You are on page 1of 5

Learning Area Filipino Grade Level Ikaapat

W4 Quarter Ikatlo Date

I. LESSON TITLE Kaibahan ng Pang-abay at Pang-uri


Wastong Gamit ng Pariralng Pang -abay at Pandiwa, Pariralang Pang-
abay at Pang-uri sa Paglalarawan
II. MOST ESSENTIAL LEARNING Natutukoy ang kaibahan ng pang-abay at pang-uri F4WG-IIId-e-9.1
COMPETENCIES (MELCs) Nagagamit ang pariralng pang -abay at pandiwa,pariralang
pang- abay at pang-uri sa paglalarawan
F4WG-lll-e9
III. CONTENT/CORE CONTENT Nagagamit ang pariralang pang-abay at pandiwa, pariralang pang-
abay at pang-uri F4WG-IIId-e-9
Naipapamalas ang kakayahn at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya,kaisioan, karansan at damdamin
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning
Time Frame
Activities
A. Introduction 30mins Sa araling ito, kayo ay inaasahang:
Panimula ● Matutukoy ang kaibahan ng pang-abay at pang-uri
● Magagamit ang pariralang pang-abay at
pandiwa, pariralang pang-abay at pang-uri

Pang-uri – Ito ay mga salitang naglalarawan ng panggalan (tao,


bagay, hayop, pook, o pangyayari). Ito ay maaari ring maglarawan
sa hugis, sukat at kulay ng pangngalan.

Halimbawa: Si Lisa ay masipag.


Puti ang kulay ng kanyang damit.

Pang-abay – Ito ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay-turing


sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.

Halimbawa: Matiyagang nag-aaral si Alex.


Tunay na maaasahan sa gawain si Jessie.

Mga halimbawa:
Malakas ang pangangatawan ni Rene. (pang-uri)
Hinampas niya ng malakas ang kanyang unan. (pang-abay)

Si Mina ay masayahin. (pang-uri)


Masayang ipinagdiwang ni Myra ang kanyang
kaarawan. (pang-abay)

Upang madagdagan pa ang inyong kaalaman sa araling ito,


puntahan lamang ang link na nasa ibaba.

m.youtube.com/watch?v=aPCJ9E4jlPw

Ang pariralang pang-abay ay mga kataga o salita na


naglalarawan kung paano ginawa ang kilos(pamaraan),saan
(panlunan),o kalian(pamanahon) ang isinasaad ng pandiwa
Halimbawa:
Pamaraan- matiyaga niyang ipinaunawa
Panlunan - manirahan sa Pilipinas.
Pamanahon -maagang gumising

Ang pariralang pandiwa ay mga kataga o salita na nagpapakita


ng kilos o galaw
Halimbawa:
Laging nanood ng
balita Kumuha ng
ayuda Pagsout ng
face mask

Ang pariralang pang-uri ay mga kataga o salita na naglalarawan


ng tao,hayop,bagay o pook.
Halimbawa:

Mabait na guro
Mabangis na
hayop
B. Development 30 mins Basahin ang talata sa ibaba. Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan
Pagpapaunlad ng pagtukoy ng mga pang-uri at pang-abay na ginamit sa talata
at mga salitang inilalarawan nito.

Masarap magluto ng pinakbet ang Nanay ni Jimmy.


Pinitpit niyang mabuti ang bawang at hiniwa nang pantay-pantay
ang sibuyas at kamatis. Inihanda rin ang panghalong bagoong
isda na hinaluan ng kaunting tubig at sinala. Hiniwa rin niya nang
maliliit ang pansahog na baboy. Inihanda ni Nanay ang mga
gulay na iluluto. Hiniwa niya nang pahaba ang ampalaya at
parisukat naman ang kalabasa. Pinagputol-putol niya sa
katamtamang haba ang talong at sitaw.
Isinalang ni Nanay ang kawali. Pinagmantika niya ang
taba ng baboy at dito niya iginisa ang bawang, sibuyas, karne ng
baboy at hipon. Nilagyan niya ito ng kaunting sabaw ng dinikdik na
balat ng hipon at bagoong isda. Tinimplahan at pinakuluan ang
mga ito. Isa- isa niyang inihulog ang gulay na sitaw, ampalaya,
talong, at kalabasa.

(Hango sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa, St. Mary’s


Publishing Corporation)

Pang-uri Salitang Pang-abay Salitang


inilalarawan inilalarawan
Ano ang tawag sa pariralang nagpapakita ng kilos o galaw?
Ano ang tawag sa mga salitang naglalarawan ng tao,hayop,bagay
o galaw?
Ano ang tawag pariralang naglalarawan kumg paano,saan at
saan ginawa ang kilos?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1


Kumuha ng kapareha o kasama sa bahay .pagusapan ang mga
pariralang nasa ibaba.Hanapin ang mga pariralang pang-
abay,pandiwa at panguri. At sabihinkung ang mga ito ay
pariralng pang -abay ,pandiwa at pang-uri.
1.Nalaglag sa daan
2.mainit na kape
3.nagluto ng ulam
4.magandang magturo
5. kumain ng masustansyang pagkain

