______2.

_______3.

_______4.

_______5.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahin at intindihin ang bawat sitwasyon. Iguhit ang tsek


and patlang kung ang ipinahahayag ay tama at ekis (X) kung mali.

__________ 1. Nakikilahok ako sa programang “Oplan Balik Tanim”.


__________ 2. Tumutulong ako sa pagtatanim ng halaman sa aming
paaralan at komunidad.
__________ 3. Kusa kong dinidiligan ang mga halaman sa aming paaralan.
__________ 4. Ibinubuwal ko ang mga halaman sa aming bakuran.
__________ 5. Pinipitas ko ang ano mang bulaklak na aking nakikita.

V. KASUNDUAN
Panuto: Gumuhit at sumulat sa isang bondpaper ng isang poster slogan na nagtataguyod ng
programang “Clean and Green” sa inyong pamayanan.

Inihanda ni:

GNG. MA. HAZEL C. MEMPIN


Guro

Inobserbahan ni:

G. RICHARD G. DOLOCANOG
Punong Guro III

You might also like