You are on page 1of 20

3

Science
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Paggalaw ng mga Bagay
Science – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1:Paggalaw ng mga Bagay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-
ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Jhepart N. Casinto
Co-Awtor – Editor : Emmanda C. Cruz
Co-Awtor – Tagasuri : Emmanda C. Cruzla
Co-Awtor – Tagaguhit : Shaina E. Adion
co-Awtor – Tagalapat : Regine D. de Guzman

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Limay : Elma P. Dizon
Principal District LRMDS Coordinator : Joan C. Padua
Teacher District LRMDS Coordinator : Jerwin C. Perez
District SLM Content Editor : Janny L. Manla and Catherine E. Nangitngitan
District SLM Language Reviewer : Arlene M. Vallejos and Ma. Leonora C. Balcos
District SLM Lead Layout Artist : Alberto B. Lorenzo and Marry Lee A. Ajero
District SLM Lead Illustrator : Ma. Bernadette E. Mendiola and Joy Marie A. Salvador
District SLM Book Designer : Jerwin C. Perez

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Science : Edwin R. Bermillo
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
3

Science
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Paggalaw ng mga Bagay
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang


mabigyang-pansin at mapahalagahan ang paggalaw ng mga
bagay.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

1. Nailalarawan ang posisyon ng isang bagay kaugnay sa


posisyon sa iba pang bagay. (S3FE-IIIa-b-1):
a. Nailalarawan ang gamit ng reference object sa pagtukoy
ng eksaktong posisyon ng bagay.
b. Natutukoy ang ibat-ibang paraan upang mapagalaw
ang mga bagay gamit ang lakas (force).

Subukin

Kumusta ka na? Bago ka magsimula sa bago mong


aralin, hayaan mong samahan kitang tuklasin ang mga aralin
sa modyul na ito. Bilang pasimula, iyong sagutin ang
pagsasanay upang malaman natin kung ano na ang alam
mo sa araling ito.
Handa ka na ba?
Simulan mo na.

1
Panuto: Suriin ang bawat larawan. Isulat ang tamang salita na
naglalarawan sa posisyon ng bagay, hayop o tao sa bawat
larawan.

1. Ang aso ay nasa _____ ng


traysikel.

2. Ang pinto ay nasa _____ ng


batang lalaki.

3. Ang bola ay nasa ______ ng


hagdanan.

4. Ang mga lobo ay hawak ng


batang babae sa kaniyang ______
kamay.

5. Ang maleta ay nasa ______ng


aparador.

2
Aralin Posisyon ng Isang Bagay

1 Kaugnay sa Posisyon ng
Iba pang Bagay
Naranasan mo na bang maglaro ng sipaang bola (football)?
Paano mo napagalaw ang bola? Tama ka, mapapagalaw mo ito
sa pamamagitan ng pagsipa sa bola. Pero alam mo ba, na isa
lang iyan sa mga paraan kung paano napapagalaw ang mga
bagay sa paligid mo?

Sa modyul na ito, malalaman mo na may iba’t-ibang paraan


kung paano napapagalaw ang mga bagay. Ilan sa mga
paraang ito ay sa pamamagitan ng pagtulak, paghila, pagbato,
pagsipa, paghagis, pag-ihip, at paglaglag sa mga bagay.

Ngunit kung iyong susuriin, ang “Paggalaw ng mga Bagay,” ay


nauuri lamang sa dalawang paraan. Ito ay sa pamamagitan ng
pagtulak at paghila.

Ang paggamit mo ng force ang nagiging dahilan ng paggalaw


ng mga bagay. Sa paglalarawan ng paggalaw ng mga bagay at
direksiyon nito, mahalagang matutunan mo ang reference point
upang matukoy ang eksaktong posisyon ng bagay.

Balikan
Natatandaan mo ba ang iyong aralin tungkol sa mga
bagay na may buhay at mga bagay na walang buhay? Suriin mo
ang mga larawan at sagutin ang pagsasanay.

