You are on page 1of 24

FILIPINO 3

UNANG MARKAHAN-IKALAWANG LINGGO

Pagsagot sa mga tanong sa


kuwento,usapan, teksto, balita o tula
DAY 1

Paggamit ng
Magagalang na Pananalita
Layunin :
❖ Nasasagot ang mga tanong
tungkol sa napakinggang
kuwento, usapan, teksto, balita o
tula
Pagpapalawak ng Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng salitang may
salungguhit.

1.Dumalaw si Lea sa kaniyang


kaibigang may-sakit.
2. Masarap tumira sa probinsiya
dahil payak ang pamumuhay doon.
3. Maraming magandang tanawin
ang makikita sa probinsiya ng
Ilocos.
VIDEO NG KUWENTO :
SAGUTIN
1. Sino-sino ang mga tauhan ?
2. Saan nagbakasyon sina Benjie at ang kanyang
nanay?
3. Kailan dumalaw ang pamilya ni Benjie sa Bicol?
4. Paano mailalarawan ang batang si Benjie?
5. Dapat ba siyang tularan?
TANDAAN:
Sa pagsagot natin sa mga tanong tungkol
sa kuwento at usapan, mahalaga na
nauunawaan mo ang mga kaganapan at
pangyayari na naganap dito.
Magagalang na Pananalita:
1. Paggamit ng “po” at “opo” habang nakikipag-usap
sa nakatatanda
2. Pagmamano
3. Pagbati -Hal: Magandang umaga po.
4. Paghingi ng paumanhin kapag nagkasala o
nagkamali.
PANGKATANG GAWAIN: Paggawa ng isang dula-
dulaan na nagpapakita ng:

Pangkat 1: Magalang na Pagbati


Pangkat 2: Pakikipag-usap sa Matatanda
Pangkat 3: Pakikipag-usap sa mga hindi
kakilala
Pangkat 4: Paghingi ng Paumanhin
PAGTATAYA:

Magbahagi sa klase ng iyong karanasan tungkol sa


pagpapakita ng iyong paggalang.
DAY 2
Pagsunod sa Nakasulat
na Panuto
Gawin ang mga sumusunod:
1. Umupo nang maayos.
2. Itaas ang dalawang kamay.
3. Sabihin nang malakas ang iyong pangalan.
1. Ibigay ang kahulugan ng masipag, palawakin ang
kahulugan nito.
2. Gamitin sa pangungusap ang salitang masipag.
Pagbabasa ng Kuwento:
Itanong: Bakit kaya gustong-gusto ni Allan ang araw
ng Sabado?
Hula Ko Tunay na Nangyari sa Kuwento
Pagbabasa ng Kuwento:
Itanong: Bakit kaya gustong-gusto ni Allan ang araw
ng Sabado?

Hula Ko Tunay na Nangyari sa Kuwento

?
Ang Sarap Talaga
Ako si Allan. Ang tawag nila sa akin ay Allan masipag.”
Sa umaga pagkagising, agad kong inaayos ang aking higaan
at mag-isa na akong maglilinis ng aking katawan.
Habang naghihintay ako na maluto ang aming almusal,
tinutulungan ko si kuya sa pagdidilig ng mga halaman sa
aming hardin.
Kapag si ate naman ay nakikita kong naglilinis sa loob ng
aming bahay, tinutulungan ko siya sa pagpupunas ng mga mesa.
Si tatay naman ay tinutulungan ko sa pagpapakain ng kaniyang
mga alagang manok.
Pagkatapos naming kumain ng almusal, ako ang laging
tagalinis ng mesa. Matapos kong tulungan ang aking pamilya,
lalabas na ako ng aming munting bahay upang makipaglaro sa
aking mga kaibigan. “Ang sarap talaga kapag araw ng Sabado”.
Pagbabasa ng Kuwento:
Itanong: Bakit kaya gustong-gusto ni Allan ang araw
ng Sabado?

Hula Ko Tunay na Nangyari sa Kuwento

?
PAGSASANAY:
1. Tumingin sabuong paligid ng paaralan.
2. Ipabasa at ipatala ang isang nakapaskil na panutong
nasunod. Bigyan nang sapat na oras ang mga bata na
maisagawa ito.
3. Matapos ang laang oras, ipabasa sa mga bata ang
nasunod nilang panuto.
DAY 3

Salitang Magkasingkahulugan

You might also like