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2


Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na parirala.
1. Noong pasko
2. Maingat na sumulat
3. Lumangoy ng patihaya
4. Gumawa ng modyol
5. Dahang dahang lumakad
C. Engagement 30mins Gamitin ang mga sumusunod sa pangungusap.
Pakikipagpalihan
1. Malaya (pang-abay)
2. Pinakatanyag (pang-uri)
3. Magkasimputi (pang-uri)
4. Masigla (pang-abay)
5. Masigasig (pang-abay)

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Piliin ang mga pariralang pang abay,pandiwa at pang-uri sa
pangungusap.lagyan ito ng salungguhuit ang mag pariralang
ginamit.
1.Napatunayan naming magandang magturo ang mga
guro nang magkaroon ng pandemic.
2.Iinom kami ng gatas mamaya.
3.Kami ay tinuturuan ng aming magulng na maging
magalang
4.Maputi at maganda ang mga artista.
5.Kahapon pa nakaalis ang mga bisita.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4


Uriin ang pariralang pang-abay,pandiwa, at pang-uri
Sa likod bahay tuwing sabado
Nagdarasal kami boung na nililinang
Tahimik na paligid hinabol ng pulis
Magandang panahon lagi kaming
naglilinis Naglalaro kami malinaw na tubig

Pariralang Pang-abay Pariralang Pandiwa Pariralang Pang-uri


Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Gumawa ng mga pangungusap na maaaring makikita sa loob ng
iyong tahahan gamit ang pariralang pang-abay at pandiwa at
pariralang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6


Punan ang patlang ng pariralang pang-abay,pariralang pandiwa at
pariralng pang-uri

1.Umawit si mona sa telebisy0n.


2. ang nanay sa ilog
3.Kapag malapit nang umulan ang kalangitan ay .
4. Tuwing pasko ang mga bata.
5. kumain sa Jollibee.

Gawain Pagkatuto bilang 7


Basahin ang talata at salugguhitan ang mga pariralang ginamitn .

Ang ating ina ay sinsabing ilaw ng tahanan. Siya ang nag-


aaruga at nag-aalaga sa atin mula pagsilang hanggang sa ating
paglaki.malaki ang naging kaugnayan nila sa atin. Siya ang
humuhubog sa ating pagkatao upang lumaking mabuting
bata.sinikap ibigay ang lahatng ating pangangailanga.ping-aral
niya tayo upang maging maganda ang ating kinabukasan.Bilang
ganti naman dapat nating suklian ang kabutihan at
pagmamahal,pagsunod sa akanyang utos,maging masaya. Sa
kanyang pagtanda tayo namann sana ay maging gabay na
kalinga sa kanya.

D. Assimilation 20 mins Tukuyin kung ang salitang may salungguhit ay pang-uri o


Paglalapat pang-abay.

1. Ang buhay ng mag-anak na Garcia sa


probinsya ay maginhawa.
Ang mag-anak na Garcia ay maginhawang
namumuhay sa probinsya.

2. Madaling nakumpuni ng magkapatid


ang sirang bubong.
Ang pagkukumpuni ng sirang bubong ay madali
para sa magkapatid.

3. Maayos ang pila ng mga bata sa kantina.


Pumila ng maayos ang mga bata sa kantina.

4. Ang nanay ni Ara ay isang matiyagang


manggagawa sa Amerika.
Matiyagang naghahanapbuhay ang nanay ni Ara sa
Amerika.

5. Magaling magsulat ng mga tula si Lea.


Si Lea ay isang magaling na manunulat ng tula.
Kompletuhin ang talata. Punan ang patlang ng tamang sagot
.isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

Ang mga salita lalarawan ay tinatawan na pang-uri. Ang salitang


may kilos ay pandiwa. Ang salitang nasasaad kung kalian, saan at
paano ay tinatawag na pang-abay. Kapag ako ay sa
paaralan ay makikita ko ang tanawin. Pagkarating
ko sa aming ay kaagad akong naglilinis.
V. ASSESSMENT 10 mins Basahin ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang pang-uri o
(Learning Activity pang-abay na ginamit sa pangungusap at bilugan naman ang
Sheets for Enrichment, salitang inilalarawan o binibigyang-turing nito.
Remediation or
Assessment to be given 1. Mabigat ang mga kahon na binuhat nila mula sa bahay.
on Weeks 3 and 6)
2. Ang kanyang magulang ay mahinahong nakipag-usap
sa guro.

3. Marahang pinunasan ni Tope ang likod ng kanyang kapatid.

4. Namili ng masusustansiyang pagkain ang aking ina.

5. Malawak ang lupain nina Trina sa probinsya.

VI. REFLECTION Magsulat ka sa iyong kuwaderno ng iyong nararamdaman o


realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na

. Nabatid ko na

. Naisasagawa ko na
CHERRY ANN CLARIES R. RIVERA
T-II .

Prepared Checked ROBINSON O. CRUZ


by: by: Principal I

You might also like