3
Suriin ang bawat larawan. Isulat ang BM, kung ito ay bagay na
may buhay at WB kung walang buhay.

_____1. _____2. _____3.

_____4. _____5.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga
mag-aaral upang mailarawan ang posisyon ng
isang bagay kaugnay sa posisyon sa iba pang
bagay, ang gamit ng reference object sa
paglalarawan ng posisyon ng mga bagay, at ang
paggamit ng lakas (force) upang mapagalaw ang
mga bagay.

Tuklasin

Basahin at unawain ang kuwento.

4
Ang Sundalong Si Natoy!
Isinulat ni: Jhepart N. Casinto

Si Natoy ay isang sundalo na walang baril. Laging sumasabak


sa giyera, madalas pagod, ngunit hindi naman nasusugatan. Ang
lugar ng giyera? Hindi naman sa Mindanao, kung hindi sa apat na
sulok ng kaniyang maliit na kuwarto.
Boom!!!Blag!!! Sabog ang mga kalaban! Ang sundalong si
Natoy ay bumagsak. Wala siyang sugat o galos man lang. Si Natoy
na bida sa giyera, sa ibabaw ng kama ay bumagsak at nasasabik
na sa panibagong giyera. Mabilis na pumindot ng cellphone,
“Mobile Legends na!”.
Ang pinangyarihan ng giyera ay halos hindi na makilala. Ang
dating maayos at malinis na kuwarto ay napakagulo na, tulad ng
mga damit, may mga balat ng sitsirya sa sahig, mayroon ding
nakaipit sa kuwaderno, gayundin sa ilalim ng kama. Ang pares ng
medyas na hinubad ni Natoy ay magkahiwalay. May nakasabit sa
TV at may nasa ilalim ng mesa.
“Natoy!!!” Sigaw ng nanay na nanlalaki ang mga mata.
“Bakit dinaanan na naman ng giyera ang kuwarto mo?”,
dagdag ng ina na sinabayan ng pagdampot ng mga kalat sa
sahig at pag-aayos ng mga aklat na nasa ibabaw ng mesa.
“Uunahin mo ba talaga ang paglalaro ng ML ha, bata ka?”
“Sandali na lang Nanay, matatapos na! Wait lang po, heto
na.” Sabay kamot sa ulo si Natoy. Lumabas na lamang ang Nanay
ni Natoy na pinipigil ang inis sa kaniya.
Mabilis na pinagpag ni Natoy ang kaniyang kama. May
nagtalsikang pagkain, barya, watercolor, pati mga styro at plastik
na kutsara. “Puwede na itong ayos na ito!” Sabay singit sa kalat sa
gawing baba ng kaniyang aparador. Ang ibang kalat ay hinagis
at sinipa niya sa ilalim ng kama.
Isang araw, nataranta si Natoy dahil hindi niya mahanap ang
kaniyang takdang-aralin. “Naku! “Nasaan na ba ang takdang-
aralin ko? Maganda pa naman ang pagkakagawa ko sa

