You are on page 1of 3

LEARNERS ACTIVITY SHEET (LAS)

Bahagi 1:
Asignatura: FILIPINO 2 Linggo: 4 Tagal/Oras: _________Petsa:____________

Pangalan:____________________________Baitang/Antas: _2-BONIFACIO

Guro

Mga Kasanayan sa Pagkatuto ( Sumangguni sa TRG)


Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa nabasang kuwentong kathang-isip (hal: pabula, maikling
kuwento, alamat), tekstong hango sa tunay na pangyayari (hal: balita, talambuhay, tekstong pang-
impormasyon), o tula

Layunin: Sa aralin ito ay ibabahagi sa iyo ang mga kuwentong iyong kagigiliwang basahin at magdulot ng
mga magagandang aral
Paksa: Pagsagot sa mga Tanong sa Napakinggang Kuwentong Kathang-isip

Minamahal kung mag-aaral,


Magandang umaga. Itong hawak mo ngayon ay ang “learning
activities” ninyo para sa linggong ito. Intindihin at sundin ang mga panuto sa
bawat “activity”. Kung mayroon kang hindi maintidihan maaari ka humingi ng
tulong sa sino man ang sa tingin mo ang may kakayahan na tulungan ka. At ang
pinaka mahalaga sa lahat panatilin maging ligtas habang ginagawa ang inyong
activity.
Nagmamahal,
Ang iyong Guro
Bahagi II
Panuto: Basahin ang Tula. “Si Adrian, Ang Batang Magalang.
“Si Adrian, Ang Batang Magalang”
Ako ay may kilala, isang batang magalang
Lagi siyang pinagkakatuwaan
Adrian ang kanyang pangalan.
Kapag ikaw sa kanya’y lumapit
“Magandang araw po” ang sambit,
Sa pagbuka ng bibig.
“Mano po, Lolo, Lola”
“Salamat po.” “Patawad po.”
Bukal mula sa puso.
“Tuloy po kayo.”
Bungad sa kapwa tao,
“Kayo po’y maupo.”
Anyayang masuyo
Sige na at tularan
Si Adrian, ang magalang
Papuri’y kakamtan
Sa Diyos at sangkatauhan.
Gawain 1

Panuto: Sagutin ang tanong mula sa tulang napakinggan.

1.) Sino ang batang huwaran ng paaralan dahil sa kanyang pagiging magalang?
a. Jose b. Adrian k. Manuel
2.) Ano ang kanyang sinasambit kapag ikaw sa kanya’y lumapit?
a. tao po b. sino po ang kailangan ninyo k. Magandang araw po
3.) Paano nakikipagusap si Adrian sa kanyang Lolo at Lola?

________________________________________________________________________
4.) Bakit dapat nating tularan si Adrian?

________________________________________________________________________
GAWAIN 2.
Panuto: Babasahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong.

Malapit-lapit na naman ang tag-ulan kung kaya’t ang isang mag-anak na langgam ay abalang-
abala sa paghahakot ng pagkain para sa kanilang pinagtataguan. “Huwag kayong lilihis ng
landas patungo sa ating lungga dahil sa may gawing kaliwa ay may munting kanal,” sabi ni Tatay
Langgam.
“Hindi po kami lalayo,” sabi ni Unang Munting Langgam.
Abala sa paghahakot ng mga pagkain ang bawat isa kung kaya’t hindi nila napansin ang Bunsong
Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila.
“Nakakapagod naman ang paghahakot ng pagkain. Matagal pa naman ang tag-ulan ay
naghahanda na kami, “Sabi sa sarili ng Bunsong Langgam. “Buti pa’y maghanap ako ng mas
masarap na pagkain.”
Walang anu-ano’y nakakita ng isang kendi na malapit na malapit sa kanal na ipinagbabawal na
puntahan ng kanyang ama.
“Siguro naman ay hindi ako mahuhulog sa kanal kung dahan-dahan kong kukunin ang kendi.”
Sa kasabikan niyang makuha ang kendi ay hindi niya napansin ang munting sinulid na
kinapatiran ng kaniyang paa kaya nawalan siya ng panimbang at tuloy-tuloy na nahulog sa
kanal.
Hindi mapakali ang Amang Langgam nang hindi niya Makita ang kaniyang Bunsong anak sa pila.
Kaya dali-dali siyang umalis upang ito’y hanapin hanggang sa siay’y mapadako sa ipinagbabawal
na pook. Pagtingin niya sa ibaba ay nakita niyang nakalutang sa tubig ang kanyang Bunsong
anak.
Masakit man sa kalooban ay naibulong niya sa kaniyang sarili na, “Iyan ang napapala ng mga
anak na matigas ang ulo.”

Panuto: Sagutin ang mga tanong at piliin ang titik na tamang sagot.
1.) Ano ang pamagat ng kwentong iyong binasa?
a. dyaryo b. Ang Mag-anak na Langgam k. Kaibigan ni Langgam

2.) Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento?


a. Munting langgam, Amang Langgam b. Si Tipaklong k. Ang mga Unggoy
3.) Sino ang sumuway sa utos ni Tatay Langgam?
a. si ateng Langgam b. Si bunsong Langgan k. Inang Langgan
4.)Saan nahulog si Bunsong Langgam?
a. Sa ilog b. sa mga kanal k. sa mga dahon
5.Anong aral ang natutunan mo sa kwentong iyong binasa?

GAWAIN 3. Basahin ang Alamat Sagutan ang mga tanong sa ibabang bahagi
Panuto:

Panuto: Isulat kung maganda ang layunin at Kung hindi maganda ang
layunin
1. Maging mapagnasa sa pag aari ng iba__________
2.Maging matapat at mabait_____________________
3.Maging maayos,malinis sa tahanan at kapaligiran______
4.Maging masipag para sa pag unlad ng kabuhayan_______________
5.Maging magalang at masunurin sa magulang___________________________

You might also like