You are on page 1of 16

Filipino

Ikatlong Markahan – Modyul 1:


Pagtukoy sa mga Tambalang Salita
Filipino – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pagtukoy sa mga Tambalang Salita
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rolit Grace A. Vibas
Editor: Ramon S. Gravino Jr., Gemma M. Gutierrez
Tagasuri:
Tagawasto: Ramon S. Gravino Jr., Gemma M. Gutierrez
Tagaguhit at Tagalapat: Jay Mark M. Alocelja, Thonver R. Sampaga
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Cristy C. Epe
Janette G. Veloso Beverly S. Daugdaug
Analiza C. Almazan Mary Joy B. Fortun
Ma. Cielo D. Estrada Imelda T. Cardines
Mary Jane M. Mejorada Joan M. Niones

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region XI

Office Address: F. Torres St., Davao City


Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Pagtukoy sa mga Tambalang Salita
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Kumusta ka?

Maligayang pagdating sa panibagong modyul.

Sa modyul na ito, matutuhan mo ang iba’t ibang tambalang salita


at ang kahulugan ng mga ito.

May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang
iyong kaalaman tungkol dito.

Pagkatapos ng mga gawain sa modyul na ito, ikaw ay


inaasahang:
• nakatutukoy ng kahulugan ng mga tambalang salita na
nananatili ang kahulugan.

Subukin
Bago ka magpatuloy sa iyong aralin, sagutin mo muna ang
sumusunod na gawain.
Panuto: Pagsamahin ang mga salita sa loob ng kahon upang
mabuo ang tambalang salita. Isulat ang limang nabuong
bagong salita sa iyong sagutang papel.

bahay kubo kamay


agaw urong buhay
nakaw tingin hawak
sulong

2
Balikan
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang katawagan ng mga larawan sa
Hanay A. Isulat ang letra ng ng iyong sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

____ 1. a. hawak-kamay

____ 2. b. hating-gabi

____ 3. c. bahaykubo

____ 4. d. urong-sulong

____ 5. e. silid-aralan

3
Tuklasin
Para sa magulang/guro
(Gabayan ang bata sa pagbabasa)

Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na tula. Maaaring


magpatulong sa iyong magulang o kamag- anak sa pagbabasa.

Sa Gitna ng Kalamidad

Sa loob ng aming munting bahay-kubo


Kapit-bisig nilabanan ang pagyanig nito
Takot na ito’y guguho’t maglalaho
Dalangin na manatiling nakatayo.

Hatinggabi noon nang mangyari ito


Umalingawngaw sigaw ng mga tao
Urong-sulong ‘di alam saan patungo
Sa Panginoo’y taos-pusong nagsumamo.

4
Madaling-araw na’y di pa makatulog
Lagi nagmamatyag kung uminog
Kahit puso ma’y lumalakas ang kabog
Pilit nagpatatag sa Diyos ay dumulog.

Suriin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang


iyong mga sagot sa kuwaderno.
1. Tungkol saan ang tula?
2. Ano sa palagay mo ang kalamidad na naganap sa tula?
3. Kung ikaw ang nasa sitwasyon, ano ang gagawin mo?
4. Ano-anong ang salitang nakasulat nang maitim?
5. Ano ang tawag sa mga salitang ito?

Gabay sa magulang/guro
(Tatalakayin ng magulang/guro )
Ang tambalang salita ay binubuo ng dalawang salitang
magkaiba na pinagtambal.

May mga tambalang salita na nananatili ang taglay na


kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal.

Halimbawa
hawak-kamay – magkahawak ang kamay ng
dalawang tao
urong-sulong – di-sigurado sa hakbang
bahaykubo – bahay na gawa sa nipa
silid-aralan – silid ng paaralan
kapitbahay – kalapit na bahay
hating-gabi – kalagitnaan ng gabi

5
Samantala may mga tambalang salita na nawawala ang
sariling kahulugan kapag pinagtambal at nagkakaroon ng
panibagong kahulugan

Halimbawa
balat-sibuyas – iyakin
dalagang-bukid – uri ng isda
sirang-plaka – paulit-ulit ang salita
lakad-pagong – mabagal lumakad
hampas-lupa – mahirap
ningas-kugon – mabuti lang sa umpisa

Pagyamanin
Panuto: Buoin ang tambalang salita. Gamitin bilang gabay ang
ibinigay na kahulugan at ang mga salita sa loob ng kahon. Isulat
sa papel ang iyong mga sagot.

