You are on page 1of 6

Sangay ng mga Paaralang Panlungsod ng Paranaque

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO II
Ikalawang Markahan
Modyul 2: Ikalawang Linggo

Kaibigan, Maging Sino Ka Man

Mga Kasanayang Pampagkatuto


Nakapagbabahagi ng sarili sa kalagayan ng kapwa tulad ng: antas
ng kabuhayan, pinagmulan, pagkakaroon ng kapansanan (EsP2P- IIc – 7)

Mga
Mga Layunin
Nais ng araling ito na malinang at mapaunlad ang mga sumusunod:
• Naiisa-isa ang mga wastong pakikitungo sa kapwa sa pamamagitan
ng pagbabahagi ng sarili sa kalagayan ng kapwa
• Naipahahayag ang saloobin sa pagbabahagi ng sarili sa kapwa
• Naisasagawa ang mga gawain na nagpapakita pagbabahagi ng sarili
sa kalagayan ng kapwa

Basahin at unawain ang mga sumusunod na gawain. Isulat ang iyong


sagot sa sagutang papel.

1
Balikan Natin

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang bilang ng larawan ay nagpapakita ng


pagiging magiliw at pala-kaibigan sa kapwa at ekis (x) kung hindi.

1. 4.
___________________ __________________

2. 5.
___________________ ___________________

3.
___________________

2
Unawain Natin

Sa tulong ng tagapag daloy,basahin ang kwento at sagutin ang mga


sumusunod na tanong.

Ang Batang Magiliw


ni M.C. Caraan

Isang magiliw at masayahing bata


si Carlo. Pagkagising pa lang niya sa
umaga ay magiliw na niyang
binabati ang kanyang pamilya pati
na rin ang kanyang mga
kapitbahay.

Minsan, habang siya ay naglalaro may dumaan na isang


Aeta. Nagtakbuhan ang kanyang mga kalaro papalapit dito at
tinuksong pangit at galing sa bundok. Nilapitan sila ni Carlo at
pinagsabihan.
Dumating naman ang kaibigan ni Carlo na si Lito. Isang
batang pilay. Agad niyang inalalayan at inalok na sumali sa
kanilang laro.
May pagkakataon din na binibigyan niya ng isang pagkain
ang kapitbahay nila. Naaawa kasi siya rito dahil nakikita niyang
wala itong makain.

Pag-usapan natin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Anong ugali ang pinakita ni Carlo sa kwento?


2. Tama ba ang ginawa ni Carlo sa batang aeta at sa kaibigan
niyang pilay?Bakit?
3. Bilang isang bata, paano mo maipakikita ang pagiging magiliw
sa iyong kasapi ng pamilya? sa Kalaro o kaklase?
4. Sumulat ng tatlong mahalagang ugali na natutunan mo sa
kwentong ito.

3
Ilapat Natin

Tingnan ang mga larawan. Isulat kung ano ang dapat mong gawin kapag
may mga ganitong kalagayan ng kapwa.

1. 2.

______________________ _______________________

3. 4.

_______________________ _______________________

Suriin Natin

Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapahayag ng pagbabahagi


ng sarili sa kalagayan ng kapwa. Iguhit ang hugis puso ( ) kung oo at hugis
bilog ( ) kung hindi.

1. Ibinabahagi ni Andres ang kanyang meryendang tinapay sa batang


umiiyak dahil nagugutom.
2. Hindi isinasali ng mga bata sa laro ang isang batang Igorot.
3. Namamahagi ng pagkain ang mag-anak ni Mang Jose at Aling Belen
sa mga kapitbahay na nasunugan.
4. Pinagtatawanan ni Carol ang paglakad ng kapitbahay niyang kuba.
5. Sinasaway at pinagsasabihan ni Obet ang mga batang nanunukso sa
isang batang pulubi.

4
Likhain Natin
Gumawa ng isang slogan na may temang “Maging Pagpapala
sa Kapwa sa Salita at sa Gawa”. Ito ay naglalaman ng
pagbabahagi mo ng iyong sarili sa kalagayan ng iyong kapwa tulad ng:
antas ng kabuhayan, pinagmulan, at may kapansanan. Ilalagay mo ito sa
isang malinis na papel at lalagyan ng disenyo.Ipapakita at babasahin mo ito
sa iyong kasama sa bahay at pipirmahan ng isa sa iyong mga magulang
bilang katunayan na nakita nila ang iyong ginawa.
Ikaw ay mamarkahan ng iyong guro sa pamamagitan ng rubriks sa ibaba.

Rubrik para sa slogan:

Tayain Natin

Sa tulong ng tagapagdaloy,basahin at unawain ang mga sumusunod na


pangungusap. Isulat ang titik ng iyong sagot.
1. May nakasabay kang batang pilay na may saklay na bumibili sa
tindahan. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Pauunahin ko na siyang bumili.

5
B. Panonoorin ko siya kung paano maglakad.
C. Magkukunwari na di ko siya nakikita,

2. May nakita kang mga bata na naghahanap ng pagkain sa


basurahan sa may gate ng inyong bahay. May natitira pang pansit
na meryenda ninyo kanina. Ano ang dapat mong gawin?
A. Pagtatawanan ko sila habang pinanunood.
B. Ibibigay ko na lang ang natitirang meryenda.
C. Pagsasabihan ko sila na huwag ikalat ang mga basura.
3. May bago kayong kapitbahay na isang Igorot. Paano mo siya
pakikitunguhan?
A. Hayaan lang at hindi papansinin.
B. Lalapitan ko siya at makikipag-kaibigan sa kanya.
C. Sasabihan ko ang ibang bata sa aming lugar na huwag siyang
lapitan.
4. Makikitira muna ang pamilya ng iyong tiyo sa inyo dahil nasunugan
sila ng bahay. Ano ang mararamdaman mo?
A. Maiinis at hindi papansinin ang mga anak ng tiyo.
B. Makikisama at kakaibiganin ang pamilya ng iyong tiyuhin.
C. Mayayamot dahil sisikip na ang bahay ninyo.
5. May batang kumatok sa bintana ng inyong sasakyan para
magbenta ng Sampaguita. Ano ang dapat mong gawin upang siya
ay matulungan?
A. Ipabibili ko kay nanay ang tindang Sampaguita para makauwi
na siya.
B. Pagsasabihan siya baka ay mabangga ng sasakyan.
C. Hahayaan na lamang at magkunwari di ito nakikita

You might also like