5
saranggola at sa bangkang papel”, ang sabi ni Natoy. Hinanap
niya ang mga ito, ngunit hindi niya natagpuan.
Sa klase ni Gng. Nabua, isa-isang iniabot ng mga kaklase ni
Natoy ang kanilang takdang-aralin. Makikita ang pagkatuwa ni
Gng. Nabua sa linis at pagkamalikhain ng mga bata. Ngunit,
kumunot ang mukha niya pagkakita sa gawa ni Natoy. Nalungkot
si Natoy dahil alam na niyang hindi natuwa ang guro sa kaniyang
gawa. Minadali niyang gawin ang takdang – aralin upang may
maipakita lamang sa kaniyang guro, kapalit ng nawala niyang
gawa.
Tinalakay na ng guro ang kanilang takdang- aralin. “Mga
bata, ano-anong materyales ang ginamit ninyo sa paggawa ng
saranggola at bangkang papel?”, tanong ni Gng. Nabua. “Ibat-
ibang uri ng makukulay na papel po,” masiglang sagot ng mga
mag-aaral, ngunit si Natoy ay hindi makatingin sa guro. Patuloy ang
talakayan sa klase. “Paano ninyo mapalilipad ang saranggola sa
himpapawid?” muling tanong ng guro. “Sa pamamagitan po ng
hangin”, tiwalang sagot naman ng isa pang bata. “Paano ninyo
naman mapagagalaw ang bangkang papel?” Sunod na tanong
ni Gng.Nabua. “Kapag inilagay po sa umaagos na tubig, gagalaw
po ang bangkang papel,” ang sagot ng isa pang bata. Natapos
ang talakayan nang hindi kumikibo si Natoy, kung kaya
pinaiwanan siya ng kanilang guro.
“Natoy, alam kong magaling kang bata. Unahin mo muna
ang mahahalagang bagay at iwasan ang mga hadlang upang
matupad mo ang iyong pangarap. Gusto mong maging sundalo
pagdating ng araw, hindi ba?”, pangaral ng guro.
Tumango si Natoy nang dahan-dahan, nalaman niya ang
kaniyang pagkakamali. Upang maging sundalo, kailangan niyang
simulan sa kaniyang sarili. Maging malinis, masinop, at maayos sa
mga gamit. Ang ML ni Natoy, maari pa naman! Dapat lang
bawasan.

6
Suriin

Nagustuhan mo ba ang kuwento?

Subukin mo namang sagutin ang mga tanong na galing sa


kuwentong iyong binasa.

1. Sino ang batang pinag-uusapan sa kuwento?


2. Ano ang laging ginagawa ni Natoy?
3. Saan makikita ang mga balat ng sitsirya?
4. Saan nakita ni Natoy ang pares ng kaniyang medyas?
5. Ano ang ginawa ni Natoy sa iba pang kalat upang hindi
makita ng kanyang nanay?
6. Paano mo matutulungan ang iyong nanay sa gawaing -
bahay?
7. Bakit mahalagang maging malinis at maayos sa iyong mga
gamit?

7
Dapat mong Tandaan:

Ang posisyon ng isang bagay ay maaring matukoy sa


pamamagitan ng posisyon nito kaugnay ng iba pang bagay.
Mahalagang gamitin ang reference object upang
mailarawan ang eksaktong posisyon na kinalalagyan ng mga
bagay.

Halimbawa:

❖ May mga balat ng sitsirya sa sahig, nakaipit sa


notbuk, at sa ilalim ng kama.
Saan makikita ang mga balat ng sitsirya?
Sagot: sa sahig, sa notbuk at sa ilalim ng kama.

Ang mga sagot na nasa sahig, sa notbuk, at sa ilalim ng


kama ang siyang ginamit na reference object upang
matukoy ang posisyon o kinalalagyan ng mga kalat.

❖ Maaring mapagalaw ang mga bagay sa


pamamagitan ng pagtulak (push), o paghila (pull).
Ang pagtulak at paghila ay tinatawag na force na
siyang nagiging sanhi ng paggalaw ng mga
bagay.

8
Pagyamanin

Ngayong alam mo na ang kahalagahan ng reference object,


subukin mong sagutin ang pagsasanay.

Suriin ang bawat larawan at tukuyin ang kinalalagyan nito. Piliin


ang tamang sagot sa loob ng kahon.

ibabaw ng kama dingding sanga ng puno


taas ng refrigerator ibabaw ng lamesa

1. Ang sombrero ay nakapatong sa


_____.

2. Ang ibon ay nakadapo sa


_______.

3.
Ang pusa ay nasa _______ng ate.

4. Ang salamin ay nakasabit sa


_______.

5.
Ang laptop ay nasa ________.

9
Isaisip

Punan ng tamang salita ang mga patlang upang mabuo mo ang


kaisipan ng mga aralin sa modyul na ito. Piliin mo ang tamang
sagot sa loob ng kahon.

reference object bagay pagtulak force


paghila posisyon

Aking natuklasan na ang mga bagay ay maaring


mapagalaw sa pamamagitan ng _____ at _____, at ito ay
tinatawag na _____.