Tambalang Salita Kahulugan


1. __________-kamay dalawang kamay na magkahawak

2. urong- _________ hindi makapasya kung uurong


o susulong

3. ________ bahay taong nakatira sa katabi o kalapit


na bahay

4. bahay ________ katutubong bahay na gawa sa


kawayan at dahon ng nipa

5. __________ - bisig pagsasama at pagtutulungan


ng mga tao

6
Isaisip

Panuto: Punan ng angkop na titik ang kahon upang maibigay


ang tamang sagot batay sa kahulugang ipinahiwatig sa ibaba.

a b n

s l a
- ang tawag sa dalawang payak na salitang
pinagsama upang makabuo ng bagong salita.

Isagawa
Para sa magulang/guro
(Gabayan ang bata sa pagbabasa )
Basahin at unawain ang maikling kuwento na makikita sa susunod
na pahina.Maaaring magpatulong sa mga magulang sa
pagbabasa. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na gawain.

7
Paghahanda Sa Panahon ng Sakuna

Umaga noon nang maganap sa loob ng aming silid-aralan


ang Earthquake Drill. Kaming lahat ay sabay-sabay na
isinagawa ang duck, cover, and hold. Ilang sandali pa’y
pumunta kami sa ilalim ng mesa. Nakaw-tingin lamang ang
aming guro sa iba kong kaklase habang pilit niyang pinakalma
ang lahat.
Pagkatapos ng ilang minuto ay dahan-dahan kaming
tumayo at dalawahang lumabas sa aming silid-aralan.
Hawak-kamay at magkadikit na para bang kambal-tuko
ang dalawa kong kaklase habang papunta sa
evacuation area.
Agaw-pansin ang sigaw ng isa sa kanila dahil takot na
takot siya sa nangyari kahit ito’y pagsasanay lamang.
Naging matagumpay ang nasabing pagsasanay at
nagpapasalamat ang aming guro sa aming kooperasyon.

Panuto: Isulat sa papel ang mga tambalang salita na


matatagpuan sa kuwento.

Mga Tambalang Salita


1.___________________ 4. _______________________
2.___________________ 5. _______________________
3. __________________

8
Tayahin
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salita sa
Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang letra ng iyong sagot.
Hanay A Hanay B
1. tubig-alat a. trabaho
2. hatinggabi b. payat na payat
3. silid-tulugan c. kalagitnaan ng gabi
4. buto’t balat d. tubig galing sa dagat
5. hanapbuhay e. silid sa bahay na tinutulugan

Binabati kita!

Natapos mo na ang modyul na ito.

Maaari ka nang magpatuloy sa susunod na kasanayan.

Karagdagang Gawain
Panuto: Piliin ang angkop na tambalang salita sa kahon upang
mabuo ang pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

hatinggabi taos-puso urong-sulong


lakas-loob kapitbahay

1. _______________ na nang maganap ang lindol.


2. _______________ na nagdarasal ang mga tao.
3. Sila ay _________________ dahil hindi nila alam saan
sila tutungo.
4. Kailangang mahinahon at may _____________ na harapin
ang mga sakunang gaya nito.
5. Ang mga _______________ namin ay nagkagulo.

9
Susi sa Pagwawasto
Subukin Balikan
bahay-kubo urong-sulong 1. c
agaw-buhay nakaw-tingin 2. b
hawak-kamay 3. a
4. e
Suriin 5. d
1. Ang tula ay tungkol sa
kalamidad. Pagyamanin
2. lindol 1. hawak-kamay
3. maging handa at alerto 2. urong-sulong
(kung ano pa ang mga 3. kapit-bahay
posibleng sagot) 4. 4. bahay-kubo
4. bahay-kubo ; kapit-bisig ; 5. 5. nakaw-tingin
hatinggabi ; urong-sulong ;
taos-pusong ; madaling-araw
5. tambalang salita Isaisip
tambalang salita
Isagawa
1. silid-aralan Tayahin
2. nakaw-tingin 1. d.
3. hawak-kamay 2. c.
4. 4. kambal-tuko 3. e.
5. 5. agaw-pansin 4. b.
5. a.
Karagdagang Gawain
1. hatinggabi
2. taos-puso
3. urong-sulong
4. lakas-loob
5. kapit-bahay

10
11
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like