Ang ______ ng isang bagay ay maaring matukoy sa


pamamagitan ng posisyon nito sa iba pang ______.

Sa paglalarawan ng eksaktong posisyon ng bagay,


mahalagang gamitin ang ______.

10
Isagawa

Ngayong alam mo na ang ibat-ibang paraan kung paano


napapagalaw ang mga bagay, sagutan mo ang susunod na
pagsasanay.
Suriin ang bawat larawan at isulat ang kilos na ipinapakita. Piliin
ang tamang sagot sa loob ng kahon.

binato sinipa hinahatak tinutulak


hinagis

1. _____ ni Mang Jun ang


kanyang lambat.

2. _____ ni Jirehl ang bola


papunta sa kalaban.

3. _____ ni Cypres ang


kaniyang bag sa kama.

11
4. ______ ni Aling Gelly ang
karitong puno ng paninda.

5. ______ ni Ethan ang


latang nakatayo.

Tayahin

Lagyan ng (/) kung tama ang sinasabi ng pangungusap at (X)


kung mali.

_______1. Ang force ay walang kinalaman sa paggalaw at


pagbabago ng posisyon ng mga bagay.

_______2. Ang reference object ay mahalagang gamitin upang


makita ang eksaktong posisyon ng isang bagay.

_______3. Ang mga hayop ay may kakayahan ding pagalawin ang


mga bagay.

_______4. Ang posisyon ng isang bagay ay maaring matukoy sa


pamamagitan ng posisyon nito sa iba pang bagay.

_______5. Ang pagsipa, paghagis, at pagtulak ay mga paraan


upang mapagalaw ang mga bagay.

12
Karagdagang Gawain

Basahin ang impormasyong tumutukoy sa kinalalagyan ng bawat


bagay at iguhit ang posisyon nito sa larawan sa loob ng kahon.
Gawin mo ito sa iyong kuwaderno.

1. Ang flower vase ay nasa ibabaw


ng lamesa.

2. Ang palanggana ay nasa ibaba ng


gripo.

3. Ang halaman ay nasa tabi ng


pintuan.

4. Ang bola ay nasa ilalim ng higaan.

5. Ang orasan ay nakalagay sa taas


ng pinto.

13
Susi sa Pagwawasto

Subukin : Balikan

1. tabi 1. MB
2. kaliwa 2. MB
3. iIalim 3. MB
4. kanang kamay 4. WB
5. taas 5. MB
.

Suriin:

1. Natoy
2. Naglalaro ng ML
3. sa sahig, nakaipit sa notbuk, ilalim ng kama
4. nakasabit po sa TV, at ilalim ng kama
5. hinagis at sinipa sa ilalim ng kama
6. ang sagot ay maaring magkakaiba-iba
halimbawa:
magwawalis, maghuhugas ng mga plato, magliligpit ng
pinaghigaan at iba pa
7. ang sagot ay maaring magkakaiba-iba
halimbawa:
maiiwasan ang sakit, hindi mahirap maghanap ng gamit kung
kailangan

PAGYAMANIN ISAISIP TAYAHIN


ISAGAWA
1. Taas ng 1. pagtulak 1. X
refrigerator 2. paghila 1. hinahatak 2. /
2. Sanga ng 3. force 2. sinipa 3. /
puno 4. posisyon 3. hinagis 4. /
3. Ibabaw ng 5. reference 4. tinutulak 5. /
kama object 5. binato
4. Sa dingding
5. Ibabaw ng
lamesa

KARAGDAGANG GAWAIN

1. 2. 3. 4. 5.

14
Sanggunian

DepEd (2015). Science – Grade 3, Teacher’s Guide, First Edition


2015.

Deped (2015). Science – Grade 3. Kagamitan ng Mag-aaral,


(Tagalog). First Edition 2015.

K to 12 Most Essential Learning Competencies in Science, Third


Quarter

Deped (2016). K to 12 Curriculum Guide. Science 3

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like